Kabanata 17

2648 Words
Mga banatan ••• Mabilis lang ang takbo ng panahon at mag midterm na naman na. Sining Fedeli: Ginagawa mo? Jaq: humihinga Sining Fedeli: Sabi ko nga hehehe Ilang linggo na din kaming nag-uusap ni sining tuwing gabi at na open-up ko na din sakanya yung tungkol sa pamilya ko na hanggang ngayon hindi pa rin ako kinakausap ni mama... kinakampihan siguro yung magaling kong kapatid. Jaq: sa tingin ko galit pa rin sakin yung mama ko dahil sa ginawa ko sa birthday ng kapatid ko Sining Fedeli: Paano mo naman nasabi yan? Jaq: feeling ko lang? Hindi naman pala niya ako tinatawagan, ako palagi ang tumatawag sakanya. Sining Fedeli: Walang magulang ang galit sa anak nila noh Anong wala? imposibleng wala... Jaq: sabi mo eh Sining Fedeli: Sa tingin ko kabaligtaran eh. Ang anak ang galit sa magulang. Jaq: galit ka din ba sa magulang mo? Ang tagal bago siya nagreply. Sining Fedeli: Hindi ah...natatakbuhan ko sila kapag may problema ako o kaya kung malungkot ako. Susuportahan ka nila sa lahat ng bagay, ganun naman ang pamilya. May anak na pumupunta sa magulang kapag malungkot sila? and rely on them for support? What the f**k?? Nilapag ko ang aking cellphone sa aking higaan. Lumapit ako sa bintana upang dungawin ang kalangitan ngunit umuulan ngayong gabi kaya walang bituin sa langit maski buwan nakatago din. Nagsindi ako ng isang stick ng sigarilyo. Hindi ko alam pero gusto ko talaga ang maulan na panahon, feeling ko dinadamayan ako nito sa miserable kong buhay. "Wazzup senti boy!" bati ni jorge sa akin pagkapasok niya sa loob. "Teka...bakit mo ginamit yung payong na 'yan?" tanong ko sakanya. "Favorite color mo pala sky blue? HAHAHAHA!" pang-aasar nito habang nilalapag ang payong sa bandang pintuan. "Lul hindi akin 'yan." "Ayieee may jowa ka na noh?" pang-aasar niya. "Tanga sa kaibigan kong babae 'yan, hindi ko pa sinosoli..." Nakalimutan ko pero hindi naman pinapaalala ni salem. "Osya osya matutulog na ako...maaga pa pasok ko bukas!" Hindi ko na lamang siya pinansin at itinuon ko na lamang ang aking sarili sa bumubuhos na ulan sa labas. Some people feel the rain, others just get wet. There's a difference on those two. And I feel the rain kahit hindi ako nababasa nito. At kapag umuulan, we feel things. We suddenly feel sad, lonely, and alone. At yung mga pakiramdam na 'yon ang pinaka ayoko sa lahat. Kasi when I feel sad, lonely, and alone... I want to cut. Pero sa tuwing iniisip ko 'yon parati na lang may istorbo. Nagvibrate ang cp ko kaya agad ko itong tinignan. Sining Fedeli: The rain will stop, the night will end, the hurt will fade. Hope is never lost that it can't be found... Pinagsasabi ng isang 'to? Jaq: tapos? Sining Fedeli: Let the rain wash away, all the pain of yesterday. Bakit parang pini-preach ako ng isang 'to? Jaq: AMEN. Sining Fedeli: Sana ulan ka at lupa ako para kahit gaano kalakas ang patak mo, saakin pa rin ang bagsak mo. ayieeee~ Natawa ako ng mahina pagkabasa ko sa banat niya kasi paano yung ibang ulan na bumabagsak sa bubong ng bahay? Jaq: Korni mo gagu Sining Fedeli: Kailan ka ba kikiligin sa mga banat ko? Huhuhu Jaq: Kapag tumigil ka na Maya-maya bigla na lang nagvibrate ng malakas ang cellphone ko. Sining Fedeli is caling you... "Sasagutin ko ba o hindi?" mahina kong tanong sa aking sarili. "Sagutin mo kung chixx mo 'yan!" sigaw ni jorge sa akin kaya napalingon ako sakanya. "Sagutin mo na! hindi dapat pinaghihintay ang mga babae!" sambit niya pa at pinikit ang kaniyang mata kaya sinagot ko na lang yung tawag. "Bakit?" bungad kong sambit. [Huhulaan kita...]  "Hindi mo pa din titigilan 'yang kalokohan na 'yan ano?" [Susuwertihin ka sa pag-ibig ngayong taon...'pag naging akin ka!] narinig ko ang mahinang halakhak niya mula sa kabilang linya. Napangisi ako at humithit ng yosi. "Bakit bibigyan mo ba ako ng pera at house 'n lot?" pagbibiro ko. [Pag-iipunan ko basta ba, ako na hanggang sa huli?]  "Hay nagbago na isip ko...huwag na lang pala." [Paano ko ba papatunayang mahal kita? Tatawid ba ako sa alambre? Susungkitin mga bituin? O aakyat sa pinakamataas na bundok? Mahirap 'yon...ganito na lang...hawakan mo na lang ang puso ko para mapatunayan kong sa'yo lang ang buhay ko.] Napa-isip ako sa sinabi niya at ibinato ang upos ng sigarilyo sa labas ng bintana. Hindi ako nag salita kasi walang pumapasok sa isipan ko. [Huy! Nandiyan ka pa ba? Gising ka pa ba? Are you okay?] Tigilan mo na ang pagtatanong kung ayos lang ba ako, pagod na ako magsinugaling. "Okay lang ako...bakit?" mahinahong kong sabi. Siguro I'm just too f*****g complicated for anyone to love. [I feel hindi ka okay,jaq.] She paused for a second pero nagpatuloy rin agad. [If ever you feel terrible about your life...talk to me. If you don't want to talk to me, magsulat ka.] she said in a heavy tone. "Pfft sa school nga tamad ako magsulat eh!" [Well kung gano'n, tell me your thoughts.] "You wouldn't like it. My thoughts are wild and my soul is too dark for you." Nagsindi muli ako ng isa pang stick ng sigarilyo. If anything else, sigarilyo lang ang nagpapakalma sa akin. [Try me...] "Everyone has scars that they don't want to talk about, Sining." [...if you ever feel that way, I'll make you happy.] sabi niya at naiisip ko na nakangiti siya ngayon. Napangisi na lamang ako at sinabing "okay." sabay pinatay ang tawag kasi 10:30 na at maaga pa ang klase bukas. Bumalik ang aking atensyon sa pumapatak na ulan sa labas at ang usok na binubuga ko dahil sa paghithit ng sigarilyo. May kasabihan kasi na Cigarettes are food for the broken souls. Muntik ko na naman sugatan ang aking sarili kanina...kung hindi lang nag iba ang ihip ng hangin. Napatingin ako sa aking cellphone dahil sa message na nagpop-up dito. Sining Fedeli: Paki off ang mga phones niyo ng 10:30 PM ngayong gabi hanggang 3:30 AM kasi malakas ang radiation dahil sa cosmic rays, nuclear atomic ng pagmamahal ko sa'yo. Binalita ni kuya kim at ng BBC sa tv. Delikado ito. At wag niyong isama/itabi ang phone niyo sa pagtulog...pwede naman ako na lang. Pakipasa po sa lahat para alam nila na mahal kita. #GOODNIGHT Natawa ako sa aking nabasang kakaibang chain message. Kahit tapos ko ng basahin hindi pa din mawala-wala yung ngiti ko sa aking labi. Kinakabahan na 'ko, ngumingiti na 'ko sa mga chats niya. ••• Nandito kami ngayon sa library ng school upang magresearch at matapos na namin yung pinaparevise na docu sa amin sa capstone. "Pambihira! Basahin niyo!" reklamo ni niccolo at pinakita sa amin ang isang chat sakanya ng isang babae kagabi na ang pangalan ay Lyn Cay Joy. Lyn Cay Joy Olivares: Ilang taon kana po? Niccolo Nuevo: 21 ikaw? Lyn Cay Joy Olivares: 16 po. pumapatol ka po ba sa bata? Niccolo Nuevo: Oo suntukan gusto mo? "Sana nag omegle ka na lang..." sabi ni lucas. "Gawain mo siguro 'yon noh?" pang-aasar sakanya ni seb. "Kapag bored lang tanga! Malay mo maka dekwat ng foreigner? Hahahaha!" "Aysus para ano? makaahon sa kahirapan? Hahahaha!" pang-aasar ni niccolo. "Gagu kapag foreigner hanap, gusto agad umahon sa hirap? Mga mindset niyo eh noh...pang toxic!" bwelta ni lucas sa dalawa. "Try natin next time mag omegle! Hahaha!" request ko sakanila. "Oo tapos record natin! Instant vlogger lang hahahaha!" dugtong ni niccolo. "Bakit hindi na lang tayo mag vlog? hahahaha tapos intro natin, WAZZUP MGA WALANG KWENTA~ Nanonood na naman kayo ng walang kwentang vlog! At panoorin niyo kung paano kami kawalang kwenta dahil gagayahin namin ang content ng ibang vlogger! Yoooow!" sambit ni seb. "Kingina nito parang may pinapatamaan pota...g na g lang?" tanong ko sakanya. "Cong TV lang malakas sa akin!" masayang bigkas ni seb. "Sige kung d'yan ka masaya..." sabi ni niccolo. "Gawin na nga lang muna natin 'to...nakakasawa na magrevise ng magrevise." sambit ko sakanila habang binabasa yung mga red ink na nakasulat sa pinaprint naming chapter 2 at 3. "Bawat revise...revise ulit! Baka si sir na yung may mali? Sinunod naman natin yung pinapabago niya tapos mali pa din? Nagkakalokohan na ata tayo dito!" wala talagang araw na hindi nagrereklamo si seb sa lahat ng bagay. "Hi, Jaq!" isang masiglang pagbati mula kay sining. Umupo siya sa tabi ni lucas kung saan katapat ko. Nagpangalumbaba siya at nakangiting nakatingin sa akin. "Alam mo ba na life is short so flirt with me!" bulalas ng mapangbola niyang bibig. "Wow anong oras pa lang, masyado pa atang maaga para mangharot noh?" bigkas ng naiiritang si seb. "Tigilan mo na 'yan...kung maging kayo man, iiwan ka din niyan ni jaq!" bulalas ni lucas. "Alam ko kaya huwag kang spoiler." sagot ni sining kay lucas. "Uncrush mo na, hindi naman magiging kayo niyan." sabi ni niccolo. "Ayoko nga...I think my love for him is all worth it." sabi ni sining habang nakangising nakatingin sa akin. "Alam mo din ba sining..." saad ni niccolo kaya napatingin sa kanya si sining. "Ano?" "May kasabihan nga 'di ba, Stop chasing people. If ayaw sa'yo, Pwedeng ako!" "No thanks...I want jaq." "Eh ayaw niya nga sa'yo~" sabat ni seb sakanila. "Ayaw mo ba sa akin, jaq?" malungkot na tanong ni sining pero hindi ko sila pinapansin bagkus naka focus lamang ako sa hawak-hawak kong mga papel. Ilang minuto din na tahimik sa aming pwesto at kaming apat ay nagpanggap na seryoso sa aming ginagawa. "Mukhang busy kayo...osya makaalis na nga." sambit ni sining at tumayo na sa pagkaka upo. "Oo nga pala..." huminto siya saglit at napatingin kami sa kanya pero nakatitig siya sa akin. "Pag may naghanap sa'kin, sabihin mo nasa'yo na ko." sambit niya at sabay naglakad palayo. "Pambihirang babae...hindi mo ba talaga papatulan 'yon jaq?" tanong ni niccolo sa akin. "Hindi."  "Bakit? nagtataka lang talaga ako..." sabi ni seb at nagpangalumbaba habang tinitignan ako. Hindi ko pa din sila tinitignan at nakafocus lamang ako sa aking ginagawa. "Kasi gano'n talaga..." sambit ko. "Anong gano'n talaga?" tanong ni lucas. "Gusto ko siya pero hindi yung...love-love." "Taragis ang arte mo naman... kung kailan nandiyan na ayaw mo?" reklamo ni niccolo. "Okay naman si sining ah~" sabi ni lucas. "Sabi ko nga 'di ba gusto ko siya pero hindi yung in love..." Kasi how can you love someone when you don't even love yourself? Gusto ko kapag magmamahal ako...maayos na yung sarili ko. Yung relasyon ko sa pamilya ko at sa sarili ko. Ayoko pa magmahal kung ganito pa ako ka kumplikado. "Dami mong alam ha...pero bahala ka sa buhay mo, malaki ka na!" sabi ni seb sa akin. "Pero fyi, okay kami kay sining. Kung magka intensyon kang ligawan siya, ayos sa amin! Tutulungan ka pa namin!" masayang sabi ni niccolo. "Wow. Salamat ha?" sarkastiko kong sabi. "Pero gusto namin yung mga katulad ni sining yung ugali ah! wag kagaya kay xowie! Mahirap yung gano'ng attitude!" saad ni seb. "Mas lalong ayoko din no'n! Ayoko sa maarteng, matalino..." sabi ko. "Mabuti naman! Dahil ayokong isa sainyo ang manakit sa damdamin ng pinsan ko! Lalo ka na seb!" bwelta ni niccolo. "Bakit ako?" pagdepensa ni seb sa sarili. "Kasi napi-feel ko na may gusto ka kay xowie!" "Ako? magkakagusto do'n? Patayin mo na lang ako! Hindi nga kami nagkakasundo no'n! Atsaka ayoko sa mayaman na maarte!" "Papatayin talaga kita kapag nangyari 'yon!" "Madalas sa mga nababasa at napapanood kong love story...kung sino pa yung hindi nagkakasundo, sila pa yung nagkakatuluyan sa huli." saad ni lucas. "Kakapanood mo na naman 'yan ng kdrama sa netflix kasama yung ate mo eh!" pang-aasar ko kay lucas. "Please! This is the library. Respect the place and keep your voices down, you can interrupt the other students. This is a warning." mataray na saway sa amin nung masungit na librarian. "Sorry po~" sabay naming apat na bigkas. ••• Pagkatapos ng research namin sa library dumiretsyo kami sa cafeteria, sa paborito naming pwesto ay nakaupo na sina salem at maki. "Wala kang date ngayon?" tanong agad ni niccolo kay salem dahil tuwing lunch time hindi siya dito kumakain dahil palagi siyang may date sa labas. Umupo kami sa aming paboritong pwesto. Tinabihan ni niccolo ang dalawang babae at kaming tatlo naman ang nagtabi. "I'm dating myself. I take myself out to eat, I buy myself clothes. I love me." sabi ni salem sakanyang pinsan. "Wow! Self love...tama 'yan." sambit ko at nanguna ng kumain sa binili kong sisig. "Musta na pala yung nakaaway mo no'ng isang araw?" tanong ni seb kay salem. "Edi ayon nakatanggap ng sampal mula sa akin." mataray niyang sagot. "Tapos nagsumbong siya sa guidance..." sabi ni maki. "Oh? nagkarecord ka sa guidance?" tanong ko. "It's okay, atleast I got my revenge! Mas dama 'yon." "Kakaiba ka talaga...isa ka talagang amazona na naligaw sa siyudad!" sabi ni seb. "Well, Walang humihingi ng opinyon mo." sabi ni salem kay seb. "Luhh hindi naman ikaw kausap ko assumera..." pag sisinungaling ni seb para hindi mapahiya. "Gago 'pag may galit sa'yo, galitin mo pa lalo." rinig kong payo ni lucas kay seb. "Siraulo...baka englishin ako bigla-bigla, anong laban ko do'n?" pabulong na saad ni seb kay lucas. "Aware ba kayo na naririnig kayo?" tanong ko sa dalawa at tinignan nila kami at halos lahat kami ay nakatingin sa kanila. Dahan-dahan silang umupo ng maayos at tahimik na kumain. "Nacucurious lang ako sainyong mga lalaki...ano ba yung gusto niyo sa isang babae?" biglang tanong ni maki sa gitna ng aming pag lamon sa aming mga pagkain. "Yung simple lang. Sweet, mabait, matalino, gano'n..." sabi ni lucas. "Plus point kung funny! yung para bang happy pill!" sabi ni niccolo. "Hindi mo kailangan ng happy pill kasi tumatawa ka naman mag-isa." buwelta ni salem sakanyang pinsan. "Gagu, hindi ah!" saad ni niccolo. "Nako...ang tipo talaga naming mga lalaki ay yung mga magaganda, sexy, malaki boobs, tapos matambok yung pwet o di kaya yung mabalakang!" maangas na pagkakasabi ni seb. "Very into physical appearance ah?" sabi sakanya ni maki. "Swerte na lang kung gano'n kasi may kilala akong gan'yan pero hindi marunong sa gawaing bahay." sabi ko at hindi ko inaasahan na tumingin kay salem. "Bakit sa akin ka nakatingin? Sinasabi mo ba na wala akong alam sa gawaing bahay?" pagtataray nito sa akin. "Wala akong sinasabi at binabanggit na pangalan ah!" "Puwes marami akong alam sa gawaing bahay, gusto mo turuan kitang magdabog?" Mahirap talaga makasundo ang ugali ni salem. Para siya laging may dalaw ng menstruation niya, sino naman lalaki ang tatagal sa gan'yan? Well, She's a little bit of heaven with a wild side. Tama, gano'n nga si salem simula nung una namin siyang makilala. "Anyways~ let's change the topic kasi nag aattitude na naman ang isa d'yan..." pagpaparinig ni seb pero inirapan lamang siya ni salem. "Naalala ko tuloy...kaninang umaga may nagsalpukan na jeep sa tapat ng bahay namin..." "OHHH?" pagkagulat namin sa kwento ni maki. "Nakaka awa nga, ang daming patay pero mas naawa ako sa lalaking gumagapang na lumapit sa driver tapos sabi niya... Manong yung sukli ko sa bente." pagkatapos mag kuwento ni maki siya lang ang tumawa. "Sorry...di na mauulit." sambit niya at humigop na lang sa kanyang hawak-hawak na shake. "Hindi dapat ginagawang biro 'yan, kasi kapag naaalala ko ang mga araw na magkasama tayong dalawa, ngiti at luha sa aking mga mata, gano'n na pala tayo dati kasaya..." pagdadrama ni seb. "Hays drama mo!" sigaw sakanya ni niccolo. "Madrama ako? kapag ikaw namatay hindi kita iiyakan." pananakot ni seb kay niccolo. "If i die, don't cry. Look at the sky and say--" "Buti tinanggap ka d'yan." bwelta nito at nagtawanan naman kami. "Pakyu! Sasabihin ko sana Ang gwapo mo! Panira kang hinayupak ka!" tanging sabi ni niccolo pero patuloy kami sa pagtawa. Iba talaga ang saya kapag kasama mo yung mga kaibigan mo. •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD