bc

Just The Way You Are

book_age18+
957
FOLLOW
2.7K
READ
opposites attract
comedy
twisted
bxg
campus
rejected
slice of life
weak to strong
actress
shy
like
intro-logo
Blurb

What if a FAT beauty who's always been a laughing stock transforms into a gorgeous queen of the school? Will she find true love in the new version of herself? Or will it be hard for her to find someone who will accept her just the way she is before?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
BABOY, taba, barney, winnie the pooh, patay-gutom, pangit—yan ang madalas na marinig ni Vianna Fatima sa kanyang paligid. Kahit kasi sa mansyon nila ay hindi matatapos ang araw kung hindi siya magawang katatawanan. Yes, she's a big-fat woman at wala siyang pakialam. Kasalukuyang nag-aagahan si Fatima. Naglagay siya ng cereals sa kanyang bowl saka binuhusan ito ng gatas. Ikinagulat naman iyon ng kanyang ate kaya nilapitan niya ito. "Mommy, iyang si FATima h'wag mo na paghandaan ng baon ng mabawas-bawasan naman ang taba niyan," natatawang sabi ng kanyang Ate Vienna Felissa habang pinagdidiinan pa ang salitang FAT sa pangalan ng kapatid. "Vienna, hayaan mo nga iyang kapatid mo. Pasasaan pa at papayat rin iyan." "Pakiramdam ko nga, Mom papayat na ito. Cereals na lang kasi ang kinakain, o. Baka magutom 'to at mahimatay sa daan. I'm sure walang tutulong," pang-aasar muli ni Vienna saka bumungisngis. She went to her Mom and kissed her cheek saka namaalam dahil may shooting pa ito. Isa kasing modelo si Vienna kaya't gano'n na lamang ang pambu-bully niya sa kapatid dahil 'di hamak na maganda ang figure niya ng tatlong beses kaysa kay Vianna. "Sweetie," ani Mommy ni Vianna. "Po, Mom?" magalang na tugon nito na may bahid ng lungkot sa kanyang mga mata. "Kain ka lang anak. H'wag mo nang pansinin iyong ate mong pang-asar," wika ng kanyang ina upang mapagaan ang kanyang loob. "Don't worry, Mom. What she said was right." She smiled at her mom. "Sweetie, just take your time. Take everything easy, okay?" Her mom kissed her forehead bago niya tuluyang hinayaan ang dalaga na makapag-almusal. ANG Diez Onse University ay hindi maikakailang, para lang sa mayayaman. On the other hand, meron silang courses na ino-offer para sa mga mahihirap na hindi maka-afford ng pagkamahal-mahal na tuition. Iyon ang vocational courses kung saan naka-enrol ang mga kaibigan ni Vianna Fatima. Seperate din ang building nila. Sa likuran ng main building ng unibersidad at tatlong palapag lang. Hindi tulad ng sa main building which is composed of 6 floors, may elevator at airconditioned pa. "Bakla! Alam n'yo na ba ang chismis?" bungad agad ni Jaxy nang magkita-kita silang magbabarkada sa paaralan. Si Jaxy ay isa sa mga kaibigan ni Fatima. Halata naman sa pananalita pa lang nito na isa siyang sirena o sa madaling salita, bading. "Grabe talaga itong si Jaxy! Ke aga-aga, may baon agad na chismis. Pa-share naman ng atenna nang makasagap rin ako!" pagbibiro ni Alphy—isa rin sa mga barkada ni Fatima. "Ito na nga mga bakla! OMG! Alam n'yo na ba?" "Tangina naman, Jaxy. Paikot-ikot naman tayo, e. Bitayin kaya kita ng patiwarik?" pagbabanta ni Dorothy. Siya ang may pinakamatahas na bunganga sa kanilang magbabarkada. Solid ito kung magmura. "Ay, go na ba? So ayun na nga, bakla. Kasi ang sabi sa narinig kong chismis from my chikadorang seatmate kahapon, may pogi raw dito sa Univeristy!" nanggigigil na sagot ni Jaxy. The three girls frowned after hearing what Jaxy just said. "Jaxy, alam naming may pogi rito. Napakarami! Hindi mabilang kahit pagsamahin ko pa ang daliri ko sa kamay at paa! Ginoo, dong oy! Be specific naman!" sarkastikong sagot ni Alphy. Napa-bisaya tuloy ito. "Alphy, saan ka naman natuto ng dialect na 'yan?" nagtatakang tanong ni Fatima na kanina pa pabalik-balik ng tingin kina Jaxy, Alphy, at Dorothy. "Sa mga kaklase ko lang, bakla. So ano na nga Jaxy? Tagal, ah?" anito sabay batok kay Jaxy na tila wala na sa sarili at muntik nang malunod sa pagdi-daydream. "Alam n'yo naman 'di ba? Retired na iyong dati nating nutritionist sa school. . ." panimula ni Jaxy. "Bata, fresh, good-looking, at makalaglag panty raw ang pumalit sa kanya! Kyaaaah! Anakan mo ako kuya! Gusto ko na tuloy maging malusog." Nanginginig pa ito sa kilig. "T-talaga?" ani Fatima. Bago talaga sa kanila ang ganitong ganap. Madalas kasi, matatanda ang kinukuhang nutritionist. Bakit ngayon nag-hire sila ng bata? Sa isipan pa ni Vianna. "Girl, wala kang matres! Ambisyosa," natatawang pambabara ni Dorothy. "Ito naman! Via, o. Dumugin mo nga itong si Dorothy nang makaganti ako. Sakit magsalita, e," ani Jaxy na naghahanap ng kakampi. "Alam n'yo, mas mabuti pa ay bumili na lang tayo ng foods sa canteen. Libre ko," suhestyon ni Fatima na siyang nakapagpakinang sa mga mata ng mga kaibigan niya. "‘Yan! Iyan talaga ang gusto ko sa'yo, Vianna, e," pumapalakpak pang sabi ni Dorothy. Via ang tawag nila kay Fatima. Ayaw kasi ng mga ito ng FATima dahil para sa kanila, kapag iyon ang itinawag nila sa kaibigan, wala silang pinagkaiba sa mga nambu-bully sa kanya bilang FATima literal na mataba. Ngumiti lang si Fatima sa kanilang tatlo. Kailanman, hindi niya inisip na pine-perahan lang siya ng mga kaibigan kahit pa taga squater ang mga ito. Totoong mahal kasi talaga siya ng mga kaibigan. Sa ilang taong magkaibigan sila ay mas pinagtibay na ng panahon ang kanilang samahan. "Via, hindi ba sumagi sa isip mo na mag-diet? No offense, ha? Curious lang naman ako, bakla," ani Dorothy. Napaisip si Fatima. Bakit nga ba? Ano naman ang dahilan para mag-diet siya? Kung mamahalin siya ng tao, gusto sana niyang mahalin siya sa kung ano siya na kahit walang baguhin sa kung ano ang itsura niya ngayon. "Never, Dorothy. I want people to love me for who I am," mabilis nitong sagot. "Panay talaga ang english mo kapag kausap kami. Nagdudugo ilong ko sa'yo, e. Tissue nga riyan, bakla!" pagbibiro ni Jaxy sabay hingi ng tissue kay Alphy. Kasalukuyan silang nasa canteen at kumakain ng burger saka fries na in-order ni Fatima. Mamahalin ang mga paninda rito pero sulit na sulit naman at masarap. Lasang pang mayaman. "Grabe, kapag talaga nagkikita tayo, 'dun lang talaga kami nakatitikim ng ganito, Via, e." Mabilis na nilantakan ni Dorothy ang burger na akala mo isang taong hindi ito nakatikim. "Salamat talaga rito, bakla. Dakilang taga-libre ka talaga namin. Babawi talaga kami sa'yo once graduate na tayo," saad ni Alphy habang nakatingin sa mga mata ni Fatima. "Ano ba kayo, okay lang iyon. I'm happy to help you guys." "Sobra-sobra na nga, bakla. Ikaw nga ang tumulong na makapasok kami rito, e. Akalain mo 'yon? Tatambay-tambay lang naman kami sa bahay. Kung hindi ka namin nakilala, baka hanggang ngayon, wala kami rito sa unibersidad na 'to," ani Jaxy. Si Fatima kasi talaga ang rason kung bakit nakapasok sila sa unibersidad. Siya ang tumulong sa mga kaibigan niya. Ibinalik lang nito ang tulong na ginawa nila sa kanya tatlong taon na ang nakalilipas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

PLEASURE (R—**8)

read
58.0K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
42.8K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.5K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.7K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook