Ang eksena sa cafeteria
•••
Tapos na yung event at patuloy pa rin ang pagpatak ng ulan. Nakatayo kami sa labas, sa tabi ng gate at hinihintay sina salem at maki na nasa loob pa ng school.
"Matagal pa ba sila?" tanong ni seb kay niccolo.
"Hindi ko alam pero sabi ni xowie hintayin sila at sasabay sila pauwi..."
Pasado alas-onse na din kasi natapos ang event at mag aalas-dose na ngayon, ibig sabihin mahirap ng makahanap ng masasakyan kaya maglalakad kami.
"Ano ba ginagawa nila? nagmemake up pa?" tanong ulit ni seb, mainipin kasi siyang tao.
"Nagmemake up ba yung mga 'yon?" tanong ni lucas. "Parang hindi naman..." pagpatuloy niya.
"Hindi nagmemake up yung dalawa...lipstick lang." sagot ni niccolo.
"Sabagay...maganda naman sila kahit walang make up." sambit ni seb.
"Aysus! may crush ka sa isa sa dalawa noh?" pang-aasar ni lucas kay seb.
"Luh? ano ko gagu?"
"Hoy umayos-ayos ka! huwag si xowie!" sabat ni niccolo.
"Si maki noh?" pang-aasar ko din.
"Tanga hindi! Siga pa nga 'yon kaysa sa akin!"
"Weh?"
"Taragis na 'yan ayaw maniwala pota!" pikon na sabi ni seb sa amin.
Pikunin talaga.
Maya-maya pa ay may isang scooter ang huminto sa aming harapan.
"Hi, Jaq!" sambit ni sining.
"Huy..." sabi ko at tumango-tango.
"Sabay ka na sa'kin?"
"Ayiiieeee~" pang-aasar na naman ng tatlo sa akin.
"Ayoko nga basang-basa ka!"
"Kaya nga sumabay ka na para payungan mo ako tapos yakapin ako habang nagmamaneho!"
"Asa."
"Aasa talaga ako kasi paasa ka!"
"Umuwi ka na nga...gabi na." mahina kong tugon.
"Kingina jaq nag-aalala ka para kay sining? HAHAHAHA!" pang-aasar ni lucas.
"Lul!"
"Awwe ang sweet naman talaga ng bebe jaq ko!" malambing na bigkas ni sining.
"Hahahaha bwisit namali ako ng dinig sa sinabi mo!" sabi ni seb.
"Hay bastos talaga!" pagkasabi ni niccolo no'n ay binatukan niya si seb.
"HAHAHAHA Sorna!"
"Osya hindi ka ba talaga sasabay sa akin?" tanong ulit ni sining sa akin.
"Hindi nga."
"Okaaay~" pinaandar na nito ang kaniyang scooter. "Usap na lang tayo pag-uwi mo." hirit niya pa bago tuluyang pinaandar ang scooter niya.
"Tangina mukhang nagkakamabutihan kayo ah?" sabi ni niccolo.
"Gagu, hindi."
"Ano yung usap na lang tayo pag uwi mo, ha?"
"Malay ko! Kitang malakas sapak no'n sa utak eh!" pagsisinungaling ko.
"Weh??" pagtataka ni seb.
"Nasaan na ba yung dalawa? ang tagal naman nila lalamukin na tayo dito eh!" angal ko para naman maiba yung pag-uusapan.
Lumipat sa kabilang pwesto si niccolo, katabi ng poste.
"Ginagawa mo d'yan?" tanong namin sakanya.
"Nagtatago! Gugulatin ko si salem kasi magugulatin 'yon eh hahaha!"
"Bahala ka sa buhay mo diyan..."
Halos kalahating minuto na kami nag-aantay sa dalawa at paubos na din ang estudyante sa loob at labas ng school.
"Nakakabadtrip talaga yung may gugulatin ka tapos ang tagal dumating pota" bigkas ni niccolo habang papalapit sa pwesto namin.
"Ang tagal naman ng mga 'yon..." angal ni seb.
"Tara na!" masayang bigkas ni salem pagkalabas niya ng gate.
"BUTI NAMAN LUMABAS PA KAYO!" sumbat ni seb.
"Hulaan niyo kung sino ang may picture kasama ang parokya!!" masiglang bigkas ni salem habang pinakita sa amin ang isang picture sa cellphone nito.
"Luhh! tapos hindi kami sinama?" reklamo ni niccolo.
"Hinintay namin kayo dahil nagpapicture kayo sa parokya!?"
"Pasensya na ha! Hahahaha malakas si salem sa ssc eh!" sabi ni maki.
"HA-HA-HA May picture ako kasama ang parokya!" pag-iinggit ni salem sa amin.
"Dapat pala iniwan na natin 'tong dalawa na 'to!" inis na sabi ni seb.
"Parang hindi kaibigan eh noh?" sumbat ko.
"Wait...kaibigan niyo 'ko? Hindi ako nainform ah." sarkastikong bigkas ni salem at ngumisi sa akin dahil ayon yung sinabi ko sakanya kanina sa may 7-11.
Nanguna maglakad paalis ang dalawang babae.
"Kita niyo na...yung hinintay natin ng napakatagal sila pa yung nangunguna!" reklamo ni seb.
"Madapa sana silang dalawa..." sabi naman ni lucas pero hindi naman natupad...mahina ata si lucas sa Diyos. tsk tsk tsk.
•••
Pagka uwi ko tulog na si jorge sa kutson. Pinanatili kong bukas yung payong para matuyo at maisoli ko bukas kay salem. Paghiga ko sa kama agad kong kinuha ang cellphone ko sa aking bulsa at binuksan ang data nito.
Sining Fedeli: Malalaman mo talaga na masaya ang isang tao kapag hindi siya malungkot.
Message niya ang unang bungad pero ala-una na...gising pa kaya siya?
Jaq: malamang
Pagkasend ko no'n, biglang nahulog yung icon niya... ibigsabihin online siya at gising pa siya hanggang ngayon.
Sining Fedeli: Kakauwi mo palang?
Jaq: secret hahaha
Sining Fedeli: Daming knows ah! except lang sa mahalin ako pabalik! :(
Taragis na sad face 'yan...hindi ako maloloko niyan! Gawain ng mga lalaking nanunuyo lang 'yan!
Jaq: Try mong mahalin sarili mo :(
Ilang minuto pero hindi pa din siya nagsi-seen at isang pop-up message mula kay salem ang lumitaw.
Xowie Cruz Nuevo sent a photo
Xowie Cruz Nuevo: That's the pic! Iprofile mo yan ah!
"Ano ba naman 'tong babaeng 'to bossy potek." angal ko.
Jaq: Sige
Bigla naman nagpop-up yung mukha ni sining sa screen.
Sining Fedeli: Paano mo masasabing komportable ka na sa isang tao?
Jaq: pag minumura mo na
Xowie Cruz Nuevo sent a message
Xowie Cruz Nuevo: what kind of reply is sige? anong gusto mo ireply ko dyan? ikembot?
Jaq: edi wag ka na lang magreply!
Sining Fedeli sent a message
Sining Fedeli: So hindi ka pa komportable sa presence ko? hindi mo pa ako minumura eh!
Jaq: tangina
Xowie Cruz Nuevo sent a message
Xowie Cruz Nuevo: Atleast say thank you? mygosh!
Jaq: Thank you! Maraming salamat!
"Pambihira ganito pala feeling ng mga babaero pota...nakakahilo!" nagbuntong hininga na lamang ako at pinatay na ang data connection ng cp ko at inilagay ito sa ilalim ng aking unan.
•••
"Nag haha react ako sa bago mong profile pic hahaha!" sabi ni seb sa akin.
"Salamat sa support ha..."
"Anytime Jaq!" sabi niya sabay tapik sa likuran ko.
"Ako nga sad react eh, malungkot tignan kasi parang naghahanap ng jowa hahaha!" pang-aasar ni niccolo.
"Pakyu."
Nandito kami sa university cafeteria sa paborito naming pwesto, ang tabi ng poste.
"Huy!!" salubong sa amin ni maki sabay upo sa tabi ko.
"Oh bakit mag-isa ka lang? nasaan yung babaeng 'yon?" tanong ko.
"Ahh si xowie? kasi ano may nangyari lang..."
"Ano nangyari sa pinsan ko??" pag-aalala ni niccolo.
"May kaaway na naman kasi..." sambit ni maki habang humihigop sa binili niyang mango shake.
"Pambihira..."
Sanay na kami sa gano'n pangyayari. Normal na lang sa amin 'yon. Once a month lagi na lang may nakakaaway yung babae na 'yon eh.
Tinuro ni maki ang nakahalukipkip at mataray na si salem kaharap ang isa pang mukhang mataray na hindi naman maganda, masyado kasing makapal yung make up... si salem kahit walang make up maganda.
"Ano pinagsimulan ng away nila?" tanong ni lucas kay maki.
"Nagkabungguan tapos tinarayan si salem nung mukhang clown kaya ayan! Dalawang babaeng palaban!"
"Mag sorry ka naman!" sabi nung babaeng makapal ang make up.
Dinig hanggang sa puwesto namin ang pinag-uusapan ng dalawa dahil hindi naman sila gano'n kalayo at malakas ang boses nila.
"Funny, bakit hindi mo gawin 'yon?" pagtataray ni salem.
"Mukhang walang magpapatalo sa dalawang 'yan ah?" sabi ni seb.
"Wala nga..." sabay naming apat na sagot.
"Kaya madaming may ayaw sayo kasi sa ugali mo! Akala mo kung sino tsss..." pagtataray nung mukhang clown.
"It's not necessary for everyone to like me. Not everyone matters!"
Ayan ang panget kapag kaaway mo si salem, bigla-bigla kang i-englishin...hays.
"Ha! For all I know, you love attention kaya nga halos lahat ng nilalandi mo varsity player."
"Bakit wala bang lumalandi sa'yo na varsity player? O.M.G! Sorry ha, nilandi ko kasi sila para naman hindi sila mapilitan na landiin ka. Kawawa naman sila kapag nangyari 'yon..."
"b***h!" pikon na sigaw nung mukhang clown.
"Yes, I'm a b***h. Ngayon ka lang nainform?" confident na saad ni salem.
Yung tingin ng dalawang babae ay mahirap maipinta kasi may parang kidlat na pumapagitna sa mga titigan nila.
"I thought I had the flu, but then I realized your face makes me sick to my stomach!" bwelta pa ni salem at akmang sasampalin na siya nung babae ng biglang inakbayan ni sining si salem at dahan-dahan inilayo sa babae.
"Tama na tama na..." awat nito.
"Tsss." sambit nung babae at maarteng naglakad palayo.
"Hayaan mo na 'yon xowie...flat 'yon, mas lamang ka!" sabi ni maki ng makaupo si salem sa puwesto namin. Si sining nakatayo lang sa gilid.
"She don't need bigger boobs, she need to read better books para naman tumagal yung away namin!" inis na sambit ni salem.
"Hindi na nga siya nagsorry tapos ang lakas ng loob niyang tawagin akong slut!" inis na sabi pa ni salem.
"Wala siyang sinabi na slut ka. Ang sabi niya, lahat ng varsity nilalandi mo..." sabat ni sining.
"The idea is just the same, sining." sabi ni salem.
"No. Siguro sa isipan mo gan'yan pero what she means is, you're flirting with the varsity players. There's a difference between a flirt and a slut, xowie."
Tumayo sa pagkakaupo si salem at lumapit kay sining.
"Uyy gagu mukhang mag-aaway yung dalawa..." bulong ni seb.
"Hayaan mo... gusto ko sila makitang mag-away." pabulong kong banggit.
"Now you're making me think that I'm a flirt and a slut..." napabuntong hininga si salem. "Sabagay...you wouldn't understand what it feels when people start to call you names. Naranasan mo na ba 'yon, Miss dean lister?" pagpapatuloy ni salem.
Akmang maglalakad na sana si salem papalayo sa amin ng pigilan siya ni sining.
"Saan ka pupunta?" tanong ni sining.
"Sa babaeng 'yon at tuturuan ko siya ng leksyon!" sagot ni salem.
"Hindi ba puwedeng pag-usapan niyo na lang 'yon? pakinggan ang isa't isa?"
"Alam mo sining hindi lahat ng tao nadadaan sa matinong usapan, minsan dapat sinasampal para matauhan!" piniglas ni salem ang pagkakahawak ni sining sakanyang braso at nagpatuloy na sa paglalakad paalis sa lugar na ito.
"Huy xowie! wait!!" sigaw ni maki habang hinahabol ang kaibigan.
Nakatayo lang si sining at nakatingin sa may pinto.
"Hayaan mo na 'yon, gano'n talaga si salem...action speaks louder than words ang motto no'n." sabi ko kay sining.
"Oo nga sining hindi mo talaga mapipigilan ang isang 'yon! Matigas bungo no'n eh!" sabi ni niccolo.
Nakatitig lang ako kay sining kasi hindi siya kumikibo...mukhang may malalim na iniisip. At nung magtama ang mga mata namin dali-dali ko itong iniwasan.
"Titig ka ng titig sa akin tapos kapag tinitigan kita, iiwas ka? ay mahina!" sabi nito.
"Ayieeeeee~~ tinititigan!" pang-aasar na naman ng tatlo.
"Anong tinititigan? lul!"
"Oo kaya! nakikita ko sa peripheral vision ko!" saad ni sining.
"Naduduling ka lang ata tanga!"
"Huy sining!" sigaw ng isang babae sa may hindi kalayuang table. "Nandito kami!" sambit pa niya.
"Osya, doon na ako sa puwesto namin. Gusto ko lang mag Hi kay jaq..." sabi niya at nakangiti na naman sa akin.
"Bye jaq, talk to me later!" paalam nito sabay takbo papunta sa mga kaibigan niya.
"Talk to me later ahh~~" pang-aasar ni niccolo.
"Trip nga lang niya 'yon! Bakit ko naman kakausapin 'yon?"
"Kasi crush mo na din siya! ayieeee!" pang-aasar ni seb.
"Tigilan niyo nga ako!"
"Binata na si jaq! Huhuhuhu!" sabi ni lucas.
"Mga hinayupak talaga kayo...hindi ko nga siya gusto!"
Hindi ko pa naman siya gusto... hindi naman ako kinakabahan sa tuwing nakikita o nakakausap siya. Hindi din naman bumibilis yung t***k ng puso ko kapag bumabanat siya. Hindi ko pa nga siya gusto...pero gusto ko siya palaging kausap. Komportable akong kausap siya sa mga bagay na hindi ko gusto ipaalam sa iba. Dahil kay sining, ilang araw na ako hindi naglalaslas... at palagi na akong naka t-shirt.
Hindi ko pa man siya gusto sa ngayon, pero malinaw sa akin na kailangan ko siya.
•••