" Ang ganda talaga dito sa lugar niyo Sam, " bulalas ni Yannie.
" Oo, nga kahit papaano nakalayo tayo sa polusyon ng Maynila. " sang-ayon ni Gemma at muli itong lumangoy sa pool.
Si Yannie naman ay inayos ang sunglasses at nahiga na sa gilid ng pool para mag-sun bathing. Kitang-kita ang magandang hubog ng katawan nito sa suot nitong two piece na swim suite.
" Ano ba! " saway ni Jacky sa boyfriend na nanlalaki ang mga mata sa nakikita. " Tusukin ko 'yang mata eh!" asar na ito dahil kulang nalang ay tumulo na ang laway ng nobyo sa hantarang pagtingin sa katawan ng kanyang mga amo.
" Nasaan nga pala si Thessa?" tanong ni Sam.
"Sabi niya ay mamamasyal lang siya, alam mo na kukuha ng bagong i-eexhibit." si Yannie ang sumagot.
" Saan siya nagpunta? Eh, hindi niya kabisado ang lugar dito. Baka maligaw siya o kung mapaano. " nag-aalalang sambit ni Sam.
" Huwag kang mag-alala sa kanya Kuya Sam, matandain si Ate sa direksyon at hindi maliligaw. Isa pa palaging handa iyon oras na malagay siya sa alanganin. " si Gemma naman ang sumagot habang nagba-back stroke.
Maya-maya pa ay nakarinig na sila ng may nalaglag sa tubig. Sa inis ni Jacky kay Tim ay itinulak na niya ito sa pool at sabay walk-out.
Namamasyal si Thessa sa may kakahuyan at dala niya ang kanyang camera. Bawat madaanan niyang sa tingin niya ay maganda ay kinukuhanan niya. Mapabulaklak pa siya o insektong nakadapo sa isang dahon. Magandang klase naman ng camera ang dala niya eh.
Naglakad siya ng naglakad ng may mapansin siyang isang magandang babae na sinasabayan siya.
Ang babae ay medyo nahihiya pa sa kanya dahil sa bawat puno na madadaanan ay nagtatago ito at pasilip-silip. Napangiti naman si Thessa sa kanya. Dahil ang babae ay dalagang Pilipina kung umasta.
" Hi, " bati ni Thessa.
Nagulat ang babae ng tumigil si Thessa at hinarap siya para kausapin. Nagtago pa nga ito sa manipis na katawan ng isang puno.
" Huwag ka na mahiya, ako nga pala si Thessa. Ikaw?" pagpapakilala ni Thessa. Nakatungo ito at ayaw tumingin kay Thessa. Kaya nilapitan niya ito at inaabot ang kamay. " Ako nga pala si Thessa, ikaw anong pangalan mo?"
" R-Ruby.." pabulong pa ang pagkakasabi nito ng pangalan.
" Ano? Hindi ko marinig ang pangalan mo. " inilapit niya pa ang tenga niya kay Ruby para marinig ang sinasabi ng dalaga.
" Ruby." nahihiya pa rin ang dalaga sa pagsasalita. Nginitian naman siya ni Thessa.
" Ang ganda naman pala ng pangalan mo eh, isang precious gem tapos nahihiya kang sabihin." sabi ni Thessa at inumang niya muli ang kanyang kamay para makipag-shake hands. Tiningnan lang iyon ni Ruby kaya ang ginawa ni Thessa ay siya na ang kusang kumuha ng kamay ni Ruby para makipag-kamay.
" Ang lamig naman ng kamay mo. Huwag ka matakot hindi naman ako multo. " natatawang sabi ni Thessa sa dalaga, agad naman nitong binawi ang kamay mula sa kanya. Ang lamig kasi ng kamay nito parang yelo, samantalang summer at mainit. Siya nga eh pawis na pawis.
" Taga-rito ka ba? May alam ka pa bang magandang tanawin dito na pwedeng kuhanan ng larawan?" tanong ni Thessa, tumango naman si Ruby.
" Sa may bangin may kweba doon at madaming magagandang bulaklak ka na makikita. Ang view din sa bangin ay maganda." sabi ni Ruby at hinila nito si Thessa.
" Sige dalin mo ako at gusto ko makita. " si Thessa.
Habang papunta doon ay nagkapalagayan na ng loob ang dalawa. Si Ruby ang naging modelo niya habang kumukuha ng litrato.
Si Ruby pala ay isa ring bakasyunista at katulad ni Thessa ay nainip ito kaya namasyal. Dahil sa mas matagal na itong nagbabakasyon ay mas alam na nito ang lugar. Mas matanda lang ng dalawang taon si Thessa sa dalaga, twenty-six na kasi si Thessa.
Nasa loob na sila ng kweba at namangha si Thessa sa mga nakikita sa loob parang inukit ng tao ang mga korte ng bato na naroroon. May hinawakan si Thessa na isang bato at...
" Nasaan ka na barbiedoll.."
Agad na binitawan ni Thessa ang bato. Ano kaya ang nakita niya na iyon? Luminga siya sa paligid, nasaan na si Ruby? Lumabas na siya sa kweba at nakita niya itong nakatayo sa gilid ng bangin.
" Uy, mag-ingat ka diyan mamaya itulak ka ng kapwa mo.. " pagbibiro ni Thessa, ngumiti lang si Ruby.
" Halika dito tingnan mo maganda ang view dito." pag-aya ni Ruby sa kanya, ini-abot nito ang kamay kay Rubg. Lumapit naman si Thessa at humawak sa kamay ng bagong kaibigan.
" Sige! Tumakbo ka hanggang gusto mo! Hindi ka naman makakapagtago eh! Mahahanap pa din kita! " sigaw ng isang lalaki.
Nagtataka si Thessa bakit siya tumatakbo at bakit ang paligid ay madilim na na akala mo'y gabi? Nilingon niya ang lalaking humahabol sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang lalaking nasa panaginip niya! Ang lalaking nakamaskara na noo'y may hawak na palakol ngunit ngayon ang hawak nito ay isang maso.
Tumakbo lang ng tumakbo at may nakita siyang kweba at nagtago doon.
" Barbiedoll...Nasaan ka na Barbiedoll..where not yet done playing..come out!" sigaw ng lalaki. Napakayap si Thessa sa kanyang sarili, napansin niyang madami ng sugat ang katawan niya. Naghahalo na ang pawis at ang dumi sa balat niya. Nanginginig din ang katawan niya sa takot. Patuloy lang siya sa pag-iyak.
May naramdaman siyang malamig sa bagay na gumapang sa kanyang paa at ng tingnan niya iyon ay muntik na siyang mapasigaw. Pinigil niya iyon sa kadahilanang baka marinig siya ng lalaking nakamaskara sa labas.
Sssssssh..
May narinig siyang huni ng isang ahas. Napatingala siya doon at nakita ang isang ahas na handa siyang sugurin.
" Ehhhhhhhhhh!" sigaw niya at patakbong lumabas sa kweba.
Ngunit sa bungad palang ay may humablot na sa kanyang braso.
" Huli ka! Sabi na nga ba at hindi ka magtatagal sa loob dahil maraming ahas diyan! " nakakalokong ngiti ng lalaki.
Hinila ng lalaki palapit sa katawan niya si Thessa at sinamyo ang buhok niya. Naiiyak si Thessa sa takot dahil sa maaring gawin ng lalaki.
" Ang bango mo.." bumaba ang labi nito sa pisngi niya at dinilaan siya pababa sa kanyang leeg. Hinayaan lang ni Thessa ang ginagawa ng lalaki para hindi ito magalit.
" Bakit hindi ka lumalaban? Walang thrill kapag parang tuod lang ang ka-partner ko. " inis na sabi ng lalaki.
Maya-maya ay ibinagsak nito ang maso sa paanan at..
" Ahhhh! " sigaw ni Thessa, napaupo siya sa lupa. Tumawa naman ang lalaki pagkarinig niyon. Itinulak siya nito pahiga sa lupa at sinira ang kanyang damit sabay pina-ibabawan siya ng lalaki.
" Maglalaro tayo Barbiedoll, kukuhanan kita ng picture at magpo-pose ka ha. " parang baliw na sabi ng lalaki. Nagpumilit naman si Thessa para mapaalis ang lalaki sa kanyang ibabaw at tinakpan ang kanyang kahubadan.
Nainis naman ang lalaki at pinilit tinanggal ang mga kamay niya, kinuha nito ang maso at binagsakan ang kanan niyang braso. Napahiyaw siya sa sakit! Hindi pa nakuntento ang lalaki at ginawa din iyon sa kanyang kaliwang braso. Napahiyaw nanaman sa sakit si Thessa. Humahagulgol na siya sa sakit ng pagkadurog ng kanyang buto sa mga braso.
" Huwag kang maingay!" sinampal naman siya ng lalaki. Pumunit ito sa damit niya ng kapirasong tela at ipinasok sa kanyang bibig. Sumisigaw si Thessa pero pinagtatawanan lang siya nito at ibinaba nito ang kanyang pambabang damit. Nagmamadali rin itong nagtanggal ng pang-ibaba at ginawa ang kababuyang gusto nitong gawin. Tulala nalang si Thessa habang patuloy sa pagpaparaos ang lalaki. Matapos niyon ay kinuhanan siya nito ng picture. Tumutulo na lang ang luha ni Thessa pero parang manhid na ang katawan niya sa mga nangyari.
Maya-maya ay sinabunutan siya nito at hinila patayo. Dinala siya ng lalaki sa gilid ng bangin.
" Salamat sa masayang laro, Barbiedoll..hinding-hindi kita malilimutan. " at pagkatapos ay itinulak na siya nito para malaglag sa bangin.
" Dyos ko! Ano bang ginagawa mo dito?!"
Narinig na sigaw ni Thessa idinilat niya ang kanyang mata at nakita niya ang katiwala nila Sam na hawak siya sa kanyang braso.
" Humawak kang maige!" sigaw nito, hinila siya nito paangat sa gilid ng bangin at napaupo silang dalawa. Naalala ni Thessa bigla si Ruby.
" Nasaan si Ruby? Ruby! " tanong ni Thessa. Napakunot-noo ang katiwala ng nobyo niya sa kanyang tanong.
" Ruby? Sino 'yon? Wala kang kasama dito. Mag-isa ka lang na tatalong ng bangin. " sabi ng katiwala.
Napatingin dito si Thessa. Wala siyang kasama? Pero si Ruby ang nagturo sa kanya dito at ang dalaga din nag-aya sa kanya sa gilid ng bangin. Nasaan na ang dalaga? Nasaan na ang bago niyang kaibigan? Bakit bigla itong nawala?
" Ako lang ang mag-isa dito? Pero may kasama ako..siya ang nagdala sa akin dito. Magandang babae na balingkinitan at medyo maputi." sabi ni Thessa sa katiwala.
" Wala kang kasama Señorita, ikaw lang po ang naglalakad mag-isa patungong bangin. Mabuti at napadaan ako dito habang naghahanap ng panggatong." kwento ng katiwala.
Tinitigan ito ni Thessa sa mga mata para arukin kung nagsasabi ito ng totoo. Ngunit ang nangyari ay nakaramdam lang siya ng pagbilis ng t***k ng puso at parang nakaramdam siya ng hiya. Tumalikod siya at hinawakan ang puso. Bakit ganon ang nararamdaman niya para sa katiwala? Hindi naman sa panlalait o panghuhusga, ang itsura nito ay kuba, may sunog ang mukha at gusgusin.
" Tara na at umuwi Señorita baka hinahanap na kayo ng mga kasama niyo sa bahay. Baka nag-aalala na din si Señorito Sam sainyo." pag-aya ng katiwala.
" Ahm..ano..pwedeng humingi ng pabor?" nahihiyang sabi ni Thessa.
" Hilario po Señorita at ano po iyon?" pagpapakilala nito at sabay tanong ng pabor na hihingin niya.
" Huwag mo na lang sanang sabihin sa kanila ang nangyari dito. " pakiusap ni Thessa at tumango si Hilario.
" Makakaasa ka po sa akin Señorita. "