Naloloka na ako sa dami kong kailangan aralin. Taxation, Accounting at 'yong mga minor subjects ko pa na feeling major subjects sa dami ng kailangan reviewhin lalo na start na ng midterm exam next week. Kaya naman kahit antok na antok na ako pinipigilan ko ang sariling makatulog. Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit panay ang tingin ko sa cellphone ko. Dalawang araw na akong hindi mapakali. Habang nagha-highlight ako sa libro narinig kong tumunog ulit iyon kaya dali-dali kong sinilip para tingnan kung sinong nag-text. Pero agad din akong napasimagot nang mabasa ito. 'Mag-load na ng P20 or more to get your free 2 GB internet data.' Bumuntong hininga ako at binitawan ang cellphone. Akala ko naman kung sino na! Tumayo ako mula sa upuan at lumapit sa refrigerator para kumuha na lang

