bc

Reaching You in Seville, Spain

book_age16+
828
FOLLOW
3.7K
READ
second chance
brave
drama
bxg
campus
lawyer
like
intro-logo
Blurb

Vienne Mitchell Altamirano is the least favorite child in their family. Her Dad, a state prosecutor, always favor her older brother Voltaire. While her Mom, a criminal lawyer, is very fond of her younger brother Vincell. She never wanted to attend Law School because that wasn’t her dream. Ginagawa niya lang iyon para sa mga magulang at para na rin sa taong mahal niya na si Luke. Gusto niya lang na maging proud ang mga ito sa kaniya. Lalong lalo na ang kaniyang boyfriend. He was everything about her and the source of her strength to keep going. She’s undeniably in love with him until she found out his secret. A secret that will change her. A secret that will make her leave the country.

chap-preview
Free preview
Simula
“Magbayad na kayo sa mga utang niyo.” Agad kong inilahad ang kamay ko sa harapan ng dalawang lalaking prenteng nakaupo sa sofa ng Bar na pinasukan ko. “Hindi ba sinabi ko na kahapon na wala akong pera?” sagot ng isa habang nakataas ang isa nitong kilay. Tumawa ako saka inabot ang bote ng alak na kabubukas lang ng kasama nito. Ininom ko ng dire-diretso ang laman nito at pagkatapos ay pinaikot ito sa kamay ko at umambang ihahampas sa ulo ng lalaki. Agad siyang umiwas at iniharang ang kamay. “Heto na, magbabayad na. Parang hindi ka naman mabiro eh.” saad ng lalaki sabay abot sa akin ng nakatuping pera. “Ang interest?” walang gana kong tanong. “Nandiyan na rin.” Nanginginig na sambit ng lalaki. “Ikaw?” taas-kilay kong tanong sa isa pang lalaki. Mabilis itong dumukot sa bulsa at inabot sa akin ang pera. “Sa susunod h’wag kayong mangungutang kung wala kayong pambayad. Walang pera? Ulol niyo. Sinong niloko niyo? Nakakapag-bar kayo tapos walang pera?” Marahan kong inilapag ang bote sa babasaging lamesa at walang ganang tiningnan si Julius at Rohan. Mabait sana ‘tong mga lalaking ‘to eh kung hindi lang mga siraulo at gago. Ako pa talaga ang uutakan nila sa pera eh ‘di hamak na mas mautak naman ako sa kanila. “Salamat sa alak medyo nagising ang diwa ko.” saad ko sabay lakad palabas ng bar. Eksaktong paglabas ko ng bar nakita ko kaagad ang sasakyan ni Charlene sa hindi kalayuan. Tamad akong naglakad patungo roon. Kung hindi pa siya bumusina ng sunod-sunod ay wala pa akong balak na bilisan ang paglalakad. “Bagal ah!” reklamo niya. Mabilis akong bukas sa front passenger seat saka sumandal sa backrest ng upuan. Ipinikit ko ang mga mata ko saka dinukot ang pera sa bulsa ng denim jacket na suot ko saka iniabot iyon sa kaniya. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Nangangawit na ako pero hindi niya pa rin iyon kinukuha. Dumilat ako at tumingin sa kaniya. “Ambag ko sa renta. Medyo nilakihan ko na dahil hindi naman ako nakapagbigay sa inyo noong nakaraang buwan.” Hindi siya umimik kaya inabot ko na ang kaniyang kamay at inilagay roon ang perang papel. “Do you really have to do this Vienne?” saad niya saka bumuntong-hininga. Tumawa ako sa tanong niya. “What?” She bit her lowerlip saka yumuko. “Aalis na si Lyanna after ng graduation niya. Pati ikaw ba naman aalis din?” Umiwas ako ng tingin sa kaniya at bumaling na lamang sa mga dumadaang sasakyan sa kahabaan ng sentro. “Ilang buwan lang naman ako sa Seville, Cha. Babalik ako pagkatapos ng kontrata ko roon.” Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. “Kung may problem aka pwede mo namang sabihin sa amin ni Grace. Baka matulungan ka namin.” That’s the reason why I wanted to leave for a while. Gusto ko munang lumayo dahil napapalapit na ako sa kanila. Unti-unti na naman akong nagtitiwala sa mga tao sa paligid ko. Nagsisimula na namang lumambot ang puso ko. For the past nine months they’ve been there for me. Sila na nga halos ang nagpakain at bumuhay sa akin. Gustong-gusto ko na magpasalamat sa kanila at sabihin na nagiging importante na sila sa akin pero hindi ko kaya. May kung anong bagay ang pumipigil sa akin para ipahayag ang nararamdaman ko sa kanila. Natatakot ako na baka sa bandang huli iiwan din nila ako o hindi kaya ay lokohin. Sapat na ang mga naranasan ko noon. Ayoko nang maulit muli dahil hindi ko alam kung kakayanin ko pa. I have an outer appearance of being tough at gusto kong makilala nila ako bilang matapang at palaban. I don’t want them to see how weak I am inside. “Wala akong problema, Cha. Gusto ko lang munang lumayo dahil yung ex ko mukhang nasundan ako rito sa Barcelona.” Kumunot ang kaniyang noo. Well, what I said was true. Noong nakaraang buwan nakita ko siya sa Alchemix. Hindi ko alam kung nandito siya dahil gusto niyang lumayo muna sa masalimuot na mundo ng Law School o nandito siya para sa akin, para sundan ako. Wala akong pakialam sa dahilan niya basta ayokong nakikita ang pagmumukha niya. “Ex? Sino? Bakit hindi namin alam?” Tumawa ako saka ngumisi. “Bakit nagtanong ka ba?” Sinamaan niya ako ng tingin bago mahinang sinuntok sa balikat. “Tara na. Kanina pa naghihintay sina Ben sa shop. Kailangan daw maglagay ng decoration para ready na bukas.” Sumimangot siya. “Pwede naman kasing bukas na lang ng umaga.” “Sisihin mo ‘yang boyfriend mong si Benjamin. Siya ang pasimuno.” Inis na pinaandar niya ang sasakyan at nagsimula nang magmaneho. Mag a-alas onse na nang matapos kaming mag-design ng shop. Pinagpag ko ang kamay ko bago lumayo ng konti para tingnan ang kabuuan ng tarpaulin na idinikit nina Ben sa wall ng shop. “Ba’t parang hindi pantay?” Leandro raised his middle finger at me. “Baka yung mata mo hindi pantay.” Tumawa si Grace saka binatukan ang boyfriend niya. “Siraulo ka. ‘Pag napikon sa’yo ‘yang si Altamirano, isang suntok niya lang sa’yo sigurado akong makikita mo ang mga planeta at mga asteroid sa kalawakan.” Pananakot sa kaniya ni Grace. Humarap sa akin si Leandro at nag-peace sign. Alas dose na kami nakauwi sa apartment na tinutuluyan namin. Hindi ako agad natulog dahil kailangan ko pang ihanda ang damit na susuotin ko para sa graduation ni Lyanna bukas. Pagpasok ko sa kwarto naming tatlo nakita ko agad si Grace at Cha na nakaupo sa kama at masinsinang nag-uusap. Huli ko na napansin na umiiyak pala si Grace. Mabilis akong naglakad patungo sa kanila pero agad akong napahinto nang itaas ni Cha ang kaniyang kamay. Humihikbi si Grace nang mag-angat siya ng tingin sa akin. “Gaga ka! Aalis na nga si Lyanna pati ba naman ikaw aalis din?” Natigilan ako sa pwesto ko. Umiiyak siya dahil aalis ako? Umiiyak siya dahil sa akin? Bakit? Bakit nila kailangang malungkot? “Ayaw niyo ‘yon, wala nang mangungulit sa inyo.” mahina kong bulong. Totoo naman. Wala akong ginawa kundi kulitin sila at pasakitin ang ulo nila. Naisip ko noong nagpaplano pa lang ako na posibleng matuwa sila kapag nalaman nilang aalis na ako. But I was wrong. Mabilis na hinablot ni Grace ang unan at binato iyon sa akin. Sumakto iyon sa mukha ko kaya mabilis kong hinilot ang natamaan kong ilong. “Mas gusto nga namin ‘yon. Mas gusto naming nandito ka. Masaya kami na nakakasama ka namin. Kapag umalis ka, paano na kami? Sino nang magtatanggol sa amin ni Cha sa mga tambay sa bawat eskinitang dinadaanan namin pag-uuwi kami galing sa trabaho?” Hindi ko alam kung umiiyak pa ba siya o nagpapaawa na lang. Natawa ako nang bahagya dahil sa hitsura niya. “Eh ano pa pa lang silbi ng mga jowa niyo kung ako ang laging magtatanggol sa inyo? Ano ako superhero?” Ngumuso silang dalawa kaya mas lalo akong natawa. “Limang buwan lang ako sa Seville. Para namang mangingibang kontinente ako kung makapagdrama kayo. Pwede niyo naman akong dalawin doon ‘pag day off niyo.” Tumango lang sila sa akin kahit halatang napipilitan. Maaga kaming nagising kinabukasan dahil kailangan naming umattend ng graduation ni Lyanna. Sa aming magkakaibigan, Lyanna is the kindest. Siya rin ang pinakamasipag at mapagbigay sa aming lahat. Nabanggit niya sa amin noong nakaraan na kailangan niya nang umalis ng Barcelona. Sinabi niya rin ang mga rason kung bakit pero hindi ako naniniwalang iyon lang ‘yon. Paniguradong may malalim siyang dahilan kaya siya aalis. Ganoon din ako. Ganoon naman yata lahat. We all have secrets we can’t tell even to our closest friend. Dumiretso na kami sa shop pagkatapos ng graduation program. Tuwang-tuwa siya nang makita ang ginawang tarpaulin ni Ben. “Let’s eat!” sigaw ni Cha Nagsimula na silang umupo roon samantalang ako naman ay abala sa pagtulong kay Marco sa paglalagay ng pagkain sa lamesa. Hindi pa sana ako uupo ngunit hinila na ako ni Grace at pinaupo sa katabing upuan ni Lyanna. Ilang sandali pa sabay-sabay kaming napatingin sa dalawang lalaking pumasok sa loob ng shop. Nanalaki ang mata ko nang makilala ang mga ito. The one who is holding a bouquet of flowers is Dylan and the other one who is holding a box is none other than my ex-boyfriend. Napayuko agad ako nang dumako ang kaniyang tingin sa akin. Yumuko ako hindi dahil nahihiya o natatakot ako sa kaniya. Ginawa ko ‘yon dahil ayokong makita ang pagmumukha niya. Makalipas ang ilang minuto umalis na rin sila. I heavily sighed when they’re finally gone. Napatingin naman sila sa akin lahat. “Bakit V?” tanong ni Cha. Nakita ko ang marahang pagsiko ni Grace kay Cha at sinenyasang lumapit sa kaniya. May ibinulong si Grace sa kaniya kaya nanlaki ang kaniyang mata sa gulat. “Ex mo ‘yon?” gulat niyang tanong. Napasimangot na lang ako habang pinag-uusapan nila yung nangyari. Lumapit pa sa akin sina Benjamin at Leandro para lang asarin ako. Pagkatapos naming kumain nagdesisyon akong lumabas sandali. Dala-dala ang isang bote ng beer, nagpasya akong maglakad-lakad sa labas. Gusto ko lang huminga pansamantala. Minsan kasi masyado akong nalulunod sa kasiyahan na binibigay sa akin ng grupong ‘yon. Akmang iinom ako sa boteng hawak nang biglang may umagaw nito sa akin. “The f**k?!” “Watch your language, Mitchell.” Napaatras ako nang makitang nakatayo sa harapan ko si Luke. “Anong problema mo?” tumaas agad ang boses ko. “Ikaw.” diretsahan niyang sabi, Hanga rin talaga ako sa kakapalan ng pagmumukha nitong lalaking ‘to. Paano niya ako nagawang harapin nang ganito sa kabila ng mga kasalanan niya sa akin? Tumawa ako. “Ako? Problema mo? Bakit?” tanong ko habang itinuturo ang sarili ko. Saglit siyang naglakad patungong basurahan at mabilis na itinapon doon ang bote. Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa ginawa niya. Kahit kailan pakialamero pa rin siya. “You’re ruining your life here.” mahina ngunit mariin niyang saad. I scoffed. “Matagal ng sira ang buhay ko, Lucas. At dahil ‘yon sa’yo. Dahil ‘yon sa pangingialam mo. Sinira mo ako dahil sa putanginang pangarap mo. Anong karapatan mong sabihin sa akin ‘yan ngayon?” His expression softened. Marahan siyang yumuko at inabot ang kamay ko ngunit mabilis kong binawi iyon sa kaniya. “Wala kang karapatang hawakan ako.” “Kung papakinggan mo lang ang paliwanag ko—“ Tumawa akong muli. “Paliwanag? Hindi na. Hinding-hindi na rin ako maniniwala sa’yo. Sinira mo lahat, Lucas. Sinira mo ako.” Nakita ko ang pagbuo ng luha sa kaniyang mga mata. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero umatras ako. “Please, Mitchell. Anong gusto mong gawin ko para maniwala ka sa akin ulit? Anong gusto mong gawin ko para bumalik tayo sa dati?” The funny thing I know about Lucas is that he believes that I am everything he assumed me to be at the out-set, humble, selfless and passive. Kasi iyon ako dati. Iyon ang nakikita niya sa akin noon. Masyado akong nakadepende sa kaniya at sa mga gusto niya. But that wasn’t me anymore. Marami nang nagbago sa akin magmula ng umalis ako sa Pilipinas. Lumapit pa siya sa akin kaya muli akong umatras. “Anong gagawin ko para mapatawad mo ako?” sabi niya, nagmamakaawa na. Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko dahil sa galit. Gusto ko siyang sampalin at saktan pero hindi ko magawa. Matalim ang tingin na ibinigay ko sa kaniya. “Lumuhod ka sa harapan ko at pagkatapos ay umuwi ka ng Pilipinas. Sa ganoong paraan baka sakaling mapatawad kita.” Napaawang ang kaniyang labi dahil sa narinig. “Mitchell…” “Ayaw na kitang makita. Dahil maski anino mo, kinamumuhian ko.” Naramdaman ko ang pagpatak ng luha sa pisngi ko. Marahas na pinunasan ko ang mga ito bago tumalikod sa kaniya. Kahit anong sabihin niya, kahit anong gawin niya, hindi na magbabago ang isip ko. Hinding-hindi na ulit ako magpapaloko sa kaniya. He ruined me. Tama lang na pagdusahan niya ang ginawa niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook