MZ C-2

3358 Words
                                _____________________________________________________ Habang nagbabasa ng mga papeles ay biglang nagring ang cellphone na nasa desk ko. Nakita kong tumatawag si yaya kaya dali-dali ko itong sinagot. "Ma'am! Ma'am! Ma'am Minah!" sagot ni yaya ni tila masaya "Yaya kalma, dahan dahan lang po," sambit ko kasunod nun ang biglang kabang at sayang nararamdaman ko sa boses palang ni gaya mukang magandang balita naang sasabihin niya. "Ma'am nakausap ko na po si Manag Lydia, tamang tama po dahil kailangan na kailangan daw nila ngayon ng katulong kakaalis lang daw kasi ng bago nilang katulong kahapon" paliwanang ni yaya na tila hinihingal pa. Bagong katulong?! umalis kaagad?! Napaisip tuloy ako sa sinabi ni yaya, yung saya na nararamdaman ko ay napalitan ng takot. Bago pa ako tuluyan matakot ay inisip ko na lang si Mama, kailangan kong tanggapin ang trabahong pagiging katulong para mapagamot na siya. "Ma'am yung tungkol po doon sa cash advance mong 500,000.00 ay pwede daw po, ibibigay daw po iyon pagkatapos mong pumirma ng kontrata," dugtong ulit ni yaya. Kontrata?! Oo nga pala, hindi biro ang kalahating milyon. "Okay Yaya, wala pong problema, pipirma po agad ako basta mabigay lang kaagad ang cash advance ko," "Ma'am mapapagamot na natin ang mama mo," sambit ni yaya na tila naiiyak na. Bago pa ako mahawa sa kalungkutan ni yaya ay nagpaalam na ako sa kanya. "Yaya naman eh, mamaya na muna ang drama, mag-usap po tayo mamaya pagdating ko, at yaya ako na lang po ang mag-sasabi kay mama ng magandang balita." "Sige ma'am, bye po." "Yaya pasabi na lang po kay mama na maaga po ako uuwi ngayon bye yaya," bilin ko at pinutol na ang tawag. Pagbaba ko ng tawag ay saktong may kumatok sa pinto. Tinungo ko iyon at binuksan. "Bet may kailangan ka ba?" tanong ko at pinapasok siya sa loob ng opisina. "Ma'am tumawag po kasi si Boss Lily, pinapatanung niya kung na-finalize mo na daw yung papeles na iniabot ko sayo kahapon." Napailing na lang ako, sumagi na naman sa isip ko bruhang babaeng iyon. Aaminin ko pagkatapos ng pag-uusap namin tungkol sa cash advance na hinihingi ko ay di ko maiwasang makaramdamn ng inis sa kanya nadagdagan pa iyon nung nakita ko siyang ngumisi habang papalabas ng opisina niya. "Bet pag tumawag ulit siya sabihin mo inaayos ko pa, Atat na atat siya na ma-finalize ko edi siya gumawa!" inis na sambit ko, napansin ko ang mukha ni Bet na tila gulat na gulat. "Ma'am?! tama po ba yung naririnig ko?!" tanung niya na pinupunto ay ang inis na pagkakasabi ko. "Oo bet, tama naiinis na ako sa kanya, lagi na lang niyang minamadali ang mga report ko pati mga papeles na dapat siya ang gumagawa ay ibinibigay niya sa akin," hindi ko na napigil ang sarili ko, para akong nabunutin ng tinik sa lalamunan ng mga oras na iyon. "Ma'am Minah dapat lang na magalit at mainis ka, hindi na tama yung mga ginagawa niya sayo pati yung mga alipores at spy niya dito sa labas ng opisina mo na walang ginawa kundi ang laitin ka," ismid ni Bet at nagpameywang. Napangiti na lang ako sa sinabi ni Bet. Habang umuupo sa upuan ko ay tila nakaramdam ako ng lungkot. Si Bet na laging nasa panig ko at maasahan sa lahat ng mga report na pinapagawa ko ay hindi ko na makakasama, unti-unti akong nabalot ng lungkot ng mga oras na iyon. Gusto kong sabihin sa kanya ang pag-alis ko pero parang napanghihinaan ako ng loob habang nakatingin sa kanya.                       ______________________________________________________________________ Pagsapit ng alas singko ay agad kong niligpit ang mga gamit ko. Paglabas ng opisina ay nilingon ko si bet na abala sa pag ta-type.   "Bet mauna na ako, bye."   "Bye Ma'am ingat po," nakangiting sagot nito. Nagmadali agad akong lumakad papunta ng elevator. Pagdating sa parking lot ay mabilis kong pinaandar ang sasakyan pauwi ng bahay. Excited akong ibalita kay mama na matutuloy na ang therapy niya. Pagdating palang sa gate ay nakaabang na si yaya upang pagbuksan ako. "Yaya kamusta po si Mama?" tanong ko habang sinusukbit ang shoulder bag ko sa balikat.   "Mabuti naman Ma'am, kumain na po siya nandoon na po siya sa kwarto nagpapahinga," sagot ni yaya at sinara na ang gate.   "Puntahan ko na po muna si Mama," sabi ko at dali daling pumasok sa loob ng bahay. Pagbukas ko palang sa pinto ng kwarto ni mama ay kita ko na ang nakangiti niyang mukha.   "Ang aga naman ng uwi mo ngayon nak."   "Syempre ma, may maganda akong balita," excited na sabi ko at umupo sa tabi niya.   "Mukha nga anak, ang laki ng ngiti mo ngayon."   "Ma ma-te-therapy kana, gagaling kana mama," nakangiting sabi ko kasunod nun ang pag gilid ng luha sa mga mata ko. "Aba maganda ngang balita yan anak," masayang sabi ni mama. Nahalat kong tila gumigilid na din ang luha niya sa mata.   "Ma gagaling kana," sabi ko kasunod nun ang pagpatak ng mga luha ko hindi ko na napigil ang sarili ko dahil sa saya nararamdaman ko.   Pati si mama ay lumuha na din. Napayakap na lang ako sa kanya. Tila sinulit namin ang presensya ng isat isa. Pagkatapos nang yakap ay natitig sa akin si mama.   "Anak may pambayad ba tayo sa pagpapagamot ko? Saan tayo kukuha ng pera?" mga tanong niya.    Hindi ko aakalain na itatanong niya iyon dahil hindi ko naman nasabi sa kanya kung magkano ang gagastusin sa therapy niya. Hindi ko rin masabi kay mama na magiging katulong na ako. Mas mabuti ngang wag ko na lang sabihin para hindi siya mag-alala.   "Ma may sapat akong ipon para mapagamot kana, saka wag kang mag alala dahil ang importante ay gagaling ka" pagdadahilan ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni mama at ngumiti sa kanya. Tanda na wala dapat siyang ipag-alala.   "Salamat anak," nakangiting sabi ni Mama. "Ma, magpahinga kana, kokontakin ko na si Doc para maumpisahan na ang pag te-therapy mo."   Niyakap ko ulit siya at binantayan hanggang sa makatulog. Paglabas ko ng kwarto ay kumawala ulit ang luha ko. Masaya ako dahil mapapagamot ko na si mama pero may halong lungkot dahil iiwan ko na ang maganda kong career pati si mama ay hindi ko makakasama sa pag tetherapy niya isa na akong katulong na hindi pwedeng umuwi araw araw. Huminga ako ng malalim para mapigilan ang pagluha. Nang mahimasmasan ay tinungo ko agad si yaya na naghahanda ng pagkain sa mesa.   "Ma'am kain na po," nakangiting aya niya.   "Salamat yaya, sabayan mo na po ako," sagot ko at umupo na sa tapat ng mesa ganun din si yaya.   "Ya, kelan daw po ako mag-uumpisa?" biglang tanong ko. Alam ni yaya kung anung ibig kong sabihin.   "Ma'am sa pakikipag usap ko kay manang lydia eh kailangan ka na daw nila sa lalong madaling panahon."   "Ya pwede ko bang makausap si manang lydia mamaya pagkatapos nating kumain?" "Sige subukan kong tawagan siya, medyo late na kasi matulog yun dahil hating gabi na dumadating yung boss niya," sagot ni yaya. Para akong kinilabutan dahil sa sinabi ni yaya lalo na yung narinig ko yung boss na sinasabi niya.   "Yaya ang totoo niyan natatakot din ako dun sa boss na sinasabi mo, killer ba talaga siya?" tanong ko.   Nahinto si yaya sa pagsubo at tumingin sa akin ng seryoso. "Ma'am hindi ko alam, wala akong ideya tungkol sa boss ni manang lydia, usap usapan kasi yun ng mga katulong na nakasama ko. Pero tingin ko ma'am baka mabait yun kasi pina cash advance ka kaagad niya, nung sinabi ko kasi kay manang lydia na gagamitin yung pera sa pagpapagamot ay binalikan niya ulit ako ng tawag, pumayag daw agad yung boss niya."   "Bahala na Yaya, ang importante gagaling na si mama, ikaw na munang bahala sa kanya ya hanggat nandoon ako. Sana lang may day off ako para mabisita ko kayo," malungkot na sabi ko.   "Ma'am wag po kayong mag aalala aalagaan ko po ang mama mo," sagot ni yaya na nalulungkot na din.   Pagkatapos naming kumain ay tinawagan agad ni yaya si Manang lydia. "Ma'am eto na po si manang Lydia," iniabot sa akin ni yaya ang telepono, nasa sala kami ng mga oras na iyon.   "Magandang gabi po, ako po si Minah ang papasok po na katulong sa inyo," pagpapakilala ko.   "Magandang gabi din naman, kelan ka makakapunta dito?" tanong nito. Hindi agad ako nakasagot dahil ang totoo hindi pa ako nakapag paalam sa opisina. "Hija kung pwede sana sa sunod na linggo nandito kana, hanggat maaari nga sana ay bukas nandito kana," sambit ulit nito.   "Ahm - eh kung pwede ho sana next week po monday, kakausapin ko pa po kasi si Doc para sa pagpapatherapy ni Mama," pagdadahilan ko.   "Oo nga pala hija, sana gumaling ang mama mo, nakahanda na din yung cheke para sa cash advance mo."   May cheke na kaagad? Mayaman nga talaga siguro ang boss ni manang. Isip ko. "Salamat po Manang Lydia, tatanawin ko po itong isang malaking utang na loob."   "Walang anuman, Nay Lydia na lang ang itawag mo sa akin. Kailangan ko pala ng resume mo bio-data hinihingi kasi ni boss," sagot nito.    Bigla akong natakot at kinabahan nung sabihin ni nay lydia ang boss niya, nagsisitayuan yung balahibo ko pag naririnig ko ang salitang boss. "Ahh sige po dadalhin ko po agad sa lunes pagdating ko diyan," sagot ko pero ang totoo ay nagsitayuan na ang mga balahibo ko sa takot.   Pagkatapos ng pag-uusap namin ni manang lydia ay tumuloy agad ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang laptop ko at nag-umpisa nang mag-type.Habang nagta-type na mga letra ay unti unti nang pumatak ang mga luha ko.    RESIGNATION LETTE........   Nahinto ako sa pagta-type dahil lalong rumagasa ang mga luha ko. "Kailangan mong gawin ito minah para sa mama mo," naiiyak na sabi ko. Muling sumagi sa isip ko si mama dahilan para ipag patuloy ko ang pagta-type.                                          -----------------------------------------------------   Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto ni Manager Lily. Kaya mo yan Minah. Sambit ng isip ko.   Tok! Tok!   "Come in," sagot nito mula sa kabilang pinto. Pagpasok ko ay ganun pa din ang tingin niya sa akin. Tinatantya ako na tila ba nananakot.   "Ma'am these are the papers na hinihingi mo, tapos ko na po ma-i-finalize," sabi ko at inalapag sa desk niya ang makapal na folder. At naiwan sa kamay ko ang isang brown envelope.   "Ok good," sabi niya at napatitig sa hawak kong envelope.   "And that?!" dugtong niya ulit.   "Heto po ma'am pakibasa na lang po," sagot ko at inaabot sa kanya ito.   Kinuha niya iyon at binasa ang papel na laman nito. Napataas ang isang kilay niya pero pansin ko din ang bibig niya na tila nangingiti. Maldita talaga ang bruhang ito. Sagad sa buto ang kagaspangan ng ugali niya. "Well this is your resignation letter, alam mo naman ang rules di ba 1 month ang turn over before leaving the company," sabi niya at napahalukipkip ng braso.   "Rules?! rules?! Rules mo kamo!" inis na bulong ko at diretsang tumingin sa kanya.   "What? Did you say something?" mataray na tanong niya. Kailangan kong magtimpi sa kanya kahit na gustong gusto ko na siyang sabunutan.   "Ma'am lily ano kasi, start na nang therapy nang mama ko next week at kailangan ko siyang bantayan," sagot ko.   "Natuloy pala ang therapy niya, at saan ka naman nakakuha ng pera? Let me guess did you sell yourself to anyone?" makahulugang sabi niya at tumawa. Napakuyom ako ng palad. Nabibwisit na talaga ako sa babaeng ito, nauubos na ang pasensya ko, ayaw kong magpatalo sa pang iinsulto niya. "Ma'am hindi po, may good samaritan pong tumulong sa amin, mabuti pa nga ang ibang tao tumutulong samantalang yung inaasahan mong tutulong sayo ay wala pa lang kwenta," sabi ko sabay tawa. Bwisit kang bruha ka tamaan ka sana. Napansin kong nagsalubong ang kilay niya mukang alam niyang siya ang pinapatamaan ko. "Since na it's emergency and its concern about your mother’s health ay tatanggapin ko itong letter mo, you can pack your things on friday, it says in your resignation na friday kana aalis. Right?" sabi niya habang nakataas ang isang kilay. Grabe itong bruhang ito talagang pinunto pa kung anung araw ako aalis. Proven na talaga na sagad sa buto ang inggit nito sa akin. Well pabor din naman sa akin dahil ito na ang huling oras na hindi ko na siya makakausap o makikita. "Tomorrow is friday so it means last day ko na po bukas, tama ka Ma'am," paglilinaw ko kasunod nun ang pagka inis ko. "Yeah just make sure all of your reports should be forwarded to Bet your secretary." "Ok Ma'am lily.,Water lily," mahinang sagot ko sana di niya narinig yung huling salitang sinabi ko. "I'll give this to HR Department, you can leave now," sambit niya at tinuon na ang tingin sa folders na iniabot ko kanina.   Paglabas ko ng opisina niya ay nagmadali na akong bumalik sa opisina ko. Mabuti na lang busy sa bet sa pag-aayos ng files niya kaya di niya napansin ang pagpasok ko sa pinto. Pagsara ko ay napasandal na lang ako at unti unting napaupo. Hindi ko na napigil ang pagpatak ng luha ko. Lahat ng nandito sa opisina ko at magandang posisyon na meron ako ay wala na, nawala na lang ng isang iglap.                                 ------------------------------------------------------------------------- "Ma'am Minah bakit naman biglaan? Seryoso ka ba talaga? Kasi kung joke lang ito ay hindi nakakatuwa," malungkot na sabi ni Bet. Nakita ko na lang pumatak na ang luha niya sa desk ko. "Bet kailangan kong gawin ito, ayaw kong palagpasin ang pagkakataon na ito lalo na mapapagamot ko na si mama," malungkot na sagot ko nag-uumpisa na ding gumilid ang mga luha ko. "Ma'am bakit naman kasi biglaan naman, kahapon lang masaya tayong nag-uusap ngayon naman nagpapaalam kana sa akin," naiiyak sa sambit niya. "Bet hindi sana ako aalis kung pumayag lang si Ma'am lily na mag cash advance ako, kaso hindi eh parang natuwa pa siya nung nalaman ang sitwasyon namin ni Mama," pag-aamin ko. Natigil si bet sa paghikbi at pinahid ang luhang nasa mata. "Kupal talaga yang lily na yan, teka Ma'am magkano po ba ang hinihingi mong cash advance bakit hindi siya pumayag?" "500,000.00," sagot ko. Napanganga na lang si Bet sa sinabi ko. "Kung tutuusin Bet kulang pa ang halagang iyon, aabot kasi ng isang milyon ang kabuaang halaga ng pag gagamot kay Mama," dugtong ko ulit.   "Talaga Ma'am, ang pagkakaalam ko kasi mam base sa rules ng company 50k to 100k ang pwedeng i-cash advance pero kung emergency na katulad niyan at pumayag si Lily bruha baka napagbigyan ka ng kompanya lalo pa na may posisyon kana Ma'am," paliwanag ni Bet na lalo yatang dumagdag sa pagkainis ko kay Ma'am Water Lily.   "Yun nga Bet hindi niya ako pinakinggan kahit nagmakaawa ako sa kanya wala lang sa kanya. Wala rin akong nakitang kahit kaunting concern habang kausap ko siya." "Eh Ma'am bakit ka aalis kung kailangan mo pala ng ganung halaga?" pagtataka niya. Wala akong balak sabihin kay bet ang tungkol sa bago kong trabaho dahil nahihiya akong malaman niya. "May good samaritan na tumulong sa amin Bet, malayong kamag anak ni mama, sinagot nila ang pagpapagamot ni mama. Mag-te-therapy na siya next week at kailangan lagi akong nakabantay sa kanya," pagdadahilan ko. "Salamat naman, mabait talaga si Lord, basta Ma'am kung may problema o kung kailangan mo ng kausap at ka chikahan tawagan mo lang ako," sabi ni Bet, yung muka niya na kanina ay malungkot at napalitan na ngayon ng saya. Kahit papaano ay napagaan niya ang loob ko. Pagkatapos ng ilang minuto naming paguusap at pag bilin sa kanya ng mga trabahong naiwan ko ay tinulungan na niya agad akong magligpit pagkatapos ay hinatid na niya ako sa parking lot. "May araw ding yang mga bruhang yan!" inis na sabi ni Bet na ang tinutukoy yung mga nakangising empleyado kanina na nadaanan namin,  masaya sila sa pag alis ko. "Ok lang Bet, wag mo nang patulan remember digital na din ang karma," biro ko. Natawa na lang si bet sa sinabi ko. Habang inaayos namin ni bet ang mga gamit ko sa compartment ng sasakyan ay nabaling ang tingin ko sa mga security na nagmamasid sa paligid. Medyo marami sila kumpara sa mga nakaraang araw. "Napansin mo rin Ma'am," sabat ni Bet na napalingon din sa mga security. "Ang dami nila ngayon, anung meron?" pagtataka ko. "Narinig ko kanina kay Manong Teodor na pupunta daw dito yung pinaka boss ng Falcon Corporation." "Ahh si Manong Teodor, yung utility natin, bakit niya alam?" tanong ko ulit. "Matagal na si Manong Teodor dito Ma'am binata pa lang siya dito na siya nagta-trabaho kaya siguro alam niya kung kelan pupunta yung pinaka boss, saka mam, bibihira lang daw bumisita dito yung pinaka boss at sa tuwing pupunta siya dito ay hating gabi, yun yung pag kakarinig ko kay Manong Teodor." "Ahh ganun ba," sagot ko at pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit. Pagkatapos ayusin ay niyakap agad ako ni Bet kasunod nun ang paghagulgol niya ng iyak. Hindi ko na rin napigil ang sarili ko kaya naiyak na din ako. "Mag-iingat ka Bet, at pag may time ka labas tayo minsan para hindi natin ma miss ang isat-isa," biro ko habang umiiyak. "Yes Ma'am, mag-iingat ka din po bye Ma'am Minah." Pagpasok ko ng sasakyan ay binaba ko ang side mirror napakaway na lang ako kay Bet habang papalabas ng building ng Falcon corporation. Habang nag mamaneho ay muling sumagi sa isip ko ang magandang alaala ko sa falcon corporation, magandang career at mabuting kaibigan ang binigay nito sa akin. Marami pa rin pala akong dapat ipasalamat sa kompanyang ito sa kabila ng mga inggetera at bruhang empleyadong nagtatrabaho dito.                   _____________________________________________________________________________________ Pagsapit ng lunes ay diretso agad kami ni Mama at yaya sa hospital. Kagabi pa lang ay kinausap ko na si mama na hindi ako makakasama o madadalaw siya habang nag- te-therapy ang dinahilan ko lang ay dahil kailangan kong mag stay in sa bago kong trabaho. Mabuti na lang at hindi na nagtanong si mama.Halata ko sa mukha niya ang saya, nakikita ko sa mga kilos at ngiti ni mama na excited na din siyang gumaling. "Doc ikaw na pong bahala kay mama, balitaan mo po agad ako kung may pagbabago sa kondisyon niya," bilin ko kay doc.  "Don't worry Ms. Minah we will do our best para gumaling ang mama mo." Pagkatapos ng ilang minuto pag uusap namin ni doc ay pinuntahan ko kaagad siya sa kwarto kung saan siya naka confine. Nandoon din si yaya na nagbabantay sa tabi niya. "Ma, tatawag agad ako pagdating ko agad sa bago kong trabaho," sabi ko at pasimpleng sumulyap kay yaya, alam ni yaya na hindi ko sinabi kay mama ang tungkol sa bago kong trabaho. "Sige anak, wag kang mag-alala pagbalik mo magaling na ako," sabi ni Mama at pinilit na ngumiti. "Yaya ikaw na munang bahala kay mama," bilin ko at iniabot sa kanya ang maliit na envelope na may lamang cash. "Ma'am hindi ko po matatanggap ito," sabi ni yaya na pilit binabalik sa kamay ko ang envelope. "Yaya kailangan mo yan, para may panggastos ka habang nag aalaga kay Mama," sabi ko at pinahawak sa kanya nang mahigpit ang envelope. "Salamat Ma'am," malungkot na sabi niya. Unti unti na naman kaming nabalot ng kalungkutan. Nilingon ko si mama na kahit nakangiti ay halatang halata ko na malungkot din siya sa pag alis ko. "Mama magpagaling ka at magpalakas para pagbalik ko makakapamasyal na tayo," nakangiting sabi ko pero ang totoo naninikip na ang dibdib ko dahil sa lungkot. "Oo naman anak, payakap nga muna bago ka umalis." Lumapit agad ako kay mama at niyakap siya, hindi ko magawang higpitan ang pagyakap sa kanya dahil alam kong masasaktan siya at nanghihina na rin. "I love you Mama," sabi ko na pilit na pinipigil ang pagluha. "Mahal din kita anak mag-iingat ka doon ha." Pagkatapos ng pag papaalam ay lumabas na ako ng hospital. Habang naghihintay ng taxi ay doon na kumawala ang luha ko. "Gagaling na si Mama kaya dapat hindi ako malungkot," bulong ko at pinahid agad mga luhang nasa mata ko.                                  ________________________________________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD