Nakapagdesiyon na siya kagabi nang tanggapin niya at tugunan ang mga yakap at halik ng katipan. Mayroon na lamang siyang isang taong kailangang maabisuhan, upang maisa-pinal na niya ang desisyong papasukin, hindi lamang sa kanyang puso, kundi sa buhay niya si Lt. Edwin Santos. “Sir Arthur.” Ito ang kasalukuyang makikita sa display ng telepono ni Claire, kasunod nito ang pagtipa sa naturang numero at ang pagtugon ni Lt. Arthur Delavega sa kabilang dako. Mula sa silangan ay tuluyan nang nakatawid ang araw sa kanluran. Sa dami nang ginawa, hindi na napansin ng pinuno ang pagtakbo ng oras. Panghuling inayos at binisita ng tinyente ang “perimeter” ng kampo. Nakita niya ang mga bahaging kailangang dagdagan ng “madre-de-cacao”, at “early warning devices.” Subalit, ang pinaka-kumain sa

