Kung saan nagsimula
•••
Nakaupo ako sa may hagdan, hawak-hawak ko sa kabilang kamay yung baso na may lamang coke at sa kabila ay hawak ko naman ang cellphone ko.
sebolok jeje: banaman mga kaibigan to mga peymus siniseen lang ako, ung totoo? kaibigan ko ba talaga kayo?
jaq ass: HAHAHAHAHA Sad react papi
lucalucas: drama pota
jaq ass: HAHAHAHHAHA
nico nico nii: ano raw pinagkaiba ng parang at yata?
jaq ass: ewan ko parang parehas lang yata
lucalucas: spelling
sebolok jeje: dami mong alam pukpok mo na lang ulo mo sa pader boi
nico nico nii remove sebolok jeje to the group.
lucalucas: luhh bat niremove? hahahahaha
jaq ass: gagu walang removan ng member kapag nainis HAHAHAHAHAHAH
nico nico nii: parang tanga kasi hahahahahah
lucalucas added Lance Sebastian Jimenez to the group.
Lance Sebastian: Bakla @nico nico nii
nico nico nii: inaka remove ka ulit saakin
jaq ass set the nickname for Lance Sebastian Jimenez to utak sebo.
utak sebo: luh parang tanga nanaman tara laro rank
Magrereply sana ako sa chat ni seb nang mapansin ko ang babaeng nakatayo sa aking harapan.
Parang pamilyar yung tingin niyang iyon sa akin, kanino ko ba nakita iyon? Ahh kay mama...kanina lang. Yung tingin na hindi sila masaya na makita ako dito.
"Happy birthday, Jackie." bati ko sakanya, napabuntong hininga siya at iniwas ang tingin sa akin.
"Tsss bakit nandito ka?" tanong niya sa akin.
"Debut mo eh..." seryoso kong sabi sakanya.
Hinatak niya ako sa braso at halos muntik na ngang matapon yung coke. Hinatak niya ako paakyat sa taas.
Tumigil kami sa tapat ng kwarto niya at binitawan na din niya ang mahigpit nitong pagkakakapit sa aking palapulsuhan.
"Ang kapal din naman ng mukha mo para pumunta pa dito pagkatapos mong sirain yung buhay namin!" pabulong niyang sigaw sa akin pero hindi ko siya kinibo bagkus tinitigan ko lang siya ng walang emosyon.
"Bakit ngayon ka pa bumalik? may sinabi ba akong imbitado ka, ha?" dagdag pa nito.
"Aalis na ako." sabi ko sakanya at handa na sana akong lumakad palayo sakanya pero pinatigil niya ako.
"Kung aalis ka, sana hindi ka na bumalik. kahit kailan." sabi niya na halata sa tono nito na galit siya sa akin.
"Wala kang alam sa nangyari!" seryoso kong sabi.
"Wala? nakita ko kung paano mo siya pinatay sa mga salita mo! pagkatapos ang lahat ng ginawa niya para sayo..."
"Hindi mo alam lahat, kaya manahimik ka."
"Kitang-kita ng dalawang mata ko at rinig na rinig ng dalawang tainga ko, tapos magsisinungaling ka pa din?"
"Hindi mo nakita at narinig ng buo jackie. Wala kang alam kaya manahimik ka na lang." Pahakbang na sana ako ng hagdan ng biglang nagpantig yung dalawa kong tainga sa sinambit ni jackie.
"Sana ikaw na lang yung namatay, hindi si papa..."
Tila ba nagblanko ang isipan at paningin ko, hindi ko namamalayan na naglalakad ako palapit sakanya at malakas kong inihagis sakanyang mukha ang laman ng kanina ko pang hawak-hawak na baso.
"AHHHHH!" galit nitong sigaw at iritado niyang pinunasan ang mukha niya gamit ang mga palad nito.
Maya-maya biglang sumulpot si mama at nagmamadaling lumapit kay jackie na nag-aalala.
"Jackie, ayos ka lang?" nag-aalala nitong tanong sa kanyang bunsong anak at dahan-dahang pinupunasan yung nabasa nitong buhok at mukha.
Mahirap kaaway ang bunsong kapatid, lakas ng kapangyarihan niya kay mama. Wala akong laban.
"Sana nga ako na lang yung namatay..." mahina at walang emosyon kong sambit sakanila at kalmadong naglakad palayo, pababa, palabas.
Ni-hindi man lang ako pinahinto... isa lang ibig sabihin no'n, ako din yung sinisisi niya. Hindi man sabihin ni mama pero halata din naman na ako rin yung sinisisi niya.
•••
Sa buong biyahe pauwi, yung t***k ng puso ko ang bilis na para bang anytime pwede ng sumabog. Ang hirap na din huminga, ilang buntong-hininga na rin ang nagawa ko pero ang hirap pakalmahin ng demonyo sa loob ko. Ang nakakainis pa dito, hindi ako pwedeng mag breakdown sa jeep baka ano pang isipin ng ibang tao.
Mga alas-syete ng gabi na ako nakarating sa lugar namin dahil na din sa traffic. Naisipan ko maglakad sa parke kung saan walang tao, saktong-sakto dahil gusto kong mapag-isa. Naglabas ako ng isang stick ng sigarilyo at ito'y aking sinindihan.
May ilaw ang parke, puro halaman ang nandito at minsan mga nag ja-jogging at nagsu-zumba ang tumatambay dito kapag umaga pero madalas nagiging shortcut ang daan na ito ng mga tao dahil malapit sa bayan. Umupo ako sa may upuan na gawa sa semento. Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ako ng malalim at iniisip ko ang tungkol sa aking buhay at kung paano ako humantong sa ganito.
Kung ganito lang pala ang mangyayari sa buhay ko, ayoko na lang mabuhay.
*Beep beep! Beep beep!* Biglang busina ng isang motor sa akin.
"Uy!" bungad niya ng makalapit sa akin at pinarada ang motor nito sa aking harapan.
"Alam mong bawal dumaan ang motor dito 'di ba?" sumbat ko sakanya.
"Alam mo din na bawal manigarilyo dito 'di ba?" bwelta niya.
"Anong ginagawa mo dito? gabi na ah!" sambit niya pero hindi malinaw kung nag-aalala ba siya o hindi.
"Nagyoyosi nakikita mo naman 'di ba?"
Tinanggal niya ang suot niyang helmet at sinabit ito sa hawakan ng motor niya sabay tumabi sa 'kin.
"Alam mo ba base sa mga studies, mas naaapektuhan ang mga secondhand smokers."
"share mo lang?"
"At base din sa observation ko, ang mga taong naninigarilyo ay yung mga taong may dinadamdam na problema."
Hindi ko siya pinapansin, patuloy lang ako sa paghithit ng yosi at pagsulyap sa mga bituin sa langit.
"Are you okay?" rinig kong tanong niya.
No, I'm not. Not at all. I'm depressed, I have anxiety. My biggest fear is rejection. I'm hurt. I want to tell someone, maybe I should tell you? Gusto kong may isang taong yayakap sa akin, tapos sasabihin niyang magiging maayos rin ang lahat. Gusto kong sabihin at ilabas ang lahat-lahat ng hinanakit ko. Pero paano kapag sinabi ko sayo lahat tapos iwan mo rin ako? what if isipin mo kailangan ko ng atensyon? what if isipin mong nagdadrama lang ako?
"I'm fine, sining. pagod lang...salamat sa pag-aalala." walang emosyon kong sambit sa kanya.
"Alam mo subukan mo kaya mag bubble gum..." tinignan ko siya, ngumunguya siya ng vfresh.
"Ano 'ko bata?"
"Katulad din naman siya ng yosi!" sambit niya.
"Isipin mo lahat ng problema mo ay nasa bubble gum tapos pooof! puputok na parang bula... hindi na mapapadpad pa kahit saan yung negativity kasi ikaw na mismo yung nag alis." dugtong niya.
