**** Bigo si Madeline na malaman kung sino ang nag-sponsor ng Scholarship niya, masyado raw mahigpit ang bilin ng kung sinumang iyon na huwag ipaalam sa kanya at baka tanggihan niya kapag nalaman niya kung sino ito. Pagkatapos nila sa Admission Office ay dumiretso na sila sa Canteen upang mag-agahan. Alas diyes na ng umaga at kumakalam na rin ang kanyang sikmura dahil hindi siya kumain kanina pag-alis. “Ang dami mo namang inoder! Kaya mong ubusin iyan?” nagtatakang tanong niya rito. Dalawang tray iyon na parehong puno ng iba’t ibang putahe. May sunny side up eggs, tocine, ham at hotdog. Humahalimuyak din ang bango ng sinangag na mas lalong nagpagutom sa kanya. “Sasaluhan mo ako,” nakangiting sabi nito sa kanya at inilapag ang ibang pagkain sa harap niya. Napakamot siya sa batok at napa

