Chapter 8

1031 Words
Kylie's Pov Habang papasok kami sa bahay nila Kate ay hawak nito ang kamay ko. Papalapit ng papalapit sa kami sa main door eh papalakas naman ang kabog ng dibdib ko. My God ano po ba itong napasok ko? Baka di na po ako makalabas ng buhay. Pagpasok namin sa bahay ay nabungadan agad namin ang isang lalaki ng formal attire, habang nakapamay-awang at halatang inaantay kami. Di maalis ang tingin nito sa akin. Kaya lalo akong kinabahan. Kumalas naman sa pagkakahawak sa akin si Kate. Yumakap at hinalikan naman nito sa pisngi ang lalaki. "Dad good morning." nangiting bati pa nito. "Good morning, ikaw ba ang kausap ko kagabi?" baling nito sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, nailang ako sa ginawa nito kaya tumungo nalang ako para maalis ang hiya. "Good morning sir, o-opo ako po yung kausap nyo kagabi." nakatungo ko pa ring sabi. "Your Kylie right?" tanong nito kaya inangat ko ang ulo ko para makita ang ekspresyon nito. Wala naman akong makita, naka-poker face lang ito. "Opo sir, hmmm sir hinatid ko lang po dito si Kate gaya ng sabi nyo. Mauuna na din po ako." tumalikod na ako at hahakbang na ng magsalita ito. "Mukhang may nakalimutan kang sabihin sa akin miss Kylie?" sabi nito kaya humarap naman akong nakakunot ang noo, wala naman akong naaalala na sasabihin. "Dad wag mo naman syang ganyanin, kaibigan ko sya tyaka sya ang tumulong sa akin last week di ba? and sya din ang nag asikaso sa akin kagabi noong lasing ako." paliwanag naman nito sa ama habang nakahawak pa sa braso nito. Tiningnan lang sya ng kanyang ama. "May nakalimutan sya, asan ang paliwanag? Bakit lasing ang anak ko kagabi miss Kylie?" tanong nito na sa akin na nakatingin. "Ahm, birthday ko po kasi kahapon sir kaya medyo nagkayayaang mag inuman kagabi, at sorry po kasi di ko alam na, di po pala sanay mag inum itong si Kate kaya po nalasing sya kagabi at di na nakauwi pa." mahabang paliwanag ko habang nakatingin sa mata nito. "Okay good, belated happy birthday and dito kana kumain ng tanghalian, nagluto si misis ng lunch." sabay kindat naman nito habang nakangiti. Umalis na ito sa harapan namin at nagderetso na sa kusina. Naiwan akong nakatulala habang nakasunod ng tingin dito. Nakangiti naman akong nilapitan ni Kate. "Hey it's okay, ganun talaga yun si dad, marunong yun kumilatis ng tao kaya wag kang mag alala, alam nyang mabuting tao ka Kylie" Sabi nito sabay hawak sa pisngi ko na may ngiti sa labi. Hinawakan ko naman ang kamay nito, at ginantihan ito ng ngiti. "Ngayon alam ko na kung kanino ka nagmana.hahaha." sabi ko sabay tawa. "Hahahah, yeah alam kong sa kanya ako nagmana, so tara na nag-aantay na yun sa atin sila mommy." pumunta na kami ng kusina. Nakita ko ang isang supistikadang babae, at napakaganda. Alam kong ito ang ina ni Kate kasi malaki ang pagkakahawig ng mukha nila. "Good morning po" bati ko naman dito at tumungo ng kaunti bilang pag galang. "Good morning hija, halika at nang makakain tayo at mamaya eh makapagkwentuhan naman." sabi nitong nakangiti. Inalalayan naman akong makaupo ni Kate, ang gentlewomen naman nito, sa isip isip ko. "Salamat." nakangiti ko namang sabi, ngiti lang din naman ang sinagot nito, naupo na din naman ito sa katabi kong silya. "So let's eat." So sa madaling salita kumain na kami at pagkatapos eh pumunta ng garden at nagtsaa. "Hija sabi mo masahista ka? Ilang taon ka na bang masahista" sabi naman ng mommye ni Kate. Magkakaharap kaming apat sa isang bilog na lamesa. "Ahm opo mam, 7 years na po." "ahh.....Naku kang bata ka sabi ko naman sa iyo, tita Kath nalang ang itawag mo sa akin." "O-okay po tita Kath." "Anong araw ba hija ang iyong off sa spa?" tanong nito. "Every tuesday po mam." "It's okay to you hija, na magpaservice kami sayo every monday night? Ipapasundo kita kay Albert kada pagka out mo?" "Hmm pwede naman po tita, pero bakit po need na before off ko pa po?" taka ko namang tanong? "Naisip ko lang naman hija na sarili mo na ang ibabayad namin sayo kung sakaling magpaservice kami ng derekta at hindi dadaan pa sa spa na pinagtratrabahuhan mo?" mahabang paliwanag naman nito. Umalis naman ang daddy ni Kate ng sagutin nito ang tawag sa phone nito. Si Kate naman ay umakyat sa bahay nila para makapagpalit. At naiwan nalang kami ni miss Kath. "Okay po tita, salamat po ng marami." "Sus, ano ka ba ano pa at naging kaibigan ka ng anak ko. At nakikita kong mabuti kang bata." "Salamat po ulit tita." "Wala ng katapusan ang pasasalamat mo hija, okay lang yun hija. Mmm maiba ako taga saan ba ang family mo hija?" "Ahm sa probinsya po ng Cam.Norte sa bicol po. Andon po sila ngayon." "Ahhh, balita ko hija masarap daw ang bicol express na pinagmamalaki ng mga oragon?" nakangiti nitong sabi. "Ai opo, napakasarap po lalo na kung marami pong sili." proud ko pang sabi. "Naku dapat makatikim kamk nyan sa lalong madaling panahon. hahaha" "Ai opo, pag umuwi po ako sa amin papasalubungan ko po kayo nun, the best po magluto nun ang tatay ko." pagmamalaki ko pa. "Okay aasahan ko yan hija. ahm hija if you don't mind, may asawa ka na ba?" "Ai wala pa ho."nahihiya ko pang sabi dito. "Your so pretty hija, wala bang nanliligaw sayo? or maybe may boyfriend ka na?" maintriga naman nitong sabi sabay sundot sa tagiliran ko. Natawa naman ako sa ginawa nya. Parang ambilis ko lang silang makagaanan ng loob. "Hahaha, wala po akong boyfriend, ayaw ko pa po ng sakit sa ulo ngayon." hindi ko naman pwedeng sabihin na babae ang hanap ko, baka pagtabuyan ako. "Sino ba nagsabi sayo na sakit sa ulo ang lalaki hija? Siguro lagi ka nilang niluluko?"natatawa nalang ako sa mga sinasabi nito. "Ma? Kylie? Anong kaguluhan po ito?" singuit naman ni Kate. "Wala naman nagkwekwentuhan lang kami nitong si Kylie eh." paliwanag naman ng ina nito. Nagtawanan, kwentuhan, at kulitan lang kaming tatlo,dahil ang daddy nya ay may pinuntahang meeting. . . . . . . . . . .hello guys sorry ilang days ang update hope di kayo magsawa. iloveyouguys staysafealwayspo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD