Chapter 10

1412 Words
Kate's Pov Umorder ng isang bucket ng beer si Nicole, mani at iba't ibang junkfood ang pulutan. Ang isang bucket naging dalawa naging tatlo, hanggang sa naging lima, iba na ang mga tama nila. Si Kylie na nasa tabi ko alam kong medyo tipsy na din, kasi kahit dim ang kulay ng ilaw naaninag kong namumula na ang pisngi nito. "Guys let's play truth or dare?!!" suggestion naman ni May one of my cousin. "Ai maganda yan!!." sigaw naman ni Nicole na halatang lasing na. "Pero mas maganda truth or drink para masaya!!" "Okay ako muna mag spin ng bottle"presinta ni Jane, at in-spin na nya ang bottle at huminto ito kay George. Nakakasampong ikot na ang bottle pero ni isa sa amin ni Kylie ay hindi pa natatapatan ng bottle. Sa ika labin isa ay tumapat sa akin at si Nicole ang natanong. "Hey cuz, my question is nakamove on ka na ba sa ex mong manluluko and how?" Tanong nito sa akin. "Cuz wala bang truth or dare munang question? hahahah" biro ko naman, altough truth man talaga ang pipiliin ko. "None, i want to ask you that question kanina pa, kaya lang di ka natatapatan. You look so happy, and i think your always blooming, sino ba ang bagong nagpapasaya sayo?" derederetso nitong sabi. "Wow! ang dami mo naman atang question sa akin alam ko isa lang ang dapat na tanong ahh." pangungulit ko pa. "Ehhh, cuz please answer my questions nalang. Masyado na akong nacucurious sa bigla mong pagiging happy." sabi pa nito habang busangot ang mukha. Kaya natawa na kami. Tumingin muna ako kay Kylie na nakatingin lang sa akin. Binigyan ko ito ng ngiti at nagsalita. "My answer is, yes nakamove na ako and how? It's because of the people around me na always akong pinapasaya at pinaparamdam na hindi kawalan sa akin ang isang lalaking manluluko. At sa last question mo na kung sino? di ko pa pwedeng masabi sa inyo yan...maybe soon. Oh nasagot ko na spin na ng bottle."nakangiti kong sabi, habang sila nakatunganga langa mga sinabi ko. "Ai bitin cuz, bigla lalo akong nacurious, hmmm maybe sa sunod na tapat sa iyo, yan ang tatanungin ko.hahaha" sabi naman ni Jane. Nagspin na ng bottle and tumapat naman ay kay Kylie at si George ang magtatanong sa kanya. "Kylie, truth or dare?" tanong ni George na nakangiti dito. "Truth para masaya."sabi naman nitong nakangiti din. "Okay, this is my question to you hope you'll be honest to me." seryoso nitong tanong. "Okay i promise to be honest" sabi naman ni Kylie habang nakataas ang kamay na kala mo nanunumpa. "I know na wala kang relationship ngayon, my question is meron ka bang minamahal ngayon yung as in na gusto mong maging partner in life at sino?" tanong nito. Para naman bigla naistatwa si Kylie, medyo natagalan din ito bago nagsalita. "Ahmm, yeah may mahal ako ngayon kaya lang it's complicated kaya malabong maging kami and kung sino hmmm pag-iisipan ko pa kung sasabihin ko sa inyo, baka sa next question na." sagot naman nya. Parang bigla akong nakaramdam ng kirot sa kaalamang may minamahal na sya? Napaka-swerte naman ng lalaking yun, sa isip isip ko. "Alam mo parehas kayo nitong si Kate eh, pabitin at pasecret pa sa lovelife, baka naman kayo na, ayaw niyo lang sabihin." Biglang sabi naman ni Nicole, hindi ako nakaimik maging si Kylie di rin nakapagsalita. "Hoy!! Nicole alam mong straight yang si Kate nuh? Ewan ko dito kay Kylie, pero mukha naman din syang straight." Sabi naman ni Jane na sumalo ng katahimikan namin. "Oo nga cuz, masyado ka na atang lasing magpahinga na kaya tayo." sabi naman ni May, tumayo na ito at hinila na si Nicole. Tumayo na din si Kylie. "Ahm guys mauuna na ako sa room, magpapahinga na." sabi nito at tumango lang naman sila bilang sang ayon. Sinundan ko nalang sya ng tingin hanggang sa mawala na sya sa pangin ko. Nag alala tuloy na baka bigla itong umiwas sa akin dahil sa sinabi nitong si Nicole. "Hey cuz mag usap muna tayo." sabi ni Nicole sa akin. "Maybe tomorrow cuz kung di na tayo lasing ." paliwanag ko sa kanya at tumayo na. Kahit medyo gigiwang giwang alam kong kaya ko pa at malinaw pa sa akin ang lahat. Dumaan muna ako sa public rest room ng resort na dadaanan mismo papunta sa mga room namin dahil hindi ko na kaya talagang need ko ng mag pee. Pag labas ko ng cubicle nakita ko si Nicole na nakasandal sa may sink, lumapit ako dito at naghugas ng kamay. "Now tell me cuz, kayo ba ni Kylie? Wala naman makakaalam tayo lang." tanong nito na di inaalis ang tingin sa mata ko. Humarap ako dito at tinapatan ang tingin nya. "Hindi ko alam kung san mo nakuha ang conclusion na may relasyon kami ni Kylie, i am straight and i don't think i can fall inlove with her, iniisip ko palang na hahalikan ko sya, di ko kaya." Palusot ko dito, sa totoo lang ang sinabi ko ay pawang kabaliktaran lahat, gustong gusto kong halikan ang mapupula nyang labi, and i fall inlove with her , hindi ko lang masabi kasi ayaw kong may makaalam at baka makarating sa parents ko, ayaw kong madisappoint ko sila. "Okay sabi mo eh, pero sana cuz wag mong kainin yang mga sinabi. Alam mo kung bakit? If i were a single and ready to mingle mas bet ko pang si Kylie ang maging jowa ko kaysa sa ibang lalaki out their. And open country na tayo cuz sa mga LGBT member and i really support them." sabi pa nito sabay talikod, naiwan akong nakatulala sa may pintong nilabasan nito. Naramdaman ko nalang na may tumulong luha sa pisngi ko, i don't know kung para saan ang luhang yun. Pinahid ko lang ito ng may pumasok sa rest room at lumabas na ako. Dumeretso na ako sa room namin ni Kylie, pero wala si Kylie sa room, so chineck ko siya sa CR pero wala, kaya nagdecide akong lumabas. Kahit nahihilo ay naglakad ako para mahanap si Kylie. Tinawagan ko na din ang phone nito pero di ito sumasagot, kinakabahan na ako baka may nangyari na ditong masama di nya ata makakaya yun. Mabibilis ang hakbang na pumunta akong tabing dagat, dis oras na ng gabi kaya wala ng masyadong tao sa labas, pasalamat nalang ako at maliwanag ang buwan ngayon. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makita ko ang isang pigura sa may tabi ng isang punong niyog malapit sa dagat, na nakatanaw sa malayo at parang ang lalim ng iniisip, madilim man sa pwestong iyon pero alam ng puso ko na sya yun. Kaya dahan dahan ko itong nilapitan. Sa paglapit ko, narinig ko itong sumisinghot, napakunot ang nuo ko at napaisip kung umiiyak ba ito. Dahan dahan lang akong lumapit hanggang sa may likod nito. Bigla nitong hinawakan ang sariling mukha at narinig ko itong humihikbi. Di ko na pigilan ang sarili kong hawakan ang balikat nito. Dahilan upang mapalingon ito sa akin at makita ang maamo at malungkot nitong mukha. "Hey, bakit ka umiiyak? At bakit andito ka sa labas dilikado na?" nag aalala ko pang sabi dito. Tiningnan nya lang ako at umiling, tumingin na ito paharap sa dagat habsng pinapahid ang luha at tumayo na. "Okay ka lang ba? May problema ka ba? " tanong ko dito, nang magtangka itong lumakad pabalik siguro sa room. Hinawakan ko ang braso nya upang pigilan ito. Tiningnan nya lang ako sa mata at tiningnan ang kamay na nakahawak sa braso nya. Bago nagsalita. "Magiging okay din ako, punta na ako sa room inaantok na ako." sabi nito na tinanggal ang pagkakahawak nya sa kamay ko dumeretso na ng lakad papunta sa pinanggalingan kong daan. Naiwan akong tulala, gusto ko syang habulin kaya lang parang nanlalambot ang tuhod sa nakikita kong lungkot sa mata nya. Gusto ko syang icomfort pero wala akong lakas ng loob, kung ngayon nga ay para na syang pinagtatabuyan nito, ano pa kung mag offer pa sya. Hindi kaya iniiwasan sya nito dahil sa sinabi ni Nicole na baka sila. Parang di ko kayang iwasan nya ako. Kaya sumunod na ako sa room namin at naabutan ko itong tulog na sa higaan nito. Siguro bukas ko nalang sya kakausapin. ----to be continued--- . . . . . . . . . . . . . hello guys Iloveyouguys staysafealways? .........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD