Allyza Alcantara Kasalukuyan akong naglilinis ng bahay nang makarinig ako ng katok sa pinto. Binitiwan ko ang hawak na walis at lumapit para buksan 'yon. Nagtaka ako nang bumungad sa akin ang hindi pamilyar na lalaki. "Miss, dito ba ang bahay ni Allyza Alcantara?" "Ako po iyon. B-bakit po?" "Gusto kang makausap ng amo ko." "Sino pong-" Iniwan ako nito para lapitan ang pamilyar na kotseng nakaparada sa tapat na noon ko lang napansin. Binuksan nito ang pinto at lumabas ang mommy ni Jackson. Nakasuot ito ng dress na kulay ube at sapatos na mataas ang takong. Napalunok ako at kumabog ang dibdib ko nang magtama ang mga mata namin. "I want to talk to you," seryosong wika nito paglapit sa akin. "S-sige po. P-pasok po kayo..." natataranta kong sagot. Hindi ko mawari ang gagawin. Humakb

