MZ C-1

4552 Words
___________________________________________________________________________________________ Napapikit na lang ako habang hinihilot ang aking leeg dahil sa pagod."Natapos na naman ang nakakapagod na araw," wika kong nag-iinat ng kamay at braso. Nilingon ko si Bet na nakaupo sa tapat ng desk ko, ang assistant ko. "Tara na?" tanong ko. Tumango siya. "Himala yata, Ma'am. Hindi ka nag overtime ngayon?" pagtataka niya. Nasanay kasi siyang lagi akong umuuwi ng late para matapos ang mga papeles na laging pinapa-rush ng aming Boss. "Kailangan kong umuwi, nangako kasi ako kay Mama na maaga akong uuwi ngayon," sagot ko saka tipid na ngumiti. "Oo nga pala, Ma'am. Kamusta pala si Tita Letty?" tanong niya habang nakamasid sa akin. "Ganun pa din, parang wala ng kwenta ang mga gamot na nirereseta sa kanya ng doctor," sabi ko at nakaramdam ng lungkot. Iniwas ko ang tingin sa kanya at itinuon ang tingin sa mga gamit na nasa bag ko. Lumapit sa akin si Bet at hinaplos ang likod ko."Gagaling din si Tita, laban lang," ani ni Bet na pinapalakas ang aking loob. "Uwi na tayo mukang matrapik pa naman ngayon," pag-iiba ko ng usapan at lumingon sa bintanang malapit sa akin. Nakita ko ang mabagal na usad ng sasakyan na nasa ibaba nitong building "Let's go, Ma'am," aya ni Bet. Matagal ko ng kaibigan si Bet siguro simula nang nagtrabaho ako dito Falcon Corporation. Mabait si Bet kaya hindi ako nahirapang pakisamahan siya.Paglabas namin ng opisina ko ay kumaway na ako sa mga empleyadong nakaupo sa kani-kanilang cubicle. "Ingat po, Ms. Minah." "Ingat po, Ma'am." "Madam, ingat po," sunod-sunod nilang sabi. Tumango ako at ngumiti. "Salamat, ingat din sa pag-uwi." "Mga plastic, kala mo kung sinong mababait!" bulong ni Bet na naiinis. Alam ko ang tinutukoy ni Bet, maraming empleyado ang ayaw sa akin hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako mataray, marunong naman akong makisama at masiyahin siguro dahil panget ako. Ganun nga siguro dahil sa Hair style kong mala-cleopatra dagdag pa na hindi ako nag me-make up. Simpleng pulbo at lip gloss lang ay ok na sa akin. Napailing ako sa sinabi ni Bet. "Okay lang, Bet," pagbabalewala ko. Nagpatuloy kame sa paglalakad hanggang sa makapasok ng elevator. May mga ilang empleyado kaming nakasabay. Rinig ko ang bulungan nila. Si Bet naman ay nasa tabi ko. "Si Ms. Bangs." "That bangs," sabi nila at humagikgik. Napansin kong umiismid si Bet dahil rinig niya din ang bulungan. Kinalabit ko siya. Tumingin siya sa akin senyales na naiinis siya sa mga bulungan ng mga kasabay namin. "Sumabay kana sa akin, Bet," sabi ko. Umiling si Bet. "Naku, Ma'am, may dadaanan pa po kasi ako, salamat na lang po," sabi niya at bumukas na ang elevator. "Okay, Bet. Ingat." "Ingat din Mam, bye." Kumaway siya at humakbang na palabas ng building. Ako naman ay dumiretso ng nang parking lot. Pumasok agad ako ng sasakyan ko at pinaandar paalis ng Falcon Building. Habang tinatahak ang daan ay bigla na lang pumatak ang luha ko. Pinahid ko agad yun at pilit na pinapakalma ang sarili. "Si mama," sabi ko at binalot na ako ng kalungkutan. Pati yata itong sasakyan ay may sakit dahil bumabagal ang takbo. Second hand ko ito nabili kaya hindi na ako mag-eexpect kung masisira agad itong sasakyan. "Pauwiin mo muna ako bago ka masira," sabi ko na kinakausap ang sasakyan. Mukang nakisama naman dahil naging normal ulit ang takbo. -------------------------------------------------------------- Ako si Minah (Minah Reyes), masayahin, mabait na anak, mapagkumbaba at higit sa lahat immune na sa mga pagsubok. Nag-iisang anak ako nina Leticia Selvano at Alfredo Reyes. Maaga akong naulila sa ama dahil namatay sa sakit na Cancer si papa. Maganda ang pamumuhay namin noong bata pa ako, pero simula nung mawala ang papa ko ay doon na nagsimulang subukin kame ni Mama ng tadhana. Unti-unting nawala ang negosyo namin, na bankrupt. Naibenta namin ang magagarang sasakyan, mga mamahaling gamit at malaking bahay na naipundar ni mama at papa. Kaya nung bawian ng buhay si Papa ay sinabi ko sa sarili ko na itataguyod ko at ibabalik ulit yung mga nawala sa amin. Pinilit kong maging magaling sa klase at makakuha ng medalya. Yun na lang kasi ang magagawa ko para kay mama. Yun ang paraan ko para mapagaan ang kalooban ni mama, sinubsob ni mama ang sarili sa pagtatrabaho para makapag-aral ako at para mapawi ang pangungulila kay papa. Kaya nung nag-kolehiyo ako ay pinangako ko kay mama na magtatapos akong may medalya. Yun nga, natupad ko iyon hindi lang medalya ang natupad ko dahil isa din akong suma c*m laude. Nakapag tapos ako bilang Accountant. Dahil mahal ko si Mama at pursigido na maging maayos ulit ang buhay namin ay hindi ako nagkaroon ng lovelife. Kaya sa usapang pag-ibig ay wala akong ideya kung ano yun. Hindi naman ako panget, aminado akong hindi ako matangkad dahil 5'3 lang ang height ko. Pero kay mama ay maganda ako, siya lang kasi ang nakakaalam ng tunay kong itsura. Itinago ko ang totoo kong itsura dahil ayaw kong mag ka interes ang kung sino man sa akin dahil wala sa bokabolaryo ko ang umibig. Hindi ko rin alam kung nagkagusto na ba ako? First love? Crush? First kiss? Puppy love? I dont know. Wala akong ideya kung ano ang mga bagay na yan. Pagkatapos ng graduation ay swerte din na tinawagan ako ng Falcon Corp. Sila mismo ang tumawag sa akin at inoperan ako bilang Internal Audit Assistant. Agad ko namang tinanggap dahil alam kong hindi lang basta malaking kompanya ang Falcon Corportation kundi isang Multi-billion Corporation. At suntok sa buwan ang makapasok sa malaking kompanyang ito. Sa umpisa hindi madali ang trabaho pero dahil pursigido ako ay nagawa ko ng maayos ang trabaho ko, makalipas ang isang taon ay na promote ako bilang Internal Audit Supervisor. At si Bet ang kinuha kong Assistant. Isa siya sa mga matalik kong kaibigan hindi sa pagiging bias ay magaling sa trabaho si Bet kaya confident ako na kinuha ko siyang Assistant. Magdadalawang taon na ako sa Falcon Corporation kaya kahit papaano ay umalwa ng kaunti ang buhay namin ni mama. Nakakuha ako ng bahay sa isang subdivision at nakabili ng second hand na sasakyan. Habang tinatahak ang daan ay napasulyap ako sa papel na nasa tabi ko. Medical records ni Mama. Halos six months na siyang nakikipaglaban sa sakit na leukemia. Nalaman ko ang sakit niya nung nakaraang buwan lang. Nakalimutan ni mama na naiwan niya sa sala ang medical records nung gabing matutulog na siya. Kaya nakita ko iyon nung gumising ako nung umaga para pumasok sa trabaho. Hindi ko pinakita kay mama na gusto ko nang umiyak bagkus ay pinalakas ko ang aking kalooban dahil ayaw kong maging malungkot si mama. Ganun si Mama hindi niya pinapaalam kung may sakit siya o problema dahil ayaw niyang maging malungkot ako. Nung araw na yun ay dinala ko agad si mama sa hospital para malaman kung ano nang kondisyon niya, hindi na rin siya tumutol dahil alam niyang malalaman ko rin kahit itago niya pa. Ang sabi ng doctor ay magagamot naman si mama dahil hindi pa naman malala ang kondisyon niya. Malaking halaga ang ka-kailanganin para sa pag gagamot ni mama. Aabot hanggang isang milyon. Nung nalaman ko yun ay halos pagsakloban ako ng langit at lupa. Isang milyon? Alam kong mahirap makaipon ng ganung kalaking halaga pero gagawin ko lahat para gumaling at mapagamot si mama. Siya na lang ang natitira sa akin. Wala na akong kakilalang kamag anak. Ang mga lolo at lola ko naman ay pumanaw na din. Wala ding nakukwento si mama kung may kapatid siya o kapatid ni papa. Mukang sinusubok na naman kami ni Lord. Ilang saglit pa ay pumasok na ako isang subdivision, dito kame nakatira hindi naman high class na subdivision yung tama lang. Hininto ko ang sasakyan sa tapat ng gate. Nakaabang na si yaya Nelsa. Siya ang nag-babantay at nag-aalaga kay mama. -------------------------------------------------------------- Pagbukas ni Yaya ng gate ay pinasok ko agad ang sasakyan at bumaba na ako."Yaya kamusta po si mama? Kumain na po ba siya?" tanong ko habang kinukuha ang bag sa kotse. "Nasa kwarto na po siya Mam nagpapahinga, tapos na din po siya kumain." "Sige po papasok na ho ako, pa lock na ho ng gate." "Opo mam, nakahanda na po pala ang pagkain niyo," sabi ni yaya. Tumango ako. "Salamat yaya." Binaba ko muna sa sofa ang dala kong bag at mabilis kong pinuntahan si mama sa kwarto niya. Nakangiti siya sa akin. Sinalubong ko naman siya ng mahigpit na yakap. "Kamusta ang trabaho?" tanong niya habang nakayakap sa akin. Hinahaplos ko ang likod niya. "Ok naman Ma, mukang gumaganda ka yata ngayon ma," biro ko at hinarap ko siya. Parang tinutusok ang puso ko pag nakikita ko si mama. Maputla siya at medyo pumayat kumpara nung mga nakaraang buwan. Ayaw kong umiyak o magpakita ng lungkot kay mama pag nasa harap ko siya. "Ikaw bata ka puro ka biro. Kelan ba ako naging pangit?" biro din ni Mama. "Syempre hindi," mabilis na sagot ko. Sabay kaming tumawa. Hinaplos ni mama ang ulo ko. "Minah anak, kelan mo tatanggalin itong wig mo? Dahil dito wala kang mapakilalang nobyo sa akin," alam ni mama kung bakit ako nagsusuot ng Wig. "Ma, yung wig ko na naman yung napansin mo," sabi ko sabay ayos ng wig ko. "Gusto ko lang maging masaya ka, masyado kang subsob sa trabaho wala ka nang oras para sa sarili mo maski sa pag-ibig." "Ma masaya na ako na ganito, wala sa isip ko ang pag ibig ang importante sa akin ngayon ay masaya ka mama," sabi ko. Hindi ko magawang sabihin kay mama na magpagaling siya dahil alam kong parehas kaming malulungkot dahil sa sakit niya. Pagkausap ko si mama ay tinuturing ko siyang walang sakit na normal ang lahat.Pagkatapos ng ilang minutong pagkukwentuhan namin ni mama ay natulog na din siya. Paglabas ko ng kwarto niya at sinara ang pinto ay doon na kumawala ang luha kong kanina pa nagtatago sa gilid ng mata ko. Umiyak ako ng hindi bumoboses. Ayaw kong magising si mama, dumiretso agad ako sa kwarto ko at napasandal sa pinto. "Ma--mama--mama," hagulgol na sabi ko. Unti unti akong napaupo, nanlalambot ang tuhod ko. Muling sumagi sa isip ko ang itsura ni mama. Kahit binalot niya ang ulo niya ng bandana ay kita ko pa rin ang mga buhok niya na nagsilagas na nasa balikat niya. Pati kung paano niya ako yakapin kanina. Para sa kanya ay mahigpit na yun pero pakiramdam ko para akong yumayakap ng bulak. Yung mga braso niyang pilit niyang inaangat ay halata kong wala nang lakas na tila lantang gulay. Kung pwede ko lang ilipat sa akin yung sakit ni mama ay noon ko pa ginawa. Sa mga araw na lumilipas parang lalo akong nanghihina na makita si mama na unti unting nawawalan ng lakas. "Bakit si mama? Bakit siya pa?" sabi ko kasunod nito ang lalong pagpatak ng luha ko. ---------------------------------------------------- Ring! Ring! Kinuha ko ang cellphone kong nasa mesa nakita kong tumatawag si yaya at agad na sinagot ang tawag. "Ma'am! ma'am! yung mama niyo po nasa-na-sa hospital," natatarantang sabi nito. Biglang bilis ng pintig ng puso ko na halos hindi ako makahingi ng maayos. Nag-umpisa na ding gumilid ang luha ko. "Ha?! Yaya saang hospital?! Pupuntahan ko kayo dyan!" "Nasa United Pencost Hospital po kami Ma'am!" "Sige yaya hintayin niyo ako dyan!" Pagbaba ko nang tawag ay sinuksuk ko kaagad ang mga gamit ko sa bag. Paglabas ko ng opisina ay napatingin sa akin si Bet na nahinto sa pagta-type. "Mam, may meeting ka? pagtataka nito. "Pupunta ako ng hospital, pag hinanap ako ni boss pakisabi nalang emergency," nagmamadaling sabi ko at mabilis na lumakad papuntang elevetor. Hindi ko na rin narinig na nagsalita si Bet, siguro ay may ideya na siya kung Bakit. Pagdating sa parking lot ay patakbo kong tinungo ang sasakyan ko. Pinaandar ko iyon ng mabilis na halos paliparin ko na. "Mama, Ma please wag ngayon," nanginginig na sabi ko kasunod nun ang pagtulo ng luha ko na kanina pa gustong kumawala. Pagdating ko sa hospital ay sinalubong agad ako ni Yaya sa may entrance."Yaya anung nangyare?!" hinihingal na tanong ko. "Mam dinala ko na po ang mama niyo dito sa hospital dahil kanina pang umaga nagdurugo ang ilong niya, napansin ko din yung mga kamay niya na tila nangingitim parang may pasa." Napatakip na lang ako ng mukha kasunod ang paghikbi ko. "Ma, Mama," naiiyak kong sambit. "Mam magdasal na lang po tayo, matapang po ang mama niyo sigurado po akong gagaling siya," pag-aalo ni yaya at mahigpit akong niyakap. "Sino po ang custodian ni Leticia Selvano Reyes?" biglang tanong ng nurse nang makalapit sa amin. "Ako po," sabi ko sabay pahid ng luha. "Dito po tayo kakausapin po kayo ni Doc," sabi nito at lumakad, kami naman ay sumunod ni yaya Nelsa. Pagpasok sa opisina ay pinaupo agad kame ng doctor. Huminga ito ng malalim bago nagsalita. "Ms. Minah your the daughter of Leticia Selvano Reyes?" "Yes Doc? Ano pong lagay ni Mama? gagaling na po ba siya?" tanong ko habang pinapahid ang luhang patuloy na kumakawala sa mata ko. "You know your Mom has a leukemia right?" tanong nito. Tumango lang ako, si yaya na nasa tabi ko ay humigpit na ang hawak sa kamay ko. "Hindi na kaya ng gamot para labanan ang sakit ng mama mo Ms. Minah, she need treatment as soon as possible. Kailangan pigilan ang pagdami ng white blood cells sa katawan niya, Sa blood count result niya nakita ko na sobrang baba ng red blood cells niya at napaka delikado nito." "Doc kahit anong treatment basta gumaling lang ang mama ko," mabilis na sabi ko. "Radiation Therapy ang kailangan ng mama mo and after this Therapy she will undergo on Stem Cell transplant, para masira at mapalitan ang bone marrow na mabilis na nagpo-produce ng white blood cells, kailangan niyang i-therapy as soon as possible, and its very expensive." "Magkano doc? basta gumaling lang ang mama ko," sambit ko. "Radiation Therapy will cost One Hundred Thousand to Two Hundred Thousand. Also, Stem cell Transplant is around Five Hundred Thousand to Onemillion Pesos." "Hah?!" gulat na sambit ko. Sunod sunod na kaba ang dumagundong sa dibdib ko, hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi ni Doc. Kasunod nun ang pagtulo ulit ng luha ko. Isang milyon??!! Isang Milyon saan ko kukunin ang ganoong kalaking halaga? May ipon ako pero di aabutin ang ganitong kalaking halaga. Narinig kong napahikbi na si yaya. "This Therapy is 100% effective mas mataas ang survival rate ng mama mo and gagaling siya kung ito ang gagawin sa kanya." Gagaling si Mama?! Tila naibsan kahit papaano ang lungkot na nadarama ko, mabubuhay pa si mama ng matagal at gagaling pa siya. Napalingon ako kay Yaya na nagpupunas ng luha. Tumango tango siya. "Mam.. gagaling na po ang mama niyo," humihikbing sabi niya. "So, Ms. Minah what is your desicion?" tanong ni Doc at napasandal sa upuan nito. "Doc pabor po ako sa Radiation therapy and Stem Cell transplant basta mabuhay lang ng matagal ang mama ko at gumaling," sabi ko. "Ms. Minah we can schedule the transplant as soon as possible pero sigurado po ba kayo? kakailanganin po ninyo ng malaking halaga para sa pagpapagaling ng mama mo." Huminga ako ng malalim para mahimasmasan. Sa oras na ito ay dapat ang kalagayan ni Mama ang isipin ko, na dapat mabuhay siya dahil marami pa akong pangarap na dapat matupad kasama siya. "Doc payag po ako mabuhay lang ang mama ko," sagot ko. Si yaya na katabi ko ay napa-akbay nalang sa balikat ko. "Okay Ms. Minah, I will call you for the schedule of operation. Pagkatapos ng pakikipag-usap namin kay Doc ay umuwi na kami ng bahay kasama si Mama, mabuti na lang huminto na ang pagdurugo ng ilong niya kaya nakauwi kami kaagad. _____________________________________________________ "Ma, magpahinga ka at kumain ng marami para may lakas ka sa araw ng operasyon mo," sabi ko habang kinukumutan siya saka umupo sa tabi niya. "Minah anak, pagpasensyahan mo na ako ha," malungkot na sambit niya at hinaplos ang buhok. Ayaw kong magpakita ng kalungkutan sa harap ni mama. "Ma, okay lang, basta gumaling ka," sambit ko na pilit na pinipigilan ang pagluha. "Maswerte ako at ikaw ang naging anak ko Minah, payakap nga ako," sabi ni mama na pilit na inaangat ang katawan mula sa paghiga para yakapin ako. "Ma ako ang swerte sayo dahil may mama akong mapagmahal at mapag-alaga," sagot ko at yumakap ng mahigpit sa kanya. Napapikit na lang ako habang yakap yakap si Mama, ramdam na ramdam ko ang katawan niyang tila nanghihina na. "Ma, matulog ka na, bawal sayo ang magpuyat," sabi ko pagkatapos ng yakap. Tumango lang si Mama at pinikit na ang kanyang mga mata upang matulog. Paglabas ng kwarto niya ay kumawala na ang luha kong kanina pa gumigilid sa mata ko. Kay mama lang ako kumukuha ng lakas kaya dapat magpakatatag ako.Pinahid ko ang luha at bumaba na nang hagdan. Natanaw ko si Yaya na nasa kusina, naghahanda na nang hapunan. "Mam kain na po, tamang tama mainit kakaluto ko lang po nito," sabi nito habang inaayos ang pagkain sa mesa. Lumapit ako at umupo sa upuan. "Yaya sabayan mo na ako" sabi ko nung napansin paalis siya. "Sige po mam." Habang kumakain ay nahinto ako sa pag-nguya nang mag salita si Yaya. "Mam Minah wag ka pong mahihiyang magsabi sa akin kung may kailangan ka baka may maitulong ako kahit konti," sambit nito at ngumiti. Nahalata siguro ni Yaya ang malungkot kong mukha. "Yaya," eto lang ang nasabi ko kasunod nito ang muling pagluha ko. Tumayo si yaya sa pagkakaupo at lumapit sa pwesto ko saka umupo sa upuang nasa tabi ko."Ma'am Minah, pagsubok lang ito malalagpasan din natin ito," malungkot na sambit niya na malapit na ding lumuha. "Yaya sa totoo lang hindi ko alam kung saan ko kukunin ang isang milyon o mahigit pa, kahit ipunin ko ang sahod ko ng isang taon hindi aabot iyon," naiiyak na sabi ko. "Tahan na Ma'am, may awa ang diyos." Ilang minuto kaming nahinto sa pagkain dahil parehas na kaming umiyak."Ma'am, kain na tayo lumalamig na po ang pagkain" sabi ni yaya nang mahimasmasan. Tumango lang ako at pinunasan ang mga luhang nasa mata ko. Nahinto si Yaya sa pagsubo at napatitig sa akin. "Mam may kakilala akong pwedeng makatulong at tingin ko po ito na lang ang tanging paraan," biglang sabi nito. "Ha? Yaya talaga po? kanino po?" "Oo Ma'am, sa dati ko pong pinagsisilbihan si Manang Lydia, kaibigan ko po siya at siya ang nagpasok sa akin bilang katulong malaki po ang sweldo One Hundred Thousand po kada buwan, pero Ma'am papayag ka po bang maging katulong?" "Katulong? One Hundred Thousand na sahod kada buwan?!" gulat na sambit ko na may halong pagtataka. Tumango tango si Yaya. "Oo ma'am katulong, malaki po ang sahod, kaya lang naman po ako umalis ay nakabasag ako ng Vase sa sobrang takot ko ay nag-resign na lang ako. Hindi pa po ako umabot ng isang buwan doon.” "One Hundred Thousand yaya pinagpalit mo sa Vase?" pilosopong tanong ko. "Ma'am ano kasi, nakakatakot yung Amo ni Manang Lydia, hindi po iyon nagpapakita, tanging anino lang niya ang nakita ko, at usap-usapan ng mga kasama kong katulong doon ay killer daw ang amo ni Manang Lydia," sambit nito na tila takot. Sa sinabi at reaksyon pa lang ni Yaya ay halata ko nang kinatatakutan niya ang nasabing amo. Hindi ko rin maiwasan na matakot nung sinabi ni Yaya na Killer ang naging Amo niya. Pero ngayon na kailangan nang ma- therapy si Mama ay dapat akong maging matapang. Kahit ano gagawin ko makalikom lang ng sapat na pera sa pagpapagaling niya. "Ma'am pag-isipan niyo po, baka sakaling makatulong lang po," sambit ni yaya, nahalata niya na napaisip ako. "Sige yaya pag-iisipan ko po," sagot ko at tumuloy na sa pagkain. Pagkatapos kumain ay dumiretso agad ako sa kwarto. Kinuha ko agad sa cabinet ang medical records ni mama. Habang tinititigan ito ay panay din ang sagi sa isip ko ng mga ikinuwento ni yaya kanina. Huminga ako ng malalim at napahawak na lang sa noo. Gusto kong mapagamot si mama pero parang hindi ko kayang isuko ang magandang trabahong meron ako ngayon. ------------------------------------------------------------- Kanina pa ako nag-aalala kung anung lagay ni mama. Panay din ang tingin ko sa cellphone, nakaabang na sa tawag ni Yaya na baka naisugod na naman si mama sa hospital. "Ma'am okay ka lang po ba?" tanong ni Bet habang inaabot ang isang folder ng mga papeles. Tumango ako at ngumiti lang saka kinuha ang folder na hawak niya. "Ma'am kamusta po ang mama mo?" tanong niya ulit. "Okay na siya Bet," matipid na sagot ko habang nakangiti. Ayaw kong balutin na naman ng kalungkutan kaya itinuon ko ang tingin sa folder na ibinigay niya. "Thank you Bet, pag aaralan ko muna itong papeles para ma finalize" dugtong ko ulit habang nakatingin sa mga papeles. "Okay Ma'am tawag ka lang po kung may kailangan ka pa" nakangiting sagot niya at lumabas na nang opisina. Habang pinag-aaralan ang mga papeles ay biglang sumagi sa isip ko na kausapin si Manager Lily. Baka pwede siguro akong mag cash advance? Napatayo ako at lumakad lakad sa loob ng opisina ko. Ilang minuto akong nag-iisip na baka sakaling mapagbigyan ako ni Manager Lily kung papayag siya ay hindi ko na kailangang isipin ang ikuwento ni Yaya. Wala namang masama kung susubukan ko. Lumabas ako ng opisina upang puntahan ang opisina ni Manager Lily. Nasa pintuan pa lang ako ay binuksan na niya ito. "Come in," sabi niya. Nalaman niya agad na nasa pinto na niya ako dahil may camera ang labas ng opisina niya. "Have a seat Ms. Minah," sabi niya ulit nang makapasok na ako. Pag-upo ko ay nakatitig na siya sa akin na tila ba tinatantya ako, nakaupo na siya sa kanyang swivel chair. Naalala ko ang sinabi ni Bet nung nakaraang linggo, narinig niya sa ibang kasamahang empleyado na ayaw ni Manager Lily sa akin. "Good morning Ma'am Lily," magalang na bati ko. "Good Morning, may pag-uusapan ba tayo?" diretsahang tanong niya at itinuon ang tingin sa mga papel na nasa desk niya. Kinakabahan ako sa katarayan niya pero kailangan kong sabihin kong bakit ako pumunta sa opisina niya. "Ma'am Lily naparito po ako dahil gusto ko po sanang mag-cash advance," kabadong sagot ko. Nahinto siya sa pagtingin sa papel na hawak niya at seryosong tumitig sa akin. "Cash Advance? bakit?" Kailangan pa ba niyang malaman? Oo nga pala tanging si Bet lang na secretary ko ang nakakaalam ng sitwasyon namin ni Mama. "Kailangan ko po kasi ng pera para sa therapy ni mama at malaking halaga po ang kailangan para mapa-therapy na siya," ang kilay niyang nakataas ay napalitan naman ngayon ng pagtataka. "Anong sakit niya?". Huminga ako ng malalim dahil nag-uumpisa na naman akong makaramdam ng lungkot. "May Leukemia po siya at malala na po, kaya kailangan nang ma-therapy, Ma'am kailangan ko po talaga ng pera," sambit ko na tila nag-mamakaawa. Napasandal siya sa kanyang upuan ng marinig ang sinabi ko. Wala akong nakitang lungkot o pag-aalala sa mukha niya. Mukang mas matigas pa yata siya sa bato. "Alam mo naman ang rules ng kompanya, ang Cash advance is up to Fifty Thousand to One Hundred Thousand lang, and base sa posisyon bilang executive ay One Hundred Thousand lang ang pwede mong i-cash advance," seryosong sambit nito. "Yes Ma'am lily, pero baka po kasi sakaling mas mataas pa doon ang pwede kong I-cash advance?" "How much?"istriktang tanong niya. "Ma'am kung pwede po sana ay Five Hundred Thousand," direstsahang sagot ko. "What?! It's half a million!" gulat na sambit niya at napahawak sa sintido. "Ma'am cash advance naman po iyon, mababayaran ko po iyon," sambit ko na nag-uumpisa na nang gumilid ang mga luha ko. "Ms. Minah gustuhin ko man ay wala din akong magagawa dahil yun ang company rules,". "Ma'am nakikiusap po ako," sambit ko kasunod nun ang pagtulo isang patak ng luha ko na agad kong pinahid. "I'm sorry Minah. I'm not the CEO or the president to make a decision right now," sambit niya at muling tinuon ang tingin sa mga papel na nasa desk niya. Tama siya hindi siya ang President o CEO ng kompanya para magdesisyon sa hinihingi kong pabor, napatayo na lang ako sa kinauupuan at humakbang papuntang pinto. "Thank you Ma'am," malungkot na sabi ko at pinihit ang door knob upang lumabas, habang sinasara ang pinto ay nahagip ng mata ko na tila ngumisi siya. Pagbalik ko ay napansin agad ni Bet ang malungkot kong mukha. "Ma'am Minah," sabi niya na tila nag-aalala. "I'm okay Bet.” Binuksan ko agad ang pinto ng aking opisina dahil malapit nang kumawala ang luha ko. -------------------------------------- Habang nakahiga sa kama ay panay ang ikot ko, hindi ako madalaw ng antok dahil sa pakikipag-usap ko kay Ma'am Lily, pakiramdam ko mas nasisiyahan pa siya sa sitwasyon ko ngayon, ganun ba talaga sila ka inis sa akin? hindi naman ako mataray, maayos naman akong makitungo. Ayaw nila sa akin dahil siguro sa itsura kong mala-cleopatra ang buhok o baka ayaw nila sa akin dahil tinik ako sa kanila dahil ang bilis ng promotion ko. "Mga inggetera sila!" inis na sabi ko habang nakahiga. Hindi ko na napigil ang sarili ko. Habang nakatitig sa kisame ay bigla nalang sumulpot doon ang mukha ni yaya, napaisip tuloy ako sa ikinuwento niya. Kailangan ko ng magdesisyon para kay mama, para mapagamot na siya, sa sitwasyon ni mama ngayon ay hindi ko na pwedeng isipin ang sarili ko o career ko, kailangan ko na siyang mapagamot sa lalong madaling panahon. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil gustong gusto ko nang kausapin si yaya, Kaya paggising ni yaya ay nakaabang na ako sa kanya sa kusina. "Magandang umaga yaya," bati ko at humigop ng kape habang nakaupo sa tapat ng mesa. "Magandang umaga din po Ma'am, ang aga mo po yata gumising," sagot niya at kumuha ng tasa. "Yaya ang totoo po niyan didiretsahin na kita. Buong gabi po akong nag-isip tungkol doon sa ikinuwento mo sa akin," sagot ko si yaya naman ay napatitig sa akin, nahinto siya sa paglalagay ng kape sa tasa. "Ma'am tungkol po ba yan sa ikinuwento kong sahod na One Hundred Thousand," paglilinaw niya. Tumango ako." Yaya kung pwede po sana o kung makokontak mo pa yung sinasabi mong si manang Lydia," nahinto ako sa pagsasalit at seryosong tinignan si Yaya. "Ma--ma'am?!" nauutal na sabi niya, marahil ay may ideya na siya sa sinabi ko. "Yaya kung papasok akong katulong doon sa sinasabi mong amo, pwede ho kaya akong mag-cash advance ng Five Hundred Thousand? Para mapa-therapy na si Mama," diretsahang tanong ko habang si Yaya ay nanlaki na ang mga mata. Tumayo ako sa kinauupuan at lumapit kay yaya, kinuha ko ang dalawang kamay niya at hinawakan ito ng mahigpit. Ilang segundo akong tinitigan ni Yaya, yung seryoso niyang mukha ay napalitan na nang may ngiti. "Ma'am naiintidihan ko po, tatawagan ko po agad si Manang lydia mamaya," sabi niya. Naramdaman ko na lang na kusang tumulo ang luha ko kasunod nun ay ang paghikbi ko. Napayakap na lang si Yaya sa akin, ilang saglit lang narinig ko siya na humihikbi na din. --------------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD