MZ C-3

4545 Words
                                            ________________________________________________ Pagbaba ko ng taxi ay halos malula ang mata ko sa taas ng gate at pader na nasa gilid nito. May doorbell na nasa gilid ng gate at sa taas nito ang isang cctv camera. Humakbang ako papalapit sa doorbell habang hatak-hatak ng maletang dala ko. Pagpindot ko sa doorbell ay saktong tumunog naman ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa sling bag at nakitang tumatawag na si Manang Lydia. "Hija, pwede ka nang pumasok," sambit nito at awtomatikong bumukas ang gate. Narinig ko na pinutol na nito ang tawag. Pagpasok ko ay tila nag umpisa nang manginig ang tuhod ko. Narinig ko na lang na sumara na ang gate. Hindi ko alam kung compound ba o subdivision ang nakikita ko dahil hindi lang isang bahay ang nakikita ko kundi apat na malalaking bahay. Hindi ito basta bahay lang dahil malalaki at magaganda ang mga ito. Mga mansyon ito at sigurado akong milyonaryo o bilyonaryo ang may ari nito. Ang sementadong daan na kinatatayuan ko ay diretso sa unang mansyon at ang tatlong mansyon naman ay nasa gilid nito.  Habang tinatahak ang sementadong daan ay isa-isang nag sulputan sa gilid ko ang mga lalaking naka suit na gray at yung iba doon ay may dalang malalaking asong kulay brown na may halong itim. Nakakabingi ng isa-isang mag sitahulan ang mga aso. Kahit nangangatog ang tuhod ko ay pinilit kong humakbang. Ang mga lalaki naman na naka suit ay naka masid lang sa akin hindi sila nag sasalita. Naka shades na black din ang mga ito kaya hindi ko makita kung anong ekspresyon ng kanilang mga mukha. "Hija halika na, mabuti naman nakarating kana. Ako si Nanay lydia," biglang sabi ng isang matandang babae. Nasa tabi ko na pala siya. Hindi ko napansin na lumapit siya sa akin, dahil ang mata ko ay nakatingin doon sa mga asong kumakahol. Scary. "Ah-- oo nga ho," ito na lang nasabi ko dahil yung tuhod ko ay nangangatog pa rin. "Ngayon ko lang napansin maganda ka pala hija kahit ganyan ang itsura ng buhok mo." Napansin niya ang cleopatra kong buhok. "Ah-eh Manang ay Nay Lydia, ganoon po ba," wika ko at napilitang tumawa, hindi ko alam ang isasagot ko dahil sa kaba. Tantya ko ay nasa 50 years old na Nay Lydia, hindi nalalayo sa edad ni mama. Nagpatuloy kame sa paglalakad hanggang sa nakarating kame sa mansyon, ang bubong nito ay brown at ang pintura naman nito ay cream o may pagka dirty white. Mukang alaga din ang mga d**o na mukang bermuda grass at punong nasa gilid nito. Pagpasok pa lang ay halos lumuwa ang mga mata. Ang laki laki ng bahay. Para akong nasa palasyo lahat ng gamit ay mamahalin pati yung sahig nangingintab na kulang na lang maging salamin dahil nakikita ko yung repleksyon ko kung saan ako nakatayo. Nabaling ang tingin ko doon sa hagdan na nasa gilid ng pinto paakyat doon sa mukang balkunahe. Napakurap kurap ako nang tila may nakita akong repleksyon ng anino doon sa balkunahe nasa gilid ito malapit sa hagdan na tila nagtatago. Pagkurap ko ulit ay bigla nalang itong nawala. Baka guni-guni ko lang. Isip ko na pilit na pinapawi ang kaba. "Hija dito ka maupo," sabi ni nay lydia na nakaupo na doon sa sofa habang nakaturo sa upuang nasa harap ng lamesita. Lumapit ako sa kanya at umupo.Nakita ko ang iilang pirasong papel at isang cheke na nakasulat ay 500,000.00 pesos. "Hija ito yung kontrata at cheke, pwede mo munang basahin ang kontrata bago mo pirmahan, pero kung ako sayo pipirmahan ko na agad yan," diretsahang sabi ni nay lydia at ngumiti.Iniabot niya sa akin ang isang papel at ballpen.Tumango na lang ako at kinuha iyon sa kanya. Tahimik kong binasa ang kontrata. Napakasimple nang mga nakalagay kaya hindi ko maiwasang magtaka. 1. Bawal lumabas ng alas-otso ng gabi hanggang alas singko ng madaling araw. (8:00pm to 5:00am) 2. Magtatrabaho ka dito hanggat mabayaran mo ang Five Hundred Thousand Pesos. 3. 3 beses lang ang day off sa isang buwan. Sa araw ng linggo at ang oras ay alas-nuebe ng umaga hanggang alas-kwatro ng hapon ay dapat nakabalik na. (9:00am to 4:00pm) Napalingon ako kay Nay Lydia pagkatapos kong basahin ang nasa papel. Siya naman ay ngumiti lang, napansin niya siguro ang pagtataka ko.   "Hija yung number one ay yan ang pinaka importanteng rule ni boss, pupuntahan ko lang kayo pag may lilinisin pagkatapos non ay dapat bumalik din agad kayo sa mansyon kung saan kayo naka-stay." Nahinto si Nay Lydia sa pagsasalita tapos seryoso siyang tumingin sa akin. "Ayaw kasi ni Boss makakita ng kahit sino, sa akin lang siya nakikipagkita at ako lang ang kinakausap niya," saad niya ulit dahilan para  magsitayuan ang mga balahibo ko. Napalunok na lang ako habang nakatingin sa kanya. "Ok-kay nay," nauutal kong sagot. "Yung pangalawa naman ay Fifty Thousand pesos lang muna ang makukuha mong sahod kada buwan dahil ibabawas na ni boss yung kalahati para sa cash advance mo at dagdag pa pala, hindi ka pwedeng umalis basta basta kahit tapos mo nang bayaran ang cash advance mo. Desisyon pa rin niya kung aalis ka o hindi." "At yung pangatlo ay simple lang dapat nakabalik kana bago mag alas-kwatro ng hapon pag ka day off mo. Yan lang ang rules ni boss." Boss? Boss?! Boss?! Paulit ulit sa utak ko na tila ume-echo. Napatango na lang ako pero ang totoo ay takot na takot na ako sa sinabi ng aking mayordoma. Lalo na pag nagsasalita siya ng BOSS, Boss, Boss. Ano ba Minah tinatakot mo lang ang sarili mo. Sambit ng utak ko at huminga ng malalim. "Si-sige Nay," tipid kong sagot. Nandito na ako kaya hindi na pwedeng mag back out. Para ito kay Mama kaya pipirmahan ko na. Lakas loob kong pinirmahan ang kontrata at pagkatapos ay iniabot na ito kay nay Lydia. Siya naman ay binigay na sa akin ang tseke. Nabaling ang tingin ko doon sa pirma, hindi ko alam kung bakit dahil parang may presensya na kung anuman ang meron ang chekeng ito. Initial lang ang nakalagay. ( Z.L.) Nagiging exagerated lang siguro ako. "Hija sa kabilang bahay ka tutuloy doon ka mag-i-stay kasama ng ibang katulong, at tungkol sa paglilinis, ako ang magsasabi kung anong mansyon ang pwede niyo lang linisin, medyo istrikto kasi si boss." Yan na naman si Nay lydia. Tumatayo talaga ang balahibo ko pag naririnig ko sa kanya ang salitang BOSS. "Ok po," matipid na sagot ko. "Oo nga pala kailangan ko pala yung resume mo o bio data." "Oo nga nay, teka kukunin ko po," sagot ko at kinuha sa maleta ang isang clear folder. Kinuha ko doon ang resume ko na ginawa ko pa nung isang araw. Habang inaabot kay Nay Lydia ang resume ko ay naalala ko naman ang chekeng nasa kabilang kamay ko kailangan na palang madeposit ang cheke na ito para maumpisahan na ang therapy ni mama. "Nay lydia yung cheke po kasi kailangan ko ng maibayad sa hospital para maumpisahan na ang therapy ni mama, ok lang po ba kung lalabas muna ako para maibayad ko na po ito," "Hija ipapasuyo ko na lang sa tauhan ni boss," sagot nito at ngumiti. "Ganoon po ba," wika ko na may pag-aalala, baka mawala itong cheke mahirap na. "Hija wag kang mag-alala, si boss nang bahala nasabi ko sa kanya ang sitwasyon mo kaya pina cash advance ka kaagad niya. O' sya' halika na para makapag ayos kana ng gamit mo." Hindi na ako nakasagot dahil tumuloy nang lumakad si nay lydia papunta doon sa tutuluyan ko daw na mansyon o bahay. Kahit puno ng pagtataka at kabado ay binaliwala ko na lang iyon, inisip ko na lang si mama, at ang importante ay gagaling na siya.                     _______________________________________________________________________________ Magkatabi lang yung mansyon na tutuluyan ko, wala pang limang minuto ay nakarating na kame ni nay lydia kung saan nandoon ang mga katulong.  Ang bubong nito ay kulay maputlang asul, ang pader naman nito ay kulay cream din na tila dirty white. May mga puno at halamang nakapaligid dito. Pagpasok sa loob ay napakalinis din nito, may sofa din na nakaharap sa pinto. Malaki din ang mansyon na ito at lahat ng gamit ay mamahalin. Pumunta kame malapit sa sofa ni Nay Lydia at ilang segundo lang  ay pumalakpak siya ng tatlong beses, nakita ko na lang na lumabas ang mga katulong doon sa may pinto na tingin ko ay kusina. Luminya sila sa harap namin ni nay lydia at nag-bow saglit. "Minah ganyan ang gagawin mo pag may bagong katulong kang makakasama," sabi ni nay lydia. "Okay po," sabi ko habang tumatango. Isa isang pinakilala ni Nay Lydia sa akin ang mga katulong na makakasama ko. Hindi ko matandaan ang pangalan nila dahil mukha silang magkakamukha siguro ay dahil nakauniporme sila at nakapusod ang mga buhok, marame din sila. Pagkatapos sabihin ni nay lydia ang mga pangalan nila ay ako naman ang pinakilala niya. "Siya si Minah ang bago niyong makakasama," sabi ulit ni nay lydia. "Kamusta kayo, masaya akong makilala kayo," nakangiting bati ko at yumuko. Dahan dahan lang ang pagyuko ko dahil baka matanggal itong wig ko. Pasimple kong hinawakan ang buhok ko habang nakayuko. Pag-angat ko ng ulo ay napansin kong may iilan sa kanila na parang napataas ang kilay yung iba naman ay napaismid. Pati ba naman dito may naiinis sa akin?! sambit ng utak ko. "Minah nasa dise-nuebe sila at ikaw ang pang dalawampu," sabi ulit ni nay lydia. Ano daw Dalawampu?! Dalawampu?! Dalawampu?! "Ah-eh ganoon po ba," nakangiting sabi ko pero ang totoo ay napaisip ako. Marami pala kami, sabagay dahil apat na mansyon ang nandito mahihirapan talagang maglinis kung konti lang kaming kasambahay na nandito. "Halika na at ituturo ko sayo kung saan ang magiging kwarto mo," sambit ni nay lydia at humakbang paakyat doon sa hagdan. Ngayon ko lang napansin na may balkonahe din pala itong mansyon katulad sa mansyon kung saan ako pumirma ng kontrata kanina. Habang nakasunod kay Nay Lydia at hatak hatak ang maleta ko ay napansin ko na yung mga katulong na nakalinya kanina ay bumalik ulit doon sa kwarto kung saan sila nanggaling kanina. Pag-akyat namin ay nakita ko na may hallway din ang mansyon at may mga pinto kaming nadadaanan. Nahinto kame sa pinto at may letra at numero na nakalagay. Z#10.  "Hija bawat kwarto rito ay may numero. Itong kwarto na Z#10 ang magiging kwarto mo. Sa bawat kwarto ay may dalawang katulong. Oo nga pala ang kasama mo dito ay si lottie" paliwanag ni nay lydia. "Si Lottie yung kaibigan po ni Sara ang munting prinsesa," biro ko at ngumiti. Bigla nalang pumasok sa utak ko si Sara ang munting prisesa kaya siguro nasabi ko iyon. Natigil ako sa pag ngiti ng tumitig sa akin si Nay Lydia."Pala biro ko pala hija hehe" natatawang sabi niya. "Napaka seryoso niyo po kasi, teka Nay gaano na po katagal yung mga kasama kong katulong dito?" curious na tanong ko. "Yung pinakamatagal ay si Levi, isang buwan na siya dito, nag-cash advance din siya katulad mo." Isang buwan?! Napalunok pa ako. Muli na naman akong kinabahan dahil sa nalaman ko. Matagal na ang isang buwan?! "Ganun po ba Nay, may sakit din po ba ang mama niya?" "Hindi, yung lolo niya nagda-dialysis," sagot ni Nay Lydia. May mga gusto pa akong itanong pero di ko na lang tinuloy baka isipin ni nay lydia na masyado na akong matanong. Binuksan ni Nay Lydia ang pinto sabay hakbang papasok nakasunod lang ako sa kanya. Nakita ko dalawang kama at may cabinet na nakapagitan dito. Yung isang kama ay nasa malapit sa may bintana. at tapat nito ay ang malaking cabinet. Habang yung isa ay malapit sa may pinto at may cabiet din sa harap nito.  Nilibot ko ang tingin sa kwarto. Mamahalin ang lahat ng nandito, parang nakakatakot gumalaw dahil pakiramdam ko may mababasag kahit di ko hawakan yung mga gamit  na nandito. "Minah dito ang kama mo at yung uniporme mo ay nandito na sa loob ng cabinet malinis na iyon at pwede mo nang isuot," sabi ni nay lydia nang makalapit doon sa kamang tinuro niya. Ito yung kamang malapit sa bintana at may cabinet sa harap. "Ok po Nay. Ah Nay may itatanong kasi ako," sabi ko habang lumalapit sa aking mayordoma. "Ano yon hija?" "Nay ano kasi ano po palang pangalan ng boss mo ? I mean natin po pala?" Ilang segundo akong tinitigan ni Nay Lydia. Seryoso ang mukha niya at ilang sandali ay bigla na lang siyang ngumiti dahilan na lalo akong magtaka. "Hija tawagin mo nalang siyang Mr. Z." Mr. Z? Z? Z?. Gusto ko sanang iboses ang pangalan na aming amo. Pero may kung anong bagay na talaga namang nagpapatayo ng balahibo ko nung narinig ko ang Mr.Z. "Hija bukas ka magsisimula, tutal alas kwatro na din ng hapon. Tandaan mo bawal ng lumabas pag sapit ng alas otso ng gabi hanggang alas singko ng madaling araw. Dito lang kayo sa kwarto niyo. Kumpleto itong kwarto niyo sa gamit at may banyo na din may kusina na din," tuloy tuloy na bilin ni Nay Lydia at tinuro ang pinto kung nasaan ang kusina at ang banyo.  Pati yung tv ay tinuro niya din, nakaharap ito sa dalawang kama. Hindi ko napansin dahil nagmukha itong pader dahil sa sobrang nipis ng pagka flatsrceen at nasa 36'inch ang laki. Nakapatong ito sa mukang aparador. At may iilang pirasong libro na nakalgay doon. Hindi ko tuloy maiwasang magisip na katulong ba talaga ang trabaho ko dito o bisita?. "Hija kayo ng bahala sa hapunan niyo dahil may stock naman yung ref niyo kaya di ka magugutom." Tumango na lang ako bilang tugon. "At hija may internet connection din kayo dito, alam mo hija sa totoo lang napaka swerte mo na nagtrabaho ka dito," sambit ulit ni nay lydia. Swerte nga siguro dahil pakiramdam ko mag bubuhay mayaman ako kahit katulong ang trabaho ko dito. "Nay salamat, araw araw po bang naglilinis sa mansyon? Lahat po ba ng mansyon ay lilinisin namin? Paano po kung hindi ko po malinisan ng maayos?" sunod sunod na tanong ko dahilan para sumeryoso ang mukha ni Nay Lydia.  "Hija may schedule ang bawat mansyon na lilinisin niyo, malalaman mo yan bukas, at kung hindi malinisan ng maayos ay walang problema pwedeng linisin ulit pero dapat bago mag alas-otso ng gabi ay tapos ka nang maglinis," wika niya at ngumiti. "Okay Nay gets ko na," sagot ko ngunit parang wala akong naintindihan dahil ang dami na namang tanong sa utak ko. "Oh sya, aalis na ako, magkita na lang tayo bukas," sabi niya at humakbang na papuntang pinto. Sumunod naman ako sa kanya, pinihit ko ang doorknob upang pagbuksan siya. "Ok Nay salamat po," sagot ko isasara ko na sana ang pinto ng pigilan ni Nay Lydia ito. "Hija may CCTV pala rito kaya kung sakaling magbibihis ka ay doon na lang sa banyo," pahabol na bilin ni Nay Lydia at siya na mismo ang nagsara ng pinto. Cctv?? Saan??.pagtataka ko sabay libot ng tingin ko sa kwarto. "Ah eto," sabi ko at nilapitan yung cctv. Nasa kisame siya at malapit doon sa kama ko. Hi-tech ang cctv dahil habang lumalapit ako ay gumagalaw din ito na tila ba naka tingin sa akin. Nag-uumpisa na naman akong kabahan pakiramdam ko may matang nakatitig sa akin. "Weird!" sabi ko na lang na pilit na binabaliwala ang kaba.                          ---------------------------------------------------------------------------- Paglabas ko sa mansyon kung saan hinatid ko si Minah ay diretso agad ako sa mansyon kung saan nakatira si boss. Itong mansyon na ito ang malaki sa lahat dito rin kanina pumirma si Minah ng kontrata. Umakyat ako ng hagdan at lumakad sa hallway dalawang kwarto lang ang meron sa mansyon na ito ang isang kwarto ay nasa kanang bahagi at yung isa ay nasa kaliwang bahagi. Dumiretso ako sa kanang bahagi dahil nandoon ang opisina ni boss. Pagpasok palang ay mukha itong library, may malaking bookshelve na nakapaligid sa buong kwarto. Lumapit ako doon sa bandang gitna at binunot ko ang kulay violet na libro na nasa gilid. Awtomatikong bumukas ang bookshelve na parang pinto. Tanaw ko agad si Master na nakaupo sa opisina nito. Pumasok agad ako, nasa kaliwang kamay ko ang resume ni Minah. "Master ito po," sabi ko at inilagay sa mesa ang resume ni Minah. Nakaupo siya swivel chair pero nakatalikod sa akin. Nakatanaw siya bintana. Hindi siya nagsalita sa halip ay tinaas niya ang kanang kamay niya, senyales na maghintay ako ng sasabihin niya. Patay ang ilaw ng opisina niya at ang tanging liwanag lang ay ang araw na tumatama sa malaking bintana kung saan siya nakaharap. May flat Screen tv din na 60'inch ang laki, katabi lang ito ng mesa ni boss. Dito naka monitor lahat ng CCTV na nasa apat na mansyon. Napaayos ako ng tayo nang nagsalita na siya kaya ako tahimik na nakinig sa kanya. "Sige po master," sagot ko at lumabas na nang opisina niya. Doon ako ulit dumaan sa bookshelves na pag hinatak ang librong kulay violet ulit ay bubukas at kusa ding sasara ang bookshelve. Simula pagka-dalaga ay dito na ako naninilbihan. Kaya siguro hindi na ako nakapag asawa dahil subsob din ako sa trabaho.  Si Master na din ang tinuring kong pamilya, dahil ulila akong lubos. Parehas kami ng sitwasyon, kaya minsan hindi ko maiwasang maawa sa kanya.                            --------------------------------------------------------------   "Lottie? Tama? tanong ko sa kasama kong katulong na pumasok sa kwarto.Tinignan ko yung relo na nasa taas ng pinto. Alas otso na ng gabi  oras ng balik ng mga katulong sa kani-kanilang kwarto. Tumango lang siya at dumiretso agad sa kama niya. "Lottie ako si Minah," pakilala ko. Napalingon siya sa akin kaya nakita ko ang mukha niyang tila malungkot. "Kilala na kita, pinakilala kana ni Nanay Lydia kanina," matamlay na sagot niya at huminga ng malalim. "May problema ba?" pagtataka ko. Pansin ko na hindi siya mapakali at ilang sandali pa ay lumuha na siya at pinahid naman niya agad. "Gusto ko nang umuwi, ayaw ko nang magtrabaho dito," sagot niya. Tinanggal niya ang pagkakapusod ng buhok niya sunod naman ay ang sapatos niya. "Bakit? malaki naman ang sahod dito at isa pa mukang alagang alaga kayo dito ay este tayo pala," sabi ko na nag-uumpisa na namang kabahan. "Yan ang akala mo, nung una ganyan din ang nasa isip ko pero habang tumatagal na nandito ako ay pakiramdam ko di na ako sisikatan ng araw. Swerte na lang kung gigising pa ako kinabukasan," sabi niya na tila takot. Hindi ko tuloy alam kung anung isasagot ko sa kanya. Napahinga nalang ako ng malalim at kinuha ang mga damit na nasa maleta ko. Bakit ganun yung sinabi niya?! Unang araw ko pa lang naman kaya wag na muna akong mag isip ng kung ano-ano, saka malalaman ko din kung bakit pag nag-umpisa na ako bukas. "Bakit ka pala nandito? Bakit ka pumasok na katulong? At yung buhok mo bakit ganyan? Parang panahon pa ni kopong kopong yang style ng buhok mo," tuloy tuloy na sabi niya. Parang gusto kong tumawa sa sinabi niya. Panahon ni kopong kopong?! Itong buhok ko?!  Grabe naman siya makapagsalita. "Ahm, pumasok akong katulong dito dahil sa pag te-therapy ni Mama, ang totoo niyan nag cash advance ako kay nay lydia kaya pumasok agad ako dito, at yung buhok ko idol ko kasi si Cleopatra," nakangiting sabi ko at napakuyakoy. Yung huling sagot ko ang mali dahil wig lang naman itong buhok ko.                     -------------------------------------------------------------------------------- Pasado alas nuebe na ng gabi kami natapos ni lottie kumain. Mabait pala siya pero muka siyang matatakutin. Isang linggo pa lang siyang naninilbihan dito sa mansyon.Nakaheadband at nakapusod na din ako kaya di na halata ni lottie na totoong buhok na yung nasa ulo ko. Napakaganda  ng kitchen, lahat ng mga gamit na nandoon ay masasabi kong mamahalin. Napansin ko na may cctv din dito at nandoon sa taas ng kisame. CCTV na naman? nasa tv show ba kame? dapat lahat ng galaw namin ay naka-camera? Si Lottie ang nagprisinta na mag luto ng hapunan namin ako naman ang naghugas ng pinagkainan. Nasa kusina kaming dalawa ng mga oras iyon. "Bakit ka pala pumasok dito?" tanong ko habang nagbabanlaw ng pinggan siya naman ay nakaupo sa tapat ng mesa nakamasid lang sa akin. "Pang tuition ng kapatid ko, tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay. Hindi kasi kaya ng mga magulang ko na tutustusan pa ang mga gastusin namin, mananahi lang kasi ang trabaho ng magulang ko at sa sikat na university pa nag-aaral ang dalawa kong kapatid kaya mahal ang tuition nila". Sagot niya "Ahh ganun ba, matagal ka nang nangangamuhan?" tanong ko ulit. Naglalagay na ako ng mga pinggan sa cabinet na nakadikit sa pader. "Hindi, hindi ko naman gusto ang trabahong ito, sa opisina ako dati. Napilitan lang akong mag-resign dahil ang laki ng sahod na inalok ni nay lydia," sagot niya at bumuntong hinga. Parehas pala kami ng sitwasyon ni lottie. "Paano mo pala nakilala si Nay Lydia?" tanong ko ulit. "Yung dating katulong na umalis dito nung isang linggo kapitbahay namin, ako yung pumalit sa kanya, nung una hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya na may multo daw dito, " biglang tigil niya dahilan na natigil ako sa paglalagay ng pinggan at lumingon sa kanya. "Multo? Naniniwala ka sa multo?" di makapaniwalang sambit ko. Napahalukipkip siya ng braso at seryosong tumitig sa akin."Minah malalaman mo yan pag tumagal kapa dito, " aniyang natatakot na. "Ahh-eh manuod tayo ng tv pagkatapos kong magligpit dito sa lababo," pag-iiba ko ng usapan at tinuloy na lang ang pag-aayos ng mga pinggan. Tinatakot niya lang siguro yung sarili niya. "Oo nga pala may magandang palabas ngayon yung bagong teleserye yung halik," sabi niya. Hindi ko alam kung anung tinutukoy na palabas ni Lottie dahil hindi naman ako masyadong nanunuod ng tv. "Ahh sige mukang maganda nga iyan," sagot ko. Pagkatapos ng ilang minuto kong pag-aayos ay niyaya ko na si Lottie na bumalik na doon sa kama. "Halika na pahinga na tayo." Humakbang na kami papunta sa kanya- kanya naming kama. Kinuha ni lottie ang remote sa tabi ng tv . Binuksan niya iyon at nilipat sa palabas na tinutukoy niya. Ako naman ay humiga na at nanuod. May pagka rated pg pala itong palabas na ito dahil panay halikan at keme ang palabas. Chuk-chakan sa madaling sabi. Alam ko ang bagay na iyon pero di ko pa nagagawa sa tanang buhay ko. Never as in never at hindi ko alam kung mararanasan ko ba yon. "May boyfriend kana Minah?" biglang tanong ni lottie habang nakatingin sa tv. Boyfriend? Ito ang bagay na wala ako. Lovelife? Zero. "Wala akong boyfriend, wala since birth," sagot ko na may halong biro sabay tawa ko. "Sabagay sino ba naman ang magkakagusto sayo kung ganyan ang buhok mo," sambit niya at lumingon sa akin. "Ay nakapusod kana pala, di kana mukang nene," dugtong niya ulit kasunod nito ang pagtawa niya. Biro ba yon? Kung biro man yon ay nakakapikon. Isip ko at napaismid saglit. "Hahaha, oo nga muka nga. Muka nga siguro akong nene, " natatawang sagot ko pero ang totoo gusto ko siyang batukan. "Biro lang Minah, cute ka naman eh, bat di ka nag ka-boyfriend?" nakangiting tanong niya. Hindi agad ako nakasagot. Bakit nga ba? Dahil ba sa buhok ko o dahil ayaw kong maligawan? O dahil kay mama? Tama dahil kay mama. "Wala kasi sa isip ko ang pag-bo-boyfriend. Ikaw lottie may boyfriend kana?" balik na tanong ko Tumango siya at ngumiti. "Oo naman, pag nakatapos na ang mga kapatid ko sa pag-aaral magpapakasal na kami," pagmamalaking sagot niya. "Ahh, ako naman si mama ang lagi kong iniisip kasi may sakit siya, mabuti na lang at nagte-therapy na siya." "Oo nga pala nag-te-therapy na ang mama mo, gagaling din ang mama mo Minah tiwala lang" sabi niya at ngumiti. Naalala