Hindi ko makita yung logic niya... kasi kahit ilang beses pa pumutok ang bubble gum, pwede mo pa ding lobohin... titigilan mo lang naman 'yon kapag wala na yung matamis na lasa. Ang pinag kaiba lang naman nila ng yosi ay yung lasa at yung fact na pwede kong ikamatay ito. Atleast iyon may sense.
"Have you ever cried on your birthday?" seryoso kong tanong kay sining.
"Oo naman! Tears of joy syempre! ikaw ba?" masaya nitong sagot.
"Oo, tears of...joy." pagsisinungaling ko.
Ang pinaka ayokong araw sa buong buhay ko ay ang birthday ko...May 31. Ayoko ng binabati ako sa araw na 'yan lalo lang akong nalulumbay. Ayoko din dumadalo ng mga birthdays, nadedepress ako bigla ng hindi nila alam.
Siguro kasi huling celebrate ko sa birthday ko ay nung 10 years old pa lang ako? o dahil sa tuwing sumasapit yung araw na 'yon may problema laging dumadating sa buhay ng magulang ko? o baka malas lang talaga ako? pero ang mas malinaw na dahilan ay ito yung nagpapaalala sa akin na pinanganak ako... na sana hindi na lang.
"Kailan ba birthday mo?" tanong ng katabi ko.
"February twenty-nine."
"Weehh?? leap year?"
"Pfft!" napangisi ako bigla.
"Alam mo lalo akong naiinlove sayo kapag nakangiti ka!" pagkasabi niya no'n, agad akong napapoker face.
"Sinasayang mo lang yung oras mo sa pagkagusto sa taong hindi ka naman gusto." saad ko.
"Yun na nga eh, there's a weird pleasure in loving someone who doesn't love you back!"
"Katangahan tawag d'yan."
"Aruy naman~ my achy breaky heart~" madrama niyang banggit habang umaarteng nasasaktan yung puso niya.
Nang mapansin niyang wala akong pake sa nararamdaman niya ay tumigil na siya sa pagdadrama.
"Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ako nandito?" tanong niya sa akin.
"Dahil ginawa ka ng magulang mo?"
"HA-HA-HA. Napadaan ako kasi nasesense ko na nandito ka!"
Ano ba 'tong babae na ito? nung una manghuhula, pangalawa magnanakaw ngayon naman mangkukulam? taragis na sideline 'yan.
Hindi ko na lang siya pinansin baka kapag gano'n eh kusa na lang siyang umalis, kaso mali ako sa isang ito. Tigas ng bungo eh.
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko.
"Uuwi ka na ba?" umiling na lang ako bilang tugon. "Ako din, hindi pa!" sambit niya nung nalaman niya yung sagot ko.
"Ano bang gusto mo?" tanong ko sakanya.
"Ikaw!" sagot niya habang nakangiti yung tipong ngiting tagumpay. "I like you." pagpapatuloy niya pa.
"Hindi mo ako kilala."
"I want to, though."
Huminga ako ng malalim, wala na ata makakapigil sa isang ito.
Ilang minutong katahimikan at nagsimula na siyang magsipol... bored na ata.
"Masama ba na hilingin mo na mamatay na ang isang tao?" seryoso kong tanong sakanya.
Nagisip-isip muna siya bago sumagot.
"Hmm hindi naman~" sagot niya.
"Hindi?"
"Sa tingin ko hindi...kasi naman palagi kong hinihiling na dumating yung araw na ikaw naman ang patay na patay sa akin!"
"Ewan ko sayo."
"I think I can make you very happy!"
"Bakit? Aalis ka na ba?"
"Hayss bakit gusto mo akong umalis agad? hmm!" naiirita nitong saad kaya medyo natawa ako.
"Ang korni mo kasi, Napaka cringy mo!" sumbat ko sakanya pero natawa lang siya.
"Are you a time traveler? Cause I see you in my future ayieee~" pagkasabi niya no'n tinutusok tusok niya yung tagiliran ko.
"Luhh parang tanga pota!"
"Hahahahaha nakakahiya kasi!" nakatungo niyang sabi.
"Panindigan mo 'yan ah!"
"Paninindigan talaga kita, promise!"
"tangina nito pota hahahaha!"
Halos kalahating minuto din kami nagtagal sa parke at puro pick-up line lang siya ng pick-up line sa akin. Ngayon, tinitignan ko siya habang nakasakay sa motor niya at nagsusuot ng helmet.
"Teka..." pagtitigil ko sakanya.
"Bakit?"
"Pasabay ako pauwi!" bigla kong banggit dahil naisip ko din na nakakapagod maglakad at gusto ko na lang din makauwi agad.
Tinignan niya ako habang nakangiti na para bang there's something in me that is worth looking at.
"Angkas na!" bigkas niya kaya lumapit na ako sakanya at umangkas.
"Yumakap ka sa 'kin ng mahigpit ah?" sambit nito pero syempre hindi ko sinunod... suki na ako sa pagiging uto-uto sakanya.
•••
Nagpababa ako sa may labas ng eskinita papunta sa inuupahan ko. Wala pa rin akong tiwala sa babaeng ito lalo na kanina pinagpipilitan niyang kunin yung kamay ko para yakapin siya sa may baywang.
"Salamat..." saad ko sakanya pagkababa ko sa motor niya.
"Salamat lang?" ani niya.
"Ano gusto mo, kutos?"
"Relasyon. label."
"Osya salamat goodnight ingat sa pagmaneho." sambit ko at nagsimula ng maglakad papasok sa eskinita.
"Jaq!!" malakas niyang sigaw kaya napalingon ako.
"Kung kailangan mo ng makikinig sa mga rant mo sa buhay, I'll be your listener, I'm always free to listen!" pagkasabi niya no'n humarurot na siya paalis.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko patungo sa aking inuupahan. Pagkarating ko sa mumunti kong tirahan, walang tao. Wala na naman si jorge.
Binagsak ko ang sarili sa higaan, kisame na naman ang aking tanawin. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa, naka off yung data ko kaya hindi ko alam kung sino ba ang nagchat sa akin...pinindot ng aking hintuturo ang music player at nagpatugtog... nilaksan ko rin ang volume nito at sabay ibinagsak ang cellphone sa aking tabi. Pinatong ko ang kanang kamay ko sa aking noo at yung kaliwa naman ay nakapatong sa aking tiyan.
I can't stand to fly
I'm not that naive
I'm just out to find
The better part of me
I'm more than a bird,
I'm more than a plane
I'm more than some pretty face beside a train
And it's not easy to be me
I wish that I could cry
Fall upon my knees
Find a way to lie
About a home I'll never see
Bigla na lang nagflashback yung nangyari tatlong taon na ang nakalilipas...
First week of First sem, First year college.
Pagkauwi ko ng bahay galing school mga alas-sais, nakita ko na naman yung eksena na palagi kong nakikita simula nung eleven years old palang ako. Bungad agad pagpasok sa bahay ang sigawan sa kusina at mga kaluskos ng mga gamit doon. Palaging ganito. Kapag galit si papa sa trabaho, sa amin ni mama niya inilalabas 'yon. Siguro nung mga oras na 'yon, napuno na lang ako.
Hindi ko na kasi ma-take yung mga hagulgol ni mama habang sinasaktan siya ng lalaking mahal niya... bilang isang lalaking anak niya, sinasalag ko lahat ng iyon para hindi siya masaktan.
"Jaq..." malungkot na bigkas ni mama sa pangalan ko.
"Tama na, pwede?" galit kong sambit sa lalaking nakatayo sa harapan ko.
"Umalis ka sa harap ko kung ayaw mong ikaw ang masaktan!" pagbabanta niya sa akin.
"Pa, pwede ba tama na?"
"SABING UMALIS KA!" tinulak niya ako ng malakas sanhi ng pagkatumba ko pero mabilis akong tumayo at hinarangan si mama.
"ANO BA!" sigaw nito ulit sa akin.
"Osige gusto mo ikaw ang nasasaktan ah! Ang tigas talaga ng bungo mong bata ka!!" Binatukan niya ako ng malakas na normal na bagay naman na sa akin... hindi na bago sa akin iyon.
Yung mga suntok at batok wala lang sa akin 'yan pero alam niyo yung masakit na sinabi niya noon sa akin sa tuwing mangingialam ako sa away nilang mag-asawa? kailan nga ba 'yon? Ahh nung eleven years old ako.
"Sana hindi na lang kita naging anak!!"
Masakit sa isang eleven years old ang marinig iyon sa sarili niyang kadugo. sa sarili niyang ama... At halos iba't iba pang masasakit na salita;
"Pinag-aaral kita tapos ganiyan lang grado mo? Kanino ka ba nagmana? Ang bobo mo!"
"Kanino ka bang anak talaga ha? Pambihira!"
"Ano jaq, Bakla ka ba? Bakit hindi ka lumaban?"
"Wala akong anak na katulad mo!!"
"Sabi ko di ba mag pulis ka? Anong kurso 'yan!? Sasayangin mo lang pera ko!"
"Pagka-graduate niyan mag-aasawa na 'yan ka agad! Walang utang na loob!"
Tapos halos lahat na ata ng mura natanggap ko sakanya...buong teenage years ko unti-unti niya akong pinapatay sa mga salita.
Sinuntok niya ako sa pisngi. Gaya nga ng sabi ko hindi iyon masakit para sa akin.
"Diyan ka lang naman magaling eh, saktan mo yung walang laban sayo..." sambit ko sakanya.
"Aba! Sumasagot ka pa ah!"
"Kapag galit ka sa trabaho, 'wag mo sa amin ilabas 'yang galit mo. Sa tingin ko kailangan mo ng magpatingin sa doktor kasi may sakit ka na sa utak!"
"Anong sabi mong hinayupak ka!?" kinuha niya yung kawali at akmang ihahampas sa akin ng awatin siya ni mama.
"Joaquin tama na!" pagmamakaawa ni mama.
"Tignan mo 'yang walang utang na loob mong anak, Janna! Naririnig mo yung sinasabi niya? Walang galang! Walang respeto! Simula ng mapabarkada wala ng respeto sa akin! Sigurado ka bang anak ko 'yan?"
"Joaquin huminahon ka na!" pagpapakalma ni mama sa lalaking nasa harapan ko.
"Sana nga hindi mo na lang ako naging anak!" sigaw ko sakanya.
"Anong sabi mo!?"
"Jaq...tigil na!" awat ni mama sa akin.
"Wala kang kwentang ama!"
"Jaq!" Pag-aawat sa akin ni mama.
"Sino ba namang anak ang gustong magkaroon ng ama na kagaya mo? Minsan mabait ka pero madalas hindi kita kilala... sige lang suntukin mo pa ako o ihampas mo 'yan sa mukha ko kasi alam ko naman na walang maniniwala kapag sinabi ko na ikaw ang nanakit sa akin 'di ba?"
"Manahimik ka!" sigaw niya.
"Hindi, makinig ka sa akin! Sawa na ako, pagod na akong intindihin ka kaya intindihin mo ang sasabihin ko! Wala kang kwentang ama! Pakitang tao ka lang sa iba pero ang totoo niyan kasuklam-suklam ka!"
Hindi ko alam kung ano yung lumalabas sa bibig ko, sumabog na lang bigla yung mga kinikimkim kong sama ng loob sa kanya.
"Lumayas ka! Lumayas ka sa pamamahay ko at huwag kang tutungtong dito hanggat hindi ko sinasabi!"
Pagkasabi niya ng mga salita na 'yan lalo akong nagalit kaya siguro nabigkas ko yung mga salita na nagpasira sa buhay ko.
"Sana mamatay ka na! At kung mamamatay ka man, hinding hindi ako iiyak sa burol mo! Hindi deserve ng isang kagaya mo ang mga luha ko!"
"Layaaaaas!!!"
Nung gabing iyon, lumayas nga ako. Tumuloy ako sa dati naming hide-out ng mga kafrat namin ni Jorge nung highschool. Si Jorge din nag-alok sa akin na magrent na lang sa ngayong inuupahan ko at may kalapitan naman rin ito sa school na pinapasukan ko.
Hindi ako umuuwi sa bahay pero pumapasok ako school para ma-occupied yung isipan ko sa ibang bagay. Buti na lang talaga nililibre ako ng tatlong kumag.
Two weeks. Two weeks simula nung naglayas ako ng mabalitaan ko kay Jorge na patay na yung erpat ko. Wala akong balak dumalaw pero napilitan ako nung araw ng burol niya. Sabi nila inatake daw sa puso mga ilang araw pagkatapos nung away namin. Sabi din nila bigla siyang nanghina, nalumbay, walang ganang kumain at kung ano-ano pang nakakalungkot na pangyayari. Siguro dinamdam niya yung mga salitang narinig niya sa akin tapos bigla na lang sinapian ng konsensya.
Sa burol niya, tinupad ko ang pangako ko... hindi ko siya iniyakan kasi kahit anong pilit ko, walang luhang tumulo sa mga mata ko.
Pagkatapos no'n akala ko babalik na ang lahat sa dati. Napagpasyahan kong umuwi sa bahay pero para bang nagbago na lahat. Nakahain na lahat ng kailangan ko, minsan nakahanda na yung baon ko, yung uniform ko, may note pa nga na nakasulat sa ref na may ulam sa loob, initin mo na lang. Never ko silang nakasabay kumain. Kapag nasa living room ako para akong patay. Si Jackie nilalayuan ako hindi ko alam kung bakit, madalas hindi niya ako pinapansin. Kaya naisipan ko na lang ulit umalis sa walang kabuhay-buhay na bahay na 'yon. Sinabi ko kay mama na mangungupahan ako ng mas malapit sa school pumayag naman siya at siya na daw bahala sa rent at sa allowance ko. Ayos naman 'yon, siguro nga mas pabor sakanila 'yon kasi alam kong ayaw nila akong makita sa bahay.
Ilang taon na ang lumipas pero bakit wala pa ding nakakalimot? Bakit ako pa rin yung sinisisi?
It may sound absurd, but don't be naive
Even heroes have the right to bleed
I may be disturbed, but won't you concede
Even heroes have the right to dream
And it's not easy to be me
Up, up and away, away from me
Well, it's all right, you can all sleep sound tonight
I'm not crazy or anything
"Ang unfair. Yung mali mo paulit-ulit nilang isusumbat sayo. Pero yung mga sacrifices mo, hindi man lang nila ma-appreciate." sabi ko sa sarili ko.
I can't stand to fly
I'm not that naive
Men weren't meant to ride
With clouds between their knees
Hindi ko namamalayan na may luha na palang tumutulo sa aking mga mata, dahan-dahan itong tumutulo pababa sa aking tainga.
Kinuha ko ang aking cellphone, binuksan ang data nito at pagbukas ko ng messenger may mga message na galing sa gc naming apat at ilang gc sa mga subjects namin sa school...pagtingin ko sa mga active friends, isang pangalan ang kumuha sa aking atensyon.
Sining Fedeli (Active now)
I'm only a man in a silly red sheet
Digging for kryptonite on this one way street
Only a man in a funny red sheet
Looking for special things inside of me
Jaq: Pinatay niya ako sa salita, gumanti lang naman ako.
I'm only a man
In a funny red sheet
I'm only a man
Looking for a dream
I'm only a man
In a funny red sheet
And it's not easy
It's not easy to be me
The bravest thing I ever did was run.
•••