Kylie's Pov
Nang maiwan kami ni Kate sa labas ay inakay ko na itong pumasok sa loob ng kwarto nila tita yun kasi ang pinagamit ni tita sa amin ngayon.
Nakausap ko na kanina ang daddy nya, kinabahan tuloy ako ng maalala yun.
-----flashback-----
Kanina pa ring ng ring ang phone ni Kate, pero di nya yun pinapansin. Di ko alam kung ayaw nya lang sagutin o sadyang lasing na talaga sya. Kaya naisipan kong kuhain ang phone nya na nasa ibabaw ng lamesa at tiningnan ang tumatawag.
'Daddy'
Nung makita kong ang daddy nya ang tumawag lumayo muna ako sa kanila at sinagot yun , naisip ko kasing nag aalala na siguro ito kay Kate o kaya ay baka may emergency kaya ito tawag ng tawag.
Pagpindot ng answer button.
"Kate! where the hell are you? why you don't you answer my call ealier?" sunod sunod na tanong nito na sa galit na tono. Hindi ako agad nakasagot. "Hello Kate!!You still there?" dagdag pa nito.
Humugot muna ako ng malalim na hininga, bago nagsalita.
"Hmm hello si-sir go-ood evening po." uutal-utal kong sabi, kinakabahan talaga ako.
" Who are you? Where's my daughter?" galit na tanong nito.
"Ahm sir ako po si Kylie Luna, kaibigan po ako ni Kate, andito po sya sa bahay kasi birthday ko." maayos na paliwanag ko naman.
"Kylie? wala akong kilala na Kylie na friend nya, ikaw ba yung sinasabi nya na pupuntahan nya? Yung tumulong sa kanya sa bus.?" sabi nito na medyo mahinahon na boses. Medyo nakahinga na mana ako ng maluwag.
"Ahm opo sir, sorry sir kasi po si Kate, medyo tipsy na ngayon. Okay lang po ba sa inyo na dito ko na sya patulugin sa bahay? Nag aalala po kasi kung papauwiin ko pa ito baka lalo pong mapahamak." deretso ko pang sabi.
" Asan ba kayo ngayon?" nag aalala na ang boses nito.
" Dito po sir sa Cavite, nasa bahay po kami ngayon. Kung gusto nyo po samahan ko din sya pag uwi dyan bukas para makapagpaliwanag po ako ng maayos sa inyo?" mahinahon ko pang sabi dito para maalis ang pangamba nito.
" Sa ngayon magtitiwala ako sayo, hindi ko sya mapapasundo kay Bert kasi umuwi ito sa kanila dahil may emergency daw. Siguraduhin mo lang na iuuwi mo ang anak ko na walang labis, at walang kulang, lalo na walang gasgas bukas hah?" pagsabi nito ay narinig ko itong nagpakawala pa ng isang buntong hininga.
" Yes sir, promise po iuuwi ko sya dyan ng safe bukas, tatawag nalang po ako bukas kung anong oras po kami makakauwi."
" Okay good."
"Okay sir, ibaba ko na po yung call, bye po." ibaba ko na sana ng narinig ko pa itong magsalita.
" Wait, please take care of my princess okay?" sabi nito at tumango pa ako kahit di naman nito nakikita iyon.
"Yes sir promise po, and goodnight sir, bye." at pinatay ko na ang tawag at bumalik na sa lamesa, tiningnan ko si Kate na nakikipagtawanan at mukhang kabig na kabig nya ang kwentuhan, lasing na talaga sya sa isip isip ko.
-----end of flashback-----
"Kate let's go inside na at nang makapagpahinga ka na." sabi ko dito at kinuha na ng kamay nito at nilagay sa may balikat ko. At nagpatangay naman sya.
Nakarating kami sa kwarto at nailapag ko sya sa kama na pandalawahan. Itinaas ang kanyang paa at hinubad ang kanyang sapatos.
Lalabas na sana ako para kumuha ng plangganitang gagamitin ko para punasan sya.
"Hmmm ,Kylie? Dito ka lang please sa tabi ko." sabi nito habang nakapikit, sa isip isip ko'y baka nanaginip lang ito kaya binuksan ko na ang pinto ng magsalita ulit ito. "Please wag mo akong iwan, gaya ng pag-iwan nya sa akin please." naiiyak na sabi na nito kaya nilapitan ko na ito at naupo sa tabi nya.
"Hindi naman kita iiwan gaya ng pag-iwan nya, kasi kukuha lang ako ng plangganita para mapunasan kita." ngingiti-ngiti ko pang paliwanag dito.
Nagpilit naman itong bumangon, naupo ito paharap sa akin na sinandal pa ang ulo sa balikat ko at niyakap naman sa akin ang dalawang kamay. Biglang nakaramdam ako ng kaba at pag-iinit ng katawan dahil sa ginawa nyang iyon. Ramdam ko kasi ang dibdib nyang nakadikit sa braso ko at hininga nyang tumatama sa leeg na lalong nakakapagpigil sa paghinga ko.
"Ah, basta gusto ko dito ka lang sa tabi ko." malambing naman na sabi nito.
"Ka-kailangan kong u-umalis m-muna para maka-k-kuha ng plangganita." nabubulol ko pang sabi, di talaga ako makapag concentrate sa pagsasalita bagay ganito ang pwesto namin.
Tatayo na sana na ako ng lalo pa nya akong niyakap, kaya di ako makatayo.
Inangat naman nya ang mukha at tumingin sa mata ko, tumingin din naman ako sa mata nya. Nagtititigan lang kami, hanggang sa sabay kaming tumingin sa labi ng isa't isa at..
unti-unting....
palapit ng palapit.....
hanggang sa......
Nagdikit ang aming mga labi, napapikit ako at dinama ang napakalambot nyang labi, hanggang sa maramdaman kong gumagalaw na ang labi nito, kaya tumugon ako ng isang mapusok na halik hanggang sa ang isang kamay ko ay nasa batok nito at lalo pang dinidiin ang aming mga labi, at ang isa naman ay gumagapang papunta sa kanyang malulusog na dibdib.
Inaasahan kong umungol sya pero wala, pati sa halik ko di na din sya tumutugon kaya minulat ko ang mga mata ko. Para lang malamang ang kahalikan ko ay tinulugan na ako.hahaha natawa nalang ako sa sarili, at iiling iling napatingin sa babaeng sarap ng tulog sa may kamay ko.
Dahan dahan ko syang inihiga, nagtungo naman ako sa banyo para maligo, di kasi basta basta maalis ang init na nararamdaman ko.
Pagkatapos kong maligo, magbihis ng pantulog, nagblower ako ng buhok at ng matuyo na agad para matulog. Di na ako nag-aksayang magsuot pa ng b*a, at tamang ternong sleepwear lang ang suot ko isang sando at comfee ng short.
Naisipan ko din na sa sahig matulog, baka kasi di ako makapagpigil ng sarili ko eh, makulong pa ako, kawawa naman ang princess ko sa probinsya pag nagkataon.
Naglatag na ako at nahiga, iniisip ko kung maalala nya kaya bukas ang nangyari kanina? May nararamdaman ba sya para sa akin kaya nya ako hinalikan? O sadyang lasing sya kaya? Mga bagay na gumugulo sa isip ko bago ako igupi ng antok.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
iloveyouallguys
staysafealways ..,.,.