QUE CERA, CERA

1440 Words
Matapos mag-walkout ang Tropang Sipon ay natahimik ulit ang canteen. Ang grupo lang naman kasi talaga nila Paul ang magulo, eh. "Saan ka pupunta?" tanong ni Maru. Tumayo kasi si Philip at taka naman namin siyang sinundan ng tingin ni Maru dahil 'di n'ya naman sinagot ang tanong ng kaibigan namin. Naglakad s'ya papunta sa upuan ni Knight. Ano naman kaya ang trip nito?! Lumapit siya at kinausap niya si Knight. Sumulyap pa si Knight sa beauty ko. Kikindatan ko na nga sana siya, eh, pero bigla niya rin naman na inalis ang paningin niya sa akin. Nahiya sigurado. Tinapik ni Philip si Knight kaya tumango naman ang huli at tumayo. Pagbalik ni Philip ay kasunod n'ya na si Knight. "Hi," bati sa amin ni Knight. "Knight," pakilala n'ya sa amin. "Katrina pero Kakay na lang." Inilahad ko ang kamay ko at tinanggap n'ya naman. "Maru naman, brod," maangas na pakilala naman ni Maru. "Nice to meet you," sabi n'ya na lang kay Maru. Nginitian namin s'yang dalawa ni Maru. "Pagpasensyahan mo na 'yong mga 'yon at mga bullywood 'yon. Lahat pinagti-trip-an para masabing superior sila sa iba. Kain?" alok ko pa sa kanya kaya tumango s'ya at umupo. "Ano'ng bullywood?" takang tanong n'ya sa sinabi ko. "Mga bully ba. O, s'ya, don't mind me, kain na tayo at may klase pa." Habang kumakain ay pinagmamasdan ko lang si Knight. Bongga talaga ang name niya. Mukha siyang Knight in a Shining Armor sa fairytale. Crush ko na s'ya pero tulad ng sabi ko kagabi, focus na muna ako sa studies ko dahil gusto kong maka-graduate na may honor just like before. Magpapkatino na muna ako! Promise! "Don't get me wrong pero bakit k-kailangan mo pang magtrabaho bilang j-janitor dito sa school?" naiilang na tanong ni Maru. Ngumiti naman si Knight na para bang wala lang sa kanya ang tanong na 'yon ni Maru. Sabagay, marangal naman talaga ang trabaho n'ya at tulad ng sabi ni Maru, nakaka-amaze. "Sa ganoon kasing paraan, makakapag-aral ako nang libre." "Marunong ka ba sa kahit na anong sports?" Tumango s'ya. Itinuro ko si Maru. "Ayan, magpatulong ka sa babaitang iyan para makapasok ka pa rin dito kahit hindi ka na naglilinis. Libre din naman ang pag-aaral ko rito kasi mahirap lang din naman ako." Isa rin 'yon sa bagay kung bakit bigla akong natauhan. Ayokong sayangin ang pagkakataon na ibinigay sa akin ng family ko at family ng mga kaibigan ko. Alam mo iyon? They trust me pero lumandi ako nang kaunti. Kaunti lang naman. "Yeah, we can help you, bro." "Hmm, sasabihin ko ang case mo kay papa. Matalino ka kasi kaya sayang. Imbes kasi na makapag-fucos ka sa pag-aaral ay nahahati ang oras mo," suhestyon ni Maru. Ang bait talaga nitong mga bff ko. Ang saral halikan sa pwet. Natawa ako sa naisip ko kaya napatingin sila sa akin. "Salamat na lang pero hindi na kailangan. Ayos lang naman sa akin dahil mas mapapahalagahan ko ang pag-aaral ko dahil sarili kong pawis ang ipinuhunan ko," malumanay na tanggi n'ya. Pinag-aaralan ko lang kung paano s'ya kumain dahil masarap kasi s'yang kumain, eh. Siya 'yong tipong mabubusog ka kapag tinitigan s'yang kumain. Hindi talaga s'ya mayaman, walang table manner... Gusto kong matawa sa sinabi ko pero buti na lang napigilan ko. "Masarap ba?" tanong ko nang lantakan n'ya ang adobong karne na baka. "Hmm." Ngumuya-nguya siya kaya natameme ako. Ang kissable kasi ng lips niya. "Ikaw ba ang nagluto?" "K-kuya ko." Napalunok ako. Para kasing natuyo ang lalamunan ko. Behave, Kakay! Umiling-iling ako para matauhan ako. Kinuha ko ang naka-tupper na cupcakes at ibinigay sa kanya. "Sa iyo na lang 'yan, ako ang gumawa n'yan. Pasasalamat ko na rin." Naglingunan naman ang dalawa sa akin na tila nagtataka sa sinabi ko. "Kagabi kasi ay naglakad lang ako pauwi sa dati naming tinitirahan, sinundan n'ya ako secretly para daw malaman na makakauwi ako nang maayos. Safe ba kumbaga." "Magkakilala na pala kayo?" nakangising tanong ni Maru. Naintriga yata sila kaya naman nagpaliwanag ako. "Nagkasagutan tayo kahapon, hindi ba?" Tumango ang dalawa. "Matapos noon ay nakita ko ang totoong kulay ni Paul kaya naman nagliwaliw naman ako. Ito naman si Knight in Shining Armor ay lumapit sa akin at nagtanong kung ano'ng oras na. 'Yon lang naman tapos wala yata s'yang trip kagabi kaya sinundan n'ya ako." "Ahhhh..." mahabang sagot ng dalawa pero iba ang tinginan nila kaya pinanlakihan ko sila ng butas ng ilong. "At Bakiiiiiiit?" mahabang tanong ko. "Ang ganda mo," sabay pa nilang sagot at nagtawanan pa silang dalawa. "Letse kayo!" Nakasimangot kuno ako pero deep inside ay kinikilig talaga ako. "OKAY, Class..." English subject na namin. Last subject na rin. Mas napaaga dahil wala na naman si Sir Antonio. Ilang minuto na lang din at uwian na. "I want you to write a certain lyrics of a song and sing it in front of the class on Monday. It's up to you if you choose the chorus or any line of the song and explain how you understand the lyrics of the song. Understood?" "Yes, Ma'am!" "Okay, Class. I'll see you on Monday with your assignment." "Bye, Ma'am." Tatayo na sana ako nang lumapit naman sa akin si Agustin. Kabarkada s'ya ni Paul kaya magkatulad sila ng ugali. Mahilig mang-alaska na akala mo talaga ay may ibubuga. Bupols naman ang shunga! Buti na lang din at lumapit 'tong peste na 'to! Naalala ko kasi ang pera... Kung mayroon man. Titingnan ko na lang mamaya kapag ako na lang ang nandito sa room. Pauunahin ko na lang sina Maru at Philip sa paglabas mamaya. "HAHAHAHAHAHAHAHA!" Natauhan na lang uli ako nang marinig ko ang tawanan ng iba kong classmates. Inis ko namang tiningnan ang mga buang. "Ano na naman?!" "Galit ka na n'yang lagay na 'yan? Totoo naman ang sinabi ko, ah?" Ano ba'ng sinabi n'ya? Dahil busy ako sa kaiisip ng pera—kung mayroon man—ay 'di ko napansin na may langaw pala sa paligid ko. "Ang alin ba?" inis na tanong ko. "Ang paborito mong kanta ay iyong Que Cera, Cera..." sagot ni Agustin. Hindi ko alam kung bakit nagtatawanan na naman ang mga animal kong classmates maliban syempre kina Maru, Philip at Knight. Ano raw? "Hindi kaya! Better Now kaya ang paborito ko! At isa pa, ano naman sa iyo?" "Better Now your face!" bulyaw n'ya pa sa mismong mukha ko kaya natalsikan ako ng laway niya. May seven talaga. "Hindi mo pa amining Que Cera, Cera ang paborito mo. Iyon bang..." Kumanta s'ya. "Que Cera, Cera.... ng iyong mukha, mukha." "Hahahahahahahahahahahahahaha!" Malakas na tawanan nila habang ang mga kaibigan ko ay 'di na maipinta ang mukha sa sobrang pagkairita. "Tsahahahahaha!" sarkastikong tawa ko. Ginaya ko ang tawa ni SpongeBob. "Alam ko naman na pangit ako kaya hindi mo na kailangan pang ipangalandakan 'yan!" sigaw ko sabay tulak kay Agustin dahil na-offend ako. "Aba't lalaban ka pa talaga?!" Aasta s'yang babatukan ako kaya napayuko ako... Pero... Kyaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!! Bigla kasing sinangga ni Knight ang kamay ni Agustin kaya kinikilig ako! "Pare, respeto naman. Hindi naman tamang magalit ka samantalamg ikaw naman ang may kasalanan," malumanay ba saway ni Knight sabay bitaw sa kamay ni Agustin. "Ha!" singhal n'ya kay Knight. "Bakit nandito ka pa? Hindi ba at dapat naglilinis ka na?! Tsupi! Alis!" "Hoy!" Si Philip na hindi na nakatiis. "Umuwi na nga kayo! Mag-uuwian na lang, gagawa ka pa ng katarantaduhan. Doon ka sa tropa mo, 'wag dito!" "Kayong dalawa!" Turo ni Agustin sa amin ni Knight! "Pasalamat kayo dahil malakas ang kapit n'yo! Dahil kung hindi nakatikim na kayo sa akin! Krrrrrrkkkkk!" saad ng abnoy habang iminuwestra ang hinlalaki niya na kunwari ay ginigilitan ang leeg niya kaya malakas siyang binatukan ni Maru. "Aray! Ano ba?!" "Ang dami pang sinasabi, eh! Alis na nga sabi, eh!" sigaw sa kanya ni Maru kaya nagsialisan na sila. "Ayos ka lang?" Tumango ako. "Ano ka ba? Hindi ka pa ba nasanay sa mga ugali ng mga 'yon? Ako kasi, sanay na..." biro ko pa pero deep inside masakit. Kahit naman kasi araw-araw nila akong tawaging pangit, nasasaktan pa rin naman ako, e. What do they think of me? Bato! Ha! Mga walang-kwenta! "Alis na rin tayo dahil pupunta pa tayo sa inyo, remember?" Tumango ako sa sinabi ni Maru. Tulad ng plano ko ay pinauna ko na muna silang lumabas dahil nga may sarili pa akong agenda. Nang makalabas sila ay tsaka ko kinapa ang upuan ko. Tingnan mo nga naman... May Palabra de Honor pala 'yong mga lokong 'yon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD