Chapter 6. Girl's Party

1429 Words
Allyza Alcantara POV Hindi ko alam kung paano ko patitigilin si Karlito sa paghatid sa 'kin. Pati sa pag-uwi ko naka-abang ito sa kanto. Nakaka-stress at nakakatakot na siya. Napaisip naman ako sa kotseng gumulat na naman sa 'kin nang husto kanina. Kung hindi ako nagkakamali ay iyon din ang kotseng gamit ni Jackson nang minsang businahan rin ako nito. Hay, buwisit talaga ang lalaking 'yon. Pasalamat siya at wala akong sakit sa puso dahil kung nagkataon ewan ko na lang. "Oh, bakit parang hindi 'ata maganda ang gising mo?" tanong ni Missy. Bumuntong hininga ako bago naupo sa tabi nito. "Iyong kapitbahay ko, si Karlito, nagiging makulit. Sinusundan ako hanggang dito sa school." Kumunot ang noo nito. "Iyong lalaking nakatambay no'ng minsang magpunta ako sa inyo?" "Siya nga." Tumawa ito. "Kung ganoon, pursigido na siyang ligawan ka. Kawawa naman maliligwak din katulad ng mga kaklase natin." Nahihiya nga ako sa tuwing may kailangan ako kausapin na hindi ako nagpapaligaw sa paraan na hindi ako makakasakit. Ayoko man nang gano'n pero wala akong magagawa. Wala talaga sa isip ko ang pagbo-boyfriend. Pag-aaral ang ipinupunta namin sa school at hindi ang pakikipagrelasyon. Pagsapit ng lunch time kinita na lang namin si Ron sa canteen. Pumili muna kami ng ulam bago kami tumungo sa bakanteng upuan doon dala ang kaniya-kaniyang tray. "Girls! May sasabihin ako sa inyo," excited na wika ni Ron nang makaupo kami "Ano 'yon?" sabay na tanong namin ni Missy habang sinisimulan nang kumain. "Birthday ng president ng student council, si Ate Mae. Close friend 'yon ni Fiona at invited daw lahat ng girls sa all-girls party next weekend." "Eh, bakit kasama ka?" birong tanong ni Missy. Tiningnan ito nang masama ni Ron. "Bruha! Girl at heart ako kaya pasok ako sa banga!" sagot nito na ikinatawa ni Missy. "Okay lang, game ako d'yan," kaswal na sagot ni Missy habang ngumunguya. Tiningnan nila akong dalawa na tila hinihintay ang sagot ko. "Kayong dalawa na lang," sagot ko na ikinaungol ng dalawa. "Killjoy ka na naman, Ally. Go na tayo, puro girls naman, eh!" "Hindi naman ako mahilig sa party party na gan'yan, at siguradong puro sosyal lang nandoon," ani ko at ngumiti nang alanganin. "Ano ka ba, hindi 'yan. Maraming pupunta pati mga ibang scholars. Syempre president ng student council 'yon kaya puwede lahat. Basta sasama ka, period!" Napailing na lang ako sa dalawa. Hindi nila ako tinantanan. Nagpresinta pa si Ron na susunduin at ihahatid niya kami ulit ni Missy. Nag-alok naman si Missy na pahihiramin ako ng dress at heels. Nang matapos namin mag-lunch ay tinungo na namin ang next class naming tatlo. Papunta na kami sa building nang makasalubong namin si Jackson kasama ang mga kaibigan nito. Nakaramdam ako ng pagka-ilang nang magtama ang mga mata namin kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Dumako naman ang mata ko sa kasunod nitong si Crystal. "Hey, Jackson, wait!" malakas na wika nito habang humahabol, "Please talk to me! Hey!" Nakasunod lang ito sa likod ng magkakaibigan at paminsan-minsang hinihila sa damit si Jackson pero parang dedma lang ang lalaki. Napatingin naman sa direkyon namin si Crystal at agad sinamaan ako ng tingin kasabay ng pagdiin ng dalawang labi nito na tila nagpipigil bago muling sumunod kay Jackson. Kunot ang noong bumaling sa akin ang dalawa. "Bakit gano'n ang tingin no'n sa'yo?" Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Sa tingin ko naman ay unang beses pa lang kaming nagkita no'ng acquiantance party. Hindi kaya dahil nakita nitong kasama ko si Jackson? Mukhang katulad ng karamihan ay naghahabol rin ito sa lalaking 'yon. Ayoko na lang sabihin iyon kina Missy at Ron dahil baka mag-isip pa sila ng malisya at hahaba pa ang kwento kaya nagkibit-balikat na lang ako bilang sagot. Napipilitang naghanap ako ng dress na susuotin sa party. Isang linggo akong kinulit ng dalawa kaya wala na akong nagawa kun'di pagbigyan sila. Kung sabagay, all girls naman iyon dahil strict daw ang parents ng president. Isang simpleng itim na dress na hanggang ibabaw ng tuhod ang nakita ko mula mga paninda namin. May maikling manggas iyon at hapit sa baywang pero maluwag na pagdating sa legs. Wala akong heels at simpleng flat sandals lang ang nabili ko sa palengke at tingin ko hindi iyon babagay sa dress ko. Pagsapit ng alas otso ay natapos akong mag-ayos. Nilugay ko lang ang straight na buhok at naglagay ng kaunting lipstick. Maya maya narinig ko na ang busina sa labas at sigurado akong sina Ron at Missy na 'yon. "Anak, nandito na 'ata sina Ron!" sigaw ni Mama mula sa sala kaya lumabas na ako agad. "Wow! Ikaw na talaga, friend!" agad sabi ni Ron "Good evening po, Tita Alma!" bati ng dalawa kay Mama. "Good evening din, Ron, Missy. O siya, umalis na kayo para makauwi agad. Mag-iingat kayo." Nagpaalam na kami at inabot sa akin ni Missy ang heels na dala nito. Napamaang ako sa nakita. 5 inches yata ang taas niyon at hindi ako gaanong sanay sa gano'n kataas na heels. Pero wala naman akong ibang gagamitin kaya hinubad ko na ang tsinelas para isuot iyon. Pumasok kami sa isang malaking bahay. Ipinakita namin ang mga school ID namin sa security guard nila bago kami nito pinapasok at sinabihang dumiretso sa likod ng bahay kung saan ginaganap ang party. Agad bumungad sa amin ang mga nagkakasiyahang kapwa namin estudyante habang sumasayaw sa tugtog ng malakas na musika. Lahat ng naroon ay naka-dress nang maganda at bakas ang karangyaan pero hindi naman ako nakaramdam ng hiya na simpleng dress na suot ko. Nakita namin si Fiona at ipinakilala kami nito sa kaibigan nitong president ng student council. "Ate Mae, they are my friends. Ron, Missy and Allyza." Magpapakilala nito sa amin. Ngumiti ito sa amin at nakipagbeso. "Hi! Nice to meet you, guys. I hope you enjoy the party!" masiglang saad nito. Binati namin ito at inabot namin ang pinag-ambagan naming gifts para dito. Kumuha muna kami ng makakain at pumwesto sa isang bakanteng mesa. Dahil excited nang uminom ang dalawa ay kumuha na rin agad sila ng alak. Wala na 'kong nagawa kung hindi tanggapin ang binigay ng mga ito. Napabusangot ang mukha ko nang maamoy ko ang beer na nasa baso bago ko inumin iyon. Kahit kailan ay hindi ko talaga gusto ang amoy at lasa ng alak. Amoy pa lang nito parang masusuka na ako. Tumawa sina Missy at Ron sa naging reaksyon ko. "Hindi ka lang sanay. Sanayin mo na kasi ang sarili mo!" natatawang saad ni Ron. "Try mo 'tong cocktail, Ally. I'm sure mas magugustuhan mo 'to." Inabot sa akin ni Fiona ang baso na may kulay peach na laman. Tinanggap ko iyon at tinikman. Napatango ako. "Masarap nga." Parang juice lang iyon na may kaunting alak na halos hindi ko naman malasahan. Wala kaming ginawa kun'di magtawanan sa mga kalokohang kwento ni Ron at hindi ko na rin alam ilang oras na kaming naroon. Medyo nararamdaman ko na rin ang pag-iinit ng mukha ko kahit nakakatatlong baso pa lang ako. Naputol lang ito sa pagkukwento nang silipin ang phone nito. "Wait lang, guys. Tumatawag si Mom." Paalam nito sa amin. Lumayo si Ron at maya maya ay may tumawag naman kay Fiona sa kabilang table kaya nagpaalam rin itong umalis saglit kaya dalawa na lang kami naiwan ni Missy. "Ally, Cr muna ako nawiwiwi na talaga ako," saad nito. "Sige, ako nang bahala rito." Nang makaalis siya ay muli akong sumimsim sa baso ko at nilibot ang tingin sa paligid. Mas dumami pa pala ang dumating na bisita. Halos sumikip na rin sa buong garden na iyon. Nakita ko na ubos na ang food namin sa maliit na mesa kaya nang makabalik si Ron ay nagpaalam ako rito na kukuha muna ako ng pagkain sa mahabang table na nasa kabilang side ng garden. Ang daming pagkain ang naroon. Kumuha ako ng ilan at nilagay sa isang plato. Parang nauhaw naman ako bigla nang makita ko ang mango shake kaya kumuha ako ng isa. Pabalik na sana ako sa puwesto namin pero sa kamalasan ay bigla akong natapilok sa suot na heels at ganoon na lang ang gulat ko nang mawalan ako ng balanse at masubsob sa isa sa mga bisita. Napaupo ako sa madamong garden kasabay nang pagbagsak ng mga hawak ko. Natapon lahat ng laman ng platong dala ko at... natapon ang mango shake sa dress na suot nito. Narinig ko na lang ang malakas na pagtili nito at nang tingnan ko ito ay halos manigas ang buong katawan ko nang makilala ko ang babaeng nabunggo ko. Si Crystal...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD