Kate's Pov
----- Kinabukasan-----
Nagising ako na masakit ang aking ulo, dahan dahan kong minulat ang aking mga mata.
Alam kong hindi ko ito kwarto, pilit kong inalala ang nangyari kagabi, nang bigla kong maalala ang nangyari. Namilog ang aking mata at napahawak ako sa aking labi at dinama iyon. Oo lasing ako, pero tandang tanda ko pa ang halikan namin ni Kylie kagabi.
Sa isiping iyon ay di maiwasang mamula ng kanyang pisngi.
Hinanap naman ng aking mata ang babae at nakita itong nakahiga sa sahig sa baba ng kamang hinihigaan ko.
Humarap ako dito para mapagmasdan ito ng maayos.
Tiningnan ko ang maamo nyang mukha habang natutulog, ang matang nakapikit, ang ilong na tama lang ang tangos at ang labing mapula, kahit walang lipstick na medyo nakaawang pa. hmm kay sarap siguro nitong halikan ulit. Nailing nalang sya sa iniisip na kahalayan.
Napadako naman aking tingin pababa sa kanyang leeg na maputi, sa kanyang dibdib na medyo nakalabas na ang kalahati at my god wala ba syang b*a!!?
Napalunok ako ng wala sa oras na parang biglang nag-init ang aking pakiramdam, lalo na ng makita kong nakalabas ang maputi at bilugang hita nito na nakaanday pa sa unan sa gilid nito. Kay sarap siguro nung haplusin, sa isip-isip nya.
Tumalikod ako dito para maalis ang nararamdaman kong init. My god bakit ako nakakaramdam ng ganito? Alam kong heartbroken ako, at alam kong straight ako pero bakit ganito Lord? kahapon lang kami nagkakilala pero iba, iba talaga ang pakiramdam ko lalo na kapag hinahawakan nya ang kamay ko, feeling ko safe ako at yung mga ngiti at tawa nya na nakakahawa, mga birong kahit waley eh feeling ko nakakatawa pa rin pag sya ang nagdedeliver ng joke.
Natitibo na ba ako? tanong ko sa sarili. No! patay ako sa parents ko, baka itakwil nila ako pag nalaman nila.
Bumangon na ako, at hinakbangan ito para makapunta sa pinto. Paglabas ko.
"Oh good morning hija, gising ka na pala, halika na at kumain ka na ng almusal ng magkalaman yang tiyan mo." sabi ng tita ni Kylie sa akin. Ngumiti naman ako at bumati.
"Good morning din po tita, maya-maya na po siguro ta, sabay nalang po kami ni Kylie." paliwanag ko naman dito at tumango naman ito bilang pagsang-ayon.
"Ahmm tita Beth, nakita nyo po ba yung phone ko? baka po kasi nagtawag ang daddy ko kagabi pa. Baka po nag aalala na sila."
" Naka-usap ko na ang daddy mo kagabi, kaya nga dito ka natulog kasi pumayag sya, and mamaya ihahatid kita don para makapagpaliwanag sa kanya." biglang singit naman ni Kylie na di ko napansing nakabangon na. Gising na ba sya kanina pa? tanong ko sa sarili ko. IIling iling nalang ako baka naman nagising palang talaga.
Pagkasabi nito ay dumeretso na itong lalabo para makapagtoothbrush. OMG wala pala akong toothbrush dito nakakahiya.
"Ahh ganun ba? magpasundo nalang kaya tayo kay kuya Bert mamaya?" sabi ko naman dito.
"Sabi ng dad mo si kuya Bert yung driver nyo eh may emergency sa kanila kaya di ka masundo kahapon, at malamang di ka rin masundo nun ngayon."
"Ah okay, magcommute nalang tayo."
"Pagkakain natin, tayo umalis, alam kong nag aalala na sayo yung parents mo."
"Wait, wala akong damit dito, paano yan amoy kama na ako tapos magcocommute tayo?" sa sinabi kong yun napangiti naman ito, kakatapos lang nito magsipilyo.
"Yun lang ba ang problema mo? Madali lang solusyon ko dyan."
"Ano?" takang tanong ko naman dito.
"Simple lang, may damit ako dito papahiram ko sayo, kung underwear naman, meron ako dyan laba na pero di ko pa nagagamit at sa b*a nasasayo kung hihiram ka sa akin o yang suot mo din na pinawisan mo na ang susuotin mo pa din, and kung toothbrush naman meron dyan sa tindahan ni tita kukuhaan kita." mahabang paliwanag naman nito habang lumalapit na nakangiti sa kanya.
" Okay payag, manghihiram nalang ako sayo, and pwede na muna ba akong magtoothbrush nakakahiya naman sayo.?" tatawa tawa kong sabi sa kanya.
Umalis naman ito saglit at pagbalik may dala na itong bagong toothbrush at inabot sa kanya.
"Oh magsipilyo kana at sabay na tayo kakain pagkatapos mo. Ahm nakape ka ba o gatas?"
"Ako? hmm kape nalang siguro para mawala hang over ko."
Hahakbang na sana ako papunta sa lababo nang magsalita ito ulit.
"Ahm Kate, wala ka bang naalalang ginawa mo kagabi?" pagharap ko nakita ko itong nakatungo na nagkakamot sa batok at ang pisngi nya ay namumula.
Hindi naman ako nagpahalata na affected ako. Kasi alam ko naman talaga ang ginawa kong kalukuhan kagabi.
Pinakunot ko ang noo para mas lalong kapani-paniwalang wala akong naalala.
"May ginawa ba ako kagabi na hindi maganda? Wala kasi akong maalala." and mukha naman effective kasi parang bigla itong nataranta at di alam ang sasabihin.
"Ah eh, Wala n-naman. T-tinatanong ko lang kung may naalala ka?" palusot naman nito.
Di na ako nagsalita at nagderetso na sa lababo at nagsipilyo.
Pagkatapos naming kumain ay nauna akong maligo sa kanya, pagkatapos nya naman ay gumayak na kami para umuwi na sa bahay nila.
Medyo nagtalo pa kami, kasi gusto nyang magtaxi kahit mas malaki ang matitipid kung sakaling magba-bus kami.
Sa huli ay sya din ang nasunod, pero di ako pumayag na sya lang ang magbabayad.
Pagdating sa bahay eh, kitang-kita ko kung paano sya kinakabahan. Panay kasi ang punas ng kamay nito sa kanyang suot na pants. At di talaga sya umiimik.
Natatawa nalang ako sa isipin na parang syang lalaking ipapakilala sa magulang ng babae. Kabadong kabado. So Cute!!!
Paghinto ng Taxi sa bahay namin. Di agad ito bumaba. Nakatulala lang ito sa may bintana.
"Kylie akala ko ba sasamahan mo ako, i'm sure nag hihintay na sa atin si daddy." nakangiti ko mang sabi.
"Hah? Kailangan pa ba talagang sumama ako? Baka naman pwedeng ikaw nalang." sabi nito na hindi pa bumababa ng taxi.
Nilapitan ko na ito at hinila na ang kamay.
"Nangako ka sa daddy ko na ihahatid mo ako kaya, sa ayaw at sa gusto mo. Sasamahan mo ako." nakangiti kong sabi dito.
Bago pa kami makapasok sa gate eh , huminto nanaman ito at tumingin sa bahay namin.
Iiling iling ko nalang itong hinatak papasok ng bahay.
.
.
.
.
.
.
.
hello po guys...sorry ilang days di nakapag-updare naging busy lang ng kaunti....pipilitin kong makapag update agad para di kayo mabitin...
loveyouallguys
statsafealways?