CHAPTER 11 “Good morning!” bungad sa kanya ni Nia pagkabukas na pagkabukas niya ng kanyang pinto. “Good morning, ahm . . . may kasalanan ako sa’yo,” agad niyang sabi rito. Baka kasi nagsabi si Jeru na nakialam siya ng pagkain nito kagabi. “Ano iyon?” kunot-noong tanong nito sa kanya. Huminga siya ng malalim bago nagsalita. “Kagabi kasi pagkauwi ko, n-nagtimpla ako ng gatas . . . nanghingi na muna ako sa stocks mo. Babayaran din naman kita, mag-go-grocery ako ngayon after ko magpuntang Admission Office.” Tumawa ito ng mahina. “Ano ka ba, okay lang iyon. Akala ko naman kung ano na. Ano’ng oras ka nakauwi kagabi? Pasensya ka na kung hindi kita nahintay na, ah. Kinailangan ko kasing gamutin ang sugat ni Jeru,” mahabang salaysay nito sa kanya. Ngumiti siya at umiling. “Okay lang iyon, nak

