"Good morning!" malakas kong sigaw habang pababa ng hagdan. Nakabihis na ako at hindi pa nakakapagsuklay dahil nawawala ang suklay ko.
"Good morning din sa pinakamagandang babae rito sa bahay," sabay-sabay nilang bati sa akin.
Para talaga silang naka-synchronized, eh.
"Pamilya po ba tayo ng echusera? Grabe sila, oh. Natural po na ako ang pinakamaganda rito dahil ako lang naman ang nag-iisang babae sa bahay."
"Aba't kahit sino pa ang katabi mo, bunso, ikaw pa rin ang pinakamaganda para sa amin," saad ni Kuya Gino.
Oh, 'di ba? Ang sweet talaga nila.
"Bakit hindi ka man lang nagsuklay?" puna naman ni Kuya Reymond. Kararating n'ya lang galing sa trabaho base sa damit n'ya.
"Nawala ang suklay ko, eh. Itatali ko na lang para hindi halatang hindi ako nagsuklay. Sabagay, hindi naman mahahalata dahil kulot naman ang buhok ko."
"Sa linggo, gawan natin ng paraan 'yang buhok mo," saad naman ng gwapo kong papa.
"Yes!" Napapalakpak ako. "Ipapa-straight natin ang buhok?" Tuwang-tuwa talaga ako dahil sa wakas makakaranas na rin ako ng matinong buhok.
Hindi niyo kasi naitatanong, pangarap ko kasi talagang makaranas ng straight hair.
Waah! Hindi naman sa nag-iinarte ako sa buhok ko, kalbaryo lang talaga ang inaabot ko sa t'wing nagsusuklay ako. One time pa nga ay nabali ang suklay dahil sa tigas ng buhok ko.
Para nga raw akong bruha sabi ng mga classmates kong bully. Eh, ang 'di nila alam ay mas bruha sila dahil sa attitude nila.
"Hindi," sagot ni Kuya Gino, "Ipapakalbo ka na namin."
"Waahh!" kunwari ay iyak ko kaya nagtawanan kami.
Wala, nag-iinarte lang ako. Bakit ba?
"Kumusta naman ang bagong cp mo?" tanong Kuya Rick. Tulad ni kuya Gino ay naka-uniform na rin s'ya.
Habang nag-uusap kami ay naglalakad na rin kami papunta sa kusina.
Nakakapagod rin pala ang may malaking bahay kasi ang layo ng lalakaran mo before ka makapunta sa ibang part ng bahay. Pero hashtag blessings talaga ang life namin.
"Hindi ko pa ino-open. Nilipat ko lang ang simc card ko kagabi."
"Basta, mag-aral ka nang mabuti dahil gagawin namin ang lahat para makapagtapos ka," saad ni papa na huminto sa paglalakad para lang titigan ako. Mayamaya ay sa damit ko na naman s'ya tumingin. "Naninilaw na pala 'yang uniform mo. Kailangan na pala 'yang palitan."
"May pera pa po ba kayo?" nahihiyang tanong ko dahil magmula pa kagabi, parang ako na lang nang ako ang inaalala nila.
"Oo naman. May natira pa sa ipon namin. Kaya lang talaga tayo gipit dati ay nag-iipon kami para sa bahay na 'to. Kaya ngayong may sarili na tayong tirahan ay dapat lang na maging maayos ka," sagot ni papa na nakangiti pa. "Dalagingding ka na kaya dapat lang na malinis kang tingnan." Inakbayan ako ni papa at nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa kusina.
Tulad nga ng sabi ko, dahil sa hirap ng buhay namin nitong nakaraang halos apat na taon, inuuna namin ang mga bagay na importante talaga tulad ng tubig, pagkain, kuryente at upa sa bahay.
Ang pinakaluho namin ay kumain sa mumurahing fast food chain kapag may natira. Idagdag pa na 300 parati ang baon ko. At kahit pa sabihing binigyan ako ng libreng pag-aaral sa pinapasukan ko dahil sa kaibigan ko ay may mga bayarin pa rin ako sa school.
"Sige po, papa," saad ko bago namin sinimulan ang pagkain.
Feeling ko ay ang dami ng makakain ko ngayon dahil ang sarap ng amoy ng bawang sa sinangag. Sobrang dami pa kaya mapapa-oh, ah, ah ka na lang sa sarap kahit walang Magic Sarap.
Bawat subo ay ninamnam ko lalo pa at tapa ng baka ang ulam namin. After 100 light years ay natapos na rin ako.
Ang malaking tiyan ko ay mas lalo pang lumaki dahil sa dami ng nakain ko but it's okay kasi hindi na ako dapat mag-inarte kasi wala na akong dyowa.
Tumayo na ako matapos kumain. Kahit hindi pa tapos kumain si papa ay tumayo siya para asikasuhin ako.
Ibinigay sa akin papa ang may kalakihang paper bag.
"Nandiyan na sa loob ang ibibigay mo sa mga kaibigan mo na ginawa mo kagabi. May kanin at ulam na rin d'yan. Sa canteen ka na lang bumili ng maiinom mo." Inabutan ako ni papa ng 5k.
"Pa?" gulat na tanong ko dahil sa laki ng ipinabaon n'ya sa akin. Luwa ang mata ko. "Sobrang laki naman nito." First time kong magbaon ng lilibuhin kaya nakaka-shock lang.
"Hindi ba at may utang ka kamo sa canteen n'yo?" Tumango ako. "Malamang na may utang ka rin sa mga kaibigan mo." Tumango uli ako.
"Pero, pa, 'yong utang ko sa mga kaibigan ko ay hindi na nila pinapabayaran sa akin."
"Kahit sabihin nila 'yon ay dapat magbayad ka. Anak, ang utang ay utang at dapat mong bayaran kahit pa sa matalik mong kaibigan."
"Opo, pa. Salamat. Aalis na po ako." Humalik ako sa pisngi n'ya.
6:30 pa lang kaya marami pa akong time magnilaynilay...
Maaga pa para sa akin ang 6:30 a.m.
8:00 a.m pa kasi nagsisimula ang klase namin. Sigurado naman akong nandoon na si Mang Luz nang ganito kaaga.
Hinatid ako ng mga kuya ko sa school namin at wala pang 5 minutes ay nakarating na kami malapit sa gate ng school ko. Ilang lakaran pa ang layo ng gate sa binabaan ko.
Hindi kasi ako nagpababa sa tapat mismo ng gate dahil nahihiya ako. Ang awkward kasi na may makakitang may kotseng naghatid sa akin.
"Ingat pi kayo sa trabaho." Hinalikan ko pa sila sa pisngi dahil nasa backseat ako at nasa front naman sila.
"Aral nang mabuti, bunso."
"Opo."
Tama nga ako na maaga pa dahil hindi pa masiyadong marami ang tao sa school kaya dumiretso na ako sa canteen.
"Good morning, Manang Luz!" bati ko kaagad sa butihing ginang.
"Magandang umaga rin sa iyo, hija. Bakit ang aga mo naman?"
"Ah, sinadya ko po talagang agahan para mapaaga rin ang swerte sa tindahan n'yo," biro ko pa sa kanya. "Magbabayad po ako ng mga inutang ko. Mukhang natengga na po kasi sa tagal kong hindi nakapagbayad."
"Ano ka ba namang bata ka, ayos lang naman. Sino pa bang magtutulungan, edi, tayo lang din namang nasa magkaparehong estado," sagot n'ya sa akin.
Hindi ako kumbinsido sa sinabi n'yang magkapareho kami ng estado dahil alam kong mayaman sila Manang Luz. Mabait lang talaga s'ya at tila naaawa rin sa akin dahil kahit maganda ako ay mahirap ako. Joke lang.
"Magkano po lahat?" nakangiti kong tanong.
"Teka lang, hija. Nasaan na ba 'yong listahan ko. Ay, ito." Inilapag n'ya ang notebook at nang makita ko ang listahan ay nakaramdam naman ako ng kaunting hiya and at the same time ay gusto kong matawa.
Paano ba naman kasi, 'yong notebook na listahan ng mga may utang kay Manang Luz ay ang pangalan ko lang ang nakalista.
Jahe ampotpot!
"Magkano po lahat?"
"Bayad ka na, hija, ah?"
Binigyan ko s'ya ng nagtatakang tanong. "Po? Eh, hindi pa po ako nagbabayad, ah? Ngayon pa nga lang po, eh."
"Oh, tingnan mo." Ipinakita n'ya sa akin ang notebook na may nakalagay na paid sa total na 2,758.
Ang akala ko talaga ay sobrang 1k lang.
Mang makita ko ang cash na hiniram ko para sa project ko last month ay ngayon ko lang naalala.
"Hala!" gulat kong saad. "Bakit po nagkaganyan? Bakit po bayad na ako?"
"Tatanungin ko si Loreta." Tukoy n'ya sa katuwang n'ya sa canteen. "Loreta! Loreta! Pumarine ka nga muna."
"Po?" sagot naman ni Loreta na iniluwa ng pinto. "Hi, Ate Kay," nakangiting bati n'ya sa akin. Siya parati ang nagbibigay sa akin ng libreng sabaw na may laman pa kapag kinapos ako sa pag-order.
"Hi rin," bati ko rin sa kanya nang nakangiti.
"Bakit may paid na nakalagay na 'tong nasa listahan ni Kakay? Sabi n'ya naman ay hindi pa s'ya nagbabayad." Hindi naman galit si Manang. Tono lang ng nagtatanong.
"Ahh, 'yan po ba? Hindi po ba't ibinigay ko sa iyo kagabi ang bayad?"
Napakamot naman ng ulo si Mang Luz. "Oo nga pala, nakalimutan ko. Mahirap talaga ang matanda na at nagiging makakalimutin."
"Eh, hindi pa naman ko nagbabayad, e?" naguguluhan pa ring tanong ko. "Ngayon pa lang sana ako magbabayad. Sino naman ang nagbayad sa iyo?"
"Babae po, eh."
Babae? Sino naman kaya iyon? Hindi kaya si Maru?