CHAPTER 27.2 “Welcome back, Ems!” masayang bati sa kanya ni Jacque sabay yakap sa kanya. Lumapit naman ang iba pa nilang kasamahan at binati rin siya. “Parang ang tagal ng tatlong araw na wala ka, ah. Alam mo bang ang daming naghahanap sa’yo na mga costumer? Akala ko nga magsasara na ako dahil sa kakulitan nila,” reklamo agad sa kanya ni Sir Jackson. “Bakit daw? Eh, may barista naman kayo no’ng wala ako, ‘di ba?” kunot-noong tanong niya dito. “Ba! Malay ko, ayaw ko namang paulit-ulit na sagutin mga tanong nila,” salubong ang kilay na sagot nito sa kanya. “O, kumusta ang biyahe? Hindi ba malakas ang bagyo sa lugar na iyon?” tanong naman ni Dave. Natigilan siya at bigla na lang lumitaw sa kanyang balintataw ang nangyari sa kanila ni Jeru. No! Hindi ko na dapat iniisip

