“Paano, ihatid na kita? Gusto mo nang magpahinga?”, sa pag-aakalang pagod na ang kapareha. Atubiling sumagot si Claire. May gusto itong bigkasin, pero nauunahan ito ng pag-aalangan, at ng hiya. “Uhm, Edwin, okey lang ba na, uhhhm, eh huwag na nga kakahiya.”, halos pabulong ito, may kasama na namang pagkukot ng mga kuko. “Ano iyon Claire?”, naguguluhang tanong ng tinyente. Dito’y napayakap na lang bigla ang kasintahan, kasunod nito’y mga kataga ni Claire na papawi sa pagal at hapong dama ng katawan dala ng buong araw na gawain. “Pwede, sa uhmmm, sa bunkers mo ako matulog ngayon Edwin?” utal-utal nitong sambit, may kahinaan, subalit sapat na para magdala ng hindi matawarang galak kay Edwin. “Sigurado ka?” pagkukumpirma nito, sa isiping nadadala lamang ng silakbo si Claire. “Okay,