ko bigla na kailangan kong tawagan si mama, kakamustahin kung ano nang lagay niya, kung naumpisahan na ba ang therapy niya. "Oo nga Lottie, tatawagan ko pa pala si mama," sabi ko at kinuha agad yung cellphone ko na nasa tabi ko. Di-nial ko agad ang number ni mama at sinagot naman ito ni yaya. Si Lottie naman ay tinuon na ang atensyon sa panunuod. Lumakad ako papuntang kusina para doon kausapin si yaya. "Yaya kamusta? Na-therapy na si mama?" "Oo mam, kaninang hapon lang, nagpapahinga na siya ngayon at natutulog na siya. Sa sinabi ni yaya ay parang nabawasan ang pag-aalala ko. Totoo nga ang sinabi ni Nay Lydia pinautos nito sa tauhan ni boss yung cheke. "Mabuti naman yaya sana gumanda na ang kondisyon niya. Yaya pakisabi pala pag gumising siya ay kinukumusta ko siya." "Makakarating ma'am, kanina pa nga siya naghahantay ng tawag mo hanggang sa dinalaw na lang ng antok, pag tumawag ka daw at tulog na siya pinapasabi niya namimis ka na daw niya." Para akong tinusok ng palaso sa dibdib dahil sa sinabi ni yaya. Kasunod nun ang lungkot na naramdaman ko. Namimis ko na din siya. Nakakalungkot lang tatlong beses lang ang day off ko sa isang buwan. "Ako din yaya namimis ko na siya.” Nag-uumpisa nang gumilid ang luha ko sa mata kaya bago pa pumatak  ay pinahid ko kaagad. "Sasabihin ko po yan sa kanya. Teka Ma'am kamusta ka dyan?" "Okay na okay ako dito yaya. Maganda ang kwarto ko at madami akong kasamang katulong kaya tingin ko hindi mahirap ang trabaho." "Oo ma'am maganda ang kwarto dyan kumpleto na lahat, pero ma'am mag-iingat ka pa din," sabi niya na tila may pag-aalala.Sa sinabi ni yaya ay nag-umpisa naman mag sitayuan ang mga balahibo ko. "Okay lang ako yaya wag kang mag-alala". Sabi ko na lang na pilit pinapatapang ang sarili. Para kay mama itong ginagawa ko kaya hindi ako matatakot. Isip ko. "Okay ma'am, nasabi po ba ni Nay lydia na may day-off na tatlong araw sa isang buwan?" "Opo yaya, baka sa next-next week pa ako makabisita kay mama, pakisabi na lang din po. Cge yaya tatawag po ulit ako bukas. Bye po," paalam ko. "Bye ma'am," sagot ni yaya. Ako naman ay pinutol na ang tawag.  Bumalik na ako sa kama. Habang papalapit doon sa kama ko ay napansin ko sa bintana ang mga ilaw na gumagalaw. Kaya tinignan ko kung ano iyon. "Mga bodyguard yan nung boss naten, nag-papatrol sila ng ganitong oras na nang gabi" biglang sabi ni lottie na nanunuod pa rin ng T.V.  "Ahh ganun ba" sagot ko habang nakatanaw sa may bintana. Kita ko ang mga lalaking naka suit ng gray, yung iba ay may dalang aso yung mga asong nakita ko kanina habang lumalakad sa sementadong daan. "At mamaya Minah may maririnig kang malakas na ugong galing sa labas, pag narinig mo ay dedma ka na lang tapos kung may narinig kang yabag o lumalakad papalapit sa pinto ng kwarto natin dedmahin mo ulit o kaya mag talukbong ka kung natatakot kana," tuloy tuloy na sabi ni Lottie kaya napalingon ako sa kanya. Nakita kong nakatalukbong na siya ng kumot tapos nanginginig sa takot. Grabe napaka matatakutin niya. Kung yun nga ang nangyayare pag hating gabi ay kailangan kong maging matapang dahil kung matatakot ako kagaya niya ano nalang mangyayare sa aming dalawa?                                     _____________________________________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD