Kabanata 15

2166 Words
Ikaw at ang ulan ••• Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko? Ilang ulit pa bang uulitin, o giliw ko? Tatlong oras na akong nagpapa-cute sa'yo 'Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko Pangalawang awitin na tinanghal ng grupo nila seb ay ang Ligaya by Eraserheads at doon sa part na t-shirt ko, pinagyabang niya ang kaniyang suot na may print na ASCII Code sa harap; 065 076 065 071 065 068 032 078 071 032 084 069 075 078 079 076 079 072 073 089 065 [ALAGAD NG TEKNOLOHIYA] at ang print naman nito sa likod ay; #include iostream> int main() { std::cout return 0; } Ayan ang Course shirt namin mga BSIT. May labanan kasi ng pagandahan ng course shirt design tuwing foundation day at bilang mga I.T wala naman kaming pakealam sa patimpalak na 'yon dahil isa kaming mandirigma. Simple lang palagi ang design sa amin. Itim na t-shirt at font color na puti tapos parang cmd ang font design. Gano'n lang ka simple basta ba nasusuot at mura. "Hahaha tamang promote lang ah?" saad ni maki. Yung course shirt nila salem ay simpleng print lang ng paborito nilang larawan. "Baka sakaling manalo hahahaha!" sambit ni lucas. Palagi kasing mga Business Ad yung nananalo. Alaws eh, mukhang malakas ang kapit tsk tsk tsk. Ilang isaw pa ba ang kakainin, o giliw ko? Ilang tansan pa ba ang iipunin, o giliw ko? Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo Huwag mo lang ipagkait ang hinahanap ko "Puro ka gan'yan! thesis nga natin hindi mo magawa!!" pabirong sigaw ni niccolo. "Kung narinig ka niya, panigurado akong pinakyu ka na niyan." sabi ko. "f**k boy kasi siya hahahaha!" sabat ni lucas. Sagutin mo lang ako aking sinta'y Walang humpay na ligaya At asahang iibigin ka Sa tanghali, sa gabi at umaga Huwag ka sanang magtanong at magduda Dahil ang puso ko'y walang pangamba Lahat tayo'y mabubuhay ng tahimik at buong... Ligaya Lahat ng mga estudyante ay nakiki-jamming sa awitin. Ewan ko na lang kung sino pa ang hindi nakakaalam sa mga kanta ng eraserheads... iconic opm band sila tulad ng parokya. Ilang ahit pa ba ang aahitin, o giliw ko? Ilang hirit pa ba ang hihiritin, o giliw ko? 'Di naman ako m******s tulad ng iba Pinapangako ko sa'yo na igagalang ka Sagutin mo lang ako aking sinta'y Walang humpay na ligaya At asahang iibigin ka Sa tanghali, sa gabi at umaga Huwag ka sanang magtanong at magduda Dahil ang puso ko'y walang pangamba Lahat tayo'y mabubuhay ng tahimik at buong Ligaya Malakas na palakpakan ang natanggap ng grupo nila seb pagkatapos ng performance nila. "Kingina nito peymus na~" sambit ni niccolo pagbalik ni seb sa puwesto namin. "Gagu sarap sa feeling HAHAHAHA!" pagmamayabang niya sa amin. "Bagal niyo nga matapos eh, parokya lang naman inaabangan namin!" angal ko. "Nakita mo reaksyon ng ex mo?" sabat ni maki. "Hindi ko nga siya nakita daming tao eh..." saad ni seb. "Kinikilig pa din pre! Hahahaha!" sambit ni niccolo. "Exaggerated much ah, naiilang kaya yung girl..." mataray na bigkas ni salem. "Hindi, kinikilig talaga!" "Gagu ewan ko sainyo..." sabi ni seb habang pinupunasan ang kaniyang pawis gamit ang scarf niya. Minuto rin ang tinagal ng mga MC sa harap at kung ano-ano pinagsasabi tungkol sa foundation at sa school na inihahalintulad nila sa love. "Ewan ko sa mga 'to napakaplastik...'di naman kamahal mahal 'tong school...mahal kamo tuition!" reklamo ko. "SSC 'yang mc 'di ba?" tanong ni seb. "Pake ko kung ssc pa 'yan." "Wala talaga kayong mga kuwenta noh?" sabat ni salem. "Nakikisali sa usapan ng may usapan?" sarkastilong bigkas ni niccolo sa pinsan niya. "Whatever mga panget!" inirapan niya ulit kami. "Arte..." pabulong na saad ni seb. "Huy manghiram na kayo ng palobo!" sabi ni lucas na agad naman sinunod ng dalawa. "Saan pupunta yung dalawa?" tanong ni maki habang nakatingin sa papalayong seb at niccolo. "May gagawing kababalaghan sa cr HAHAHAHA!" sabi ni lucas. "HAHAHA HOLY s**t, 'di nga?"  "Oo hahahahaha!" "Taragis BL series hahahaha!" pakikisabay ni maki sa kalokohan ni lucas. "Eww What? Bobo lang si niccolo but he's not gay or bisexual...or is he? tell me!" angal ni salem at naka pameywang pa. "Wala naman masama do'n xowie, nagmamahalan lang naman yung dalawa..." banggit ni maki sa kaibigan. "Yeah wala naman mali sa magmahal, ang mali lang they're gonna do it sa school property! Ayokong mapahamak yung pinsan ko, okay?" "Wow!" pagkamangha namin lucas at sabay pinalakpakan si salem. "Palihim na pag-aalala ah..." "Hay nako!" inis na sambit ni salem. "Bakit hindi mo sabihin 'yon sakanya? Baka matuwa si niccolo..." "As if!" pagtataray pa din niya. Pinaglihi ata ang isang ito sa kaartehan at katarayan. "GOOD EVENING MGA STUDENTS!!!" Pagkarinig ng katagang iyan lahat ng estudyante ay naghiyawan. "HANDA NA BA KAYO NGAYONG GABI?" dagdag ni chito miranda. "OO!!" Malakas na sigaw sa buong field. "NAGHANDA KAMI NG MGA AWITIN NA SIGURADO KAMING MAGUGUSTUHAN NIYO...SABAYAN NIYO KO AH?" "WOOOOOHHHH!!!" Una nilang kinanta ay Wag Mo Na Sana, Naiinis na ako sa iyo Bakit mo ba ako ginaganito Ikaw ba ay naguguluhan sa 'king tunay na nararamdaman sa iyo Ano pa bang dapat na gawin pa Sa 'king pananamit at pananalita Upang iyong mapagbigyang pansin aking paghanga at pagtingin sa iyo Halos nakikita ko ay mga cellphone na naka-angat para mabidyuhan ang performance ng parokya pati yung mga kasama ko din dito... "Heto na heto na!" bigkas ni seb pagkabalik nila ni niccolo sa aming puwesto. "Simula na ba?" tanong ko. "Oo tignan mo 'yon!" turo ni niccolo sa isang lobo na pinagpapasahan sa gitna. "Yung mga engineer nanguna..." dugtong niya. "Kapag lumapit 'yan, I'll grab it!" dinig kong banggit ni salem kay maki habang nakaturo sa lobong pinagpapasahan sa gitna. "Kung ako sayo, hindi ko 'yon gagawin..." "Why not?" tanong niya sa akin. Tinuro ko sakaniya ang lobong ibinato nila niccolo sa harap na ngayon ay pinagpapasa-pasahan na din sa gitna. Lumapit ako ng kaunti kay salem sapat lang para marinig niya ang aking sasabihin. "Hindi 'yon basta lobo lang...condom 'yon na pinalobo." napasinghap sa gulat si salem. "What the f**k! Hindi nga?" bulyaw nito. "Oo nga!" "Bakit?" tanong ni maki. "Eeeeewww yuuuuck!" pag-iinarte ni salem habang nandidiring nakatingin sa kanyang dalawang palad. Nagkatinginan kami ni maki at parehas lang kami ng expression...nagtataka sa kaweirduhan ng babaeng napapagitnaan namin. "Last year nakasalo ako ng gano'n! Kaya pala it feels so sticky and wet! I thought na nagpapawis lang yung palad ko! and what if...gamit na 'yon? AHHHH! my virgin hands!" pagdadrama niya pa din. "Virgin hands?" "Oo, Virgin hands! hindi tulad ng mga kamay niyong lalaki eww!" "Inaarte-arte niyan d'yan?" tanong ni lucas. "Normal na 'yon...kasama na 'yon sa pagkatao niya..." saad ko. "Sabagay." pag sang-ayon ni lucas. Ano pa bang dapat na gawin ko Upang malaman mo ang nadarama ko Upang iyong mapagbigyang pansin Aking paghanga at pagtingin sa iyo Wag mo na sana akong pahirapan pa Kung ayaw mo sa 'kin ay sabihin mo na Wag mo na sana akong ipaasa sa wala Oo na mahal na kung mahal kita Oo na mahal na kung mahal kita Ilang lobo ng condom na iba't ibang kulay ang makikita sa paligid...sigurado rin ako na iba't ibang flavor din 'yon. Halos lahat ata ng course nagsipag palobo. Sunod naman na kinanta ng parokya ay Harana at Gitara. Pagkatapos ng dalawa, sinundan pa ito ng Alumni Homecoming. Napatunganga nung bigla kitang nakita pagkalipas ng mahabang panahon. highschool pa tayo nung una kang nakilala at tandang tanda ko pa noon pa may sobrang lupit mo na! Di ko lang alam kung pano basta biglang nagsama tayo. di nagtagal ay napa-ibig mo ako. Halos lahat nagkakantahan at ang maangas pa dito ay sa mismong harapan namin ay nagsimula ng magslamman ang mga grupo ng kalalakihan. "Buti na lang nakatungtong tayo dito!" saad ni maki. Pero dahil matigas ang bungo ni seb nakisali siya sa slamman. "Kingina mo lance! Hahahaha!" sigaw ni niccolo pero nakisali din siya sa slamman. "Hay nako...itsura ng mga katangahan." banggit ni salem pero kinuhanan naman niya ng litrato gamit ang camera niya yung mga grupo ng kalalakihan sa aming harapan. Napatunganga nung bigla kitang nakita, pagkalipas ng mahabang panahon. Sobrang alam ko na ang aking sasabihihin at ako'y napailing sa ganda ng ngiti mo sakin! at nang ikaw ay nilapitan, bigla na lang napaligiran ng yong mga anak mula sa pangit mong asawa! At bakit ko ba pinabayaan, mawala ng di inaasahan. parang nasayang lang, nawala na, wala nang nagawa Natatawa lang kami sa aming harapan, sa mga nag-iislamman dahil may mga nadadamay na ibang estudyante na hindi naman kasali sa kanila. Para silang tangang umiikot-ikot at nagtutulakan. Normal na sa mga ganitong event ang slamman at yung lobo ng condom basta lang hindi isumbong sa college president.  Ang matinding ipinagbabawal dito ay ang alak...masyado silang strict kaya sa gate palang matinding inspection sa mga bitbit na tumbler at kung ano mang tubigan. "Pinapagod lang nila sarili nila..." sambit ni lucas. "Hahahaha hayaan mo na mga graduating na eh..." At bakit ko ba pinabayaan, mawala ng di inaasahan. parang nasayang lang, nawala na, wala nang nagawa Ilang kanta pa ang inawit ng parokya na para bang nasa concert nila kami tapos isang daan lang ang binayad namin sa ticket. Huling kanta na ang aawitin ng biglang bumuhos ang malakas na ulan pero syempre walang pumayag na huminto ang pagtatanghal. "Buti na lang na sa may puno tayo banda..." sabi ni lucas. Yung dalawa naman bumalik na sa puwesto namin dahil ang sakit na daw ng katawan nila dahil sa pagsali sa slamman. "Tangina may payong sila oh!" sambit ni lucas kaya napatingin ako sa dalawa na nakasilong sa payong ni niccolo. "Taragis 'tong mga 'to, pasukob!" "Ang liit lang nito tanga, hindi tayo karsyang apat!" angal ni seb. "Oh!" biglang abot ni salem sa payong niya sa akin.  "Share na lang kami ni maki." dugtong niya. "Napakabuti mo talagang tao salem, pagpalain ka nawa!" "Pagpapalain ako kung matututo kayong magdala ng sarili niyong payong!" bulalas nito pero hindi na namin pinansin at sumukob na sa payong na ipinahiram sa amin. Some people love shoes of certain kinds Some people love afternoons or the way the moon shines And they have their own reasons to feel the way they do That's why I ask myself, what it is with you? Nakisabay na rin ako sa pagkanta dahil isa ito sa mga paborito kong kanta ng banda. Pero habang umaawit, bigla kong napansin ang isang pamilyar na likod ng isang babae. Sining... Is there something wrong with the way I speak? Do you even see me when I pass you on the street? I'll close my eyes and let it be Because I just can't see why you love to hate me Nasa bandang malapit siya sa stage, basang-basa sa ulan at parang tangang kinakaway ang dalawa niyang kamay sa ere...mukha naman siyang masaya ngayong gabi. Some people love weekends because they can fool around Some people love thunderstorms because of how the drops of rain fall down And they have their own reasons, whatever they may be That's why I think it's kind of funny that you don't have one for me Nakatingin pa rin ako sa gawi niya habang sumasabay sa kanta. Dapat ba hindi na lang rin ako nagpayong?  Iba ba ang pakiramdam kapag gano'n? Is there something wrong with the way I speak? Do you even see me when I pass you on the street? I'll close my eyes and let it be Because I just can't see why you love to hate me And it sucks to face the truth that I ain't got no reasons too Whenever asked the simple question why I feel the way I do And I know it's stupid on my part to say that I love you Even though I know you hate me and you don't know why you do Pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya...yung pagpupumilit niya sa kaibigan niyang kumaway-kaway din sa ere gaya ng ginagawa niya...basang-basa na siya sa ulan pero ayos lang sakanya. Is there something wrong with the way I speak? Do you even see me when I pass you on the street? I'll close my eyes and let it be Because I just can't see why you love to hate me Medyo nanlaki yung mata ko ng biglang lumingon sa gawi ko si sining at bigla na lamang nagtama ang aming tingin. Ngumiti siya na para bang abot tainga at ayon na naman siya sa tingin na 'yan... Sa aking paningin para bang nag-blur ang paligid, nagslow-mo lahat ng tao sa paligid. Ang tanging naririnig ko lamang ay ang awitin at ang tanging malinaw sa aking paningin ay si sining na nakangiting tumitingin sa akin. Yung tingin na para bang... there's really something in me that's worth looking at. •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD