Ikaw ang pagkalma
•••
It's a rainy sunday afternoon. It is a normal day, And I have a million reasons to be happy. Yet here I'am once again, smoking cigarette and thinking of a million reasons how to kill myself.
How can I run away from myself? pwede ba 'yon, yung tipong 'di ka mamamatay?
Napahinto ako sa pag-iisip ng biglang mag vibrate yung cp ko at isang pop up message ang nag appear sa screen.
Sining Fedeli: You enthrone me upon the star-filled dark sky. Brighten the nights like noon in to my eyes. You breathe me hope when in my vein runs despair. Grasp my setting life as I feel your care.
Tanghaling tapat palang...ano na naman trip ng isang ito?
Jaq: I don't care.
Believe rin ako sa babaeng 'to...masyadong pursigido! Hindi ko tuloy maisip kung totoo ba 'to o trip trip lang eh?
Sining Fedeli: Kapag ako naging businesswoman, mumurahan ko ang benta ko sa lahat ng tao, pero sayo lang ako magmamahal. ayieeee~
Parang tanga pota.
Jaq: murahin kita diyan eh
Sining Fedeli: Pwede bang mahalin mo na lang ako? Mas bet ko yon!
Jaq: ewan ko sayo
Binuksan ko ang aking f*******: at agad na bumungad sa akin ay ang post ni seb;
Lance Sebastian Jimenez
Puro kayo gusto ko sa engr, archi, lawyer chuchuness ayaw niyo ba sa ayaw mag aral!? GRRR!
"Pambihirang lalaki 'to hahahaha" sambit ko habang pinipindot ang sad react sa post niya. Tinignan ko na rin yung mga comments kasi napansin ko agad pangalan ni niccolo.
Niccolo Nuevo : Kingina mo boy! pati guardian angel mo ata minumura ka na!
Lance Sebastian Jimenez: Gigil na nila ako boy!
Niccolo Nuevo: Paanong gigil? patingin nga!
Lance Sebastian Jimenez: Puntahan kita jan sainyo tapos sakalin kita!
Lucas Pagal: Pa live na lang po dito sa sss kung paano yung pagsakal boss HAHAHA
Hindi na ako nakisali pa sa comment box nila baka madamay na naman ako eh, natuto na akong umiwas sa gulo.
Ilang araw na din hindi pa umuuwi dito si jorge. Minsan iniisip ko baka umuuwi na ang sira ulo na 'yon sakanila tapos kapag nabubwisit sa bahay dito umuuwi. Bwisit talaga yung kupal na 'yon.
Isang message na naman ang nagpop-up sa aking screen at syempre hindi na ako magtataka kung sino ang nagchat sa akin.
Sining Fedeli: Do you crave the gray, gloomy autumn weather where the sky is overcast and the air feels like rain, where you can sit in your window sill with a cup of hot coffee, and the deep gray of the sky contrasts with the fiery orange and bright yellows of the trees? where the air smells like wet leaves and it's cool outside, you can put on your favorite sweater and go for a walk in the light misting rain? Because I sure do.
Taragis na 'yan ang haba...tapos english pa katamad basahin.
Jaq: K
Matipid at bored kong reply. Nandito pa rin ako sa may bintana, nakadungaw sa labas habang naninigarilyo. Hindi ko alam kung anong meron sa mga bintana at kapag nandito ka mapapasenti ka bigla.
Sining Fedeli: Masarap mapunta sa tamang tao, kaya puntahan mo na ako!
Napangisi ako sa aking nabasa.
Jaq: Bakit hindi ikaw ang pumunta sa akin?
Kapag pumunta siya, uto-uto siya. Kapag hindi naman siya pumunta, nasa katinuan pa ang pag-iisip niya.
Sining Fedeli: Kailangan mo ba ng tulong ko?
Jaq: Kailangan kita
Sining Fedeli: Anong eksakto mong address? send ka ng picture ng bahay mo! pupuntahan kita!
Pagkabasa ko ng message niya ay in-off ko agad yung data connection ko.
"Siraulong babae, talagang pupunta dito potek..." tinignan ko ang itsura ng maliit kong inuupahan.
"Tangina napaka dugyot..."
Kung saan-saan nakalagay yung mga hinubad kong t-shirt at shorts. Yung pinggan nakatambak sa lababo hindi ko pa nahuhugasan. Yung basurahan puno na hindi ko pa napapatapon... teka kailan nga ulit collection ng basura dito?
"Jusmiyo..." sambit ko sabay kamot sa aking batok.
•••
Nalinis ko na ang bahay at nakapag laba na din ako ng damit. Kakatapos ko lang maligo at wala pa rin yung sining na 'yon.
"Taragis na babaeng 'yon... nagsipag ako ngayong araw para sa wala? inis! Hindi ko papansinin 'yon bukas! Taragis siya...salamat na lang sa lahat." pag mamaktol ko habang sinusuklayan ang aking buhok.
Pagkatapos kong magsuklay nagtimpla ako ng kape para sa sarili ko.
"Tangina dapat pala isang daang load na lang hiningi ko...seven days din ml 'yon! Sayang!" pagkadismaya ko sa mga desisyong hindi ko pinag isipang mabuti.
Nagpatugtog ako ng Tao Lang by Loonie featuring Quest gamit ang maliit kong speaker na inorder ko mula sa shopee. Nilakasan ko talaga dahil linggo naman ngayon. Araw ng mga depress na nilalang sa mundong ito.
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko?
Ako ay tao lang din naman na tulad mo
Ano ba ang dapat na gawin? Dapat bang kamuhian
O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang?
Pasensya na, tao lang
Pasensya na, tao lang
Pasensya na, tao lang
Pasensya na
Hawak-hawak ang aking mug na may laman na mainit na kape, para akong tanga na umiindak-indak at nakikisabay sa tugtugin.
Kasi, sapul sa pagkabata, sablay no'ng tumanda
Lumakad, humakbang, hanggang sa madapa
Huwag kang mawawalan ng pag-asa, huwag kang madadala
Kung wala ka pang mali, wala ka pang nagagawa
Madadapa ka muna bago ka matutong lumakad
Ang buhay ay utang, hulugan ang bayad
Kaya huwag kang matakot magkamali
Pero alalay lang, huwag kang masyadong magmadali
Napatigil ako sa pag indak nang bigla kong makita yung sarili kong repleksyon sa salamin na nakasabit sa pader malapit sa pintuan ng cr. Nakikita ko ang isang malungkot na nilalang na kamukhang-kamukha ko.
"Mag-isa ka na naman...palagi na lang ganito?"
Agad kong tinungga ang mug na may lamang kape at inilapag ito sa lababo. Nagsisimula ng magpalpitate ang puso ko... minsan sa kakakape ko 'to eh, pero madalas senyales 'to na nandito na naman yung demonyo, paglalaruan ako.
Lumapit ako sa aking damitan at binuksan ang drawer kung saan ko tinatago yung mga blade na aking binibili. Peklat na lang ang makikita sa aking pulsuhan, yung iba gumaling na. Matagal na din nang tumigil ako sa paglalaslas dahil sa tuwing aatakihin ako ng demonyo ko, bigla-biglang umeeksena si sining.
Si Sining...
Inilabas ko ang aking cellphone at binuksan ang data nito. Agad na tumambad sa akin ang mga mensahe mula sakanya.
Sining Fedeli: Anong address mo uy!
Sining Fedeli: Alam ko papunta jan pero hindi ko alam eksaktong bahay mo!
Sining Fedeli: Bakit ka nag offline? Luhhh!!
Sining Fedeli: Pupuntahan pa ba kita? reply asap!
Pagkabasa ko sa mga chat niya, agad kong ibinalik ang blade sa taguan nito. Tinungo ko ang upuan sa may mesa. Pagka-upo ko dahan-dahan kong tinanggal ang sport wristband na aking suot sa magkabilaang kamay at tinignan ang mga peklat. Bakas ng mga sakit na ako lamang ang nakaka alam.
Jaq: Alam mo ba, nakakabaliw lang...
sent
Pero 'di ba, tao ka lang din, 'di mo ba napansin?
Kahit anong taas mo na, titingala ka pa rin
Kahit planuhin mong mabuti, bakit gano'n pa rin?
'Di maiwasan na magkamali kahit ano'ng gawin
Kadalasan, nangyayari ay ang kabaliktaran
Marami kang detalye na makakaligtaan
Mamamali ka ng daan lalo kung wala kang ga'nong alam
Ano'ng magagawa mo, tao ka lang?
Napapagod, natatakot, naiinip
Natatawa, nagtataka, naiinggit
Nangangawit, nagagalit, nabibigla
Nalulungkot, nauutot, nahihiya
Natutukso, nakukonsensya, nauubusan din ng pasensya
Nasasaktan, nagmumura
Pero nagmamahal pa rin kahit natuto na
Sining Fedeli: Ang ano?
Jaq: how alone you can feel in a world of 7 billion people
Ilang minuto pa bago siya nagreply.
Sining Fedeli: Magkita tayo sa parke ngayong gabi
Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng 'to pero siguro tama na sa mga sugat sa pulsuhan...pagod na rin ako magtago sa mga 'to.
Kinuha ko ang hindi ko pa sinasauling payong ni salem at naglakad palabas ng apartment.
Nauna akong makarating sa may parke. Medyo tumila na rin ang ulan at nakakasad lang dahil basa yung mga upuan kaya tamang tayo lang habang nakasandal sa may poste. Nagsindi ako ng isang stick ng yosi kasi cigarette is life.
*BEEP BEEP BEEP*
Busina ni sining at huminto sa aking harapan.
"Kanina ka pa?" tanong niya.
"Oo." sambit ko pero ang totoo no'n, mga ilang minuto pa lamang akong nakatayo.
"Pasensya na po ahh...kailangan ko pa kasi mag-ayos para naman maganda ako sa paningin mo at para na rin mainlove ka sa akin." sabi niya sabay kindat.
"Hindi ka maganda..."
"Grabe ka naman sa akin!" nagkabusangot siya at nakapatong ang kaniyang kamay sa lugar kung saan nakalocate ang kaniyang puso.
"Bakit gusto mo makipag kita sa akin?" tanong ko sakanya habang naghihithit ng sigarilyo.
"Wala lang...gusto lang kita makita."
"Bakit nga?"
"Feeling ko kasi...kailangan mo ng makaka usap in person! Atsaka sabi ko sa 'yo 'di ba...I'll make you happy!"
"Sasaya ako kung tatantanan mo na ako."
"Sabi nga 'di ba ni mike enriquez, hinding-hindi kita tatantanan!" masigla nitong sabi kaya napangisi ako.
Umayos siya ng pagkaka upo sa kanyang scooter at humarap sa akin.
"Anong height mo?" bigla niyang tanong.
"Bakit?"
"Nagtataka lang kasi ako kung paano ka nagkarsya sa puso ko ayiieee~"
Pambihira talaga 'tong babae na ito. Mala chat o personal mahilig bumanat...
"Lakas talaga ng saltik mo eh noh?"
"Sayo lang ako ganito..." mahinhin niyang sabi sa akin habang nakangiti.
"Halata naman...ako lang ata tanggap yung pagiging baliw mo eh."
"True! yung iba kasi tingin sa akin super brainy!"
"Saan banda?"
"Hahahaha sa puso mo!"
Nababaliw na naman talaga ang isang 'to.
"Napaano pala 'yan?" sabay turo niya sa mga peklat ko sa pulsuhan.
"Nakalmot ng pusa..." pagsisinungaling ko.
"Ahhh may alaga kang pusa?"
"Wala, pusa ng kapitbahay 'yon..."
Hindi ko alam kung gumagana ba yung kalmot ng pusa excuse na ito...kasi naman bakit ako kakalmutin ng pusa sa may pulsuhan ng madaming beses?
"Akala ko..." mahina niyang bigkas.
"Akala mo ano? na laslas 'to? ano ko, emo?"
"Akala ko lang naman 'di ba...atsaka kung gano'n man, sana huwag mo gawin 'yon." seryoso niyang sabi habang halata sa mga mata nito ang pag-aalala.
"Bakit? ikamamatay ko?"
"Hindi dahil sinabi sa bible na masama ang patayin ang sarili, pero masarap mabuhay!"
Hindi ako kumibo at naghithit na lamang ng sigarilyo na malapit ng maubos.
"Masarap? anong lasa?"
"Masarap mabuhay, jaq. Masarap din magmahal...try mo sakin!" biglang pagbibiro niya.
At bigla ulit siyang nagsalita pero this time, seryoso na ulit ang aura niya.
"Life isn't as serious as the mind makes it out to be." sabi niya.
Nagtagal kami ni sining ng mahigit isang oras sa parke na halos puro lang siya pick up lines ng pick up lines sa akin. Kinuwento ko rin yung paglinis ko sa bahay dahil akala ko pupunta siya...tapos ilang beses din niyang pina-alala na palagi siyang nandiyan para sa akin kapag kailangan kong sumaya.
Pag uwi ko sa bahay, ibinato ko ang aking sarili sa kama at ini-angat ang aking dalawang kamay sa ere. Tinignan ko na naman ang aking mga peklat na tatagal sa loob ng ilang linggo pa.
Bakit ko nga ba hinihiwa ang aking sarili? kasi iyon lang yung tanging sakit na kaya kong kontrolin.
•••