Kinabukasan nag-message siya na aalis sila ng daddy niya patungo sa Tagaytay. Ramdam ko pa rin na nagtatampo siya sa 'kin. Kakausapin ko na lang siguro siya bukas pag-uwi nila. Hindi niya na pala ako masasamahan sa birthday party na pupuntahan ko katulad ng napag-usapan namin nakaraan. Wala rin si Missy dahil nasa bakasyon pa ito kasama ang parents niya. Kaming dalawa na lang ni Ron ang pupunta. Ito kasi ang magiging host. Ayoko na rin sanang um-attend pero kaklase at kaibigan ko rin si Patrick. Bukod pa ro'n isa ang mga magulang niya sa mga sponsor ng school kaya may mga napapa-aral na scholars na tulad ko kaya naman kinakailangan kong pumunta kahit saglit lang. Kinagabihan nag-message na lang din ako kay Jackson no'ng papunta na kami ni Ron. Binasa ko ang reply nito. "So you're still

