"Guys, alam niyo na ba?" tanong ni Ron habang papunta kami sa canteen. "Hindi pa. Anong chismis 'yan?" interesadong usisa agad ni Missy. "Last saturday pala hindi sinasadyang nagkita ang team pogi at ang team chaka sa bar. Ayun nagkagulo!" "Teka, sinong team chaka?" naguguluhan ring tanong ni Missy. "Eh 'di 'yong ex ni Fiona and his friends." "Ha?? May part two ang bugbugan? Bakit ngayon mo lang sinabi?!" "Ngayon ko lang din nalaman. Narinig ko kasi pinag-uusapan nila 'yong babayaran nilang damages sa bar." Napaisip ako sa mga sinabi ni Ron. Sabado ng gabi 'yon no'ng nagpunta si Jackson sa bahay at may mga galos. Unti-unting napaawang ang labi ko sa realisasyon. Ibig sabihin napaaway sila sa grupo ni Victor kaya siya may mga sugat. Parang bigla tuloy akong nakonsensya na pinag-isipa

