Mabilis akong tumayo at dinampot ang nagkalat kong pantalon at blouse sa sahig. Pagkatapos kong magbihis napansin kong gumalaw si Renz. "R-Renz?" nanginginig ang boses na tawag ko rito. Tila inaantok pa ito at kumunot ang noo nang makita ako. "A-anong nangyari?" kinakabahang tanong ko. Napansin kong parang naguguluhan din ito habang nakatingin sa 'kin. Nang tuluyang magising ang diwa inikot nito ang tingin sa paligid. Natatarantang bumaba ng kama habang hawak ang kumot para damputin ang mga damit nito sa sahig. Napaiwas ako ng tingin nang magsuot ito nang pang-ibaba. Tuluyan nang bumangon ang matinding takot sa dibdib ko sa realidad. Hindi ito isang masamang panaginip lang. "B-bakit ka nandito? Bakit magkasama tayo sa iisang kwarto? Anong nangyari?" Sunod-sunod na tanong ko. Hindi it

