ANG BAGONG CLASSMATE NI KAKAY

1252 Words
Nag-isip ako nang nag-isip pero si Maru lang talaga ang naiisip kong nag-iisang babae na magbabayad ng utang ko, eh. "Si Maru ba?" Haist. Ang bait talaga ng kaibigan kong iyon. Ang sarap i-kiss sa pwet— "Hindi, Ate Kay, eh." Eh??? Kung hindi si Maru, sino? "Kilala ko naman si Ate Maru. At isa pa, mukhang may asawa na 'yong babae. Maganda at mukhang mayaman. 3000 nga ang ibinigay sa akin kaya 'yong sobra sa ibinayad ay akin na lang. Wala kasi dito noong hapon si Manang Luz kaya hindi n'ya nakita," paliwanag ni Loreta kaya natameme ako. "Sino naman kaya 'yon?" "Hindi ko po kilala, eh." "Ahh, sige." Aalis na sana ako nang maalala ang ibibigay ko sa kanilang pagkain. Kinuha ko ang isang tupperware at ibinigay sa kanila. "Gawa ko po iyan kagabi." "Ah, ano ba ito?'' "Cupcakes po, Manang. Masarap po iyan kasi ako ang gumawa." Malaki pa ang ngiti na ibinigay ko sa kanilang dalawa. "Ha? Ay, sige, salamat ng marami, hija." Matapos naming mag-usap ay umalis na rin ako. Maaga pa pero may mga students na rin naman na nagsisidatingan. Papunta na sana ako sa room namin nang makaramdam ako ng kakaiba. "s**t! I feel something that everything! Bakit ngayon pa?!" Patakbo akong bumalik sa canteen at. . . "Manang, iwan ko na muna 'to sa inyo dahil kailangan kong mag-ebakuate!" Iniwan ko sa kanila ang mga gamit ko at nagmamadali kong tinungo ang C.R at inilabas ang dapat kong ilabas. "Ang baho!" Nalukot ang ilong ko dahil sa baho na umaalingasaw rito sa loob. Napatakip pa ako sa ilong ko. Buti na nga lang at ako lang ang nasa C.R dahil kung hindi ay naging tampulan na naman ako ng tukso. Dinaig ko pa kasi ang nakikipaggera dahil sa nagaganap na putukan mula sa pwet ko. Thank you, Lord! sabi ko nang matapos ako. Legit talaga ang pawis ko. Grabe! Buti na lang talaga at may sabon at alcohol dito sa banyo. Halos ipaligo ko ang alcohol dahil tila dumikit sa katawan ko ang amoy ng inilabas ko. "Nabigla yata ang tiyan ko dahil sa kinain ko," natatawa ko pang sabi sa sarili ko at humarap sa salamin. "Hindi ka talaga sanay sa masasarap na pagkain, Kay, dahil strike land ka." Natawa ako sa sarili ko sa salamin dahil hindi pa nga nag-start ang klase ay ang haggard ko na. Matapos laiitin ang sarili ko sa salamin ay lumabas na ako. Sisipol-sipol pa akong naglakad papunta sa room namin. Hindi ko pa man halos naihahakbang ang paa ko papasok sa room namin nang salubungin ako ng yakap ni Maru at Philip. "Kay, okay ka lang?" tanong ni Maru na may pahikbi-hikbi pa. Wahahahaha! Ako ang nagwagi! Char. Whats? Oo, may 's' talaga. "Sorry sa nasabi namin kahapon sa iyo. Hindi namin sinasadya iyon, Kay," saad naman ni Philip na nakiyakap na rin sa amin ni Marum "Ahh, okay lang 'yon at isa pa, tama rin naman kayo sa mga sinabi niyo sa akin, eh," sagot ko. "Okay ka lang ba?" "Ha? Oo naman! Bakit naman hindi ako magiging okay?" "Kasi kagabi, pumunta kami sa inyo kaso ang sabi ng mga kapitbahay n'yo ay kaaalis n'yo lang din raw doon sa lugar dahil pinalayas kayo ng kahera n'yo dahil may problema kayo sa renta. Sana sinabi mo sa amin na kailangan n'yo ng pera pambayad sa renta dahil may pera naman ako, eh. Pate 'yan si Philip, may pera din. Ano pa at naging magkaibigan tayo kung hindi ka man lang namin matulungan sa oras na kailangan mo kami," mahabang banat nitong si Maru. Mabait talaga 'tong mga kaibigan ko. Legit! "Na-touch move naman ako sa inyong dalawa," biro ko pa pero hindi sila natawa. Malungkot talaga at nag-aalala ang mga mukha nila. "Pero okay naman ako kaya wala na kayong dapat ipag-alala sa akin." "Saan na kayo ngayon nakatira?" tanong ni Maru. Naglakad na kami papunta sa upuan namin. "Gusto n'yong malaman?" tanong ko with matching pataas-taas pa ng kilay. Maarte lang. "Oo naman. Saan ba?" Si Philip. "Mamayang hapon, punta tayo sa bahay namin. Kung gusto n'yo ay mag- sleepover pa kayo roon, eh. Ano?" anyaya ko sa kanila. "Gusto ko sana kaso may lakad kami bukas nila mommy, eh," dagot ni Maru. Kapag nasa kanila kasi ang parents n'ya ay nag-a-out of town sila para pambawi raw sa mga araw na wala sila sa tabi ni Maru. Sa katunayan ay naisama na rin nila ako noong magpunta silang Tagaytay. "Ako naman ay wala, kaso kailangan kong magpunta sa company namin dahil utos ni Lolo." "O, sige pero doon tayo maghapunan sa bahay mamaya. Ayos ba?" "Oo," sagot nilang dalawa. "Tayka..." Matigas ko pang pagkakabigkas. "Bakit nga pala kayo nagpunta roon sa inuupahan namin?" "Na-guilty kami sa sinabi naman sa iyo at sa ginawa naming pag-walk out kahapon. Alam naman namin na may nasabi kaming masasakit na salita laban sa iyo. Wala kaming karapatan para pigilan ka sa gusto mo pero kasi kaibigan ka namin at concern kami sa mga bagay na maaaring makapanakit sa iyo," mahabang paliwanag Maru. "Sorry din," hingi ko ng paumanhin sa kanilang dalawa. Napatingin naman sila sa aking dalawa. "Sorry dahil nagbulag-bulagan ako. Nagalit pa ako sa inyo kahit alam ko na mali ako. Kahapon ko lang napatunayan na ang laki kong tanga." "Sa susunod, 'wag kang basta-basta maniwala sa mga lalaki, Kay, dahil ang iba sa kanila ay may kailangan lang sa inyong mga babae kaya nagiging mabait at lapit nang lapit." Nakatingin sa aming dalawa ni Maru si Philip habang sinasabi ang mga bagay na 'yon. "Kaibigan ko kayong dalawa kaya ayaw ko na niloloko kayo ng kung sino." "Salamat," sabay naming sabi kay Philip. "Akala talaga namin ay hindi ka na makakapag-aral, Kay." "Bakit naman?" "Itanong mo kay, Maru." "Kasi kanina, pumunta uli kami roon sa dating lugar n'yo dahil nagbabakasakali kaming bumalik kayo roon o kaya ay may makapagsabi kung saan na kayo kaso ay walang may alam kung nasaan na kayo. 'Yong naghatid naman daw sa inyo kagabi na si Mang Kulas, tikom din ang bibig. Ayaw sabihin sa amin kung saan ka namin makikita kaya naman pumasok na lang kami rito baka nandito ka na kaso hindi ka naman namin nakita. Maging sa canteen na tambayan mo ay wala ka." "Galing nga ako kanina sa canteen. Papasok na sana ako rito sa room when suddenly I felt something that everything kaya imbes na pumunta rito ay nagtatatakbo ako sa C.R." "Ha?" sabay pa nilang tanong. "Oo, mga besh! Nag-ebakuate ako bago n'yo ako yakapin!" pabiro kong sigaw sa kanila kaya naman nagpagpag pa sila kunwari na tila diring-diri at matapos ay nagtawanan kami. Ilang minuto lang din ay dumating na ang first subject teacher namin na may nakasunod na lalaki at dahil naiihi ako ay hindi ko na nakita pa kung sino ang kasunod n'ya dahil pumasok na ako sa C.R.. Dinig ko pa rin naman sila kahit nasa ibang dimension ako. "Okay, class, you have a new classmate." "Hi..." Boses ng lalaki. Mmm, infairness, maganda ang timbre ng boses. "I'm Knight Samaniego. I'm your new classmate and your new janitor." Whats? Ano raw? Dahil naghagalpakan sa tawa ang mga classmate ko na hindi ko alam kung bakit ay nagmadali akong lumabas ng banyo. "Hala!!" malakas na sigaw ko habang nakaturo pa kay Dwight daw na bago naming kaklase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD