Chapter 16

1480 Words
Kylie's Pov Habang nasa sasakyan kami ni Kate ay puro kulitan at kwentuhan ang aming ginawa. Dumaan muna kami sa mall upang bumili ng cake at gift para sa pinsan ko. Pagdating namin sa Cavite sa bahay nila Mitch ay magkahawak kamay kami nito, normal na namin yun ginagawa dati pa. Pagpasok sa gate ay sinalubong agad kami nito. "Hey cuz, akala ko hindi na kayo pupunta, magtatampo na sana ako." sabi nitong kunyare busangot ang mukha. "Happy birthday cuz, tyaka wag ka magtampo kelan ba ako nawala sa birthday mo.hahaha" tatawa ko sabi dito, niyakap ko ito at inabot ang cake na hawak ko. "Salamat cuz nag-abala ka pa." "Happy birthday Mitch." Bati naman ni Kate at ito naman ang yumakap, inabot na din nito ang gift namin. " Gift namin sayo." "Salamat Kate sobra." "Hmm cuz, baka naman gusto mo na kami papasukin?" --Kylie "Aiii sorry cuz and Kate, arat na nag-aantay na don sila Lowkie sa may garden, pero bago kayo pumunta don kain muna kayo sa kusina." sabi nito at niyaya na kaming pumasok sa bahay nito. Mag-isa lang si Mitch sa bahay nila nasa ibang bansa kasi ang tatay nito at ang nanay naman ay nasa probinsya. "Hey cuz, alam ba nila Ica na andito na kami?" tanong ko. "Ai oo alam nila, mauna na ako don insan sa garden kain lang kayo dyan ni Kate hah?" sabi nito at may binulong sa akin "Bilisan mo cuz may nag aantay sayo sa garden" sabi nito sabay kindat bago umalis. Naiwan akong nakakunot nuo, may nag aantay sa akin? sino naman kaya yun? "Ehemm, mukhang may secret kayo ng pinsan mo ahh, ano yun?" sabi ni Kate na nagpalingon sa akin dito. "Hindi ko alam bhabe, sabi nya may nag aantay daw sa akin sa garden." nakakunot noo kong sabi. Lumaki naman ang mata nito at napatakip sa bibig habang namumula. kinikilig ba sya.? sa isip isip ko. "Bakiy ganyan ang reaksyon mo bhabe may nasabi ba akong di maganda or something?" takang tanong ko naman dito. Umiling lang ito sabay sabing. "Bhabe??? Ehhhhh!!! kinikilig ako...!!!" sabi nito sabay yakap sa akin. Yun lang pala yun akala ko kung ano na.heheheh "Bakit? ayaw mo nung indearment na yun bhabe?" tanong ko naman dito, umiling lang ito at tumikal na sa pagkakayakap nya sa akin. "Hindi,actually gustong gusto ko bhabe, i love you." sabi nito sabay kiss lips ko, kaya na pangiti nalang ako. "Hehehe BTW, ano sapalagay mo ano yung nag aantay sa akin don sa garden?" balik ko sa topoc namin kanina. "Hmmm....Baka alak lang gusto nun sabihin, alam mo naman yung mga pinsan mo." nakangiti nitong sabi, napatango nalang ako, maybe yun nga ang gusto nilang sabihin. "Baka, so kain na muna tayo?" kumuha ako ng plato, nilagyan ko yun ng lompiang shanghai, palabok, at kutsinta inabot ko ito sa kanya. Aabutin na sana nito ang plato pero nilayo ko ito, nilapit ko ang mukha ko at nagpout ng lips. "Kiss ko muna?" sabi ko at pinikit ang mata. Natawa naman ito. "Ai ganun? Okay ako nalang kukuha ng pagkain ko." tatawa tawa nitong sabi at kumuha na ng plato. "Parang kiss lang apaka-damot eh" nakasimangot kong sabi. "Hahaha you're so cute bhabe." sabi nito at hinawakan ang baba ko at hinalikan sa labi. Saglit lang yung kiss na yun pero, iba yung kilig na nararamdaman ko. Yung tipong tatalon ang puso ko sa sayang nafefeel. "Kain na talaga tayo bhabe, baka di ako makapagpigil ikaw ang kainin ko eh." sabi ko sabay kindat. Hinampas naman ako nito sa braso habang namumula ang pisngi nito. "Puro ka talaga biro kahit kailan." sabi nito. "Hindi ako nagbibiro nuh, gusto mo patunayan ko? Baka hindi na tayo kumain at lumabas na dito, iuuwi kita sa apartment ko or maybe sa condo mo para solo tayo walang istorbo. hahaha" asar ko pa dito, kaya panibagong hampas nanaman ang natamo ko. " Tumigil ka nga ng ganyan mo Kylie, baka marinig ka ng mga pinsan mo nakakahiya. Akin na yang pagkain ko at nang makakain na tayo." sabi nito, kinuha ang plato sa kamay ko at nag-umpisa ng kumain. Kumain na din ako, baka kasi nag aantay na yung mga pinsan ko, excited na pati akong sabihin sa kanila ang relationship namin ni Kate. After namin kumain ay dumeretso na kami sa labas sa may mini garden nila Mitch, malayo palang rinig ko na ang ingay at asaran ng mga ito. Magkawak kamay kami ni Kate ng pumunta sa may table ng mga pinsan ko. Bago pa kami makarating sa table eh napansin ko na ang isang babaeng medyo mahaba at tuwid ang buhok na nakatalikod sa amin. Napakunot noo ako, di ko matandaan kung sinong pinsan ko yun? "Oh andito na pala sila!!!" sigaw ni Kath. Sabay sabay silang napalingon pati ang babaeng mahaba ang buhok. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang maamo at maganda nitong mukha. "Tr-trisha?" nakakunot noo kong tanong. "Yeah, it's me Kylie, did you miss me." lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. "Kasi ako namiss kita ng sobra." lumayo lang ito saglit at nakangiting pinagmamasdan ako. Di ako makagalaw, hindi ako makapagsalita, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Nakatitig lang ako sa mukha nito. Nang maramdaman kong bumitaw sa kamay ko si Kate saka lang ako natauhan. Tiningnan ko sa mata si Kate at nakikita kong nalilito ito, kinuha ko ulit ang kamay nito. "Ehhemm!" agaw ko sa atensyon ng mga pinsan ko. Di ko pinansin ang mga pinupukol na tingin sa akin ni Trisha. "Trisha, and mga cuz si Kate girlfriend ko." sabi ko sa kanila na nakangiti, kita ko sa kanila ang gulat sa mga reaksyon nila. "What?!!" sabay sabay nilang sabi. "She's my girlfriend, mahirap ba yung paniwalaan?" tanong ko sa mga ito. "Wait!, cuz are you serious? she's your girlfriend, how?..... putcha napapa english tuloy ako.hahaha" sabi ni Ica. Tiningnan ko si Kate na namumula habang nakangiti. Napangiti nalang din ako. "Hmft let's just say na mahal namin ang isa't isa kaya girlfriend ko sya." paliwanag ko. "Akala namin straight ka Kate, kasi matagal na naming sense na may gusto sayo itong si Kylie kaya lang di ka mapormahan kasi straight ka, what happen?" takang tanong naman ni Mark. "Dati akala ko straight ako, not untill nakilala ko si Kylie." nakangiting sabi ni Kate. " Akala namin kasi Kylie kaya ka hindi nagkakajowa kasi hindi ka pa nakakamove on kay Trisha kaya nung nalaman namin andito sya sa Pinas agad namin syang kinontak at inaya dito sa birthday ko." Sabi ni Mitch at kakamot kamot pa sa sentido gamit ang hintuturo. "So Trisha is not your cousin she's your ex?" sabi ni Kate sa seryoso nitong boses. "Sorry talaga Kate, di namin alam na kayo na pala ni Kylie." sabi ni Mitch Hinarap ko naman itong si Kate at hinawakan ang kamay nito at tinitigan sa mata. "I'll tell you everything later okay? I'll promise." nakikiusap kong sabi. Hindi ito kumìbo, mataman lamang itong nakatingin sa akin, waring tinatancha ang sasabihin. Hinarap ko ang mga pinsan ko pati na rin si Trisha. " Sorry guys but we need to go, bawi nalang ako next time okay?" hinawakan ko na ang kamay nito, inaya na itong lumabas. "Let's go bhabe i explain you everything" mahina kong sabi yung tipong sya lang ang makakarinig. "No, nakakahiya naman kay Mitch, i think mamaya nalang tayo mag usap." seryoso nitong sabi. Hinawakan ko ito sa kamay at inaya sa malayong parte nang bahay yung kami lang dalawa. " Bhabe uwi nalang tayo please, hindi tayo mag eenjoy kapag ganito yung atmosphere sa ating dalawa, please." nakikiusap kong sabi. "Ganyan ka pa ba ka-affected sa ex mo? Yung tipong hindi mo sya kayang harapin. Kylie isang tanong, isang sagot. Nakamove on ka na ba sa kanya? Sagutin mo ng totoo yan please." seryoso nitong sabi. Hinawakan ko ang dalawa nitong kamay at tiningnan sya sa mata bago nagsalita. "Nakamove on na ako sa kanya noon pa, hindi ko lang talaga sya ine-expect ngayon sa birthday ni Mitch, ngayon lang kami ulit nagkita after ng break-up namin kaya naiilang ako." Paliwanag ko dito. Ngumiti na ito. "Makikinig ako sa paliwanag mo mamaya, pero ngayon humarap muna tayo sa kanila okay? I love you Kylie." "I love you more Kate." sabi ko at hinalikan ito sa noo. " Promise natin sa isa't isa na aantayin natin ang paliwanag ng isa't isa bago magalit okay?" nagpinky-promise pa ako para sigurado. Parehas kaming nakangiti ng bumalik sa table. -----itutuloy----- . . . . . . . . . . . . . . . .hello po guys, thanks po pala sa mga matyaga kong readers na nag aabang lagi ng updates ko hope na di kayo magsawang suportahan ang story kong ito. iloveyouallguys staysafealways❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD