Chapter 5. Jackson POV

1481 Words
"Anak, bumili ka kaya ng mas matibay na sandals sa Mall para naman hindi masira agad? Hindi naman siguro iyon malaking kabawasan sa naitabi natin," wika ni Mama. Nilingon ko ito. "Hindi na po, Ma. Marami po kasi akong biniling libro. Puwede ko pa naman siguro pagtyagaan itong napaglumaan ko." "Hindi bale, 'nak. Napasama na ako sa mga puwedeng mag-overtime sa patahian kaya magkakaroon tayo ng extrang kita," nakangiting wika ni Mama. "Sigurado po ba kayo, Ma? Baka masyado kayong mapagod niyan? Puwede rin naman po akong magdoble kayod sa pagbebenta ng paninda natin." Nag-alala ako para sa kan'ya. Kahit nasa mid 40's pa lang si Mama at malakas, ayokong pinapagod niya ang sarili niya nang husto. Siya na lang ang mayroon ako. "Oo naman. Hindi naman ganoon kabigat ang trabaho. O siya, mauna na 'ko sa'yo. Mag-iingat ka sa pagpasok." "Sige po, Ma. Kayo po ang mag-ingat. Lalo na kay Mang Damian," tukoy ko sa biyudong kapitbahay namin. "Hay nako! Subukan niya lang lapitan ako at makakatikim siya ng sampal." Napangiti ako. Matagal nang sinusuyo ni Mang Damian si Mama pero wala na raw sa isip ni Mama ang mag-asawa muli kaya tinataboy niya ito. Ayos lang naman sa akin kung sakaling mag-asawa ulit si Mama dahil gusto kong maging masaya siya ulit at makaramdam ng may nag-aalaga sa kan'ya. At isa pa mabait si Mang Damian. Biyudo ito at may sarili na rin pamilya ang anak na lalaki kaya mag-isa na lang ito namumuhay. Nang matapos akong mag-ayos ay lumabas na rin ako ng bahay na may sukbit na shoulder bag. "Babes! Gumaganda ka lalo araw-araw, ah?" Napalingon ako kay Karlito na nakatambay muli sa tindahan pero ngayon mag-isa lang ito. May hawak na sigarilyo at softdrinks sa magkabilang kamay. Nakasabit sa balikat ang damit kaya wala itong pang-itaas. Saglit ko lang ito tinapunan ng tingin at ipinagpatuloy ang paglalakad. Bahagya akong nagulat nang sumunod ito at sabayan akong maglakad. "Hatid na kita," kaswal na saad nito. "Hindi naman kailangan," simpleng sagot ko. Nakaramdam ako ng pagkailang kaya mas binilisan ko ang lakad. "Hindi, gusto ko ihatid kita." Isinuot nito ang T-shirt na nasa balikat. Hindi ko inaasahan na talagang susunod ito nang makasakay ako ng jeep. Mabuti na lang at naupo ako sa pagitan ng dalawang babaeng nakaupo kaya wala itong nagawa kun'di pumwesto sa iba. "Maxville! Maxville!" sigaw ng driver nang makarating kami sa tapat ng school kaya agad akong bumaba. Huminto ako sa paglakad at hindi makapaniwalang tiningnan ito nang maramdaman kong nakasunod pa rin ito hanggang sa labas ng gate. "Karlito, umuwi ka na. Hindi mo ako kailangan ihatid. Kaya ko ang sarili ko." "Gusto kitang ihatid. Kung akala mo hindi ako seryoso sa'yo. Seryoso ako, Babes. Mula ngayon seseryosohin ko na ang panliligaw ko. Baka kasi mamaya maagawan pa 'ko, eh." Kakamot-kamot sa batok na saad nito. Napapikit ako ng mariin. "Karlito, hindi ako nagpapaligaw. Pag-aaral lang ang nasa isip ko. Huwag mo nang ulitin 'to, Please lang." Mas lumapit ito at akmang hahawakan ang pisngi ko. Balak kong umiwas pero bago ko pa magawa iyon ay halos mapatalon ako sa gulat nang may motor na bumusina nang malakas at sunod-sunod sa gilid namin. Hindi ko makita ang mukha ng lalaking sakay niyon dahil sa suot nitong helmet pero parang pamilyar ang mga matang iyon. "Hoy! Ang angas mo, ha!" sita ni Karlito rito. Ilang segundo kaming nagkatitigan ng lalaking 'yon bago ito humarurot palayo. Jackson Mondragon POV "Bro, kumusta 'yong kasama mo kagabi? Ayos ba?" tanong ni Luke habang tumataas-taas ang dalawang kilay nito. Naalala ko ang babaeng nakilala ko sa bar kagabi. I smirked. "Wild." "Woah!" sambit ni George at tinaas ang palad para makipag-apir na siyang tinugon ko. Nakaupo kami sa madalas namin tambayan sa gilid ng gymnasium. "Wild pala talaga 'yong magkakaibigan na 'yon. Ako na lang sumuko sa kasama ko, eh," wika ni Luke na ikinatawa nila. "Mahina ka pa pala, eh!" ani David at bahagyang pinalo sa dibdib si Luke. "Ah, mahina ako? Teka, nasaan na ba si Kate?" tukoy ni Luke sa girlfriend ni David at lumingon-lingon sa paligid na tila hinahanap ito. "Hoy, gago! Hindi niya alam na umalis ako kagabi," naalarmang mura ni David dito. Tumaas ang sulok ng labi ko. Takot ito sa girlfriend. That's the disadvantage of being in a relationship. May pinagtataguan at kumokontrol sa mga gusto mong gawin. Napuno ng kantiyawan at tawanan ang grupo namin at natahimik lang kami nang may lumapit sa 'kin. "H-Hi, Jackson," nahihiyang bati nito. She's familiar. Marahil isa ito sa mga kaklase ko. Hindi ko lang matandaan kung anong subject. "For you." Nakangiting inabot nito ang isang paper bag mula sa isang kilalang brand ng relos. Tiningnan ko iyon bago muling tumingin sa mukha nito. She's pretty but not that attractive kaya siguro hindi ko ito napapansin noon. "Thanks, but I won't accept that." "Ohhh.." sabay-sabay na bigkas ng mga kaibigan ko. Marami na ang nagtangkang magbigay ng kung anu-ano sa 'kin pero hindi ko tinatanggap. Ayokong bigyan sila ng pag-asa na susuklian ko ang mga regalo at atensyon na binibigay nila. I don't want commitments. Ayoko rin ng babaeng habol nang habol. Kung gustohin ko man silang tikman, hanggang doon lang 'yon. Bakas ang pagkadismaya sa mukha nito at nahihiyang ibinaba ang hawak pero may kinuha ito mula sa bulsa. Isa iyong papel na nakatupi. Alangan man ay tinanggap ko iyon. "It's my birthday today, sana mapagbigyan mo 'ko..." mahinang wika nito at makahulugang ngumiti bago lumakad palayo. Binuksan ko ang papel at nagsilapitan ang mga ulo ng kasama ko para makisilip sa papel. "Hi, Jackson. I'm Leah and it's my birthday today. I'm a virgin and I wanted you to be my first as a gift. I hope you would accept my request." Malakas na basa ni Luke sa mensahe. May nakasulat ding pangalan ng kilalang motel at room number. Napailing ako. Pang-ilan na ba ang babaeng nag-alay ng sarili nila sa 'kin? Hindi ko na nabilang. "Damn, Bro. Go for the gold!" wika ni George at tinapik ako sa balikat. "Jackson, the devirginizer," Luke said and chuckled. I just smirked. Sino ba ako para tumanggi sa biyayang nakahain. Nang matapos ang mga klase ko ay umalis na 'ko ng school dala ang motor ko. Tinungo ko ang motel na sinabi nito at sinamahan ako ng isang staff sa room na sinabi ko. Kumatok ako at hindi nagtagal may nagbukas ng pinto. Nakita ko ang babae na mukhang bagong ligo at nakasuot ng bathrobe. Bakas ang gulat sa mukha nito at alam kong bahagya itong nailang nang makita ako. "I-I didn't expect na pupunta ka.. P-pasok ka.." Mas niluwagan nito ang pagkakabukas ng pinto. Pumasok ako sa loob. Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto para i-check kung may hidden camera. Mahirap na. Bahagya akong nagulat nang bigla akong yakapin nito. "Thank you for coming, Jackson. Matagal na kitang gusto kaya masayang-masaya ako na pinagbigyan mo ang hiling ko." Marahan ko siyang nilayo. I don't like drama. Nag-angat ito ng tingin sa akin. "Don't worry, I-I know your rule. Narinig ko na sa iba. Hindi ako maghahabol pagtapos nito." "Good. We can start now. May lakad pa 'ko," kaswal na sabi ko. Hindi ito sumagot at sinunggaban ako ng marubdob na halik. Hinubad nito ang t-shirt na suot ko at pinaliguan ng halik ang leeg at dibdib ko pababa. She unbutton and unzip my pants before she pulled it down. Well, I guess she's not that innocent. Naging mabilis lang ang pangyayari at may pagmamadali kong ginawa ang lahat. Hindi na rin namin nagamit ang kama roon. Inalis ko na ang condom at inangat ang pants ko na nasa paanan ko pa rin. Nilingon ako nito mula sa pagkakadapa sa gilid ng kama. "A-alis ka na agad? T-tapos na ba?" She carefully moved and sit on the side of the bed. Still looked hurt and there's some blood in her thigh. "Yes." Lumabas ako ng kwartong iyon. Kinabukasan maaga akong nakarating sa school. Papasok na sana ako ng gate sakay ng sportscar ko nang makita ko ulit siya kasama na naman ang lalaking 'yon. Dito pa talaga sila nag-uusap sa gate? Malakas akong busina nang sunod-sunod. Napangisi ako nang makita ko kung paano magulat ito. I'm not sure if she recognized my car pero masama itong tumingin sa loob kahit alam kong hindi niya ako nakikita dahil sa tinted na salamin. I grinned. I don't know why pero gustong-gusto kong iniinis ito. Maybe because natutuwa ako dahil parang nakakakita ako ng galit na anghel. Pero agad rin nawala ang ngiti ko nang tapunan ko ng tingin ang lalaking kasama nito. Hindi ko alam kung bakit mabigat ang loob ko rito. Is that her boyfriend? Tss. Ang pangit. Masama rin itong nakatingin sa kotse ko at akmang lalapit pero humarurot na 'ko ng takbo. Baka mabahiran pa ng kung anong sakit ang kotse ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD