Chapter19

1376 Words
Kate's Pov Nagising ako na wala na akong katabi sa kama, dahan dahan akong bumangon kahit masakit pa ang katawan, lalo na ang gitnang parte nun, upang hanapin kung nasaan si Kylie. Nang makita ko ang hinigaan namin ay di ko maiwasang pamulahan ng mukha dahil naalala ko ang mainit na pinagsaluhan namin kagabi. Bumangon akong walang kahit na anong saplot at dumeretso sa banyo nagbabakasakaling andon sya at para na rin maghilamos at magtoothbrush. Pagpasok nya ng banyo ay wala ito dito kaya ginawa na nya ang mga dapat gawin, kinuha nya lang roba bilang takip sa katawan saka lumabas ng kwarto. Tiningnan nya ang living room pero wala ito dito, hanggang sa makarinig sya ng mga kaluskos sa may kitchen kaya dahan dahan akong lumapit doon. Nang makita ko sya habang nagluluto, di ko maiwasang hindi makaramdam ng init. Suot lang naman nya ang favorite na loss shirt ko na hanggang sa baba ng pwet lang nito at pag naghahalo ito ng niluto ay umaangat yung shirt kaya alam kong nakaundies lang ito. Tiningnan ko ito mula paa pataas, napapalunok ako sa nakikita ko MY GoD nakapasexy nya para syang di nagkaanak. Napakasexy nya ring gumalaw, pakiramdam ko slow motion yung mga movements nya. Sumandal lang ako sa may fridge para mas lalo ko syang mapagmasdan. Napapakagat labi ako sa twing naghahalo ito dahil nakikita ko ang mapuputi nitong legs at ang matambok nitong pang upo, na lalong napaparigodon puso ko. Kakatingin ko sa legs nito, di ko napansin na alam na nyang gising na ako at tinitigan sya. "Hindi mo matitikman yan kung titigan mo lang." Sabi nito ng hindi tumitingin sa akin, nagulat pa ako ng magsalita ito. "Ehemmm, g-good mo-morning bhabe." nauutal kong sabi habang papalapit dito, parang may bikig sa lalamunan ko di ako makapagsalita ng maayos. "Hahaha, bhabe good morning din, wag ka naman masyadong kabahan ako lang to." pilyang sabi nito, bago lumapit at hinagkan ako sa mga labi. "Anong ginagawa mo dito?" pag iiba ko sa usapan. "Nagluluto ng breakfast natin, kamusta naman ang pakiramdam mo, masakit pa ba yang ano mo?" nakangiti nitong sabi at bumalik na sa pagluluto. Umiling lang ako habang nakatungo ako sa hiya, nagiinit ng masyado ang pisngi ko, kaya alam kong nangangamatis na ang mga yun. "Bhabe sorry pala sa pangingialam ko dito sa kitchen mo. Gusto ko sanang magbreakfast in bed ka kaya lang bumangon ka agad kaya dito nalang sa kitchen kung okay lang sayo." sabi nito na inaahon na ang niluto nitong sinangag, at hotdog, may naluto na din itong bacon and egg. Kinilig naman ako sa pagiging maasikaso nito. "Ano ka ba bhabe, okay lang kahit anong gawin mo dito, basta ikaw malakas ka sa akin eh." sabi ko sabay kindat. Napangiti ito habang namumula ang mukha, ang cute. Parang gusto kong dito nalang sya. Habang naghahain ito ng pagkain nagtimpla naman ako ng coffee, alam kong same kami na coffee lover. "Bhabe what time ang pasok mo sa spa?" tanong ko habang nilalapag sa lamesa ang tinimpla kong kape. "Hmmm, gusto mo ba akong pumasok?" balik tanong nito habang pinaghihila ako ng upuan. Napakagentlewomen talaga nito kahig kailan. "Kung pwede lang na dito ka lang sa tabi ko, bakit hindi di ba? Kaya alam kong may work ka so okay lang ako bhabe." paliwanag ko habang nilalagyan ng pagkain sa plato si Kylie. "Hmmm, nagpaalam kasi ako na baka hindi ako makaduty ngayon, pero kung okay ka lang naman pala dito, papasok na lang ako." sabi nito, hinawakan ko ang kamay nya, alam kong nagpapalambing lang ito. "Sus, tampo naman ang baby ko, hmm kung nakapagpaalam ka na dito ka nalang, ano ba gusto mong gawin mamaya, mag mall tayo, kain tayo sa labas after and manuod ng sine? Kung gusto mo?" "Okay, kung yan ang gusto mong gawin natin bhabe, kung saan ka masaya don ako." nakangiti nitong sabi at pinagapatuloy na namin ang pagkain. After namin kumain at maligo. As ussual pinahiram ko nanaman sya ng mga damit kong hindi ko pa nagagamit. Parehas na floral dress ang suot namin, magkaiba lang kami ng kulay, para kaming kambal, parehas ding nakalugay ang aming mga buhok. Buti na nga lang same din kami ng size ng paa kaya napahiram ko sya ng sandals. Pagdating sa mall maraming mga tao ang napapalingon sa amin habang naglalakad, sino ba naman ang hindi papalingon sa ganda ng kasama ko. Parang gusto ko na nga lang itago sa bulsa ko para di makita ng iba, lalo na yung mga lalaki kung magkatingin kala mo hinhubaran na nila si Kylie. Pero i'm proud na ako ang piniling maging jowa kaya sorry nalang sa kanila, ako yung mahal eh hindi sila. Marami kaming ginawa sa mall, nanuod ng sine, nag WOF din kami, nagnuod ng sine, kumain and nag aya syang maggrocery kasi napansin daw nitong wala na akong stock sa condo. Habang nasa hypermarket kami at namimili ng mga bilihin naisip kong i-offer yung kanina pa tumatakbo sa isip ko sa di ko masabi. "Bhabe, bakit hindi ka nalang kaya sa condo ko tumira?" tanong ko habang namimili ng bibilhin kong sabon. "Aba!!! masyado ka naman atang nagmamadali bhabe, parang nung isang araw palang naging tayo, ngayon itatanan mo na agad ako. May hinahabol ka ba? hahaha baka naman gusto mo munang ipaalam sa oparents mo at lalo na sa parents ko." natatawa nitong sabi habang tulak tulak ang cart. "Seryoso ako bhabe, hindi ako nagpapatawa, naisip ko lang mas makakatipid ka kung sa condo ko ikaw titira masisave mo yung bayad mo sa upa sa apartment mo. Isa pa makakatipid ka sa pamasahe kasi pwede na kitang idaan sa work mo kung pupunta ako ng restaurant diba?" paliwanag ko habang namimili ng mga kailangan sa bahay habang sya naman ay sunod lang ng sunod sa akin. "Hindi sa ayaw kitang kasama bhabe, actually gustong gusto ko ang offer mo kaya lang, iniisip ko kung ano ang sasabihin ng parents mo. Ayaw ko naman isipin nila na jinowa kita kasi kailangan kita. Gusto kong isipin nila na jinowa kita kasi mahal kita." seryosong sabi nito na nagpahinto sa ginagawa ko, lumapit ako dito, niyakap at hinalikan ito sa pisngi. Lilingon lingon naman ito sa paligid, halatang naiilang sa ginawa ko, pero namumula naman ang pisngi. "Hey wag dito, nakakahiya bhabe.Tingnan mo suot natin oh, para tayong twinning tapos magkikiss.hahaha" sabi nito sabay tawa. Napasimangot naman ako sa sinabi nito. "Eh ano naman pakialam nila, inggit lang sila, tyaka bakit ka mahihiya? don't tell me kinakahiya mo ako bilang girlfriend mo?" nagcross arm ako habang sinasabi ko yun. Lumapit ito sa akin, niyakap ako ng mahigpit at hinalikan sa may sintido. "I love you bhabe, never kong ikakahiya na girlfriend kita, actually proud pa nga ako na isang Kate Jimenez lang naman ang GF ko. Kaya lang ayaw kong ijudge ka ng ibang tao, alam mo naman dito sa Pinas di ba, hindi pa masyadong open minded ang mga Pinoy about s****l preference nating mga LGBTQ." paliwanag nito na nagpangiti sa akin. "I love you more bhabe, pero mas gusto kong alam nila na girlfriend kita kasi kanina pa madaming lalaki ang napapatingin sayo, kahit siguro straight na babae mapapaliko mo eh." bumalik na ulit kami sa pamimili. "Ha? sa akin? ang alam ko sayo sila tumitingin kaya nga di ko inaalis ang kamah u ko sa baywang or sa kamay mo kanina, kasi grabi ang lalagkit ng tingin sayo ng mga lalaki." "Hahaha ewan basta sa atin sila nakatingin period, tyaka hanggang don nalang sila." "Sus Meryusep! ano na bang nangyayari sa mundo ngayon, parehas ng babae ang nagkakagustuhan, kabataan nga naman." sabi ng isang matanda sa likod, nagkatinginan lamang kami habang sabay na natawa, napag uusapan palang namin na hindi open minded ang mga tao eh. Di na namin pinatulan si manang, di naman namin sya masisisi kasi sa panahon nila sadyang ang babae ay para sa lalaki lamang, kaya lang iba na ngayon. Ipinagpatuloy nalang namin ang paggrocery. After namin sa supermarket nagdecide na kaming umuwi sa condo nya, naisip kong ipagluto sya ng favorite kong adobong manok with pineapple and potatoes. -----itutuloy----- . . . . . . . . . . . . iloveyouallguys staysafalways❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD