Six-Ang Masamang Panaginip

1365 Words
" Thessa.." nagising si Thessa kalagitnaan ng gabi dahil may narinig siyang tumatawag sa pangalan niya. Boses iyon ng isang babae. Mahina iyon para bang sinadya ng kung sinoman na tumatawag na iyon na si Thessa lang ang makarinig. Hindi pa siya bumabangon mula sa kama. Kinusot-kusot niya ang mata para makakita ng malinaw sa dilim. Iginala niya ang kanyang mata sa loob ng madilim na kwarto para hanapin ang tumatawag. Ang liwanag ng buwan mula sa labas ng bintana ang siyang nagiging ilaw niya sa loob ng kwarto. Nakita niya na may anino ng isang babae sa labas ng balcony. " Thessa.." tawag muli ng babae na nasa labas ng balcony. Bumangon na si Thessa sa kama at naglakad patungo sa balcony. Binuksan niya iyon at tumambad sa harapan niya ang babaeng nakita niya sa second floor ng bahay nila Sam. " Kilala mo ako?" nagtataka si Thessa dahil kilala siya nito samantalang wala ito kanina sa hapag-kainan o sa madaling salita hindi niya itong nakitang nakisalamuha sa kanila kanina. Tumango-tango lamang ang babae sa tanong niya. Minasdan niya ang babae sa kanyang harapan. Maganda ito at mala-gatas ang balat, mahaba at makintab ang itim nitong buhok. Mapula ang makipot nitong labi. Aakalain mo na isa siyang buhay na manika. " Ano ang kailangan mo sa akin?" ngumiti lang ito sa kanyang tanong. Matangkad para ang babae kaysa kay Thessa at ang katawan nito ay maaninag mo sa manipis na pantulog niya, napaka-balingkinitan. Mahahalintulad sa isang modelo. Napatingin si Thessa sa paa ng babaeng kaharap at nanlaki ang mga mata niya. 'Bakit ganoon ang paa niya?' naitanong ni Thessa sa sarili. Ang paa niya ay kakaiba sa kulay ng kanyang katawan. Naghahalo ang kulay ng lila at itim na akala mo ay binugbog. Nangingitim at tanggal ang iba niyang mga kuko. " Anong nangyari sa'yo? Bakit ganyan ang mga paa mo? " tanong ni Thessa sa babae. " Thessa.." muli nitong tawag kaya tiningnan ito ni Thessa at natuptop niya ang kanyang bibig. Gusto niyang sumigaw pero walang boses na lumalabas sa kanyang bibig. Nanginginig lang siya sa kanyang nakikita. Ang babae ay bumubulwak ang dugo mula sa bibig, mata, tenga at pati sa ilong nito. Umaagos ang dugo sa kanina ay puti at maayos nitong pantulog. Bakit niya nasabi iyon? Dahil ngayon ang pantulog nito ay gula-gulanit at punong-puno ng dumi ng pinaghalong putik at dugo. Lalong natakot si Thessa ng itaas ng babae ang kamay na naaagnas at tila nanghihinge ito ng tulong. Ipinikit ni Thessa ang kanyang mga mata para hindi makita ang babaeng duguan na lalapit sa kanya. " Thessa.." muli nitong tawag sa kanya. Nang idilat ni Thessa ang mga mata niya ay nakita niya ang babae na nakatayo sa railings ng balcony. " Huwag!" sigaw ni Thessa pero huli na ang lahat ito ay nagpati-hulog mula sa balcony at bumagsak ang katawan sa lupa. Umaagos mula sa babae ang maraming dugo. Ang paa nito ay tabingi at ang katawan nito ay halos mahati na sa dalawa. Halos masuka si Thessa sa nakikita niya mula sa babae. Umiiyak na siya dahil sa halo-halong emosyon. Takot, awa at pandidiri. " Thessa.." nakarinig si Thessa ng tawag ng babae. Tiningnan niya muli ang babaeng nahulog at ito ay nakaturo sa kanyang likod. Nilingon ni Thessa ang itinuturo ng babae at may napansin si Thessa na kumikislap mula sa madilim na bahagi ng balcony at nang tumambad ang kumikislap na iyon ay napasigaw si Thessa sa takot. Ngunit ang problema kahit magsisisigaw siya ay parang walang boses na lumalabas. Palapit na ang isang lalaking may hawak ng tila bagong hasa na palakol. Tumatawa ang lalaki at ang hawak nito ay winawasiwas pa sa harap niya. Nanginginig na si Thessa sa takot. Ano ang gagawin niya? Napasandal siya sa railings ng balcony. Kaya ang ginawa niya ay umakyat siya mula roon at tumalon ng tatagain siya ng lalaking nakamaskara. Pumikit si Thessa at isinabahala na ang mangyayari sa kanyang pagtalon mula sa ikalawang palapag ng bahay. Naramdaman ni Thessa na siya ay nalaglag na. Idinilat niya ang kanyang mga mata at nakahiga siya sa spot na pinaglaglagan din ng babae kanina ngunit wala na doon ang katawan ng babae! Ang tanging nandoon ay ang katawan niya. Pinilit ni Thessa na bumangon ngunit ang isang paa niya ay bali. Kinaladkad na lamang iyon. Mula sa main door ng bahay nila Sam ay lumabas ang lalaking nakamaskara na nakangiti at pinaglalaruan nanaman nito ang palakol habang palapit sa kanya. Umatras naman siya at kinakaladkad ang paang nabali. May sinasabi ang lalaki pero hindi niya iyon maintindihan. Nasa harap na niya nakatayo ang lalaki mas lalo siyang natakot at umiyak. Maya-maya pa ay itinaas na nito ang palakol na hawak at itinaga sa kanya... " Uhhhh..." ungol ni Thessa, pawis na pawis ito. " Ate! Gising! Gising!" yugyog ni Gemma sa kapatid. " Ate Yannie, ayaw pa din niyang gumising mamaya eh matuluyan na iyang si Ate Thessa.. " naiiyak na sabi ni Gemma. " Hala tumabi ka diyan at ako ang gigising!" hinawi nito si Gemma at ito ang umupo sa gilid ng kama ni Thessa at itinaas ang kanang kamay at malakas na sinampal si Thessa. " Ouch!" sigaw ni Thessa. Balikwas ito ng bangon mula sa pagkakahiga. " Sino ang sumampal sa akin? Ang sakit ah!" asik nito sa dalawang babae sa harap niya. " Ako bakit? Laban ka? Pasalamat ka nga at ginawa ko 'yun kung hindi deads ka na! " mataray na sabi ni Yannie sa kaibigan. " Thank goodness Ate at nagising ka na. Binabangungot ka kanina. Ungol ka ng ungol at para kang natatakot. Nag-alala kaya kami sa'yo. " naiiyak na sabi ni Gemma sa kapatid. Nasapo ni Thessa ang kanya ulo, parang totoong-totoo ang kanyang panaginip. Niyakap niya ang kanyang sarili at ramdam niya ang panlalamig ng katawan sanhi ng napanaginipan niya. " Buti at napagawi kayo sa kwarto ko..ano nga pala ang ginagawa niyo dito?" maya-maya ay tanong ni Thessa sa dalawa. " Pinasundo ka ni Kuya Sam para mag-almusal." si Gemma ang sumagot. " Bakit ang tagal niyo namang bumaba? Lalamig na ang pagkain natin. " si Sam na bumungad sa pinto ng kwarto ni Thessa. Napakunot ang noo nito ng mapatingin sa mukha ng nobya. " Bakit namumula ang pisngi mo Hon? " tanong nito na hindi pa din nawawala ang pagkakunot ng noo. Tinuro ni Gemma si Yannie at nagtatanong ang mga mata ni Sam sa kaibigan ng nobya. " What?! Binabangungot siya! Ginawa ko lang iyon para magising. " depensa ni Yannie. " Totoo ba 'yon Hon, binangungot ka?" nag-aalalang lumapit si Sam at tumayo na si Yannie para bigyang daan si Sam sa tabi ni Thessa. " O-oo, isang masamang panaginip. " sagot ni Thessa. Maya pa ay nanlaki ang mata ni Thessa. " Hala! Kanina niyo pa ba ako ginigising para sa almusal?" Nagtanguan ang dalawang babae. " Yeah, kanina pa nga kami naghihintay nila Jacky at Tim sa baba." nakangiting sabi ni Sam. Natampal ni Thessa ang noo, mabilis na tumayo sa kama at naghanap ng maisusuot sa kabinet. " Naku, sorry talaga. Baka ang galit na ang Mama mo Sam. " nag-aalalang tanong ni Thessa habang naghahalungkat ng maisusuot. Nang makakita ay agad itong tumakbo sa pinto ng banyo. " Don't worry take your time, kapag morning kasi ay nauunang mag-breakfast si Mama dahil aasikasuhin niya pa ang mga tanim niyang halaman at bulaklak." natatawang sabi ni Sam. Natigilan si Thessa papasok ng pintuan ng banyo. Huminga ito ng malalim. " Kala ko maba-bad shot na nanaman ako sa Mama mo." na-relieved na pahayag ni Thessa. " Ah, ang inaalala pala ni Sleeping Beauty ay ang ganda points niya sa soon to be biyenan niya. " nakangising si Yannie na nakatingin sa kaibigan. Natawa naman sina Gemma at Sam. " Ewan! Magbibihis na ako!" padabog na sinara ni Thessa ang pinto ng banyo. Dinig niya mula sa loob ang tawanan ng mga ito. Habang nag-aayos si Thessa sa loob ng banyo ay naisip niya ang panaginip. Bakit kaya ganoon ang panaginip niya? Hindi naman siya nanood ng horror movie. Dahil siguro sa na-experience niya mula sa stalker this past few weeks? Baka siguro dala ng stress niya sa stalker na iyon kaya nanaginip siya ng nakakatakot. Ipinilig ni Thessa ang ulo para mawala ang iniisip niya at lumabas ng banyo. " Tara na, breakfast na tayo at gutom na ako." nakangiting sabi niya sa mga nasa kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD