Kabanata 19

2198 Words
Dalubyo sa buhay ••• Lumipas ang ilang linggo at buhay pa din kami pagkatapos ng midterm at halos inaasikaso na namin yung capstone project namin para sa defense sa nalalapit na finals. Natripan lang namin ni seb na maglakad pauwi kasi kailangan na namin mag-ipon para sa ikabubuti ng ekonomiya atsaka ayaw pa umuwi ni seb sa kanila kaya gusto niya tumambay sa bahay. Sa tahimik ng aming paglalakad, ang ingay nang isang sirena ng bumbero ang naging pamatay katahimikan namin. "Hmmm may sunog ata?" mahina kong sabi. "May tanong ako sa'yo jaq..." biglang bigkas ni seb sa akin. "Pag math pass ako d'yan..." "Gagu hindi math! kitang gumagana lang utak natin do'n kapag kulang yung sukli sa atin!" "Oh ano yung tanong mo?" sinulyapan ko siya habang naglalakad. Inaayos niya yung bandana niya. Kamakailan nahilig siya sa bandana...bumagay naman sa mahaba niyang buhok na mala 90's leonardo dicaprio hairstyle. "Kapag ba nabuntis yung manananggal sasama kaya yung bata kapag hahatiin niya yung katawan niya?" seryoso niyang tanong. Tangina talaga ng utak nito hindi ko din minsan maintindihan. "Malay ko! Atsaka wala namang manananggal sa siyudad! Uso lang 'yon sa probinsya." saad ko at nangunang maglakad sakanya pero sumunod din siya sa akin. "Kagabi nanonood kami ng zombie movie nila nanay at tatay..." pagsisimula niya ng kwento. "Tapos?" "Wala, naangasan lang ako do'n sa camera man." "Bakit? maangas ba yung kuha?" "Hindi ah...hindi kasi siya kinakain ng mga zombie! Siguro nasa camera man yung vaccine? wala lang nagtataka lang ako---ARAAAY!" binatukan ko siya ng malakas. "Pinag-iisip mo mga walang kwenta!" "Bakit? Nakaka-curious naman talaga 'yon ah?" Habang naglalakad kami ni seb ay biglang may humarang sa amin na limang lalaki na para bang ka edaran o isang taon lang ang age gap sa amin. "Pwede bang magtanong mga repapits?" sabi sa amin ng isa at akala mo kung sino maka-asta. "Ano 'yon?" tanong ko. "May kilala ba kayo na jorge dela cruz?" Jorge Dela Cruz? si jorge ata yung tinutukoy niya ahh... "Bakit?" matapang kong tanong. "Bakit? kilala mo ba siya?" Pinagmasdan ko mula buhok hanggang sapatos ang lalaki at ang pumukaw sa aking pansin ay ang tattoo nito sa kaniyang kamay na kapareho ng kay jorge. Isang japanese writing...Ka-frat ata ito ni jorge? "Wala akong kilalang Jorge Dela Cruz" sambit ko at nagtangka ng lagpasan sila ngunit pinigilan niya ako. "Feeling ko kilala mo eh..." nakangisi nitong saad. "Mukha ba akong hanapan ng nawawalang tao?" pamimilosopo ko. "Aba defensive pre!" sambit nung isang lalaki na kasama niya. "Baka nga kilala niyan ayaw lang umamin!" sabi din nung isa. "Kakausapin lang namin siya. Alam mo ba kung saan siya nagtatago? Pinuntahan kasi namin siya sa inuupahan niya kaso wala siya do'n..." tanong ng lalaking pumigil sa akin. Inuupahan? tinutukoy ba nito yung bahay ko? "Uulitin ko lang ha, hindi ako hanapan ng mga nawawalang tao." "Aba ang angas mo repapits ah..." dinutdot niya ng malakas ang aking noo kaya napapa-atras ako. "Nagtatanong lang naman ako sayo ng maayos ah?" dugtong niyang tanong. Hinablot ko ang kamay na dinudutdot niya sa aking noo at mahigpit ko itong hinawakan. "Anong repapits? Sa pagkaka alam ko hindi naman tayo magtropa at hindi din kita kilala."  Halata sa itsura niya na naiinis siya sa mga sinasagot ko dahil sa kilay niyang halos magkasalubong na. Bigla na lamang niya akong sinuntok sa may pisngi kaya napaupo ako sa kalsada. Dali-dali naman lumapit sa akin si seb at tinulungan akong tumayo. "Ayos ka lang?" nag-aalala nitong tanong. "Ikaw kaya suntukin, ayos ka lang?" Hinarap ni seb yung kutong lupang sumuntok sa akin. "Hoy ikaw! Gago ka ah! Sabi na ngang hindi niya kilala, bungol ka ba!?" galit nitong bigkas sa kaaway. "Aba matapang ka? Gagong to..." panlalait nung lalaking kutong lupa. "Aba gusto mo ba masampulan?" "HU-HU-HU takot ako...pwe! Hahaha!" pang-aasar nung kaaway na epektib naman dahil na g-g niya agad si seb. "Ahh hindi ka takot ah?" agad sinunggaban ni seb ng isang malakas na suntok ang lalaki sa pisngi nito kaya napaatras ang lalaki sa impact. "Ano? hindi ka takot!?" sigang bulyaw ni seb. "Hayup 'to..." sambit nung sinuntok niyang lalaki habang nakahawak sa pisngi nito. "Seb hayaan mo na 'yan!" awat ko pero bigla na lang gumanti yung lalaki kay seb. Hanggang sa silang dalawa ang nag-away... ginamit pa ngang pangdepensa ni seb ang kaniyang halos walang kalaman-laman na bag. Yung isa sana pagtutulungan si seb kaya wala akong choice kundi rumesbak na rin. Yung tatlo nilang kasama nakatayo lang sa gilid ng nakaparadang kotse at tuwang-tuwa sa panonood sa amin. "Kingina mong pangit ka ah! Mali ka ng hinahamon!" sigaw ni seb do'n sa lalaki habang ako at itong kaharap ko ay parehong hinihigitan ang kapit sa aming kwelyo. "Tama na 'yan jude! Nag chat na sila...nahanap na daw nila!" sigaw ng isang lalaki na kasama ng dalawang ungas na ito. "Pweee!" dumura sa gilid yung lalaking nagsimula ng away. "Magtutuos pa tayo mga inangnyo!" pananakot niya sa aming dalawa. Binitawan na ako ng lalaking ka-sparring ko. Nangunang naglakad palayo yung lalaking umawat sa amin at sumunod yung apat sa kanya. "MGA GAGU HUWAG KAYO MAGPAPAKITA SA AMIN!! DUWAG!!" sigaw ni seb sakanila. Lumingon yung lalaking pangalan ay Jude at pinakyu kami. Gumanti din kami at nagpakyu sakanila. "AHHH! Tangina jaq, nagdudugo ba?" tanong ni seb habang pinapakita sa akin ang hiwa nito sa gilid ng kaniyang labi. "Kingina oo..." "Duga may matalas na sing-sing yung kupal na 'yon eh!" reklamo niya habang hinahaplos yung pisngi nito na may pasa. "Tangina no'n eh, may pasa din ba ako?" "Gago oo sa pisngi din...may hiwa din yung pisngi mo!" "May matalas din atang sing-sing yung kupal na patpatin na 'yon..." Pinatunog-tunog ko ang aking daliri at inalog-alog ito dahil medyo nanakit. Si seb naman ay kinuha ang kaniyang bag sa sahig at pinagpagan ito. "Next time nga hindi na tayo maglalakad, sasakay na tayo ng tricycle! Baka mapaaway na naman tayo eh!" sabi nito sa akin. Hinahaplos ko pa din yung pisngi ko na namamaga. Pinunasan ko na rin yung nagdudugo kong hiwa sa pisngi kanina gamit ang panyo ko at gano'n din ang ginawa ni seb. Pagkapasok namin sa eskinita agad na bumungad sa amin ang madaming tao sa labas at mga nakalabas na gamit nila. "Tangina...napaka malas mo ata ngayon jaq." Agad akong tumakbo sa tapat ng aking inuupahan na apartment. Halos konti na lang at mapapatay na yung apoy kaya nanghiram na ako ng balde sa kapitbahay at naki-igib para tumulong sa pagpatay ng apoy at gano'n rin ang ginawa ni seb. Itinabi namin ang aming bag sa may nakaparadang tricycle at kasama dito ang school uniform polo namin. Bandang ala-sais na nung napatay ang apoy at nandito kami ni seb sa inuupahan kong sunog na at halos wala ng magagamit pa. "Kahit man lang brief pota!" reklamo ko. "Tangina pre...saan ka tutuloy? uuwi ka ba sainyo?" tanong ni seb habang tinitignan ang buong paligid. Ako uuwi? Asa. Hindi mangyayari 'yon. Napabuntong hininga na lamang ako ng malalim. Sigurado ako yung mga may pakana nito ay yung mga gagong ka-frat ni jorge...akala siguro nila dito nagtatago. Tangina ni jorge nasaan naman kaya 'yon? Kinuha ko ang cellphone ko, buti na lang may free unli call at text yung smart kahit surfsaya yung nakaregister. Sorry, the number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later. Ilang ulit kong dinial ang number niya pero paulit-ulit lang ang sumasagot... Sorry, the number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later. "Tangina jorge..." mahina kong sambit. Lumapit sa akin si seb at hinawakan ang isa kong balikat. "Tinawagan ko si niccolo, kinuwento ko yung nangyari, sabi niya do'n ka na lang daw muna sa bahay nila tutal mag-isa lang naman siya." Tumango-tango ako sakanya bilang tugon. "Salamat ha..." sabi ko sakanya at nginitian niya lang ako. "Tara na, punta na tayo do'n. Hindi ako pwedeng umuwi ng ganito...panigurado rarat-ratin ako ni nanay! Real life machine gun pa naman 'yon!" ••• "Taragis kayong dalawa! Buti buhay pa kayo?" bulalas ni niccolo at sabay inihagis sa amin ang band aid, bulak, at alcohol. "Mahal din siguro kami ng Diyos kaya buhay pa kami..." sambit ni seb habang hawak-hawak ang ice pack na nakalagay sakanyang pisngi. "Amen." sabi ko at naglagay na ako ng band aid sa aking sugat sa pisngi. "Hindi ka ba muna maliligo?" tanong ni niccolo sa akin. "Mamaya na...ang sakit ng katawan ko..." nag-inat ako at sabay humilata sa malaki at malambot nilang sofa. "Hays. Puwede mong gamitin yung kwarto ni kuya tutal ilang taon na rin 'yon hindi umuuwi. Kung damit naman doon sa kwarto ko, sa may drawer, kumuha ka na lang." "Opo, MAMA." "Pahiramin mo na din ng brief o boxer si jaq!" sabi ni seb. "Oo! Eh ikaw? Anong oras ka uuwi?" "Maya-maya nananakit din katawan ko noh!" Komportable akong humiga sa sofa nila niccolo. Ipinikit ko ang aking dalawang mata, ginawa kong unan ang isa kong kamay at ang isa naman ay nakapatong sa aking mata. Isang mabigat na buntong hininga ang aking ibinuga. Ano nang gagawin ko? Bakit ganito bigla nangyari sa akin? Hindi ba ako mahal ng Diyos? Hindi ko ba deserve ang maayos na buhay? Sign na ba ito para mawala? Tangina. Narinig ko ang pagbukas ng TV at para bang may umupo sa may ulo-han ko...may space pa kasi hindi ko naman sinakop lahat sa sofa. "Kumain na ba kayo?" dinig kong tanong ni niccolo. "Hindi pa. May naluto ka na ba?" sabi ni seb. "Wala pa...kayo magluto!" "Pambihira! Nagluluto ka ba?" "Oo malamang!" Eto na naman ang dalawang ito...parang aso't pusa na naman. Tsk. Napabalikwas ako sa pagkakahiga at nag-indian sit. "Kumakain ka ba ng gulay?" tanong ko kay niccolo kasi balak ko lang mag-gisa ng repolyo. "Madalas naman...oo." sagot niya. "Anong gulay?" tanong ni seb kay niccolo. "French fries!" pagmamalaki niya sa amin. Pambihira talaga 'tong rich kid na 'to eh. "French fries, gulay? Kung ibalik kaya kita sa pagiging kinder!" iritang saad ni seb. "Bakit? saan ba gawa ang french fries, ha?" "Edi sa french!" pagloloko ni seb at natawa na lang din kami ni niccolo sakanya kasi bakit french? hindi ba dapat france? At sa huli ang aming naging ulam ay ang pambansang ulam ng mga pinoy...ang pancit canton, sweet and spicy. Habang nasa gitna ng pagkain namin ng pancit canton, ikinuwento ni seb ang naganap sa amin kanina. "Pagkasuntok ko sakanya, uwi siya eh! Takot siya sa kin eh! Hahaha!" gawa-gawang kwento ni seb. "Buti na lang wala ako do'n. Ayoko masira yung gwapo kong mukha!" saad ni niccolo. "Tsss lalaki ka ba talaga?" sumbat ni seb kay niccolo. "Oo, lalaking ayaw maging panget katulad mo!" "Namo." "Namo din." Bahala silang dalawa d'yan mag-away, wala ako sa mood na awatin sila. Masyado akong pagod physically at mentally sa araw na ito. Pagkatapos namin kumain ay umuwi na si seb. "Bwisit talaga 'yon...eat and run potek!" angal ni niccolo. "Ako na maghuhugas...nakakahiya naman kung ikaw pa, 'di ba?" "Oo dapat lang na mahiya ka!" Akala ko pa naman mauuto ko siya para maghugas...hindi pala. "Tatawagan ko din si mommy sasabihin ko na dito ka na muna titira. Anyway papayag naman 'yon! Bihira lang din naman siya umuwi dito." "Salamat ha," "Wala 'yon! ika nga nila, this is what friends are for!" nakangiti niyang sambit. "Kapag nakahanap ako ng bagong mauupahan--" hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil bigla siyang nagsalita. "Ano ka ba? Take your time! Atsaka ang boring-boring dito kapag mag-isa! Ano kausap ko lang sarili ko palagi?" "Eh kung gano'n...magbabayad na lang din ako para naman hindi nakakahiya." "Para kang tanga! Bayaran mo ako kapag may trabaho ka na! O 'di kaya pagluto mo lang ako palagi, ayos na 'yon." Sumang-ayon ako sa kaniyang nais. Tutal nagtitipid rin ako at lalo na ngayon dahil kailangan kong bumili ng bagong damit at toothbrush. Naiwan ako mag-isa sa kusina para maghugas ng pinagkainan namin kanina. Si niccolo nasa sala nanonood ng Haikyuu!!. Hindi pa din halos nagsisink in ang mga nangyari sa akin sa araw na ito. Kamusta naman kaya si Jorge? Tangina saan kaya nagtatago ang kupal na 'yon? Nababahala ako sakanya. Dapat ba hinanap ko siya? Dapat ba may gawin ako? Dapat bang sabihin ko ito sa magulang niya? Buhay pa kaya siya? Tangina heto na naman yung isipan ko! Pagkatapos ko maghugas ng pinggan, inilabas ko ang aking cellphone at agad na dinial ulit ang number ni jorge. Sorry, the number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later. Pero parating hindi sinasagot. "Tangina Jorge sagutin mo naman..." Sorry, the number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later. Hindi niya pa rin sinasagot kaya naisipan ko na lang na magtext sakanya. To: Utol Jorge Jorge! Nasaan ka? reply agad! Sana naman walang masamang nangyari sakanya...kahit gagu si jorge, napaka buting tao naman niya. Bakit ba kasi ganito ang buhay ko? napaka kumplikado! Sabi ng iba, things will get better, pero kailan? •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD