NABULAHAW sa mahimbing na pagtulog si Madeline nang makarinig ng sigaw mula sa labas ng kanyang kuwarto. Agad siyang bumangon sa pangambang may nangyayaring masama sa labas. Abot-abot pa ang kaba sa dibdib niya at kulang na lang ay atakehin siya sa puso.
“Mommy! Poppy! Nasa’n iyong kambal? Anong nangyayari? May sunog ba? “ Sunod-sunod niyang tanong pagkababa niya sa kwarto.
Nadatnan niya ang mga itong tulala at may hawak na papel, hinanap niya ang kambal pero gaya ng kanyang mga magulang ay tulala din ang mga ito. Nangunot ang noo ni Madeline at kinuha ang papel mula sa kamay ng kanyang ina. Biglang nanlaki ang mga mata niya at hindi din mapigilan ang mapatili ng malakas.
“Mommy, is this real?! “ Halos magtatalon siya sa tuwa sa nabasa.
Nakangiti namang tumango ang kanyang mommy habang ang kanyang ama ay maluha-luha sa sobrang galak sa pagdating ng magandang balita.
“Ate Madz, isa ka ng ganap na estudyante ng Acadia International School! Hindi mo na kailangan mag-take ng exam para makapasok! “ Tuwang-tuwang saad ni Bubu na yumakap pa sa kanya.
“It’s a miracle, Ate Madz! Ang galing naman, ayon diyan sa sulat isa ka sa mga nakatanggap ng full package scholarship program nila. Ibig sabihin wala kang babayaran hanggang sa makatapos ka!” Dagdag pa ni Ren-Ren na kababakasan din ng tuwa ang mukha.
“F-Full package scholarship?” Nawala ang ngiti sa labi ni Madeline sa narinig na sinabi ng kanyang kapatid.
“May problema ba anak sa full package na scholarship na iyan?” tanong ng Poppy niya nang mapuna ang pananahimik niya bigla.
“Ibig sabihin lang niyon kailangan kong mag-dorm, hindi ako makakauwi dito araw-araw,” malungkot niyang saad sa mga ito.
Natahimik ang lahat sa sinabi niya, ngunit nakangiting hinaplos ng kanyang Poppy ang kanyang ulo.
“Ano ka ba, okay lang iyon. Ganyan talaga ang buhay, kapag may gusto kang makamtan kailangan mong magsakripisyo. Hindi lahat ng bagay makukuha mo ng sabay-sabay, minsan kailangan mong mamili at bitiwan ang nakasanayan mo. People aren’t always there for you. That’s why you need to learn to handle things on your own. Always remember that we are here for you, no matter what happens. And—”
“Make yourself a priority once in a while. It’s not a selfish thing. It was just necessary.” Sabay-sabay nilang sabi.
Napangiti ang ama ni Madeline sa sinabi nila. Nakakataba ng puso kasi hindi man nila maibigay lahat ng pangangailangan ng mga ito, lumaki pa rin ang mga ito na mababait at may respeto sa isa’t-isa.
“Group hugs?” Maluwang ang ngiti ni Esme, ang Mommy ni Madeline.
“Group hugs!” chorus nilang apat at lumapit sa ilaw ng tahanan.
Wala nang nasabi pa si Madeline kundi tanggapin ang lahat. Tama ang kanyang ama, kailangan niyang magsakrapisyo para makamtan ang kanyang pangarap. Kailangan niyang tahakin ang landas nang mag-isa at alam naman niyang nasa likod niya lang ang pamilya niya at sumusuporta sa kanya.
Bitbit ang hindi kalakihang maleta ay mag-isang tinahak ni Madeline ang daan papuntang AIS Dormitory. May natanggap siyang tawag mula sa Head ng school at kailangan niya nang magtransfer sa dorm bago pa mag-umpisa ang eskuwela. Nakakalungkot at hindi man lang sila nakapag-bonding ng maayos ng pamilya niya bago siya mangabilang-bahay. Kahit ang kaunting selebrasyon ay hindi nila nagawa.
May sasakyan pa na sumundo sa kanya kaya naman hindi na nakasama pa ang mga magulang at kapatid niya.
Nang nasa tapat na siya ng magkabilang gusali ay hindi niya napigilang mapahanga sa naglalakihang gusali. Isang kulay krema at asul na gusali at kapwa matatayog na nakatayo sa harapan niya. Isa para sa mga lalaki at isa naman para sa mga babae, parehas may tatlong palapag ang mga ito. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harap na siya ng pinapangarap niyang eskuwelan. Well, not exactly the school but she’s definitely in the perimeter.
“Hi, you must be Madeline Mijarez?” tanong nang isang payat at matangkad na babae na nakasandal sa isang poste malapit sa pinto ng gusali.
Nakangiting tumango si Madeline at lihim na sinipat ang kaharap. Makinis ang kutis nito at halatang galing sa mayamang angkan. Kulay blonde ang buhok nito na hanggang balikat lang ang haba. Balingkinitan din ang katawan nito at mahahalatang may lahing espanyol.
Lumapit ito sa kanya at tinignan siya mula ulo hanggang paa, umikot din ito ng isang beses sa kanya. Nagulat si Madeline nang bigla na lang siya nitong yakapin ng mahigpit.
“Welcome to AIS Dorm, kanina pa ako naghihintay sa pagdating mo. Akala ko hindi ka na darating. I’m Naiah Scott, ang makakasama mo sa kwarto, nice to finally meet you!” masiglang bati sa kanya ni Naiah.
“Ah, hello. Hindi ako makahinga,” Nahihirapang wika ni Madeline at pilit na kumakawala sa yakap ni Naiah .
“Ay sorry, I’m just happy na kasing-ganda ko ang roommate ko,” sabi ni Naiah na sinamahan pa ng bungisngis.
“Hey Naiah, siya na ba iyong tinutukoy mong bagong roommate mo?” tanong ng isang boses lalaki mula sa likuran ni Madz.
Kumislap ang mga mata ni Nia at umangkla sa braso ni Madz.
‘Jeezz! Napaka clingy masyado ng kaharap ko.’ Sabi ni Madeline sa sarili at napabuntong hininga.
“Yes, she is! And she’s gorgeous like me, and we are fated to be roommate talaga. Right, Madeline?” Naiah said with a joyful tone and hugged her again.
Nakangiting tumango si Madeline at pasimpleng inilayo ang sarili kay Nia.
“So, your name is Madeline, huh?” utas ng bagong dating na lalaki.
“Shut up, Nichollo, don’t you dare lay your finger on her!” Nakasimangot na sita ni Naiah sa nangngangalang Nichollo.
Nichollo Sarmiento, one of the heartthrobs of AIS. Kilala ito bilang palikero at pilyo, he even dated one of his Professors and played the Dean's daughter's heart. Paano niya alam? Kasi isa ito sa mga lalaking hinahangaan niya at gustong maging kaibigan.
“Ow, come on, Naiah. I want to greet and welcome her just like you do, remember magiging neighbor ko na din siya.” Nakangiting utas ni Nichollo sabay kindat pa kay Madeline.
Gusto niya sanang tarayan at barahin ang binata ngunit baka mapahiya lang siya at magkaroon agad ng masamang impresyon sa mga ito.
“Greet mo mukha mo, kilala kita Nichollo. Let’s go inside Madeline, polluted ang hangin dito sa labas.” Saad ni Naiah at hinila na papasok sa dorm si Madeline.
Walang nagawa si Madeline kundi ang sumunod kay Naiah na bitbit ang dala niyang maleta. Pero bago siya tuluyang makapasok sa loob ay nakita niya ang pamilyar na mukha ng isang lalaki sa ‘di kalayuan. Nakasandal ito sa gate at nakakibit ang mga balikat na nakatingin sa kanya.
Naipilig niya ang ulo niya at pilit inalala kung saan niya ba ito nakita. Saka niya na lang iisipin niyon, ang kailangan niyang pagtuunan ng pansin sa ngayon ay ang bago niyang kakilala na kung makakapit sa kanya ay para bang sobrang lapit nila sa isa’t isa.