KABANATA 15

1184 Words

“Yung pupuntahan natin, malayo ba?” nakangiting tanong ko kay Luke. Natawa naman siya. Alam ko naman kung bakit, ilang beses ko na kasing tinatanong sa kaniya kung malayo ba ang pupuntahan naming beach. Kaso hindi naman niya sinasagot. Parang hangin tuloy ang kausap ko. “Surprise nga eh. Kapag sinabi ko sa’yo mawawala na ang element ng surprise roon.” Napanguso naman ako. Kung sabagay, may point naman siya. Sa totoo lang, unang beses ko kasing lalabas ng Metro Manila nang hindi pamilya ko ang kasama ko. Bumaling akong muli kay Luke at pinagmasdan siya sa pagmamaneho. Kanina pa hinahangin ang buhok niya dahil kanina pa bukas ang bintana ng kotse. Pero kahit yata gumulo pa ang buhok niya nang bongga, ganoon pa rin, guwapo pa rin siya. “Bakit ang guwapo mo?” wala sa sariling tanong ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD