CHAPTER 12 Masigabong palakpakan ang narinig ni Madeline pagkatapos ng pangatlong performance ng inupahang banda para sa gabing iyon. Iyon din ang unang beses na may nagperform na banda sa Cool Bratz sa loob ng isang linggong pagtatrabaho niya doon. Sa loob ng mga nagdaang araw ay talagang naging abala siya sa Café at pag-aasikaso sa mga requirements para sa enrollement. Sa susunod na linggo na ang pasukan kaya naman ay kailangan niyang maipasa at bukas ay kailangan niyang umuwi muna sa kanila at pinayagan siyang lumabas ng Dean para asikasuhin ang ilan pa niyang mahahalagang dokumento at para na rin makita niya ang kanyang pamilya dahil baka matagal pang masundan iyon. “Kaya pa ba?” tanong sa kanya ni Dave na may binigay ulit sa kanyang dalawang papel na may nakasulat na order. Dumadag

