Kabanata 13

2094 Words
Tayo tuwing gabi ••• Alas-nuebe na kami nakasakay sa jeep dahil sobrang haba ng pila sa sakayan at dahil magbabarkada kaming apat, kami lang ang maingay sa loob. "Foundation week na nextweek..." bulalas ni seb. "Bukas bentahan ng ticket 'di ba?" "Magkano ba?" tanong ni lucas. "isang daan daw..." sagot ni niccolo. "Kingina isang daan? Ano 'yon ginto?" reklamo ni seb. "Hindi lang isang daan ang ginto, seb." sabi ko sakanya. "Gagu PNE kasi highlight performance sa foundation day." saad ni niccolo. "Luh PNE? 'di nga?" "Oo nga! Tapos mga front act yung mga banda-banda sa school..." dagdag pa ni niccolo. "Legit 'yan ah? Payag ako sa isang daan kapag pne nandoon!" sabi ni seb. "Gagi legit to! Galing kay xowie yung info na 'to!" "Ayy reliable source! Legit nga!" Ang tawag ni salem doon ay information gathering, hindi chismis. Dahil sa traffic, kung ano-ano na naging topic namin hanggang sa mapadpad kami sa topic na Paano kung hindi kami nag I.T... "Paano kaya 'yon kung nag lawyer ako?" sabi ni seb. "Yung nag lawyer ka tapos pikon ka, tumahik ka mukha kang hotdog hahahaha ayon panigurado sasabihin mo sa kalaban!" natatawang sambit ni lucas. "Paano kapag nagpulis ako?" tanong ko. "Kapag malakas trip mo tapos naging pulis ka, sumuko ka na may iba na siya! Hahaha!" sambit ni niccolo. "Huy gagu bakit parang patama 'yan kay jaq? Hahahaha walang personalan!" pang-aasar ni seb. "Gagu 'di naman nasaktan 'tong tropa natin do'n" pagtatanggol ni lucas sa akin. "Kingina isang linggo nga 'yang hindi nakausap no'n! BH na BH! HAHAHAHA!" pang-aasar ni seb. "Nakakatawa 'yon?" "Hahahaha linyahan ng mga pikon...sorna jaq!" sabi ni seb at sabay akbay sa akin. "Namo." Sa hindi inaasahan na pangyayari, yung katabi kong batang lalaki na siguro limang taon pa lang, ay nahampas ako ng malakas sa hita. "Ayy sorry po..." panghihingi ng pasensya sa akin ng nanay nito. "Okay lang po." Maya-maya hinampas ulit ako ng bata sa hita ng malakas mga dalawang beses. "Huwag beh, bad 'yan." awat ko sa bata. Isa pa tamo pepektusan na kita, durog sakin 'yang bunbunan mo. Kulit mong bata ka. "Nye nye nye nye nye~" pang-iinis nung bata. "Hirap makipag asaran sa bata, nye nye pa lang mapipikon ka na." bulong ni seb sa akin na sobrang totoo naman. "Sayang kayo ni ano ang sweet-sweet niyo pa naman dati HAHAHAHA!" pang-aasar ni niccolo kay seb dahil ang nakaupo sa harapan namin ay magjowa...yung babae naka patong yung ulo sa balikat ng lalaki. Gano'n kasi sila seb at yung ex niya dati sa tuwing magta-timezone kami. "Lul." sambit nito. "Legal ba kayo sa magulang?" tanong ko kay seb. "Hindi ah!" "Awtsu hindi na nga tinadhana, hindi pa nilegal!" pang-aasar ni niccolo. "Okay na yung pinagtagpo pero hindi tinadhana kesa naman sa nilegal pero ayaw nung nanay!" bwelta ni seb na tinawanan naming apat. Mapapa-isip ka na lang talaga na baka minsan, mas mabuti nang may mga taong hindi nananatili sa buhay natin. "Kuya para po!" sigaw ng lalaking pasahero. Tumigil naman ang jeep at pagtayo ni kuya naumpog siya ng malakas sa may riles na hawakan. Nagtinginan kaming apat...kingina ang hirap mag pigil ng tawa lalo na kapag alam mong nagpipigil din ng tawa yung tropa mong mga demonyo. ••• "Akalain mo nga naman...akala ko pinauwi ka na ng magulang mo sainyo dahil miss na miss ka na nila." sabi ko kay jorge ng maabutan ko siyang kumakain sa mesa. "Miss ampota!" sambit niya. Umupo ako at kaharapan ko siya. May nakahanda na din na extrang pinggan, kutsara at tinidor sa mesa kaya kinuha ko ito. "Nagluto ka?" tanong ko. "Oo, naaawa na ako sayo puro pancit canton lang kinakain mo kaya pinagluto na kita ng adobong baboy!" "Kingina jorge..." inabot ko ang nakapatong niyang isang kamay sa mesa. "Napakabuti mong nilalang, pagpalain ka nawa ng panginoon." dugtong kong banggit sabay sign of the cross. "Gagu baka ikaw ang kunin ni lord agad niyan ah! kumain ka na!" tinabig ni jorge ang aking pagkakahawak sakanya. Natawa na lang ako at sinabayan na siya sa pagkain. Pagkatapos namin kumain ay nagyosi kami sa may rooftop ng inuupahan ko. Nakasandal kami sa railings at tamang sulyap lang sa makinang na langit. "Kingina men...ang hirap pala maging working student!" banggit ni jorge habang humihithit ng yosi. "Gagu ka kasi!" "Sa umaga aral, sa gabi waiter...tangina!" "Tapos dadating yung panahon na tatay ka naman..." "Ewan natatakot rin ako." seryoso niyang sabi. "Bakit naman?" "Handa na ba ako?" seryoso niyang tanong habang nakatingin sa kawalan. "Hindi ba nga life is full of surprises...nasaan yung thrill do'n kung palagi kang handa?" "Gagu ka mas okay na yung handa ka palagi sa buhay!" sabi niya sabay hampas sa likod ko. "Kingina handa ampota! Ano 'yan may pa pansit, spaghetti, biko?" "Gagu!" "Day off mo ba ngayon sa part time job mo?" tanong ko sakanya. "Oo." "Ahhh~" Katahimikan sa paligid ang aming naging background music at mas gusto ko ang version na ito ni jorge...seryoso at madaming iniisip. "Sa tingin ko ako nga yung problema..." biglang sabi ni jorge kaya tinignan ko siya. "Black sheep of the family?" tanong ko at tumango tango siya. Maybe we're the black sheep of the family but some of the white sheep aren't as white as they seem. "Sa tingin mo dapat ba akong mag sorry sakanila habang maaga pa?" tanong niya ulit. "Sa magulang mo?" "Oo men kaso kasi hindi nila ako naiintindihan..." malungkot niyang banggit. Alam ko yung ganiyang pakiramdam, alam na alam ko 'yan. "Gano'n naman talaga 'yon jorge, walang magulang ang maiintindihan ang anak nila." "Bakit hindi nila maisip na kapag umuwi ng gabi yung anak nila, huwag nilang pagalitan. Dapat nga tanungin muna nila kung anong dahilan kasi baka sa labas na lang natin nakukuha yung kasiyahan na dapat sakanila natin nararamdaman...'di ba?" Wala akong masabi dahil may point naman yung katuwiran ni jorge kaya tumango-tango na lang ako bilang pagsang-ayon. Sa mundo may dalawang klase ng pamilya. Yung masaya kahit may problema, at yung ubod ng lungkot kapag may problema. "Alam mo magiging mabuti kang ama..." sabi ko sakanya. "Sa tingin mo?" "Oo kahit gagu ka minsan...sa tingin ko alam mo kung paano maging isang mabuting ama." Tinapik-tapik ni jorge ang likod ko at gano'n din ang ginawa ko sakanya. "Nga pala, ninong ka ha!" bigla niyang sambit. "Inangyan puwede bang tumanggi sa alok mo?" "Bawal noh! mamalasin yung baby!" "Ayos lang... baby mo naman yung mamalasin, hindi ako." "Gagu!" natawa na lang ako sa kanyang bwelta hanggang sa dalawa na kami yung tumatawa. Makita ko lang na masaya ang sarili ko, masaya na rin ako. ••• Hindi din nagtagal si Jorge sa rooftop dahil gusto niya nang magpahinga at may pasok pa siya ng maaga bukas. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang data nito. Unang message na nagpop-up ay yung sa gc naming apat. utak sebo: papasok kayo bukas sa capstone? wala naman ginagawa doon eh nico nico nii: tamad mo lang! utak sebo: tara wag na tayo pasok! lucalucas: hayup ka talaga hahahaha nico nico nii: demonyo talaga eh jaq ass: sige lang seb pilitin mo ako Hahahaha utak sebo: jaaaaaq wag tayo pasok bukas!! hahahhaha jaq ass: gagu hahahahaha kapag ako talaga nademonyo mo nico nico nii: akala ko ba ikaw aahon sa hirap sa magulang mo? @utak sebo utak sebo: gagu joke lang yon hahaha lucalucas: IZZA PRAAANK HAHAHAHAHA jaq ass: Gusto mo ba gumaan ang buhay ng magulang mo? @utak sebo utak sebo: onaman noh! jaq ass: Ano pang hinihintay mo lumayas ka na sainyo! Hahahaha nico nico nii: 1 like = 1 prayer for lance hahahaha lucalucas: ipagpepray mo pa yan eh kitang demonyo yan? Hahahahhaha utak sebo: inanyong tatlo! Mga di mahal ng mama pota! nico nico nii: Bakit mahal ka ba? Hahahaha Linyahan ng mga tropa mong kala mo minahal din...tsk tsk tsk. Sabagay ako lang naman hindi minahal. Nagsindi pa ako ng isa pang stick ng yosi nang biglang may isang message ang nagpop-up sa screen ng cp ko. Sining Fedeli: wag mo masyadong mahalin ang sarili mo. Alam mo kung bakit? Jaq: bakit? Sining Fedeli: Kasi responsibilidad ko yan Kingina talaga ng babaeng 'to puro kalokohan ang alam. Jaq: Ge Sining: Wala ka bang gustong i-share sa akin tonight? My ears are free to listen! Hindi ko alam kung ayos ba na sabihin ko sakanya...sa mga kaibigan ko nga hindi ko sinasabi eh, mas matagal ko na silang kilala, but there's a strange pleasure of telling your secrets to stranger...at gano'n yung nararamdaman ko kay sining. Jaq: Seryoso ka ba talaga? Bigla na lang may nagvibrate yung phone ko. Sining Fedeli is calling you Clinick ko yung answer at ipinuwesto ang cellphone ko sa aking tainga. [Try me...] sabi niya mula sa kabilang linya. "Alam mo ba ang dahilan kung bakit nakipag hiwalay ako sa ex ko?" panimula ko dahil naalala ko yung usapan namin kanina sa jeep. [Bakit?]  "Naging kami nung first year ako. Highschool classmate ko siya na nagkita ulit sa isang walang kuwentang reunion tapos ayun naging kami...alam niya na bisyo ko yung pagyoyosi, sabi pa niya nung una ayos lang sakanya..." tumigil ako sa pagkukwento at humithit ng sigarilyo. Nangyari kasi ito kasagsagan ng hindi kami ayos ng magulang ko. Siya rin yung nag-iisang babaeng dinala ko sa inuupahan ko, tumulong pa nga siya no'n mag-ayos...akala ko talaga maiintindihan niya ako. Hindi din pala. [Tapos...?] "Sabi niya sa akin, iiwan niya na ako kasi naninigarilyo ako. Kaya tinigil ko yung paninigarilyo kasi takot akong mawala siya sa akin..." Kasi siguro ayoko maiwan mag-isa... ako kasi yung kilala kong pinaka malungkot na tao sa buong mundo. "Mga dalawang linggo pinuntahan ko siya sa kanila para sabihin sa kanya na tinigil ko na yung masamang bisyo ko..." dugtong ko. Hindi nagsasalita si sining sa kabilang linya pero alam ko na nakikinig siya dahil sa mga buntong hininga niya na aking naririnig. Ayos lang naman dahil ang kailangan ko ngayon ay ang taong makikinig sa akin. "Nakita ko siya sa tapat ng bahay nila, may hinahalikan siyang lalaki na hindi ko kilala. Hindi na ako nagpatuloy, lumayo na lang ako. Tapos alam mo ba yung tanging nandoon para sa akin?" [Yung sigarilyo?] Napabuntong hininga ako ng malakas. "Kaya itinigil ko na yung masama kong bisyo no'n...hindi yung paninigarilyo, kundi siya. Hindi na kami nag-usap pa pagkatapos no'n." sambit ko. [Naiintindihan ko...] "Ilan lang 'yan sa bagay na iniisip ko..." [Ayan ba ang simula ng hindi mo pagmamahal?] "Hindi." mahina kong sagot. [Show me your scars...] "Huh?" pagkabigla ko. [I want to see how many times you needed me and I wasn't there.] mahinahon ang tono ng pagkakasabi niya ng mga salita na 'yan. "I can't. Weakness ko 'yon." Rinig ko ang kaniyang paghinga. [Naiintindihan ko at hula ko kusa mo rin ipapakita sa akin 'yan.] "Ayan ka na naman sa mga hula mo..." [Ang kati ng mata ko...gustong-gusto na kita makita!] banat niya bigla-bigla at napangisi naman ako. "Hindi ka ba nawawalan ng mga banat, ha?" [Kusang lumalabas ang mga 'yon sa bibig ko kapag nakikita-kita o kaya kapag kausap kita. Epekto ng pagmamahal ko sayo!] "Gagu sakit na ata 'yan patingin ka na sa doktor!" [Paano kung pogi yung doktor? Baka magselos ka niyan...] "Asa. Hindi ako seloso." [Ha! Alam mo malapit na birthday ko at mas maganda sigurong birthday gift na matatanggap ko ay relasyon mula sayo!] "Goodnight sining sana bukas magaling ka na!" agad kong pinindot ang end call. Hindi ko namamalayan na nakangiti na pala ako habang naninigarilyo. Sabi ng ibang shared quotes sa facebook... nagiging totoo ang isang tao pagsapit ng alas-dos o alas-tres ng madaling araw, pero eleven twenty-five pa lang. Madalas kasi binabase natin lahat ng pangyayari sa oras na dapat sa sarili natin. Nagvibrate ang phone ko at isang pop-up message mula kay sining ang lumitaw. Sining Fedeli: Ilang milo pa ba ang titimplahin ko para magchampion ako diyan sa puso mo? Seen Sining Fedeli: Anong laban ko sa ex mo eh cute siya...ako sobrang cute! Seen Sining Fedeli: lah seen lang? Uyy!! Seen Sining Fedeli: wag mo kong ini-inis pag ako napuno ibubuhos ko sayo lahat ng pagmamahal ko! Seen Natatawa na lang ako sa nababasa ko. Ano kaya itsura niya kapag naiinis? Sining Fedeli: Goodnight Jaq :) Kahit papaano hindi naman naging masama ang araw at gabi ko. Jaq: Goodnight. See u sa foundation day. At iyon na nga ang simula ng lahat. Ang simula kung saan unti-unti akong nakikilala ni sining. Ang tunay na ako. •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD