Five-Ang Bahay Bakasyunan

1896 Words
" Wow! Grabe, bahay niyo ba talaga 'yan Sam? " namamangha na tanong ni Yannie. Parang bata itong nakamasid sa bintana ng kotse. " Oo, sa amin ang bahay na 'yan. " natatawang sagot ni Sam, ito ang nagmamaneho ng kanilang sinasakyan. " Salamat nga pala at isinama mo kami sa bakasyong ito. Kahit na magiging istorbo at sabit kami sainyong dalawa. " nanunudyong sabi ni Yannie. " Tama ka diyan Ate Yannie! Nkakatuwa talaga ang ka-sweetan ni Kuya Sam, lahat ay gagawin para kay Ate. " dugtong ni Gemma. " Parang si Superman na handang ipagtanggol si Ma'am Thessa sa masasama. " singit ni Jacky at humilig itong muli sa nobyong katabi. " Hay naku tumigil nga kayo diyan. " sita ni Thessa sa kapatid at kaibigan. Tumawa lang si Sam. " Okay nandito na tayo at makakakain na kayo para tigilan na niyo ako sa pang-aasar. " si Sam. " Hindi kami nang-aasar ha! Totoo ang sinabi namin..iyon kasi ang observation namin. " sagot ni Yannie. " Yannie.." may pagbabantang tono ng boses ni Thessa sa kaibigan. " Hehehe, sabi ko nga tatahimik na ako. " at tila zinipiran pa nito ang bibig at nanahimik. " Maiwan ko muna kayo dito at i-check ko lang sila sa loob. Dapat kasi nandito na sila sa tapat ng pinto eh, " napapakamot na sabi ni Sam. " Sige okay lang Hon, " tugon ni Thessa sa nobyo. Bumaba ito at pumasok sa loob ng bahay. Iginala naman ng naiwan sa loob ng sasakyan ang paningin nila sa bakuran ng bahay nila Sam. Ang ganda ng pagkakagawa ng bahay nila. Gawa sa salamin ang bahay ang pamilya ng nobyo ni Thessa. Ang first floor ng bahay ay gawa sa bato, kung tatantyahin ay nasa ikatlong palapag base na rin sa makikita mong hagdan. Dahil ang ikalawa at ikatlo ay salamin na gawa. Maraming tanim na halaman at bulaklak ang bakuran, marahil ay ito ang libangan ng Señora ng bahay. Nagningning ang mga mata ni Thessa ng may makita siyang tanim ng rosas na pula. Gusto na itong lapitan ni Thessa para makapitas. Ang ganda kasi ng pagkapula ng rosas, kakulay ng dugo. " Ang lupet mo Ma'am Thessa, ang yaman ng mapapangasawa mo hindi ka na maghihirap at hihiga ka nalang sa pera. " nakangising asar ni Timothy ang boyfriend ni Jacky. Napasimangot naman si Thessa at napa-ismid naman si Gemma. Tiningnan lang ito ni Yannie. Kahit inis sila sa asta ng boyfriend ni Jacky ay wala silang magagawa dahil hindi sasama si Jacky kahit anong pilit ni Thessa kung hindi kasama ang tukmol na kalive-in niya. Sabagay tambay lang kasi ito at sisiga-siga kung makaasta. Sa apat na taon na pagsasama nila hindi nito tinulungan si Jacky at maluho pa ang lintek na lalaki. Kahit anong payo ni Thessa sa assistant na maghanap ng ibang karapat-dapat ay tila bingi ang babae dahil mahal nito ang kalive-in. Napabuntong hininga si Thessa at idinako na lamang tingin niya sa sa iba, dahil ayaw niyang ma-stress. Hindi ba iyon ang dahilan kung bakit siya nagbakasyon. Natawag ng atensyon ni Thessa ang second floor ng bahay. Kumunot ang noo niya sa nakikita. May isang babae na nakadungaw sa kanila doon. Ang dalawang kamay pa nga nito ay nakadikit sa salamin at ang kakatuwa ay hindi ito kumukurap sa pagkakatingin sa kanilang nasa ibaba. Maganda ang babae, may mahaba at tuwid na buhok. Nakaputing tila pantulog na damit. Naramdaman siguro ng babae na may nakatingin sa kanya mula sa sasakyan. Tinted kasi ang bintana kaya hindi sila Thessa aninag mula sa loob. Bumuka ang bibig ng babae para magsalita... Ngunit bumukas ang pinto ng sasakyan sa gawi ni Thessa at bumungad doon si Sam. " Hon! Sorry sa paghihintay, tara na kayong lahat sa loob." hinihingal pa ang nobyo niya at ini-abot nito ang kamay niya para alalayan siyang bumaba ng sasakyan. Ini-abot