Chapter 15

1578 Words
Kylie's Pov "What!!!?" sabay na sabi ng mag asawang Jimenez. "Hmmm, willing naman po ako mag explain sa inyo, kung okay lang po?" seryoso kong sabi. "Makikinig kami sa paliwanag mo, pero sa ngayon kumain muna tayo, lalamig ang pagkain." sabi naman ni tito Roland. "Okay, kung ganun kumain na tayo." sabi naman ng mommy ni Kate na si Kath. Nagsiupo at kumain na ang lahat wala kang maririnig na ingay kundi ang tunog ng mga kubyertos lamang. Pagkatapos kumain ay nagyaya na nga si tita Kath na mag tsaa sa garden may kubo kasi don sa lilim ng punong mangga. Magkatabi kami ni Kate habang nasa kabilang bahagi naman ang mag asawa. "So hija sabihin mo na sa amin ang mga gusto naming malaman." sabi ni tito Roland "Ehemm..." tiningnan ko sila isa-isa na pawang tahimik at nag aantay sa kwento ko. "Go on hija, makikinig kami." sabi naman ni tita Kath na nakangiti parang gumaan ng kaunti ang pakiramdam nya. Humugot muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago nag-umpisa. "Uumpisahan ko po yung kwento ko ay nang matapos ako ng high school, i decided na kumuha nalang muna ng vocational course, so kinuha ko po ang course sa massage." "Then after ko pong maggraduate with in 6months, nag start akong magwork as home service massage therapist sa amin, hindi pa po kasi ako pwede sa spa kasi seventeen palang po ako that time." "Nang mag eightteen ako nagdecide akong mag work sa spa dito sa Manila, so nagwork po ako sa mismong spa na pinapasukan ko ngayon." "Diyan po nagstart yung mga disisyon kong mag-ipon para sa future ko. And about sa sarili ko naman po." "From the start palang po kasi alam ko ng lesbian ako, alam ko na pong babae po ang gusto ko, so nag ipon po ako ng pera kasi gusto kong mag kaanak pag nag edad ako ng twenty at--." "Bakit bigla mong naisipang magkaanak kung babae ang gusto mo?" putol sa akin ni Kate. Ngumiti lang ako at pinagpatuloy ang sasabihin ko. "At nang makaipon ako, i talk to my best friend Dave. Ilang months ko syang pinilit na pumayag sa gusto ko, i know na wala kaming commitment dalawa, sya lang naiisip kong lalaki na pwedeng maging ama ng anak ko that time, hanggang sa napapayag ko sya." "Then, parents ko naman ang kinausap ko and parents niya, sa una hindi rin sila pumayag, mahabang paliwanagan muna po bago ko po sila napapayag." "Kinausap ko sila na, ang magiging anak namin ni Dave ay apilyedo nila ang gagamitin at sinabi kong hindi ko sa kanila ipagkakait ang bata, noong una pa nga po eh gusto nilang ikasal kami ni Dave, pero ng sinabi kong babae talaga ang gusto ko di na sila nagpilit kahit ilang beses nilang sabihing bagay kaming dalawa." "And after three months ng pag try namin, nagkabunga din ang lahat and another nine months nakita ko ang taong biglang magpapabago ng buhay ko." "Sa totoo lang po napakaselfish ng reason ko kung bakit gusto kong magkaanak, dahil gusto kong may mag alaga sa akin sa pag tanda ko, that's my reason noong una, hanggang sa dumating sya sa life ko, biglang nagkaroon ng reason kung bakit kailangan kong kumayod para mabigyan sya ng magandang life, kahit one year ko lang syang inalagaan." "Ngayon, five years old na sya, mas nagkakaroon ako ng reason magtrabaho para sa kanya. And i'm so proud na lumalaki syang bibo at matalino." "If you don't mind hija, kamusta naman ang relasyon mo sa ama ng anak mo?" tanong ni tito Roland. "We're good po tito para sa baby namin, wala po kaming ibang relasyon maliban sa may anak kami, magbest friend pa rin po kami. At parehas po kaming wala sa piling ng anak namin ngayon, seaman po kasi sya once or twice a year lang sya kung makababa." " And kung relationship naman po ng anak ko sa family nya eh, okay na okay din po minsan po hinihiram nila si Princess sa parents ko." "So hija malinaw na sa amin ito, my question now is how about my daughter? Ano sya sayo?" seryosong tanong ng ama ni Kate. Tiningnan ko muna si tito Roland bago tiningnan sa mga mata si Kate, at hinawakan ang mga kamay nito. " Sa totoo lang po, matagal ko na po syang minamahal at pinapangarap, natatakot lang akong subukan kasi ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin." sabi kong hindi tinatanggal ang pakakatitig sa mga mata nito. Nagulat pa ito sa sinabi ko, bigla nalamang akong niyakap ng mahigpit nito, gumanti ako ng yakap at hinimas ang likod nito ng mapansin kong umiiyak na ito. "Shhhh, stop crying baby. Handa akong mahalin ka ng buong puso Kate, kung matatanggap mo ako bilang ako at ang baby ko.?" tumikal naman ito sa pagkakayakap ng marinig ang sinabi ko. "Wala sa aking problema Kylie basta mahal kita, tanggap kita at ang baby mo este baby natin." nakangiti nitong sabi at hinawakan ang pisngi ko at mabilis akong hinalikan sa mga labi . "Ehemm, mga hija andito pa kami if hindi nyo alam." sani ng mommy nito na natatawa. Tumikal na ito at umayos ng upo. "Ahm tita Kath and tito Roland, kung okay lang po ba sa inyong maging girlfriend ko ang anak ninyo?" seryoso kong tanong sa mga ito. "Hindi ako papayag." sabi ng daddy nito. "Dad akala ko ba--" sabi ni Kate "Hindi ako papayag na hindi ka nya maging girlfriend matapos ang ginawa mo sa anak ko kagabi." Nakangiti na nitong sabi. Biglang nag-init ang pisngi at tainga ko sa sinabi nito. "Dad naman eh, akala ko ba maaga kayong natulog kagabi?" namumula ring sabi ni Kate. "Naku kang bata, nagbibiro lang kami ng dad mo kanina kaya lang mukhang meron nga kayong ginawa nahuli tuloy namin kayo." natatawang sabi naman ng mommy nito at tumayo na para makalabas ng kubo. Tumayo na rin si tito Roland. "Ayusin ninyo ang mga dapat ayusin , pag usapan ang mga dapat pag usapan. Mauna na muna kami may gagawin pa kami ng mommy nyo." sabi nito sabay kindat at sumunod na rin sa asawa. Natawa nalang kaming dalawa sa kalukuhan na naiisip ng ama nito. Naiwan kaming dalawa ni Kate sa kubo. Parehas tahimik, nakatungo pa rin si Kate at namumula. Hinawakan ko ang baba nito at pinaharap sa akin. "Hey wag ka na mahiya, pinanindigan na kita di ba? Tyaka di mo na kailangan manligaw, ang mahalaga mahal kita." sabi ko at hinalikan ulit ito sa labi, tumugon naman agad ito, tumigil lang kami ng kapwa na nauubusan na ng hininga. Pinagdikit ang mga noo. "I love you more Kylie. So official na to? Tayo na?" "I love you more and more Rhaine Kate Jimenez, and official na, na tayo na." nakangiti kong sabi. "I can't wait na makita ang Princess natin bhabe." nakangiti nitong sabi. "Soon bhabe, magbabakasyon tayo don this coming august fiesta doon sa amin." "Bhabe maiba ako, kelan mo nalamang mahal mo na ako?" "Yung totoo sa bus palang iba na feelings ko sayo, lalo na ng makita kita ulit alam kong crush na kita, pero nung minahal kita? hmmm" tumingala pa ako at tinapik tapik ng hintuturo ang aking baba na parang nag iisip. " di ko alam kung kelan bhabe, basta ang alam ko matagal ka ng special sa puso ko." nakangiti kong sabi sabay kindat at kagat sa ibabang labi. Tumungo lang ito na, halatang kinikilig, pulang pula na kasi ang pisngi at tainga nito. so cute talaga ng mahal ko. "Eh ikaw bhabe, kelan mo nalamang mahal mo na ako?" tanong ko rito. Umayos naman ito ng upo at tiningnan ako sa mata. "Parang katulad sayo, unang kita ko palang sayo may iba na, kaya lang that time heart broken pa ako. Pero nung makita kita nung birthday mo at nung halikan ka. Hindi ko akalain na biglang mag iiba ang feelings ko sayo, alam kong ---" "Alam mong hinalikan mo ako nung birthday ko? So ibig sabihin hindi ka lasing at walang naaalala?" putol ko dito. Nakangiti itong tumango na namumula ang pisngi. "Sorry bhabe, ayaw ko kasing magkailangan tayo kaya sinabi ko nalang na wala akong naaalala."nagpeace sign pa ito pagkasabi. Napakangiti nalang ako. Tumayo na ako para makabalik sa kwarto nito kaylangan kong umuwi ng Cavite, birthday kasi ni Mitch ngayon. "Where are you going? Galit ka ba kasi nagsinungaling ako?" malungkot nitong sabi, kaya hinarap ko ito. "Need nating pumuntang Cavite now, yun ay kung gusto mong sumama sa akin, and no, hindi ako galit sayo,okay? Magalit na ako sa sarili ko wag lang sayo." sabi ko sabay pisil ng mahina sa ilong nito. Nakangiti na itong tumayo at hinawakan ang kamay ko. "Ganun din ako sayo, mahal na mahal kita Kylie Luna at wala ng iba." nakangiti nitong sabi at hinalikan ang likod ng kamay ko. Naglakad na kami papasok sa bahay nila at dumeretso na sa kwarto nito upang makapaggayak na para makauwi ng Cavite. Nagpaalam kami sa parents nito bago umalis. Ginamit nito ang sariling kotse kesa daw magcommute kami. -----itutuloy---- . . . . . . . . . . .hello guys, please comment kung may gusto po kayong idagdag sa kwento or kung anong mali sa kwentong gawa ko....wag lang yung ibang typos guys pakiintindi nlang po...thank you.... pero kung may suggestion po kayo about sa story willing naman ako isingit kung kaya☺ iloveyouallguys Ingatalways❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD