Kylie's Pov
Bago ako pumunta sa room namin ni Kate ay nadecide muna akong dumaan sa rest room para umihi at para na rin makapag isip isip.
Habang nasa banyo ay may narinig akong mga yabag papunta sa katabi kong cubicle, hindi pa rin ako lumabas para akong nanghihina pang tumayo, hanggang sa may narinig ako....
"Now tell me cuz, kayo ba ni Kylie? Wala naman makakaalam tayo lang." sabi ng isang babae na alam kong si Nicole. At sino ang kausap nya si Kate ba? sa isip isip ko.
"Hindi ko alam kung san mo nakuha ang conclusion na may relasyon kami ni Kylie, i am straight and i don't think i can fall inlove with her, iniisip ko palang na hahalikan ko sya, di ko kaya." Para akong nanigas sa kinauupuan ko sa narinig kong sinabi nya.
Hindi ko akalain na ganun pala sya nadidiri sa isiping halikan ako, samantalang ako eh lagi kong pinapantasya ang mga bagay na yun.
Tinakpan ko ang aking bibig para maiwasan ang makalikha ng ingay, dahil sa aking mahinang pag iyak.
"Okay sabi mo eh, pero sana cuz wag mong kainin yang mga sinabi. Alam mo kung bakit? If i were a single and ready to mingle mas bet ko pang si Kylie ang maging jowa ko kaysa sa ibang lalaki out their. And open country na tayo cuz sa mga LGBT member and i really support them." Hindi ko naman maintindihan ang mararamdaman sa sinabi ni Nicole na iyon.
Nagtagal pa ako ng kaunting minuto at kinalma ang sarili bago ako lumabas.
Imbis na dumeretso sa room namin ni Kate ay natagpuan ko ang aking sarili sa tabing dagat malapit sa may puno ng niyog.
Doon ko binuhos ang sama ng loob na nararamdaman ko. Alam ko sa sariling kong nasasaktan ako dahil mahal ko sya at nasasaktan ako sa kaalamang hindi nya ako magagawang mahalin gaya ng pagmamahal ko sa kanya.
Nag iisip ako ng mga dapat kong gawin habang di mapigilan ang luhang tumulo sa aking mga mata, nang may humawak sa balikat ko kaya napalingon ako.
"Hey, bakit ka umiiyak? At bakit andito ka sa labas dilikado na." nag aalala nitong sabi, tiningnan ko ito sa mata, gusto ko siyang yakapin para maibasan ang sakit na nararamdaman ko, pero ayaw kong mag isip sya ng hindi maganda.
Kaya tiningnan ko lang ito at umiling, tumingin ako paharap sa dagat habang pinapahid ang mga luhang walang awat sa pagtulo, habang dahan dahang tumayo.
"Okay ka lang ba? May problema ka ba? " tanong nito sa akin, nang magtangka akong lumakad pabalik sa room, ay mabilis nitong hinawakan ang braso ko upang pigilan.
Tiningnan ko lang ito sa mata, sunod kong tiningnan ang kamay nitong nakahawak sa braso ko. Bago ako nagsalita.
"Magiging okay din ako, punta na ako sa room inaantok na ako." sabi ko na tinanggal ang pagkakahawak nya sa kamay ko at dumeretso na ng lakad papunta sa room namin.
Dumeretso na ako sa kama at nahiga ng patagilid, nag iisip ng mga dapat kong gawin.
Nang marinig kong bumukas ang pinto ay nagtulog tulugan ako.
Nakapagdesisyon na ako ng dapat kong gawin, sa ngayon kailangan ko munang magpahinga para magising ng maaga.
-----kinabukasan-----
Alas singko palang gising na ako upang igayak ang mga gamit ko, alas sais nakaligo at nakabihis na din ako. Nag iwan lang ako ng sulat sa tabi ng table ni Kate, bago umalis hinalikan ko muna ito sa noo at pinagmasdan ng mabuti.
Kailangan muna nyang dumistansya dito para maiwasan ang lalong pagdurog ng kanyang puso.
Nagsita nalang sya ng taxi papuntang Pasay. May dalawang araw pa syang bakasyon bago bumalik sa trabaho. Napagdesisyonan nyang umuwi pansamantala sa Bicol alam nyang andon ang kailangan nya para gumaan ang pakiramdam nya.
Ilang oras din ang binyahe nya bago makarating ng Pasay at sakto ang dating nya malapit ng umalis ang isang bus papuntang Bicol, Bumili lang sya ng mga pasalubong bago sumakay.
Makalipas ang halos anim na oras ay nakarating na sya , alas dos ng hapon ay malapit na sya bahay nila. Nakaramdam agad sya ng excitement na makita ang kanyang inspirasyon.
Ilang hakbang nalang malapit na sya, natatanaw na nya itong abala sa pakikipaglaro sa mga pinsan nito. At nang humarap ito sa may gawi nya ay kitang kita nya ang gulat sa mukha nito.
"Mooommmmyyy!!!!!" malakas na sigaw nito habang tumatakbo papalapit sa akin.
"My Princess!!!" ganting sigaw ko at binuka ang aking mga kamay habang unti unting binababa ang isang tuhod. Nang makalapit ito at mayakap sya ng mahigpit ay parang nakalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko dahil napalitan iyon ng saya at pananabik sa aking anak.
Di nya napigilan ang mapaluha habang yakap nya ito.
"Mommy, okay ka lang po ba? bakit ka po umiiyak?" mahinahong sabi nito at pinahid ang luha sa may pisngi ko kaya napangiti na ako.
"Masaya lang ako baby dahil nagkita ulit tayo kasi miss na miss na miss na miss kana ng mommy." sabi ko naman sabay pisil ng bahagya sa pisngi nito.
"Araay naman mommy!!! baka maglaylay yung chicks ko, papangit ako nyan." nakasimangot nitong sabi sabay himas sa pisngi nya. Natawa nalang ako sa inakto nito.
"Naku baby, hindi ka papangit kasi napakaganda mo, mana ka sa mommy." sabay kindat ko dito kaya napahagikgik ito.
"Naku mommy, tara na nga po sa bahay at ng makapagpahinga ka na po." hinila na ako nito papapunta sa bahay. "Tatay! nanay! andito po si mommy!" sigaw naman nito ng makapasok kami sa bahay.
Lumabas naman mula sa kusina ang kanyang mga magulang, nagulat pa ang mga ito ng makita sya.
"Oh anak, uuwi ka pala bakit di ka man lang nagpasabi at ng nakapaghanda kami kahit papano." sabi ng kanyang ina na si Badeth. Lumapit ako dito't nagmano sabay halik sa pisngi.
"Naku nay kung sinabi ko sa inyo di hindi na surprise.hahaha " palusot ko naman. Inabot ko na sa kanila ang pasalubong ko pati na din sa baby ko na tuwang tuwa sa chocolate at biscuit na binili nya sa terminal.
"Pasok ka muna sa kusina, dahil tama ang iyong dating nagluto ang nanay mo ng tinamisang saging na may sagu at hinog na langka." sabi naman ng tatay nyang si Lito.
Pumunta kami sa kusina habang karga ko ang aking anak.
"Naku Princess bumaba ka muna dyan sa mommy mo ng makapagpahinga at makakain sya." sabi naman ng kanyang ina.
"Nay, hayaan niyo na po, ngayon lang to eh tyaka saglit lang ako dito nay bukas ng gabi byahe na din ako pabalik ng Manila. Dalawang araw lang po ang bakasyon ko. Namiss ko lang itong baby ko sobra." paliwanag ko naman, pero bumaba na sa akin si Princess na parang malungkot ang mukha.
"Hey baby, wag ka na magtampo sa mommy nag usap na tayo di ba? na this coming christmas don kayo nila tatay sa Manila." hinawakan ko ang pisngi nito habang sinasabi yun, ay nakatingin ako ng deretso sa mga mata nito.
Tumango lang ito, at pilit na ngumiti.
"Okay lang po mommy, basta andon din po si daddy sa christmas ha?" excited na sabi nito.
"Di ko maipapangako baby, alam mo naman ang daddy mo, masyado yung busy sa work nya di ba? Pero kakausapin ko sya para sama-sama tayo, okay?" tumango lang ito humalik sa pisngi nya.
"Okay po mommy, kain ka na po at babalik na po muna ako sa paglalaro." sabi nito sabay takbo na palabas. Sinundan ko lang ito ng tingin habang iiling iling na nakangiti. Pagharap ko sa magulang ko parehas silang nakatingin sa akin.
" Anong problema anak? Makikinig kami." panimula agad ng tatay nya. Kilalang kilala talaga sya ng mga magulang nya kahit kailan. Kaya hindi sya makakapag sinungaling sa mga ito.
Wala na syang nagawa kundi ang ikwento ang lahat ng nangyari simula noong makilala nya si Kate.
.
.
.
..
.
.
.
.
.
helloguys
iloveyouall
staysafealways?