Nanuyot ang lalamunan ko nang makita ko kung paanong nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Crystal. Mula sa pagkagulat ay napalitan iyon ng mapanganib na tingin.
"Oh my God!! Look what you did to my dress!" Dumagundong ang sigaw nito sa buong paligid
Sa kabila ng malakas na music at may ilang bisita ang mapatingin sa direksyon niya.
Tila diring-diri ito sa nabasang damit dahil sa mango shake at spaghetti.
Nagsimulang lukubin ng matinding kaba ang dibdib ko. Hindi ko nagawang magsalita o kumilos.
"Hindi mo ba alam kung magkano ito, ha?" malakas na tanong nito.
"S-sorry. H-hindi ko sinasadya..." natatarantang sambit ko.
"Sorry? Kaya bang bayaran ng sorry mo ang dress na, 'to? Hindi naman, 'di ba? Ano bang ginagawa mo sa party na 'to? You don't belong here! Halika dito!" Lumapit ito at hindi ko inasahan ang sumunod na ginawa nito.
Sinabunutan niya ako at inalog-alog ang ulo ko. Hinila niya ang buhok ko at kinaladkad ako. Sobrang sakit ng anit ko sa lakas ng paghila niya sa buhok ko.
Narinig ko ang pagsaway ng iba pero walang nagtangkang lumapit.
Sino nga ba naman ako para ipagtanggol nila?
"Aray, tama na!" daing ko habang pilit inaalis ang dalawang kamay nito n mahigpit nakapulupot sa buhok ko. Pakiramdam ko makakalbo na ako sa paghila niya roon.
Hindi ko nakikita ang paligid dahil halos masubsob ako sa lupa at gumagapang na ako para sumunod dito nang sa gano'n hindi masyadong mahila ang anit ko. Hindi ko na napigilang umiyak sa sakit na nararamdaman.
"Ally?? Ally!"
"Hey, Crystal stop it!"
Narinig ko ang paglapit at pagpigil nina Ron at Fiona sa kamay ni Crystal pero sinisigawan lang sila nito.
Hindi naman sila tumigil hanggang sa maramdaman ko ang pag-luwag ng mga kamay ni Crystal mula sa buhok ko. Nakita ko ang pagtulak niya kay Fiona na agad napaupo na rin sa lupa.
Tinulak niya rin si Ron bago ako muling hinarap. Namumula sa galit ang mukha nito at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Noon ko lang napansin na sa gilid pala ako ng pool nito dinala. Akmang itutulak ako nito pilit akong lumaban.
"Tama na!" saad ko hanggang sa siya ang naitulak ko.
Nakita ko ang pagkahulog nito sa malalim na tubig kasabay ng pagtili ng mga bisita.
Dahil sa hindi inaasahang pagkahulog ay nagkawag-kawag ito sa tubig. Nakaramdam ako ng takot na baka malunod ito pero agad siyang natulungan ng ilang bisita.
Nang makabawi siya ay hinihingal na bumaling sa akin.
"How dare you! Pagbabayaran mo 'tong ginawa mo sa 'kin! I will kill you at pagsisisihan mo ang araw na 'to!" nagpupuyos sa galit na sigaw nito.
Naramdaman ko ang pagkuha nila Ron sa magkabilang braso ko at inalalayan akong makatayo.
Bigla naman sumulpot si Missy at humahangos na lumapit.
"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong nito. Inayos nito ang buhok ko at niyakap ako. Ganoon rin sina Ron at Fiona.
Nagmamartsa na umahon si Crystal sa pool at nilapitan ito ng mga kaibigan nito.
Natulala ako at hindi ako makapagsalita kahit tinatanong nila ako. Iniisip ko ang mga sinabi ni Crystal kanina at aaminin kong... natatakot ako sa maaaring gawin nito.
Medyo maga pa ang mata ko dahil sa pag-iyak nang magising ako. Hindi ako nakatulog agad nang ihatid ako nina Ron dito sa bahay.
Iniisip ko pa rin ang mga nangyari kagabi. Kung paanong humantong doon ang dapat sana'y masayang party. Hindi rin mawala sa isip ko ang pagbabanta ni Crystal.
Nag-apply ako ng manipis na foundation para mabawasan ang pamamaga niyon kahit paano. Mabuti naman at hindi rin nakahalata si Mama.
"Ally, kumusta ka?" bakas ang pag-alala sa mukha nina Missy at Ron.
Pilit akong ngumiti sa kanila. "Ayos na ako."
"Nagi-guilty ako na iniwan kita. Hindi tuloy kita natulungan sa bruhang 'yon!"
"Me too. Sorry talaga, hindi ko pinansin agad 'yong nangyari. Akala ko kung ano lang, Ikaw at si Crystal na pala 'yon," ani Ron at kumapit sa braso ko.
I tried to smile at them. "Wala kayong kasalanan. Kasalanan ko iyon dahil natapunan ko siya."
"Hay nako! Gusto ko na talaga sabunutan 'yong babaeng iyon. Isa pa talaga makakatikim siya sa 'kin," inis na sabi ni Missy.
Buong araw akong binagabag ng isipin sa maaaring gawin ni Crystal. Hindi ko pa siya nakita maghapon at bahagya akong nakahinga nang maluwag.
Jackson Mondragon POV
"Hey, Jackson! Why are you avoiding me, huh? Bakit 'yong iba pinapansin mo at ako hindi?!"
Agh! She's such a pain in the ass. Araw-araw na lang nakabuntot sa 'kin ang babaeng ito.
"Bro, annoying na. Pansinin mo na kasi," saad ni Clark.
Huminto ako sa paglalakad at nilingon ito. "Wala ka bang klase? Go somewhere else. Chase someone else," hindi ko na napigilang sabihin.
Ayokong maging bastos rito hangga't maaari dahil may respeto ako kay Tito Greg, ang ama nitong Dean ng school at kakilala ni Dad. Pero nakakainis na ang pagiging makulit nito.
Napasinghap ito at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. "How dare you say that? You know I like you, Jackson! Hindi mo ba talaga ako gusto o nagpapakipot ka lang? Mas maganda naman ako sa mga babae rito sa buong campus! Why don't you try to date me, huh?"
Well, I don't like you. Gusto ko sanang sabihin pero mukhang iiyak na ito kaya tinalikuran ko na lang.
Ayoko ng babaeng spoiled brat. I should be the one controlling the woman not the other way around. Kaya kahit maganda at sexy pa ito ay hindi ko ito tatangkaing patulan. Baka mamroblema lang ako sa isang 'to.
Mukhang napagod na ito sa kakasunod kaya hindi ko na ito nakita sa likod ko.
"Finally, tumahik din. Nagrereklamo na ang eardrums ko," sambit ni Luke.
"Nasaan na ba si, George?" tanong ni Clark.
"Diyan lang 'yon sa tabi-tabi. Baka may tinatrabahong... alam mo na." nakangising sagot ni Luke.
Napahinto ako nang marinig ko ang pangalan na binaggit ng isang babae sa kausap nito.
"Allyza Alcantara?" tanong ng isa.
"Oo, scholar 'yan dito. Huwag kang maingay dahil buburahin ko rin 'yan agad. Baka malaman pa ni Crystal na may naiwang copy ng video. Malalagot ako."
"Bakit ka naman malalagot?"
"Kasi pina-check niya lahat ng cellphone ng mga bisita para ipabura ang mga video bago pauuwiin. You know, para walang evidence."
Nakita kong may hawak na cellphone ang mga ito at tila may pinapanuod doon.
Lumapit ako sa mga ito. "What's that?"
Nag-angat sila ng tingin sa 'kin at nakita ko ang bahagya nilang pagkagulat. "J-Jackson?"
"H-hi.." sabi nila muli nang makabawi sa pagkabigla.
"Anong pinapanuod n'yo?" malamig kong tanong.
Nataranta ang mga ito at agad tinago ng isa ang phone sa likod nito. "N-nothing."
My jaw clenched at tiningnan ko sila nang masama. "Give me that f*****g phone."
Nag-aalangan man ay dahan-dahang nilabas nito ang phone mula sa likod nito at nanginginig ang kamay na inabot iyon sa akin.
Hindi ko alam kung bakit parang bumigat ang pakiramdam ko at mas nagtangis ang bagang ko habang pinapanuod ang video ro'n.
Nakita ko kung paano hinila ni Crystal ang buhok ni Ally at kinaladkad hanggang sa gilid ng pool. Nag-iinit ang dibdib ko na makitang wala man lang pumigil hanggang sa lumapit sina Ron. Nakita ko rin ang pagkahulog ni Crystal sa pool at ang pagbabanta nito.
Narinig ko ang pagpalatak nina Clark at Luke na nasa tabi ko na pala.
"Damn..." mura ni Luke.
Naramdaman ko ang pagtapik ni Clark sa balikat ko.