niya iyon at bumaba na napatingin muli si Thessa sa second floor para sulyapan ang babae, ngunit wala na ito doon. Naisip ni Thessa na baka kamag-anak ito ni Sam at bumaba na ito. " Hon, are you okay?" tanong ni Sam sa kanya. Nagtaka kasi ang binata dahil natigilan siya at nakatingin sa second floor. " Ah, oo naman.. " sagot niya sa nobyo. Nang tumingin siya sa bungad nandoon na pala sila Gemma, Yannie, Jacky at ang boyfriend nitong si Timothy na naghihintay. " Tara na, " hila niya sa nobyo para makalapit sa grupo. Hindi dala ng mga kasama ni Thessa ang kanilang mga gamit. Kaya napatingin siya muli sa sasakyan. " Paano ang mga gamit natin?" tanong niya kay Sam. " Si Hilario na ang bahala diyan. Tara na at naghihintay si Mama sa loob. " si Sam naman ang humila sa kanya papasok sa loob ng bahay, bago pa makapasok ay tumingin siya muli sa sasakyan. Nakita niyang may isang lalaking kuba at nakakatakot ang mukha ang nakatingin sa kanya sa labas. Sa loob ng bahay ay namangha silang lalo dahil ang mga gamit ay puro puti at itim lang ang kulay. Ang mga iyon ay may modernong istilo. " Mama," tawag ni Sam sa isang babae na nakaupo sa itim na sofa. Tumayo ito pagkakita sa aming papasok. Kinabahan si Thessa dahil hindi man lamang ito ngumiti ng tumingin sa kanya sabay tingin sa kamay naming magkahawak. " Mama, ito nga pala ang ikinukwento kong si Thessa, siya ang girlfriend ko at ang pinakamamahal na babae. Siya ang plano kong pakasalan. " proud na pagpapakilala ni Sam sa ina niya kay Thessa. Tiningnan si ng ginang mula ulo hanggang paa. " Sigurado ka naba diyan hijo?" biglang tanong nito at nakataas pa ang kilay. Nakaramdam ng tensiyon ang mga tao sa likod nila Thessa dahil mukhang hindi tanggap ng ginang ng bahay si Thessa. " Bakit ganyan ang tanong mo Mama? Huwag mo namang ipahiya si Thessa, syempre mahal ko siya at siguradong-sigurado ako sa kanya." sabi ni Sam na may halong pagak na tawa. " Sinisigurado ko lang Sammuel na hindi siya katulad ng ibang babae, ayokong mangyari sa kanya ang ---" " ---Mama, of course iba si Thessa sa kanila at alam ko iyon!" putol ni Sam sa sasabihin ng kanyang Mama. Pinisil ni Thessa ang kamay ng nobyo dahil napapansin niya ang pagdilim ng aura nito at nakatiim ng bagang. Sinulyapan naman siya nito at nginitian. " Okay, sige sinabi mo eh, tara na sa dining at ng makakain kayo. " walang pakundangan na naglakad ito papuntang dining. Yumuko naman si Thessa dahil ayaw nitong masalubong ang tingin ng kanyang mga kasama. Dahil sa malamig na pakikitungo ng Mama ni Sam. " Strict ang parents.." narinig ni Thessa na bulong ni Tim, agad itong sinaway ni Jacky. " Hon.." tawag ni Sam. Itinaas niya ang tingin at pilit na ngumiti. " Ganyan lang talaga si Mama, siguro ay sinusumpong lang ng sakit niya. Pero mabait siya, malalaman mo 'yon kapag nakasama mo na siya. " Alam ni Thessa na pinapalubag lang ni Sam ang loob niya. Kaya muli niyang pinisil ang kamay nito para i-assure na okay lang siya. Sa dining ay tahimik ang lahat, seryoso pa din kasi ang mukha ng ginang ng tahanan. Nakaupo ito sa pinaka-gitna ng napakahabang kainan. Kagaya ng sa bungad ng bahay ay itim at puti parin ang mga gamit pati ang kulay ng pintura sa dining. Makikita mo ang mga mamahaling display ng china ware. Napaka-eleganteng tingnan ang chandelier na nasa sentro ng kainan. Kung hindi nagkakamali si Thessa ay nagmula pa sa Italya iyon base na din sa disenyo. Ang display na painting ay likha ng isang tanyag na Pilipinong pintor. Alam ni Thessa iyon dahil ang pintor na iyon ay kilala sa paglikha ng malungkot at madilim na tema ng obra. " Tina, ipasok mo na ang pagkain ng makakain na ang mga bisita ng Señorito mo." tawag ng Señora kasabay ng pagpapatunog ng bell. Isang babae ang pumasok na may dalang pagkain. Nasa edad disi-otso ang babae. Nilapag nito ang bitbit na mga pagkain at muling pumasok sa kusina para kunin pa ang iba. Nang maihanda ng lahat ng katulong na si Tina ang pagkain ay tumayo ito sa likod ng Mama ni Sam. " Sa wakas..nagugutom na ako!" atat na sabi ni Tim at sasandok na ito, napatingin ang lahat sa kanya. " Magpasalamat muna tayo sa pagkaing nasa harapan natin bago tayo kumain. " malamig na sita ng Señora, saka ito yumuko upang pangunahan ang pagdadasal ginaya din iyon ng iba. Napapahiyang yumuko si Tim at kunwaring nagdasal. Tahimik ang lahat habang kumakain, parang ilang ang mga ito na ibuka ang bibig para magsalita. " Mama, may dala nga palang regalo si Thessa para sa'yo, nabanggit ko kasi sa kanyang mahilig ka sa mga paintings. Nai-kwento ko na sa'yo na isang artist siya at mabenta ang mga gawa. " basag ni Sam sa katahimikan. Nagpunas muna ang Señora ng bibig bago ito nagsalita. " Talaga? Alam mo ang taste ko pagdating sa art, gusto ko ay kahalintulad ng kay Midas. " tugon ng Mama ni Sam. Si Midas ang sikat na pintor na tinutukoy ni Thessa na may madilim at malulungkot na tema sa obra. " Mama, ikaw na lang ang humusga baka ikaw na mismong umorder sa kanya." pagmamayabang ni Sam. " Okay, tingnan na lang natin." simpleng sagot nito at ipinagpatuloy na ang pagkain. Natapos na din ang kanilang pagkain at sinamahan sila ni Tina sa kanilang mga kwarto. Magkasama si Gemma at Yannie, si Jacky at Tim, pagdating kay Thessa ay solo niya ang kwarto. Siya ang pinakahuling inihatid ng katulong na si Tina. " Bakit mag-isa lang ako sa kwarto? Pwede naman akong maki-share sa kapatid ko at bestfriend ko diba?" tanong niya sa dalagang katulong. Pansin niya na tila nahawa ito sa kanyang amo na palaging nakasimangot at hindi kumikibo. Tiningnan lang siya nito at nagpatuloy sa ginagawa. Ini-empake nito ang gamit ni Thessa at inilalagay sa kabinet na nandon. " Ako na ang gagawa niyan, sige iwan mo na 'yan. " awat niya sa dalaga. " Hindi po pwede ito po ang bilin ni Señorito Sam. Ang asikasuhin kayo ng maige. " sagot nito. Hinayaan nalang ni Thessa na ayusin nito ang mga gamit niya. Pagkatapos ay iniwan na siya nito. Inilibot ni Thessa ang paningin niya sadya yatang itim at puti lang ang pwede sa bahay na ito. Sinilip niya ang banyo. Ganoon din ang makikita mong kulay. Sinulyapan niya ang kama. Ang laki niyon at kasya pa ang dalawa. Kulay itim ang bed cover nito. Sinalat ni Thessa iyon bago naupo. Inantok siyang bigla marahil dahil sa pagod sa byahe at kabusugan niya ay nahiga siya at mabilis na nakatulog. Isang nilalang naman ang pumasok sa kwarto ni Thessa habang siya ay nahihimbing. Minasdan nito ang dalgang natutulog. Dahan-dahan itong naupo sa gilid ng kama at malapitang minasdan si Thessa. Hinimas nito ang pisngi ng dalaga at sinalat ang mapulang labi. Inayos din nito ang buhok na napunta sa mukha ng dalaga at iniipit sa likod ng kanyang tenga. Maya-maya pa ay inilapit niya ang kanyang mukha at magaan na dinampian ang labi ng dalaga. Ngumiti ito matapos iyon gawin at lumabas na ng kwarto nito. Samantala naramdaman ni Thessa na hindi siya nag-iisa sa kanyang silid dahil may naramdaman siyang may mainit na hininga sa kanyang mukha at pati ang pagdampi ng labi nito ang naramdaman niya. Mabilis siyang nagmulat ng mata at dahil madilim na sa kwarto ay hindi na niya maaninag ang lumabas ng pinto ng kanyang kwarto. Naiwang nakatingin si Thessa sa pintong nakasara, sinalat niya ang kanyang labi at ang isip niya ay napuno ng katanungan..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD