CHAPTER V
HALOS lumuwa ang mga mata ni Madeline nang makapasok na sila sa loob ng Girls Dormitory. Kulay puti ang wall nito, sa kaliwa ay naroroon ang malawak na Receiving Area at sa kanan naman ay pinto na tiyak niyang Canteen dahil sa malaking logo ng isang chef sa taas ng pituan. Sa gitna ay may hagdan paakyat sa ikawalawang palapag kung saan naroroon ang mga kuwarto.
“Nia siya ba ang bago mong roommate?” bungad na tanong ng isang babaeng kalalabas lang sa kanang pinto.
Tumango si Nia at hindi na pinagkaabalahang kausapin pa ito. Hinila siya nito paakyat at parang nagmamadaling umakyat.
“Puwede bang magdahan-dahan lang tayo sa pag-akyat? Medyo may kabigatan ang dala ko, eh,” pakiusap ni Madeline kay Nia na hila-hila siya sa kamay.
“Oh, I’m sorry,” nakangiti nitong saad at saka binagalan ang pag-akyat.
Nakahinga naman siya ng maluwag ngunit nahihirapan pa rin siya dahil hawak nito ang isa niyang kamay habang ang isa naman niyang kamay ay hila-hila ang may kabigatan niyang maleta.
Kung sana nag-alok man lang ito na tulungan siya, ano?
“Hindi lang kasi ako makapaghintay na ipakita sa’yo ang bago mong kuwarto. I designed it for you. Nang malaman ko kung sino ang magiging ka-roommate ko ay nag-stalk ako sa mga likes and dislikes mo,” pagkukuwento nito sa kanya habang patuloy lang sila sa paglalakad.
Kumunot ang noo ni Madeline at hindi makapaniwala sa sinabi nito. “Ini-stalk mo ako? Saan?”
“Social media accounts,” simpleng sagot nito. “ I browse on your f*******:, insta and twitter pati blog mo nahanap ko rin, kaya kahit papaano ay may alam na ako tungkol sa’yo.”
Lihim na napangiwi si Madeline, she finds this girl weird. Talagang ginawa nitong mag-stalk para lang malaman ang mga likes and dislikes niya?
Huminto ito sa pang-apat na kuwarto mula sa kaliwang bahagi ng second floor.
“Welcome to your new paradise, princess!” nakangiti nitong pinihit ang seradura ng pinto.
Dahan-dahang binuksan ni Nia ang pinto at bumungad sa harap ni Madeline ang kabuuan ng magiging kuwarto niya. Kulay asul ang mga dingding at kurtina, sa kanan ay may dalawang study table at maliit na bookshelf. Sa tabi nito ay may dalawang mahabang sofa na nakaharap ng malaking TV. Sa kaliwa naman ay ang magkatabing queen size bed at sa ‘di-kalayuan niyon ay isang pinto na may nakalagay na ‘Dressing Room’. May malaking salamin ding katabi ang pintuan na iyon at isa pang pinto na may nakalagay namang ‘Comfort Room’.
Hindi maipaliwanag ni Madeline kung ano ang magiging rekasyon sa sobrang gara ng magiging kuwarto niya. Kahit pa sabihing dalawa silang matutulog at magsasama doon, tingin niya parang sobra pa rin iyon.
“Do you like it?” tanong nito sa kanya.
Naiilang na tumango ang dalaga, nagustuhan niya ang disenyo ng kuwarto. Pasok na pasok sa panlasa niya.
“Ang ganda,” iyon lang ang mga salitang namutawi sa labi niya.
Napapalakpak si Nia sa tuwa at hinila ulit siya patungo sa pintong may nakasulat na ‘Dressing Room’.
“Sa kaliwa ang magiging corner mo and sa right naman ang akin.”
Napanganga si Madeline sa sobrang luwang ng dressing room akala niya ay isang walk-in cabinet lang iyon ngunit hindi pala. Parang isang buong kuwarto na ito ng kambal sa sobrang luwag. Puro cabinet ang nakikita niya at dalawang full length mirror sa gitna, sa kaliwang bahagi ng kuwarto ay walang masyadong dekorasyong makikita habang sa kanan ay punong-puno ng makukulay at iba’t ibang uri ng dekorasyon. Sa gitna ay may dalawang malaking heart shape cushion at carpeted ang sahig kaya napakakomportableng maglakad kahit walang sapin sa paa.
“Hindi ko na pinakialaman ang closet mo, baka mas gusto mo lang ng simple.”
“Mas okay nga ang ganito, salamat,” nakangiting tugon ni Madeline.
Humakbang siya papunta sa closet niya at nagsimulang isalansan ang mga gamit.
“Pagkatapos mong magsalansan ng mga damit mo, ito-tour kita sa buong dorm. Tiyak na magugustuhan mo dito,” nakangiting saad nito sa kanya.
Nginitian niya lang din ito at binilisan ang paglalagay ng mga gamit niya. Na-excite siya sa sinabi nitong ililibot siya sa buong dorm, gusto din naman niyang makita ang kabuuan ng bago niyang matitirahan sa napakahabang panahon.
Hindi nagtagal ay lumabas sila ng kuwarto at naglibot sa kabuuan. Masayang kasama si Nia, may pagka clingy ito ngunit bumabagay naman iyon sa itsura nito. Sa tingin niya ay magkakasundo sila ng bago niyang roommate, maliban lang sa pagiging sassy nito.
Una nilang pinuntahan ang Sports Area na napapagitnaan ng dalawang dorm. May maliit na soccer field, basketball court, badminton at volleyball court. May iilang estudyanteng naglalaro at ang iba ay nakaupo lang habang nanonood.
“Wow!” Hindi napigilan ni Madeline ang sarili at nailabas ang matinding paghanga sa nakita. Saan ka ba nakakita ng Dormitory na may sariling sports area? At wag ka, sobrang laki at luwang pa!
“Mahilig ka sa sports, right? And volleyball is one of your favorite sport, and we can play some time here. Marunong din naman ako maglaro ng volleyball,” nakangiting ani Nia.
“Paano mo nalamang mahilig akong maglaro ng volleyball?” nagtatakang tanong ni Madeline dito.
“I saw in your i********: post,” mabilis na sagot nito at kinuha ang cellphone sabay ipinakita sa kanya ang ilang larawan niya habang naglalaro.
Gustong mapalatak ni Madeline sa nakita, totoo nga talagang ini-stalk siya nito sa mga social media accounts niya.
“Puwede kang sumali sa volleyball team ng school, mukhang magaling ka sa larong ito.”
“Hindi naman masyado, sadyang mahilig lang ako maglaro.” aniya.
Pumasok ulit sila sa loob ng dorm, binisita nila ang kusina at sa likod ay naroon ang tinatawag nilang AIS Mini Park.
Tanaw nila ang hindi gaanong malawak na espasyo na napapalibutan ng iba’t-ibang kulay ng bulaklak at ilang malalaking puno na pinalilibutan ng mga sementong upuan. Agaw-pansin din ang water fountain na nasa pinakasentro ng parke.
“D-Dormitory ba ang napasukan o subdivision?” wala sa sariling bigkas ni Madeline na hindi maitago ang malaking paghanga sa mukha.
“This is an exclusive dormitory for the heirs and heiresses of those millionaire’s bastards. Kaya huwag ka ng magtaka sa gara ng mga nakikita mo, may isa ka pang hindi nakikita at alam kong magugustuhan mo doon.”
Bago pa man makapagsalita si Madeline ay hinila na siya ni Nia pabalik sa loob ng dorm at deretso sa elevator.
Pumasok sila doon at pinindot ang rooftop. Nasa limang palapag ang dorm at ikaanim ang rooftop. Maluwag ang loob ng elevator at kasya ang walong katao, nadedekorasyonan ng kulay pink na wallpaper at magkabilang salamin sa gilid.
Napaisip si Madeline kung karapat dapat nga ba siyang mag-stay sa ganoong karangyang dormitory. Hindi sila mahirap ngunit hindi din naman sila masasabing mayaman. Kung ikukumpara ang katayuan niya sa mga estudyanteng nandito ay para siyang langgam na nakikihalubilo sa mga elepante.
“Hey, don’t think of being a commoner here. Walang mang-aapi sayo dito na kagaya ng mga napapanood at nababasa mo sa mga w*****d stories. Students here are all nice and obedient, bawal ang makipag-away o manglait sa kapwa estudyante. Aside from those jerks na mahilig mag-umpisa ng gulo wala kang magiging problema dito,” sabi nitong hinawakan pa ang kamay niya.
‘Paano niya nabasa ang iniisip ko?’ tanong ni Madeline sa sarili niya.
“Basta, I will be your best buddy here. Kapag may problema ka, nandito lang ako at pagtutulungan nating masolusyunan iyan.”
Ngiti lang ang isinukli ni Madeline sa bago niyang kaibigan. Wala siyang masabi sa sobrang daldal nito, she likes her too at nagpapasalamat siya dahil sa simula pa lang ay may nakilala na siyang gaya nito.
Nang huminto ang elevator ay magkahawak-kamay silang lumabas. Halos malaglag ang panga ni Madeline sa nabungaran. Isang mini cafe lang naman ang nasa rooftop ng dorm. May maliit na bar stage, sa gitna ay may pintuan na hindi niya alam kung para saan. Iyong malaking karatulang nakita niya sa baba kanina ay isa pa lanng tulay na nagdudugtong sa dalawang dorm.
“Sa gabi ay mas maganda magtambay dito para mag star gazing. The Dean thinks of his students kaya pinayagan niyang magkaroon ng ganito. Ayaw niyang tumatakas ang mga estudyante niya sa gabi para lang magbarhopping o kung ano pa mang nightouts na maiisip ng mga estudyante,” pagkukuwento nito sa kanya.
Walang salitang gustong lumabas sa bibig niya. Ganito ba kayaman ang nasa likod ng paaralang ito? Napakagarbo ng Dorm na ito! Lihim na napabuntonghinga ng malalim si Madeline, nalula siya sa laki at rangya ng dormitory na titirahan niya sa loob ng panahong mag-aaral siya dito. Mapapabilang siya sa mga anak ng mayayamang negosyante sa loob at labas ng bansa. Sana lang gaya ng sinabi ni Nia wala siyang maging problema sa pag-stay niya dito.
***
“YOUNG MASTER nakahanda na po ang private plane na sasakyan mo pabalik ng Manila, at twelve midnight ang oras ng iyong pag-alis, pinapasabi ng Daddy mo na bukas ng umaga ay kailangan mong makipagkita sa kanila para pag-usapan kung paano mo masasabay ang pag-aaral at paghawak ng kompanya,” mahabang litanya ng kanyang sekretarya.
‘Finally!’ sigaw ni Jeru sa kanyang isip. Tinanguan niya si Mrs. Damian at ibinalik ang tingin sa mga papel na pinipirmahan.
It’s already ten in the evening here in California. Imbes na gumimik siya at magpakasaya ay pinili niyang manatili sa hotel na tinutuluyan at ayusin ang ilang bagay tungkol sa kanilang kompanya dito.
Pagkaalis ng kanyang sekretarya ay saka naman pumasok si Mr. Bauer at may dalang pagkain.
Naglakad ito palapit sa kanya at iniabot ang pagkaing dala.
“Kumain ka na, simula kaninang umaga hindi pa nalalamanan iyang sikmura mo,” sabi nito
Tinignan niya ang dala nitong pagkain at namangha nang makitang ang paborito niyang chicken adobo ang laman ng supot. Bigla siyang natakam at walang isang salitang nilantakan niya iyon.
“Salamat Uncle George,” nakangiting saad niya sa matanda.
Tango at ngiti lang ang itinugon ng matanda sa binata. Dahil dalawa lang silang naroroon at walang ibang nakakarinig hinahayaan niyang tawagin siya ng binata na Uncle.
“Saan ka nakabili ng pagkaing pinoy?” tanong ni Jeru.
“May nakilala akong pinoy habang naglilibot ako dito sa hotel. Tinanong ko kung puwede niya ba akong ipagluto ng adobo at babayaran ko na lang ‘kako siya,” sagot ng matanda.
Lihim siyang napailing at napangiti sa pagsisinungaling nito. Alam niyang ito ang nagluluto ng adobong iyon para sa kanya, hindi man nito nahahalata ay malakas ang panlasa niya at kahit anong pagbabago nito ng mga sangkap ay hindi mababago ang lasa ng lagi nitong inihahanda.
Pagkatapos niyang kumain ay agad siyang bumalik sa ginagawa at hindi na tinapunan ng tingin ang matanda. Sa edad bente-uno ay nagamay niya na ang lahat ng pasikot-sikot sa iba’t-ibang negosyong hinahawakan niya. Sa sobrang metikuloso ba naman ng kanyang Lola at Daddy ay sino ba ang hindi magiging matalino pagdating sa bagay na ganoon.