FIVE IN THE MORNING pa lang ay gising na ako. Monday kasi ngayon kaya excited akong pumasok. Exited rin akong makita si Knight. Ang huling kita ko sa classmate kong iyon ay noong Wednesday pa. Hindi na kasi siya dumalaw nang Thursday hanggang sa makalabas ako. Hindi ko matanong sina Maru at si Philip tungkol kay Knight dahil nakakahiya rin naman. Ano ako, dyowa? Natural, hindi. Kaya nga wala akong karapatan para magtanong ng whereabouts ni Knight. Dinaig ko pa ang obsess na girlfriend. Natawa na lang ako sa naisip ko. Haist. I hope mag-end ng maganda ang high school life ko, Lord! Umalis na ako sa pagkakahiga sa kama ko at tumalon-talon sa sahig at nag- exercise. In all fairness, ha? Feeling ko talaga ay pumayat ako ng kaunti. Kaunti lang naman. Pero ramdam kong medyo nawala ang

