Kate's Pov
Masayang magkahawak kamay kami ni Kylie papunta sa mini garden nila Mitch kung saan ito nag iinum kasama ang mga pinsan nila.
Malayo palang ay dinig na namin ang harutan at kulitan ng mga ito.
Habang papalapit ay napansin ko ang isang babaeng nakatalikod sa amin. Hindi ko matandaan kung sinong pinsan nya ito, hmm maybe girlfriend ng isa sa pinsan nila. Sabi ng isip ko.
"Oh, andito na pala sila!!!" sigaw ni Kath.
Humarap sila sa amin, pati ang babaeng nakatalikod. Nakangiti ito habang nakatingin sa amin. Kapansin-pansin ang chinita nitong mata, maliit na ilong bagamat matangos, kissable lips din ito, balingkitang katawan at masasabi kong maganda ito.
Bigla namang huminto si Kylie sa paglalakad na kinataka ko.
"Tr-trisha?" nakakunot noo nitong tanong.
"Yeah, it's me Kylie, did you miss me." lumapit ito sa kanya, niyakap sya ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. "Kasi ako namiss kita ng sobra." lumayo lang ito saglit at nakangiting pinagmamasdan si Kylie na waring ito lamang ang nakikita at wala ng iba.
Bigla akong nakaramdam ng selos sa ginawi nito, binitawan ko ang kamay ni Kylie na nakahawak sa akin.
Humarap ito sa akin, hinawakan ang dalawa kong kamay at tiningnan sa mata.
Masaya akong pinakilala sa mga pinsan nito pati sa babaeng nasa harap nito bilang girlfriend nya.
Hindi ko ini-expect na ngayon din nya ako ipapakilala sa mga pinsan nya, hindi ko mapigilan ang pamulahan ng mukha.
Madami pang mga katanungan sa amin ang mga pinsan ni Kylie, hindi sila makapaniwala na magiging kami.
Kinikilig na sana ako, nang biglang may sinabi si Mitch na nagpabago bigla ng mood ko.
" Akala namin kasi Kylie kaya ka hindi nagkakajowa kasi hindi ka pa nakakamove on kay Trisha kaya nung nalaman namin andito sya sa Pinas agad namin syang kinontak at inaya dito sa birthday ko." Sabi ni Mitch at kakamot kamot pa sa sentido gamit ang hintuturo.
"So Trisha is not your cousin she's your ex?" sabi ko sa seryosong boses.
"Sorry talaga Kate, di namin alam na kayo na pala ni Kylie." sabi ni Mitch
Hinarap naman ako ni Kylie, hinawakan ang kamay ko at tinitigan sa mata.
"I'll tell you everything later okay? I promise." nakikiusap nitong sabi.
Hindi ako makakibo, hindi ko alam ang dapat kong sabihin at dapat kong gawin.
Hinarap nito ang mga pinsan nito at nagpaalam.
" Sorry guys but we need to go, bawi nalang ako next time okay?" hinawakan nito ang kamay ko, inaya na akong lumabas. "Let's go bhabe i explain you everything" mahina nitong sabi yung tipong ako lang ang makakarinig.
"No, nakakahiya naman kay Mitch, i think mamaya nalang tayo mag usap." seryoso kong sabi.
Hinawakan ako nito sa kamay at inaya sa malayong parte nang bahay yung kami lang dalawa.
" Bhabe uwi nalang tayo please, hindi tayo mag eenjoy kapag ganito yung atmosphere sa ating dalawa, please." nakikiusap nitong sabi.
"Ganyan ka pa ba ka-affected sa ex mo? Yung tipong hindi mo sya kayang harapin. Kylie isang tanong, isang sagot. Nakamove on ka na ba sa kanya? Sagutin mo ng totoo yan please." seryoso kong sabi.
Hinawakan nito ang dalawa kong kamay at tiningnan sya sa mata bago nagsalita.
"Nakamove on na ako sa kanya noon pa, hindi ko lang talaga sya ine-expect ngayon sa birthday ni Mitch, ngayon lang kami ulit nagkita after ng break-up namin kaya naiilang ako." Paliwanag naman nito.
Ngumiti na ako. Naisip ko kung gusto kong tumagal ang relasyon namin kailangan naming magtiwala sa isa't isa.
"Makikinig ako sa paliwanag mo mamaya, pero ngayon humarap muna tayo sa kanila okay? I love you Kylie."
"I love you more Kate." sabi nito at hinalikan ako sa noo. " Promise natin sa isa't isa na aantayin natin ang paliwanag ng bawat isa bago magalit okay?" nagpinky-promise pa ito para sigurado.
Parehas kaming nakangiti ng bumalik sa table.
Magkatabi kami sa upuan, katapat ko si Trisha and katabi ko sa kaliwa si Mitch, si Kylie naman katabi nya sa kanan ay si Kath.
Medyo awkward man na kaharap ko ex nya, kailangan kong makisama.
Nag-iinuman na at nagkakasiyahan na sila, nanataling tahimik lang ako , ngumingiti paminsan minsan.
Di naman binibitawan ni Kylie ang isang kamay ko, kahit na anong mangyari.
Habang nagkwekwentuhan ay tumayo si Trisha, nakangiti habang nakatingin kay Kylie.
"Ahm mauna na ako guys, i need to go, kaya lang bago sana ako umalis eh, ahm Kate pwede ko bang makausap si Kylie ng kami lang? Kung okay lang sayo?" sensiro nitong sabi, wala akong naramdaman na pag aalinlangan sa gusto nyang mangyari.
Tiningnan ako ni Kylie na parang sa akin humuhingi ng pahintulot.
Ngumiti ako ng bahagya tyaka marahang tumango. Lumapit ito sa akin at may binulong
"Usap lang to bhabe i'll promise." nakangiti nitong bulong.
"May tiwala naman ako sayo bhabe." sabi ko na nakangiti sabay kindat. Ngumiti lang din ito at tumayo na.
"Hatid na din kita hanggang sa gate." sabi nito kay Trisha at nauna nang maglakad dito.
"Happy birthday ulit Mitch, bye guys." nakangiti nitong sabi bago tumalikod at sumunod na kung saan dumaan si Kylie.
Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.
"Mahal ka ng pinsan namin noon pa Kate kaya magtiwala ka lang sa kanya." sabi ni Mitch habang tinatapik ang balikat ko. Napangiti nalang ako sa ginawi nito.
"May tiwala naman ako sa kanya, kaya lang di maalis sa puso ko ang matakot lalo't alam kong ex sya ni Kylie." mahinahon kong sabi.
"Normal na makaramdam ka ng selos at takot na baka mawala sya sayo." sabi naman ni Lowkie.
"Maiba ako Kate, natatandaan ko last week ata yun yung nag akit sa amin na mag inum yang si Kylie kasi sabi nya wala na syang pag asa sayo kasi nandidiri ka sa kanya, umiiyak pa yan nung sinabi sa amin. Bakit biglang naging kayo? Anong nangyari?" tanong naman ni Mark na sinang ayunan ng ibang pinsan ni Kylie.
Bigla akong nakaramdam ng hiya at lungkot para sa naramdaman ni Kylie don sa narinig nya sa rest room ng resort.
"The truth is matagal ko ng mahal si Kylie, hindi ko lang masabi kasi natatakot ako sa sasabihin ng parents at ng relatives ko. And isa pa hindi ko rin alam ang feelings nya para sa akin." mahabang paliwanag ko.
"Alam na ba ng parents mo na kayo na ni Kylie?" tanong ni Ica.
"Actually nung nalaman nila yung feelings ko para kay Kylie, sila na mismo ang nagpush sa akin na magtapat ako at kung kailangan eh manligaw pa ako gawin ko daw. Masyado silang boto kay Kylie, buti na nga lang bata pa yung bunso kong kapatid na lalaki baka kasi nireto pa yun ng parents ko kay Kylie." natatawa kong sabi.
Natawa din naman sila sa kwento ko.
"Ano kayang pinakain ni Kylie sa parents mo para ipush ka pang maging jowa yung pinsan naming yun." sabi ni Ica.
"The truth is, masyado kasing labas ang ugali ni Kylie kaya hindi sya mahirap pakisamahan, and tuwang tuwa ang parents ko sa sense of humor nya na napakasimple ng sasabihin eh natatawa sila." sabi ko, na totoo naman talaga kasi isa yun sa nagustuhan ko kay Kylie, yung sense of humor nya.
"Yeah totoo naman talaga yan, wag lang tutupakin yun." ---si Kath.
Napakunot noo naman ako, tupak? parang wala akong matandaan na nagkatupak yung taong yun? sa isip isip ko.
"Hahaha di mo pa ba nakikita kung paano tupakin ang isang Kylie Luna?" sabi naman ni Mitch na parang nabasa ang nasa isip ko.
Umiling lang ako bilang sagot.
"Hmmm, paano ko ba sasabihin to..." sabi ni Mitch na nakahawak sa baba na wari'y nag iisip." Pag yun may tupak, nanahimik lang yun sa isang tabi, at pag ganun sya mas magandang pabayaan mo nalang baka mag away pa kayo."
"Ganon? Okay, sana naman hindi sya magkatupak pag magkasama kami, isipin ko palang mag aaway kami nasasaktan na ako eh.".sinsero kong sabi.
"Mahal kang masyado ng pinsan namin kung alam mo lang, hmmm ilang lalaki na nga ba nabasted nun at ilang babae na ang di nun pinansin kahit nagpapansin na sa kanya??? Di ko matandaan kung ilan simula nung makilala ka nya di na yun tumingin sa iba, that means di pa kayo loyal na sya sayo ano pa ngayon at kayo na? Kaya magtiwala ka lang sa kanya. Inggit nga ako dyan sa pinsan ko na yan eh, yung bet kong babae sya pa ang mas bet kesa sa akin.hahaha" sabi ni Lowkie.
Di ko napigilan ang mamula sa mga sinabi nito.
"Wag kayo mag-alala papatunayan ko sa inyong hindi sya nagkamali ng babaeng minahal. Mahal na mahal ko sya sobra."
"Mahal na mahal din naman kita Kate." nakangiting sabi ni Kylie na nasa likod na ni Lowkie, di namin namalayan ang pagdating nya.
"Ai sus ang chessy!!! kung alam lang namin na magjowa na kayo pinilit sana namin mga jowa namin sumama dito para naman di kami OP." sabi ni Ica.
"Sus insan kelan ka ba nagkajowa? " natatawang sabi ni Kylie, kaya natawa silang lahat.
"Nena mo insan, pag ako nagkajowa who you ka sa akin, tandaan mo walang forever" ganting asar ni Ica.
"BITTER!!!" sabay sabay na sabi ng mga magpipinsan kaya nagkatawanan nalang kami, pati si Ica natawa na din.
"Ge, pagtulungan nyo lang ako, susumbong ko kayo sa mama ko." sabi nito na kunwari'y nag iiyak.
Puro natawanan at kulitan ang ginawa namin hanggang sa magkanya kanya na kaming umuwi.
Umuwi kami ni Kylie sa condo ko.
-----itutuloy----
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.hello guys sorry sa late update ko. medyo naging busy lang si author. Hope na wag kayo magsawang sumuporta.
iloveyouall
staysafealways❤