Foundation day
•••
Foundation day, ang pinaka masayang araw ng mga estudyante dahil sa walang klase at puro events sa loob ng isang linggo. Puwera sa aming mga I.T graduating student dahil ang daming alam ni sir vergario at nagpa exhibit pa ng mga prototype ng aming capstone project at kailangan makumpleto namin ang 100 survey.
"Taray ahh ang bilis niyo naman ata makalikom ng one hundred survey eh konti lang naman pumunta sa exhibit niyo?" sambit ni salem.
Nandito kami sa may 7-11, malapit sa school. Mamimili ng mga dapat ibaon para sa Jamming with pne.
"Natural dinuga namin." sabi ko sakanya.
Magkaharapan kaming dalawa at sa may glass wall kami nakapuwesto.
"Kami-kaming magkakaklase lang rin ang nagtulungan tapos dagdag mo pa na sinulat namin pati kamag-anak namin do'n sa survey!" sabi ni seb.
"Hay nako...cheaters." maarteng bigkas ni salem.
"Hello~ may estudyante bang hindi nanduduga? Atsaka ang tawag do'n teamwork!" sabi ni niccolo.
Anim kami at hinati namin ang isang pwesto sa tatlo. Katabi ko sina seb at lucas, Si salem, maki at niccolo naman sa aming harapan.
"Bumili na nga kayo, look ang haba na ng pila!" reklamo ni salem.
"Bili niyo na lang ako... kahit ano." sabi ko kina seb nung patayo na sila sa upuan.
"Eh ikaw xowie, hindi ka bibili?" tanong ni lucas.
Naglabas lang siya ng limang daan at ibinigay kay maki.
"Tinatamad ako pumila... masyadong nakakainip kasi. Ayan libre ko na yung mga bibilhin niyo."
"Kingina! 'yan gusto ko sayo xowie napaka buti mong tao! hulog ka ng langit minsan!" sambit ni seb.
Napatingin ako kay salem na naka tingin sa apat habang nakapatong ang dalawa nitong kamay sa mesa at hawak-hawak ang kaniyang camera.
"Hulog talaga ako ng langit, ikaw lang naman yung mukhang ibinangon mula sa lupa." sabi niya kay seb.
"Tangina pasalamat ka ililibre mo kami!"
"Salamat." nakangising banggit ni salem.
"Tara na! tara na! Yung malaking tubig na bilhin natin tapos paper cups." sabi ni niccolo habang nangunguna ng maglakad.
"Arte puwede naman tunggain na lang!" rinig naming reklamo ni seb habang lumalayo sila sa puwesto namin.
Napatingin ako kay salem na tinitignan yung camera niya.
"Kumusta na lovelife mo? may panglabing tatlo na ba?" tanong ko sakanya.
"Bakit, gusto mo ikaw na lang?" sambit niya habang nakatingin pa din sa camera niya.
"Asa." tumingin na lang ako sa labas kung saan kita ang mga nakaupo sa side walk malapit sa parking ng 7-11. Tanaw rin ang mga dumadaan na mga sasakyan at truck sa kalsada.
Nakafocus lang ako sa mga dumadaan na sasakyan ng biglang may narinig akong capture sound ng isang camera.
*CLICKKKK*
"Luh burahin mo 'yan!" sambit ko habang inaagaw yung camera ni salem pero di ko na din pinilit kunin kasi nakakawala ng enerhiya 'yon.
"Ang senti mo kasi...akala mo pasan mo lahat ng problema sa mundo!" sabi niya sa akin sabay pinakita yung kuha niya.
Naka black and white ang filter nito at blur yung background.
"Hmmm send mo sakin 'to... i-po-profile pic ko sa fb." sabi ko sakanya habang tinitignan pa ang iba niyang mga kuha na halos mga stolen picture ng mga 'di ko kilalang tao. Mga batang lansangan, mga estudyante, mga nagtatrabaho sa mall, mga construction worker, mga matandang nagtitinda ng yosi sa kalsada at matatandang nakaupo sa balkonahe... basta iba-iba at halos lahat ay nakafilter na black 'n white.
"Bakit black and white? ayaw mo ba ng makulay?" tanong ko.
"Good question sa isang katulad mong hangal..."
Tangina talaga ng babaeng 'to sana pala hindi na ako nagtanong.
"...kasi I use think dati na if you live in a black and white world, you'll suffer a lot. Pero I don't believe that anymore..." wika niya.
"Bakit naman?"
"As you can see, black is silent but it tells deep meaning without saying any words. At syempre black is chaotic and there's beauty in every chaos." she paused for a moment then continued. "kaya I prefer black and white kasi in every bad there's always good, and every good there's always bad... yin yang effect. Pero favorite color ko talaga is blue. Kasi it's like the sky and the sea. Sometimes calm but sometimes it's dangerous. raaawr~" nag-ala leon siya sa part na rawr pero sa tingin ko para siyang isang kuting hindi leon.
"Hays ganiyan siguro kapag art student noh? masyadong malikhain sa salita." saad ko.
"F.Y.I. Hindi ako magaling sa mga salita kaya nga pinili ko ang photography kasi pictures speaks for itself."
"Hindi ko akalain na nagsasalita ang mga larawan."
"HA-HA-HA! Pilosopo."
Gamit ang camera niya, kinuhaan ko siya ng litrato na hindi naka black 'n white filter, naka pokerface lang siyang nakatingin sa camera.
"Tignan mo ayos ng kuha ko 'di ba?" pinakita ko sakanya ang picture na kinunan ko.
"Napaka plain."
"Huh? hindi kaya, maayos naman kuha ah hindi blurred!"
"Plain. Alam mo kung bakit? kasi you don't feel any connections sa subject mo, you're not emotionally attracted."
"Ano 'yan love confession? gusto mo ba ako maging panglabing tatlo mo?"
Hinablot niya sa akin yung camera niya habang nakataas ang isang kilay at mataray na nakatingin sa akin.
"Alam niyo naman na tatlo lang talaga ang naging boyfriend ko sa univ, issue lang yung siyam! Mygosh!" naiinis niyang saad.
"Ano ba kasi kuwento do'n sa siyam?"
"Mga kaibigan ko lang 'yon and f.y.i. kasali kayong apat sa nachichismis sa akin...even niccolo! Like no way! i****t 'yon and that's not morally right!" maarte niyang sambit.
"Kingina nadamay pa kami pota hahahaha!"
"Hindi ko din maintindihan ang mga tao. Mali bang maging kaibigan ang mga lalaki kapag babae ka?" nakapangalumbaba siya at nakatingin sa akin na kalmado na ang facial expression, hindi na nagtataray.
"Siguro kasi sa tingin ng iba hindi puwede maging magkaibigan lang ang babae at lalaki...parang gano'n?"
"Bullshit...kayo nga matagal ko ng kaibigan."
"Kailan mo kami naging kaibigan? Hindi yata kami nainform."
Umiling-iling na lang siya at ako ay mahinang natawa.
"Bakit hindi black 'n white?" tanong niya nung tinignan niya ang picture na kinunan ko sakanya.
"Hmm kasi you're full of colors? atsaka I prefer living in color." I paused at nagpangalumbaba. "Gaya nga ng sabi mo, if you live in a black and white world you're gonna suffer a lot...kaya why stay in a world that only gives you suffering?" I added.
We don't live in a world that is black and white. Life's not black and white, It's gray. If you don't fight in the gray area, you're going to lose.
"Mukhang nagkakamabutihan kayo ahh~" pang-aasar ni lucas at biglang lapag ng pinamili nila sa mesa.
"Lul." bigkas ko.
"As if." bigkas ni salem na halos sabay lang kami. Napatingin pa nga ako sakanya kaso sa mga paper bag siya nakatingin.
"Osya gora na us mag aalas-syete na!" sabi ni maki.
•••
Nakahanap kami ng magandang puwesto sa tabi ng malaking puno at sa mahabang upuan na gawa sa bakal. Gaganapin ang jamming dito sa field ng school at naka set up na rin ang stage.
"Nakabili kayo?" pabulong kong tanong sa tatlo.
"Oo gagu kaso kailangan natin makahiram ng pampalobo mamaya..." pabulong na sagot ni seb.
"Ikaw na, marunong ka naman sa blow job." pagbibiro ni lucas.
"Pakyu kadiri ka! hayup ka!" inis na sambit ni seb at sabay sinuntok si lucas sa braso.
Nagtawanan kaming tatlo dahil parang guilty si seb pero syempre biro lang 'yon.
"Mamaya hiram kayo do'n sa mga comsci..." sabi ko kila niccolo dahil close naman namin yung mga comsci naging classmate naman namin sila nung NSTP 2.
Maki, Salem, Ako, Lucas, Seb, Niccolo.
Ayan ang seating plan namin ngayon at sinabi na ba namin na nakatungtong kami sa bench dahil puro nakatayo ang nasa harapan namin, hindi tuloy maganda yung view kapag nakaupo kami.
"Mamaya na natin palobo 'yan kapag parokya na." sabi ni lucas.
"Osige sige." pagsang-ayon naming tatlo.
Halos alas-otso na at hindi pa din nagsisimula ang event. Sila maki at salem kanina pa kumukuha ng mga picture tapos kami naman kanina pa lapang ng lapang.
"Mauubos na natin 'to hindi pa nagsisimula yung event!" sabi ko habang ngumunguya ng Nova.
"Tagal naman ng front act!" bulalas ni niccolo habang ngumunguya ng Fishda tapos si lucas naman kumakain ng Piattos, si seb Oishi na maanghang.
"Lance! Lance!" tawag kay seb ng dalawang lalaki na mga BS Engineer.
"Bakit?"
"Mag vocals ka muna para sa opening... wala pa si warren eh" sabi nung lalaki na kakilala siguro ni seb.
"Yown! Sige sige!" masayang saad ni seb at sumunod sa dalawa.
"Saan pupunta 'yon?" tanong ko.
"Gagu mukhang magti-threesome sa cr HAHAHAHA!" pabulong na biro ni niccolo.
"Tangina nito kadiri ka!" sabay batok sakanya ni lucas. "Sana hindi sila mahuli HAHAHAHA!" dugtong niya.
"Good evening, tonight is a special night that we know all of you have been waiting for...are you excited to see Parokya Ni Edgar?" panimula ng MC.
"YEEEEEEEEESSSSS!!!" sigawan ng mga tao.
"DAMING SAT-SAT ILABAS ANG PNE!!!!" sigaw naming tatlo.
"But before that, let us enjoy a lovely performances by some of our classmates from the third year and fourth year. They've prepared a wonderful songs for you all...let us give a warm applause to the first performer, Three of hearts!"
"BOOOOOOO!!!" sigaw namin tatlo sa unang front act. Mga third year at ewan namin kung anong course ng mga kupal na'yon.
"Gusto niyo? kuha lang kayo..." Alok ko ng nova kina salem at maki na kanila namang kinuha.
"Kumuha lang kayo hindi ko sinabing kunin niyo lahat!" reklamo ko pero nag behlat lang sa akin yung dalawa.
"Tsss...mga babae talaga." pabulong kong bigkas.
Kinanta ng unang banda ay Mundo by IV of spades,
Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Mundo'y magiging ikaw~~
Akala mo tuloy valentines day ngayon dito kahit August pa lang pota.
"Hays maghihiwalay rin ang mga 'yan..." tukoy ni niccolo sa magjowa na nasa harapan namin.
"Inggit ka lang eh..." parinig ni salem.
"Wow~ baka ikaw 'yon? Wala ka bang ka-fling ngayong gabi? Nasaan na yung mga athlete mo?" pang-aasar ni niccolo sa pinsan niya.
"Ha-Ha-Ha! please, I prefer being single."
"OHHHS??" sabay namin tatlong bigkas.
"Wala kang maloloko dito!"sambit ko.
"Mukha ba akong nagloloko?" mataray niyang sabi.
"Ngayong gabi lang ba 'yan? Hahaha!" sambit ni lucas.
Inirapan lang kami ni salem.
"Huy fling nga lang kasi yung iba! Tamang landian lang gano'n! hahaha!" pagbibiro din ni maki sa kaibigan niya at nakatanggap ito ng death glare.
"Sorry sorry xowie biro lang hahaha" paghingi nito ng pasensya habang naka peace sign.
Limutin na ang mundo
Nang magkasama tayo
Sunod sa bawat galaw
Hindi na maliligaw~~
"Mundo'y magiging ihaw!!" sigaw naming tatlo.
"Labas na PNE!! PAROKYA NA!!!" hirit ni niccolo.
Pero syempre kumanta pa sila ng isa...abuso sila masyado.
Ako'y sayo, ikaw ay akin
Ganda mo sa paningin
Ako ngayo'y nag-iisa
Sana ay tabihan na
At yung mga mag jojowa akala mo moment nila itong gabi na 'to kulang na lang maglampungan dito.
"TAMA NA! MAY MGA SINGLE DITO! PARANG AWA NIYO NAMAN!!" Sigaw ni niccolo.
"Gagu!" bulalas namin ni lucas sakanya.
"MAG BEBREAK DIN KAYO!!! WALANG FOREVER!!" hirit pa ni niccolo at nagtawanan lang kaming lima.
"HAHAHAHA Bitter pota!" sabi ko kay niccolo, inabot ko talaga siya para mahampas yung likod niya.
"Kingina kasi mga naglalambingan sa harapan ko! Hustisya sa walang kalambingan! Nakakaselos kaya!"
"Siraulo!" sambit ni lucas.
Yung dalawang dalaga naman busy sa pagkuha ng mga litrato gamit ang camera nila.
Nagmasid-masid rin ako sa palagid...bigla ko na lang naalala si sining. Nandito kaya siya?
Panay ang hanap ko sa paligid...pero wala akong nakitang sining kahit saan.
"Hinahanap mo?" tanong ni lucas.
"Si sining noh? ayieee~" pang-aasar ni niccolo.
"Tanga...si seb hinahanap ko!"
"Nakikipag threesome nga sa cr!"
"namo hahahahaha!"
Ang iyong ganda'y umaabot sa buwan
Ang t***k ng puso'y rinig sa kalawakan
At bumabalik
Dito sa akin
Ikaw ang mahal
Ikaw lang ang mamahalin
Pakinggan ang puso't damdamin
Damdamin aking damdamin
Masyadong eyesore talaga yung mga naglalambingan na magjojowa sa harap...swertehan na lang kung magmamahalan sila hanggang sa huli kasi bihira lang 'yon. Parang nasa mood akong magyosi ngayon pero hindi pwede, tangina.
Sinilayan ko sila lucas at niccolo na nakikisabay sa awitin...gano'n din sila maki at salem habang binivideohan ang pangyayari gamit ang cellphone nila.
Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwan
Pagkatapos ng performance na iyon madami ang nagpalakpakan at humiyaw.
"LAST NIYO NA YAN AH! HUWAG NA KAYO UMULIT!!" sigaw ni niccolo.
"Hahaha adik ka!"
"Thank you for that wonderful performance, three of hearts...do you want more?" sabi ng mc na nasa stage.
"YEEEESSS!!" sigaw ng mga tao.
"ILABAS NIYO NA YUNG PAROKYAAA!! PARANG AWA NIYO NA!!" sigaw ni niccolo.
"Let's give a warm round of applause to our second performer, The lodi!"
"BOOOOOOOO!" sigaw namin kahit wala pa sa stage yung grupo pero mas madami yung humihiyaw.
Nang tumungtong na sa entablado ang nabanggit na grupo may pamilyar na mukha kaming nakita.
"LUHH Gagu bakit nandoon yung kupal na 'yon?" pagkabigla ko dahil nasa entablado si seb at hawak-hawak ang mic na nakapatong sa mic stand tipong pang bokalista ang datingan.
"Bat nandoon si lance?" tanong nila salem.
Nagkibit balikat na lang kami kasi hindi namin alam. Nag simula na ang grupo nila seb na magtanghal.
Hari ng dedmahan ang teleponong
Apat na magdamag nang 'di umiimik
Kung 'di ka tatawagan
May pag-asa kayang maisip mo ako't
Biglang ma-miss?
Naghiyawan ang madaming babae dahil tulad nga ng sabi ko dati, maganda ang boses ni seb idagdag mo pa na maappeal din siya.
"Huy ayun yung ex ni lance oh!" sambit ni niccolo sabay turo sa lokasyon ng ex ni seb kasama ang mga kaibigan nito na may hindi kalayuan sa stage ang kanilang pwesto.
"Gagu hahahaha!"
"Where?" tanong ni salem.
"Ayun oh yung kulay dilaw yung tshirt tapos mahaba yung buhok..." turo ko sakanya.
"HAHAHAHA Pinagsisisihan niya siguro ngayon kung bakit niya hiniwalayan si lance..." sambit ni maki.
"I don't think so, for sure nakatanggap na 'yan ng ilang vm galing kay lance." saad ni salem.
Hindi kita mapipilit kung ayaw mo
'Wag mo akong isipin
Bahala na
Hindi kita mapipigil kung balak mong
Ako'y iwanang nag-iisa
"HUY PATAMA BA 'YAN HA!?" sigaw ni niccolo at sinabayan namin siyang tumawa.
"MOVE ON MOVE ON DIN PO!!" dagdag niyang sigaw pero alam naman namin na hindi kami rinig ni seb dahil medyo may kalayuan ang pwesto namin sa stage.
P'wes walkathon ako patungo riyan
Isosoli ko lang lahat ng mga sulat mo
At me-katok pa yata'ng doorbell n'yo
Magtatatlong oras na 'ko dito, hello!
Piniktyuran nila salem at maki si seb gamit ang kanilang camera at sila lucas at niccolo naman ay binivideohan ang performance ni seb gamit ang kanilang mga cellphone.
"I-ma myday ko 'to mamaya!" sabi ni lucas.
Nakikisabay na din ako sa pagkanta habang kumakain ng cheeze-it.
Hindi kita mapipilit kung ayaw mo
'Wag mo akong isipin
Bahala na
Hindi kita mapipigil kung balak mong
Ako'y iwanang nag-iisa
Habang nakikisabay sa awitin, hindi ko pa din mapigilan hindi libutin ang paligid... Sayang naman kung wala siya dito para mag-enjoy.
Kung ayaw mo, 'wag
Kung ayaw mo, 'wag
Kung ayaw mo, kung ayaw mo, 'wag mo
Kung ayaw mo, 'wag
Kung ayaw mo, 'wag
Kung ayaw mo, kung ayaw mo, 'wag mo
Natapos ang unang kanta at naghiyawan kaming lahat.
"TROPA NAMIN YAN!!" sigaw nila lucas at niccolo na akala mo sumali ng contest si seb.
"Shout out nga pala sa mga tropa ko d'yan na sina niccolo nuevo, lucas pagal at jaq matteo...single pala sila paki add na lang sa f*******: tapos damay niyo na rin ako! HAHAHAHA!" anunsyo ni seb sa harapan.
"Gagu tapos 'di pa sinabi pangalan niya..." sabi ko.
"Paano kaya siya ma a-add niyan...gung-gong talaga." sabi ni lucas.
"Baka sinadya niya 'yon kasi nandoon yung ex niya?" sambit ni maki.
"Pero mukhang effective yung shouout niyan. Mukhang magkakaroon kayo ng kachat niyan pag uwi." sambit ni salem sa amin.
"Sana nga!" bulalas ni niccolo. "At kapag meron nga, ililibre ko si lance sa jollibee!" dugtong nito.
"Goodluck, couz." sabi ni salem sa sarkastikong tono.
"Attitude." pabulong na banggit ni niccolo.
"Atsaka shout out din pala sa nanay at tatay ko. Nay, Tay, sana palagi kayong masaya kung nasaan man kayo ngayon...lagi niyo lang tatandaan na mahal na mahal ko po kayo!" sabay turo ni seb sa kalangitan. "Buhay pa sila paki-tag na lang sa sss, Lolita Alejandres Jimenez at Severiano Jimenez!" dugtong niya.
Madami ang nagtawanan, pati na din kami.
"Gagu talaga pota..." wika ko.
"Hahahaha ang witty nga eh!" sabi ni maki.
Sinisilayan ko lang ang mga kaganapan, yung mga tao sa tabi ko na nagtatawanan. Para bang yung black 'n white kong mundo binibigyan nila ng kulay.
Maybe...just maybe. God doesn't give you the people who you want, but he gives you the people you need.
•••