Kylie's Pov
Noong umuwi kami galing sa mall ni Kate, hiniram nya sa akin ang phone ko, habang nagluluto ako ng dinner namin, nagpaalam syang sa living room na muna sya.
Pinagsawalang bahala ko lang naman iyon. Wala naman kasi akong dapat itagao eh.
Bumalik lang sya sa dining ng tawagin ko na sya para kumain, nagtataka pa ako kasi napakalapad ng ngiti nito.
"Bhabe okay ka lang ba?" tanong ko, nilapitan ko ito at chineck ang noo, pati leeg at kilikili chineck ko kung mainit, natawa lang naman sya sa ginawa ko.
"Wala naman bhabe i'm happy na, magiging live in partner na talaga tayo." natatawa pa nitong sabi.
Live in, anong pinagsasabi nito, nausog kaya to sa mall or maybe sinaniban ito o baka naman nanuno?
"Ano bang nangyari sayo, tyaka anong live in, live in ang sinasabi mo bhabe, di nag usap na tayo sa mall kanina lang, baka gutom ka lang?"
"Oo nag usap na tayo, pero ang sabi mo magpaalam muna ako sa parents ko and parents mo, dinagdagan ko pa nagpaalam na din ako sa baby natin, and excited na silang makilala ako." di mawala ang ngiti sa mga labi habang nagpapaliwanag ito.
"Wait bhabe, naguguluhan ako, ano--" di ko natapos ang sasabihin ko ng idikit nito ang hintuturo sa labi ko.
"Ganito kasi yan bhabe, di ba hiniram ko phone mo kanina? Ginawa ko yun kasi gusto kong tawagan ang parents mo, nagpakilala ako bilang girlfriend and pinaalam ko na kung pwede ka bang tumira dito sa condo and guess what? sabi nila bahala ka daw and to continue my story, pinakausap nila sa akin ang baby natin. Gulat pa ako ng masaya nya akong kausapin at sabi pa nya excited na daw syang makita ako ng personal. Parang gusto ko biglang umuwi tayo ng Bicol para makilala ko na sila." paliwanag nito.
"Kina--" pinutol ulit nito ang sasabihin ko.
"Wait, di pa ako tapos magkwento bhabe. About naman sa parents ko, sabi nila isasuggest palang sana nila yun sa atin pag pumunta tayo sa bahay eh, para daw kampante silang may kasama ako dito sa condo. So...... kelan na tayo bhabe magliligpit ng gamit mo?" sabi nito habang tataas taas ang dalawang kilay.
Napatulala lang ako sa mga sinabi nito, di pa masyadong mag sink in sa utak ko yung mga sinabi niya. Hindi ba parang mabilis yung mga pangyayari.
"Bhabe, hindi ka ba masaya na magkasama na tayo sa iisang bubong?" himig nagtatampo ito.
"No bhabe, hindi ko lang ini-expect na talagang tatawagan mo pa sila nanay, at ang parents mo para lang ipaalam na gusto mong makasama mo ako agad agad dito sa condo mo." hinawakan ko ang pisngi nito at marahang ginagalaw ang hinlalaki.
"So kelan ka lilipat dito?"
"Ahm,, next off ko nalang bhabe, hindi na ako pwedeng mag off eh, namumuro na ako kay Boss." sabi ko habang nagkakamot sa sintido.
Sumilay naman ang malapad nitong ngiti.
"I can't wait na always kang makatabi sa pagtulog bhabe."
"Hehehe, bhabe may sasabihin ako sayo about sa pagtulog." alangan ko pang sabi.
Napakunot naman ang noo nito.
"Bakit bhabe ano problema sa pagtulog? naghihilik ka ba? Okay lang yun sa akin, promise." Tinaas pa nito ang kamay na parang nangangako.
"Hmmft, di kasi ako nakakauwi every night bhabe, lalo na kung madami akong client at inaabot akong 1 or 2am pinapatulog na akk sa bahay ng tinitherapy ko. Yun ba okay lang sayo bhabe?"paliwanag ko.
"Kung yan ang pinoproblema mo, susunduin kita kung nasaan ka just chat or maybe call me."
"Sabi ko na nga, na yan ang sasabihin mo, hindi naman ako papayag na bumyahe ka la ng paglayo ng dis oras ng gabi baka ikaw naman ang mapahamak."
Hindi ito umimik sa sinabi ko.
"Hey bhabe, may tiwala ka naman sa akin di ba? Ayaw ko lang mapahamak ka and also para na rin sa safety ko na hindi na bumyahe ng dis oras." hinawakan ko ang kamay nito, nakikiusap na sana pumayag sya. Kinagat lang nito ang pang ibabang labi, waring nagpipigil nag emosyon.
"What if, maghire ako ng driver for you bhabe?" Suggestion nito.
"Nagpapatawa ka ba bhabe? mahire ka ng driver wala naman akong sasakyan.hahaha" hinampas naman ako nito pagkasabi ko niyon.
"Bhabe naman eh, syempre yung kotse ko ang gagamitin." himutok nito.
"Bhabe, baka yung kikitain ko kulang pa sa ipapasweldo ko sa driver na yan."
"Ako ang magpapasweldo sa kanya, tyaka magiging driver ko din sya pag may pupuntahan ako, basta gusto ko dito ka uuwi everyday. Gusto kong gigising ako sa umagang ikaw ang katabi bhabe, please pumayag ka na?" pagmamakaawa nito at pinagsalikop pa ang dalawang kamay na animo'y nagdadasal.
"Papayag ako sa isang kondisyon? "paayos naman ito ng upo.
"Hmf ano yun bhabe kahit ano pumayag ka lang please."
"Hindi lang ikaw ang magpapasweldo sa kanya hati tayo, okay? and kung kukuha ka pwedeng yung hindi gwapo, kahit maedad na. Mahirap na, baka kung gwapo baka biglang magbalik loob ka."
"Hahaha, hindi ka naman obsess niyan bhabe, actually payag ako sa kondisyon mo na hindi gwapo ang kuhain mamaya nyan baka magkagusto pa sayo bigla mo pa akong iwan.hahaha Pero don sa pagpapasweldo i insist bhabe ako na don."
"No, that's my condition kung ayaw mo ayaw ko din. Nakatipid na nga ako sa apartment makakatipid pa ako sa pamasahe, and also ayaw kong isipin ng ibang tao, lalo na ang parents mo na pera mo lang ang habol ko sayo."
"Okay, kung yan ang gusto mo bhabe. mag aask ako sa agency ni Mang Albert ng bagong driver. Pero sa ngayon kain muna tayo kanina pa nag aantay ang pagkain, and kanina pa din ako takam na takam sa niluto mong adobo." sabi nito at nag umpisa ng kumuha ng kanin at ulam.
Nag umpisa na syang kumain, pinagmasdan ko muna ang reaksyon nya sa niluto kong ulam. Pumikit ito.
"Bhabe anong lasa? Pasado ba?" tanong ko, nananatili pa rin itong nakapikit at umiling, napasimangot naman ako sa reaksyon nito. Hinarap ako nito at hinawakan ang kamay ko.
"Sorry bhabe, pero di sya masarap." seryoso nitong sabi. Kaya tinikman ko ito yung niluto ko, wala naman akong nalalasa na hindi maganda, pakiramdam ko masarap naman sya.
"Maalat ba , maasim ,o matamis na masyado bhabe?"
"Actually hindi sya masarap kasi, sobrang sarap bhabe. Parang tataba ako nito pag laging ganito ang luto mo.hehehe"
"Akala ko talaga bhabe di na masarap, yan kasi ang favorite kong lulutuin eh. Tyaka talagang patatabain kita kasi di lang tiyan ang bubusugin ko sayo kahit ang puso mo, bubusugin ko ng pagmamahal ko sayo." sabi ko sabay kindat.
"Hahahah, kain na nga lang tayo baka gutom ka na." sabi nitong di mapigilan ang pamumula ng mukha.
Masaya kaming nagkikwentuhan habang kumakain.
After namin kumain sya na ang nagpresintang maghugas ng aming pinagkainan, di ko maiwasang bumilib dito kasi alam kong lumaki itong may gintong kutsara sa bibig pero marunong ng mga gawaing bahay.
Nanuod kami ng netflix after nyang maghugas ng plato, then after ng isang movie natulog na din kami.
-----Kinabukasan-----
Maaga akong gumising para maghanda ng breakfast.
Masaya kaming kumain ng agahan at sabay kaming lumabas ng condo nya para pumasok sa kanya, kanyang trabaho.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
hello guys sorry again sa late update, if gusto nyo palang i-mention yung name niyo next episode, commeng nyo lang po yung name nyo. thanks guys.
iloveyouallguys
staysafealways❤ .......