"Home Run" “Kuya, hey, alis na diyan gawa ako ng breakfast natin.”, si Claire. Alas-Siyete na ng umaga. Naghihilik pa si Ireneo sa pagkakasilid nito sa malong sa duyang tinulugan. Sa mga panahong nakikitulog ang pinsang dalaga sa kampo, sa kanya nito ipina-pagamit ang kubo. Sa labasan ng bunkers ni Ireneo, kung saan siya nagsasabit ng kanyang duyan ay maliit na kusina. “Kuya Bry alis na diyan magluluto ako.” Pupungas-pungas, isang mahabang hikab muna ang pinakawalan ng sundalo, bago nito tuluyang ilabas ang ulo mula sa tulugan. “Naks, tingnan mo nga naman ang epekto ng “Midnight Blue eh ano”, buska nito sa pinsan. “Marunong ka bang mag-saing? Baka masunog itong kubo ha?”, patuloy nitong alaska sa pinsan. “Ha -ha -ha, ha -ha -ha, nakakatawa, baka ikaw ang hindi marunong. Gawan kit

