HOUSE VISIT

1483 Words
Palabas na kami ng premises ng school nang magpaalam sa amin si Knight dahil may kukunin pa raw siya sa guard house. "Bike?!" sabay pa naming tanong na magkakaibigan nang makita namin ang dala niya. Nagkatinginan pa kaming tatlo bago ulit tiningnan ang hila-hila niya. The truth is, hindi naman kami nagulat dahil may dala siyang bike. Ang ikinagulat namin ay ang mismong bike niya dahil kalawangin na talaga masyado. "'Yan ang sasakyan mo?!" Nagulat talaga ako and at the same time ay nakaramdam ng awa sa kanya. Halata kasing sobrang tagal na ng bike na ginagamit n'ya. Luma na talaga at kaunti na lang ang walang kalawang. "Oo, bakit?" "Ahh? Wala naman. Saan ka nga pala? Pauwi ka na ba?" Pag-iiba ko na lang ng usapan kasi mukhang ang awkward naman ng reaksyon namin para sa kanya. Tumango siya. "Sama ka sa amin?" "Saan?" "Sa bahay namin. Doon ang punta namin ngayon. Pwedeng lakarin lang kaya kung gusto mong sumama, okay lang," nakangiting sagot ko. Nai-text ko na rin kasi sila kuya na 'wag na akong sunduin, baka kasi ma-shock sina Maru at Philip na may de-gulong na kami. Gusto ko silang ma-surprise pero ayaw kong magyabang. Napatingin uli ako sa bike ni Knight. Ting! Feeling ko may bombilya pang kumukutitap sa taas ng ulo ko dahil sa naisip ko. Bigla kong nailagay ang kamay sa bulsa ko. May 40k nga pala ako. Alam ko na ang gagawin ko! What a bright idea, Kakay! Kakay is me for the win! "Ano sama ka na?" pag-uulit ko dahil wala naman s'yang naging sagot. "Oo, brod. Sama ka sa amin. Masarap magluto ang kuya n'ya dahil Chef. Mabait din ang family n'ya. I-text mo na lang ang parents mo para malaman nila ang dahilan ng aberya mo." Si Philip na nakaakbay pa kay Maru. Tila nag-aalangan naman bago sumagot si Knight. "Sige. Nakakahiya rin naman na tumanggi." Nagkwentuhan kami hanggang sa marating namin ang subdibisyon na kinatatayuan ng bahay namin. Inusisa pa kami ng guard dahil hindi n'ya nga naman ako kilala. Mabuti na lang at dumating na sila kuya kaya naman nakapasok na rin kami. "Naks, yayamanin ka na pala ngayon, ah?" Dinunggol pa ako sa braso ni Philip kaya nabangga ko pa si Knight. Buti na lang at mabilis ang reflexes ni Knight kaya nasalo niya ako. Nang magkatinginan kami ay nag-beautiful eyes pa ako. Kaunting pa-cute lang ang ginawa ko bago ko sinagot si Philip. "Biglaan nga, eh. Akala ko nga kagabi ay sa bangketa na talaga kami titira. Hindi ko kasi knows na may bahay na kami. Surprise raw nila kuya sa akin kaya hindi na muna nila sinabi noong binabayaran pa nila 'tong bahay." "Nandiyan rin mama mo?" tanong ni Knight na hindi alam na wala na akong mudrakels. "Ah, wala. Bakit? Magpapaalam ka na bang manliligaw sa akin? Ang bilis mo naman?" biro ko sa kanya kaya natawa s'ya. "Ang cute mo talaga!" Nag-pout ako dahil sa sinabi niya. "Ano ako, tuta?" "Hindi lang s'ya cute, makapal pa ang mukha!" sabat ni Philip pero kapag sila ang nagsasabi sa akin ng mga bagay na tulad n'yan ay keri lang. Hindi naman ako nao-offend dahil ganito talaga kami magbiruan. At isa pa, sinasabihan nila akong maganda kaya bawing-bawi na sila. Huminto kami sa tapat ng gate namin. "Bahay n'yo na 'to, Kay?" "Hmm, pasok na tayo. Oy, Knight in My Shining Armor, feel at home lang, ha? Mi casa su casa!" sabi ko pa kahit 'di ko sure kung tama ba ang sinabi ko. Pagpasok namin ay nasa labas na si papa kaya sinalubong n'ya na lang kami. "Hi, tito!" bati ng dalawa. "Buti at nakapunta kayo?" nakangiting tanong ni papa sa dalawa at halatang nagulat sa presensya ni Knight. "Ahh, papa, si Knight, bago naming kaklase. Knight, papa ko!" maaksyon ko pang pagpapakilala sa future boyfriend ko. "Kumusta, hijo?" Nakipagkamay si papa sa kanya at tinanggap n'ya naman ang kamay ni papa. "Buti at nakilala kita." "Sus, si papa. Akala mo naman manliligaw ko ang ipinakilala ko sa kanya." Inakbayan ako ni papa bago ginulo ang bukoh ko. "Pasok na tayo at naaamoy ko na ang masarap na lutuin sa loob. Knight, diyan mo na lang ilagay ang bike mo. Pasok na tayo." "Mabuti nga at umuwi nang maaga ang Kuya Rick mo kaya natulungam akong magluto," sabi pa ni papa habang papasok kami. Bumaling siya kay Knight na halatang naiilang. "Hijo, 'wag kang mahihiya, ha? Kapag kaibigan ng anak ko ay welcome rito sa amin kaya 'wag kang maiilang." "Ahh, opo." "Bunso, mabuti pang samahan mo muna silang mailagay sa taas ang mga gamit nila nang makapagbihis na rin kayo para pagbaba niyo ay makakain na muna tayo. Dito ba kayo matutulog?" Si Maru ang sumagot. "Naku, hindi po, tito, at may lakad kami nila mommy. Dumating kasi sila kahapon kaya kailangan naming mag-bonding ngayong weekend." "Ah, ganoon ba? O, sige. Pero kapag gusto n'yong pumunta at matulog dito ay sumama na lang kayo kay Kakay para naman makapag-aral kayo kahit weekend. Kapag kasama n'yo lang kasi nag-aaral ng lesson n'ya 'yang isa." "Papa, naman, ibinuko n'yo pa ako. Akyat na muna kami, pa," sansala ko dahil medyo nahiya ako. Medyo lang naman. Matapos naming magbihis ay bumaba na kami. Nang nasa hapag na kami ay nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Buti na nga lang ay hindi naikwento nila Maru ang mga pinaggagagawa ng iba kong kaklase sa akin dahil baka sugurin nila papa ang mga 'yon. Nang maipakilala ko kila kuya si Knight ay natuwa rin sila dahil nadagdagan daw ang kaibigan ko—ang mabubuti kong mga kaibigan. Ngiti, tango at iling lang ang kadalasang naisasagot n'ya sa mga tanong dahil halata naman na naiilang s'ya kila kuya at papa. Mabilis lang na tumakbo ang oras. Natapos kaming kumain at nagpahinga lang sila saglit bago nagpaalam. Dahil naawa sila kuya kay Knight, pinadalhan pa s'ya ng pagkain. Ganoon yata talaga kapag naranasan mo kung ano'ng pinagdadaanan ng isang tao. Madali lang para sa 'yo ang maka-relate kaya madali lang sa iyo ang tumulong. SATURDAY! Tulad kahapon ay napakagaan ng katawan kong gumising. Malambot kasi ang kama kaya naging komportable ang naging pagtulog ko, hindi tulad dati na sa sahig kang kami at banig ang sapin. Pagbaba ko ay nasa hapag-kainan na sila. "Good morning," bati ko sa kanila sabay halik sa mga pisngi nila. Kahit dalawang araw na kaming nakatira sa bagong bahay namin ay tila hindi pa ako sanay. Ang bongga lang talaga! "Saan ka ngayon?" si Kuya Rick. "Hindi ko pa po sigurado, eh. Bakit, kuya?" "Gusto mo bang mamili ng bagong damit?" "Po? Ahh..." Napaisip ako. May mga damit pa naman ako, mga butas na nga lang ang iba. "'Wag kang mag-alala sa pera dahil bibigyan ka naman namin. Hindi ba't sabi naman namin sa iyo na kapag may kailangan ka ay magsabi ka lang sa amin." "Oo nga po pero magsisimba naman tayo bukas?" Tumango sila. "Bukas na lang ako mamimili ng damit para alam n'yo rin kung magkano lahat. Sige kayo, kukupitan ko kayo." "E di, may lakad ka nga ngayon?" Si papa naman. "Hmm, ganoon na nga po. Bibisitahin ko si mama para naman alam n'ya kung nasaan na tayo." Tahimik lang sila tulad ng dati. "Kayo po bang tatlo, kailan n'yo ba balak dumalaw sa puntod ni mama?" "Busy lang talaga kami, bunso," parang walang gana pang sagot ni Kuya Reymond. "Sabagay. Araw-araw din po kasi kayong may trabaho. Tapos dumagdag pa 'to si papa na ngayon ay may trabaho na rin yata." "Bakit mo naman nasabing may trabaho na ako?" "Narinig ko lang kagabi." "Ano bang narinig mo kagabi?" "Na kailangan na pumunta ni papa sa Ayala para makita ang lugar na papasukan?" patanong kong sagot. "Ibig sabihin lang noon ay may trabaho na rin s'ya. Parang gusto ko na tuloy magsisi na okay na itong buhay natin dahil baka minsan na lang ang bonding nating apat hindi tulad dati na kahit mahirap ay lumalabas pa rin tayo at nakukuntento sa s**o't gulaman at kwek-kwek sa kanto." Tumayo si Kuya Reymond at ginulo ang buhok ko. "Anak ng! Ano ba naman 'tong buhok mo, bunso? Dinaig pa ang alambre sa tigas." Lumabi ako. "Hindi po ba at ipapaayos n'yo na ang buhok ko?" "Hmm. At magpapayat ka na rin." Si Kuya Gino. "Bakit? Sobrang taba ko na ba?" "Hindi naman ang pagiging mataba mo ang problema. Inaalala lang namin ang kalusugan mo." "Oo nga po. 'Yon nga po ang sabi ko, 'di ba?" Ngumiti ako. Matapos ng agahan ay nagkanya-kanya na kami ng asikaao ng mga dapat naming gawin. Sila kuya at papa ay may dapat daw gawin ngayong araw na 'to at ako naman ay pupunta nga sa sementeryo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD