Kabanata 12

2915 Words
Pagsasaya ••• Simula na ang prelim week at bilang fourth year I.T student, hindi uso sa amin ang mga written exams, one seat apart, at individual exams dahil more on system kami at by group iyon palagi, tulad na lang ng exam namin ngayon sa robotics. "Ang unang makatapos ng arduino obstacle avoiding car ang grade ay 100, ang mga susunod ay 95 at yung iba pabawas ng pabawas ng lima" sabi ni sir contis sa harapan. "Magpasa kayo ng one-fourth tapos isulat niyo yung pangalan ng grupo niyo at yung mga members." dagdag pa nito. "Ako na gagawa nung sa one-fourth." sabi ni niccolo dahil siya lang naman ang may yellow pad sa room namin. Siya ang naging source of yellow pad ng buong klase. Promise ga-graduate ako dito ng hindi bumibili ng yellow pad...except nung first year ako. Excited pa ako mag-aral no'n eh. "Kami na bahala sa robot, ikaw na bahala sa codes boss lucas." sambit ko na sinang ayunan naman ni lucas. Ilang minuto din bago namin matapos i-assemble yung obstacle robot pero hindi pa tapos si lucas sa codes. "Hindi pa ba tapos 'yan boss lucas?" tanong ko. "Hindi pa... may kulang pa." "Mukhang kailangan ang dating gawi ah?" sambit ni niccolo at siniko ng mahina si seb sabay turo sa grupo na nakapwesto sa aming harapan. Tumingkayad si seb at niccolo para silipin yung codes nila kuya ace, sila kasi yung nakapuwesto sa harapan namin, at nakatalikod sila...sapat para makita yung screen ng laptop niya. "May parang if else silang nilagay..." mahinang sabi ni seb. "if else?" tanong ni lucas. "Oo sa condition ata 'yon parang... if, if else tapos else? basta pagkatapos ng unang void." 'di siguradong sambit ni niccolo. "Hoy! bawal mangopya!" sita ni naldo na kagrupo ni kuya ace dahil nahuli niya sa akto ang dalawa. "Sino nagsabing nangongopya kami, ha?" bwelta ni seb. "Ako! Kakasabi ko pa nga lang, bobo!" "Una sa lahat, hindi kami kumokopya kumukuha lang kami ng ideya at pangalawa, mas bobo ka!" sabi ni niccolo. Hindi ko na inawat yung dalawa kasi minsan may pagkamayabang talaga si naldo, mali pala, madalas pala siyang mayabang. "Nangongopya pa rin 'yon bobo!" sabi ni naldo sa dalawa. "Heto ang dami mong sat-sat, wala ka naman ambag d'yan kumakampi ka lang sa malakas para magkagrades!" bwelta ni seb. "Pabuhat ka lang pala ehh~" pang-aasar pa ni niccolo. Buti na lang talaga lumabas ng room si sir at normal na din sa amin yung mga ganitong eksena sa room, yung asaran tungkol sa pabuhat at kampi sa malakas magcodes. "Bobo!" sabi ni naldo. "Bobo ka din hahahaha!" sambit ni seb. Okay lang yung mga ganitong asaran sa room atsaka tropa din naman namin si naldo maaasahan siya pagdating sa codes na nakukuha niya kay kuya ace. Atsaka kung may mauna man na matapos sa amin, kakalat na din naman yung codes sa room. Real life virus kaming mga I.T student. void loop(){ int distanceRight = 0; int distanceLeft = 0; delay(50); if (distance = distanceLeft){ turnRight(); moveStop(); } else{ turnLeft(); moveStop(); } } else{ moveForward(); } distance = readPing(); } "Ayan... if else statement nga ang kulang." sabi ni lucas. "If pogi is less than lance print out panget hahahaha!" biglang pang-aasar ni niccolo in I.T terms. "else, si niccolo 'yon, print out bobo." resbak ni seb. "else, kayong dalawa 'yon, manahimik kayo." awat ni lucas sa dalawa. "Tama na 'yan, tara testing na!" sabi ko sa tatlo dahil bukod sa grades na 100, kapag tapos na kayo pwede na umuwi. Pagkapasok ni sir contis sa room madami ang nagpaunahan magpacheck ng obstacle robot at kamalas-malasan ay pangatlo kami at nauna sila kuya ace. "Mga bobo~" pabulong na bigkas ni naldo. "Bobo ka din." mahinang sambit din namin bilang ganti. "Osya osya maupo na muna yung iba, inayos ko naman na yung one-fourth niyo tatawagin ko na lang yung bawat grupo." sabi ni sir kaya bumalik kami sa aming pwesto. "Pangalan ng robot natin ay wall - e." sabi ni niccolo nung makabalik na kami sa aming upuan.  "Wall-e na walang wall." "After nito saan tayo gala?" tanong ni seb. "Oo gagu maaga pa!" pagsang-ayon ko sa kagustuhan ni seb kasi mag-aalas-dos pa lang. "Gagala pa tayo eh di naman tayo na-stress sa prelim week." sabi ni lucas. Hindi naman talaga kami na-stress...yung mob prog namin, system lang ng who wants to be a millionaire ang ipapacheck na tapos na namin gawin. Yung sa capstone, sa finals pa yung defense no'n kaya di talaga kami na-stress ngayong prelim week. "Anong hindi? Ako nastress ako kahapon sa networking 2! Gagu sakit sa ulo di ko alam kung tama ba pinagsasagot-sagot ko!" inis na reklamo ni seb. "Ano ba pinagsasagot mo? Ang dali lang no'n ah?" sabi ni lucas sakanya. "Wow! sana lahat nadalian di ba? kinginang IP addresses 'yon parang mali-mali yung subnet mask ko kaya ayaw mag ping pota! ay nako naalala ko na naman ang masalimuot na pangyayari kahapon!" inis na sambit ni seb. "Tangina nito ang drama pota di ka kasi nag-aaral!" inis na bigkas ni niccolo. "Luhh coming from you pa talaga ah?" "F4!!" sigaw ni sir. Binitbit namin yung robot at laptop sa table ni sir contis. "F4!" bigkas ni sir habang binabasa yung one-fourth namin. "Sino nagsulat nito?" tanong niya sa amin kaya tinuro namin si niccolo. "Lance Sebastian Jimenez as Dao ming sinasabi bobo naman. Jaq Matteo as Hua zi Li, Leibag lang. Lucas Pagal as X-Men, Amen. Niccolo Nuevo as Pinaka poging nilalang..." natatawang basa ni sir contis. Nung marinig namin 'yon tawa ng tawa si niccolo pero pinag sisipa at pinagsusuntok namin siya ng mahina. "Osya-osya patingin ng gawa niyo..." Ni-run na namin ang program at gumana naman yung obstacle car namin. "Pangalan niyan sir, Wall-e na malupit kaya kang ipagpalit!" sabi ni niccolo. "Dami mong alam niccolo at dahil d'yan seventy-five ang grade niyo." pagbibiro ni sir at nagtawanan din yung iba naming kaklase. "Luhh si sir grabe!" "Biro lang osige na makakauwi na kayong F4!" pagtataboy sa amin ni sir sa harapan niya. "Mah beybebeybe mah beybebeybe suringshichayni shangching~ " pag kanta ni niccolo na halata naman na hindi niya alam yung lyrics. "Kingina nito next time ako na magsusulat sa one-fourth ah!" sabi ni seb nung makabalik na kami sa aming upuan. "Edi ikaw!" sabi ni niccolo. "Para ako naman gwapo pota." sabi ni seb habang inaayos ang bag nito. ••• Naglalakad kami sa hallway sa second floor ng makasalubong namin ang mga BSBA na nag-aantay sa labas ng room nila. "Sariling wika ay mahalin, pati ako idamay mo na din hahahaha" sabi ni sining nung makita niya yung print ng suot kong itim na t-shirt. ᜉᜓᜐ᜔oᜅ᜔ ᜋᜋ᜔oᜈ᜔ (Pusong Mamon). Washday kasi ngayong wednesday kaya naka civilian kami. Buti na lang talaga bumili ako ng sport wristband kagabi sa may bayan atleast natatago yung mga bakas ng hiwa sa aking pulsuhan. Aalis na sana ako pero hinaharangan niya ang dadaanan ko. "Alam mo jaq, nagtatampo ako sayo." sabi niya sa akin. Kingina ng babaeng 'to pinagtitinginan kami ng mga kaklase niya tuloy. "Bakit naman?" "Kagabi pagka-send mo no'n sa akin, nagreply ako agad pero sineen mo lang ako!" malungkot niyang saad. "Ohhhh~~" mga reaksyon ng kaklase ni sining. "Kingina mo boi lakas ng loob mo, ikaw na may ka-chat tapos isi-seen mo lang?" pang-aasar ni seb. "Wrong send lang 'yon!" sambit ko at nag pupumilit pa rin na makadaan. Parang tanga na kasi kami dito... para kaming nagpapatintero. "Sini-seen mo 'ko without knowing na ako yung future mo?" "OHHH HAHAHAHA GO SINING!" Support ng mga kaklase niya sa kagaguhan niya. "Ang tigas talaga ng bungo mo alis na d'yan dadaan ako... tantanan mo 'ko!" "May kasabihan nga 'di ba...roses are reds, violets are blue. Kung ayaw sayo, pilitin mo." "Taragis na kasabihan 'yan!" Napatingin ako sa tatlo kong kasama na nasa likuran lang ni sining at inaantay ako. "Uy paparating na yung prof niyo!" sigaw ni lucas kaya napalingon si sining sa gawi nila atsaka ako kumaripas ng takbo. "Uy jaq seryoso yung chat ko sa'yo kagabi ahh!" pahabol na sigaw ni sining at mabilis kaming bumaba ng hagdan at pumasok sa may cr ng boys dahil kanina pa naiihi si niccolo. "Anong chat no'n?" tanong ni lucas. "Ahh wala 'yon sabi niya lang gusto niya ako" sambit ko pero ang totoo no'n, Jaq: Pinatay niya ako sa salita, gumanti lang naman ako. Sining Fedeli: Kung kailangan mo ng mapagkukwentuhan niyan andito lang ako. seryoso to! "Deads na deads siguro talaga 'yon sayo...pagbigyan mo na nga!" biglang sabi ni niccolo pagkalabas niya sa isang cubicle. "Jackpot! Pagbigyan mo na!" sambit ni seb na nakaupo sa may lababo ng cr. "Hindi ko nga sabi siya gusto!" "Paano mo ba malalaman na gusto mo ang isang tao?" tanong ni lucas. "Sabi malalaman mo lang na inlove ka na kapag kinakabahan ka na kapag nakikita mo siya." sabi ni niccolo habang naghuhugas ng kamay. Hindi naman ako kinakabahan kapag nakikita ko siya...minsan naiinis pa nga ako. "Gagu paano kung multo yung nakita niya? mga pinapaniwalaan mo eh noh!" sambit ni seb. "Eh ikaw, what is love?" tanong ni niccolo sakanya. "Ang pag-ibig ay parang love, tinagalog ko lang hahahaha!" "Gagu kaya ka hinihiwalayan eh!"  "Pakyu!"  "Basta kapag may gusto ka sa isang tao di siya maalis sa isip mo, lagi mo siyang sinisilayan kapag nandiyan siya at bumibilis yung t***k ng puso mo sakanya."  "Taragis na 'yan, ano may sakit lang?"  "Ikaw may sakit sa ulo!" "Oo headache dahil sa pagmumukha mo!" "Sasakit talaga yang ulo mo kakaisip na mas gwapo ako kaysa sa'yo!" "Pakyu!" At ayan na naman po ang dalawa na aso't pusa na naman. "Saan tayo gagala ngayon?" pagbabago ko ng topic. "Mall na lang tayo tapos timezone?" suggest ni lucas "May videokehan na din sa may timezone! tara do'n na lang tayo!" masiglang pagsang-ayon ni seb. "Osige sige!" pag payag ko na din. "May dala ba kayong timezone card? naiwan ko yung akin sayang 'yon may load pa yun eh!" tanong ni niccolo. "Bili na lang mamaya do'n, tara na!" excited na sabi ni seb at nangunang lumabas ng cr. ••• Sa labas ng school ay nag-aabang kami ng tricycle kasi isang sakay lang naman papunta sa mall na malapit dito sa school. "Dun na lang kayo sa iba sumakay!" sabi nung tricycle driver kasi traffic ang papunta doon kaya ayaw nila magsakay. "Teka nagseselos ka ba?" angal ni seb. Taragis talaga to si seb pota. Halos ilang minuto na pag-aantay eh may nasakyan na din kami at alas-tres na nang makarating kami sa mall. "Food court ba muna?" tanong ko kasi nagugutom na ako. "Wait! tingin lang muna tayo ng damit sa bench!" sabi ni niccolo at nagragasa papasok sa stall ng bench kaya sumunod na lang kami. Nagikot-ikot kami sa loob at pinabayaan na namin mag-isa si niccolo. "Kapag sinuot ko ba 'to magiging kamukha ko na si lee min ho?" tanong ni lucas. "Suotin mo 'yan pag matutulog, magiging kamukha mo siya sa panaginip mo" pamimilosopo ko. "Tssss gagu." "Ate, sama ka gala tayo?" biglang sambit ni seb kaya napalingon kami ni lucas sakanya. Nakatingin siya sa isang sales lady na ilang metro lamang ang layo sa amin. Lumapit sa amin si seb, "Sino na naman ba 'yang kaaway mo?" "Si ate kasi sunod ng sunod pota akala siguro may nanakawin dito!" naiinis niyang sambit. Matapos ang matagal na paglilibot ang tanging binili lang naming tatlo ay ang bench body spray for men tapos si niccolo isang hoodie lang. "Puwede na ba tayong kumain muna?" sabi ko nung makalabas na kami sa bench. "Saan tayo kakain? foodcourt ba?" tanong ni lucas. "Sige foodcourt na lang..." pagsang-ayon nung dalawa. Pagkadating namin sa foodcourt mabilis kaming tumakbo sa may extrang mesa dahil mahirap na, ubusan agad ng pwesto dito. Umorder kami ng sisig sa sisig hooray. "Di ba sa floor na ito yung comic alley?" tanong ni lucas. "Luhh oo nga! puntahan natin mamaya!" masiglang sabi ni seb at sumang-ayon naman kami. Pagpasok namin sa comic alley nilanghap namin ang amoy sa loob. "Amoy otaku~" sabi ko. "Huy tignan niyo oh bag na attack on titan!" sabi ni seb sabay turo sa nakasabit na bag. "Magkano?" Tinignan niya ang price tag at mabilis na binitawan ito. "Gagu isang libo mahigit..." "Tanginang 'yan ginto pota..." pabulong kong reklamo. "Ayy tangina life size pillow ni lucy!" sambit ni niccolo. "Gagu manyak mo!" sabi sakanya ni lucas. "Dumi ng isipan nito pota tsk tsk tsk!" Tamang tingin lang hanggang sa napagdesisyunan namin na umalis na dahil ang mahal... laging ganito eksena namin sa comic alley. "Tara na timezone na!" bigkas ni lucas. Syempre hindi na namin kailangan mag ambagan kung may tropa kaming nagmamayabang na mayaman siya. "1000 load na 'yan ah!" sabi ni niccolo habang pinapaypay yung timezone card. "Ano una natin lalaruin?" tanong ko. "Yung basketball!" aya ni seb. Ako vs. si seb ang laban dahil dalawa lang ang basketball ring na meron sa timezone na ito.  "38 vs 42, not bad ah!" sabi ni niccolo habang pumapalakpak. "Kingina, marunong mambola si seb eh kaya anong laban ko?" "Lul mo jaq, marunong lang ako mambola ng kulangot!" "Kadiri pota!" "Luhh kala mo siya hindi ginagawa 'yon..." Sunod naman naming nilaro ay ang Tekken at tig-iisa kaming controller. "Tangina Nina pota ano babae lang?" pang-aasar ni seb kay niccolo. "Bobo, chixx ko 'yan sa tekken...Lakas lakas ng bebe kong 'to!" "Mas malakas si alyssa mga bobo!" sambit ni lucas tapos yung character niya si alyssa. "Tangina, ano iyo jaq?" tanong ni seb sa akin. "Lili pare, bebe ko 'yan eh!"  Pinili kasi ni seb ay si devil jin. "Devil jin kasi demonyo siya sa totoong buhay hahahaha!" pang-aasar ni niccolo. "Gagu lumilipad to sa combo niya eh!" "G na! g na! 2v2 na!" bulyaw ni lucas. Ako vs. Seb Niccolo vs. Lucas Tig-tatatlong rounds meron ang larong ito paunahan lang makalamang tapos panalo na. Sa huli ako naman nanalo laban kay seb, at si lucas naman ang nanalo sa laban nila ni niccolo. Sinubukan din namin mag Just Dance pero mukha kaming tangang apat na sumasayaw ng Despacito at Boom boom  tapos ang dami pang nanonood. "Tangina ayoko na!" awat ko kasi taragis nahihiya na ako. "HAHAHAHAHAHA Last na 'to tangina di na 'to mauulit!" natatawang saad ni seb at sumang ayon kaming tatlo. Bumili kami ng royal at hotdog sa counter pagtapos nagmadali kaming pumasok sa isang walang taong videokehan.  "Oh sino mauuna?" tanong ni lucas. "Ako syempre kingina listen to my beautiful voice!" saad ni niccolo habang iniinput yung song number na kakantahin niya. Silvertoes By Parokya Ni Edgar Tamang sigawan lang kami sa loob... buti na lang at soundproof ito kung hindi baka madami ng nagreklamo sa boses ni niccolo. "O please naman, pakitanggap mo na lang ang katotohanan Na ganyan ka 'pinanganak Wag ka nang magpapanggap na ikaw ay isang dalagang ubod ng ganda Kahit na alam naman natin na ang karakas mo ay ubod ng sama AAaaaa!! yay yay yay yay yay!!" pagkanta ni niccolo na sinabayan din namin. "Tangina kanta ba 'yon o sigaw?" sambit ni seb. "Kantang pasigaw Hahhahaahaha!" natatawa kong sagot. "Osya osya ako naman...akin na 'yan!" sabi ni seb sabay kuha ng mic kay niccolo. Si seb ay may magandang boses sa amin at marunong din mag gitara. Kahit papaano may talent siya eh ako nga sa banyo lang ako talented. Nagsimula na ang intro music ng song pick ni seb at kami ay nakaupong tatlo at kinakaway kaway ang aming kamay. Lift your head, baby, don't be scared Of the things that could go wrong along the way You'll get by with a smile You can't win at everything but you can try Nakisabay na din kami sa pagkanta niya habang patuloy pa din sa pagkaway-kaway ng aming kamay sa ere. Baby, you don't have to worry 'Cause there ain't no need to hurry No one ever said that there's an easy way When they're closing all their doors They don't want you anymore This sounds funny but I'll say it anyway Girl, I'll stay through the bad times Even if I have to fetch you everyday We'll get by with a smile You can never be too happy in this life You can never be too happy in this life...siguro we can be happy pero laging may kapalit na sakit at lungkot. 'Cause in a world where everybody Hates a happy ending story It's a wonder love can make the world go 'round But don't let it bring you down And turn your face into a frown You'll get along with a little prayer and a song Lift your head, baby, don't be scared Of the things that could go wrong along the way You'll get by with a smile Now it's time to kiss away those tears goodbye Pagkatapos kumanta ni seb nagpalakpakan kami at nakangiti kami sa kanya. Tinignan ko ang masasayang mukha ng tatlo na para bang nagslow-mo ang galaw nila sa paningin ko. Pero baka ang pinakamagagandang bagay sa buhay ay hindi mga bagay. Sila ay mga tao, at mga lugar, mga alaala, at mga larawan. They're feelings and moments and smiles and laughter at minsan nahahanap natin 'yon sa mga kaibigan natin. •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD